Chapter 36
Chapter 36: Weird Feeling
Lei's Point of View
▪︎K▪︎I▪︎N▪︎A▪︎B▪︎U▪︎K▪︎A▪︎S▪︎A▪︎N▪︎
Hanggang sa magising ako ay hindi pa din mawala sa isip ko ang pag-amin ni Clarky sa nararamdaman niya para sa'kin. I didn't really expect that he likes me, more than a friend.
Nung natapos na siyang magsabi sa kanyang nararamdaman para sa'kin ay hindi na nawala ang mabilis na tibok ng puso ko at ang kakaibang pakiramdam nararamdaman ko.
"Aber!"
"Ay, aber! Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" Inis kong tanong sa sumigaw sa'kin. Eh, siyempre sino pa ba? Edi yung magaling kong kaibigan, none other than Rosea!
"At ikaw pa talaga ang may ganang mainis samantalang kanina pa ako dito naghihintay sa reaksyon mo sa mga sinasabi ko, only to find out that you are not listening to me... ATTENTIVELY?" Napairap siya pagkatapos ng kanyang sinabi.
"Ay, sorry pala ha? Ano ba ang dapat kong gawin para mabawasan ang inis mo sa'kin dahil sa hindi ako nakinig sayo ng maayos sa mga sinasabi mo?" Naroon ang sarkasmo sa boses ko.
"Ang dapat mong gawin ay wag kang lutang, gurl! Pangalawa, ipagpaliban mo na muna ang iniisip mo ngayon, ok? At huli ay dapat makinig ka talaga ng maayos sa'kin dahil kung hindi ay hindi tlaaga ako magdadalwang-isip na banatan ka kahit pasyente ka pa." Sabi niya sa'kin kaya napatawa ako ng bahagya.
"Ano ba ang nangyayari sa inyo? Puro kayo tawa, eh wala namang nakakatawa sa mga pinagsasabi ko, mga mukha kayong abno! Ako naman dito, nagtataka sa inyo!" Pikon na sabi niya kaya itinikom ko ang aking bibig para mapigilan na naman ang tawa ko.
So, pikon siya kapag may tumatawa ng hindi niya alam? Ang weird niya, bakit ko ba naging kaibigan ito? Oh, well nevermind, parehas din naman kami, mga abnormal!
"Okay, hindi na. Funny?" Tanong ko habang pinipigilan na namang tumawa.
"Makinig kang mabuti, ha?" Sabi niya at binigyan muna ako ng matalim na tingin bago nagsalita pagkatapos kong tumango.
***
"Rosea, bakit wala pa dito sina daddy at mommy?" Tanong ko.
"Padating na 'yon." Sagot niya kaya napatango na lang ako.
"Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko uli.
"Ay, hindi mo ba ako gustong makasama ng matagal? Akala ko pa naman bestfriends tayo?" Nagtatampo kunwari niyang tanong kaya kinurot ko siya sa pisngi kaya napaaray siya.
"Tinatanong ko lang naman, at anong sinasabi mo na hindi tayo magbestfriends dahil akala mo lang, siyempre naman bestfriends pa rin tayo." Sabi ko at saka napairap.
"I was just teasing you. But anyways, para masagot na ang tanong mo, mamaya na ako uuwi, gusto ko pa dito ng manatili, ang lonely kasi ng bahay namin eh." Sabi niya. Sa huli niyang sinabi, naramdaman ko ang lungkot sa boses niya. Ano kayang nangyari sa kanya?
"May nangyari ba sayo para maging ganun ka kalungkot? Tell me, at babanatan ko siya." Sabi ko.
"Walang nangyari sa'kin. Malungkot lang kasi ako dahil magdidivorce na si mom kay dad." Sabi niya sa malungkot na boses.
Napa 'oh' na lang ako at napa 'sorry' pero umiling siya at sinabi niyang hindi dapat ako magsorry.
"Pero diba, wala naman divorce-divorce dito sa pilipinas, annulment lang nandito sa bansa natin. Paano makakadivorce ang mama mo?" Takang tanong ko.
"Ang totoo kasi niyan, hindi dito kinasal si mom at dad, doon sila sa ibang bansa nagpakasal. Kaya madali lang magdivorce." Sabi niya kaya napatango-tango ako.
"Kaya pala, ang dali sabihin ng mommy mo na gusto niyang magpafile ng divorce dahil hindi naman pala sila dito kinasal, kundi sa ibang bansa." Sabi ko.
"Pero bakit doon sila sa ibang bansa kinasal eh puro pinoy ang mga magulang mo?" Tanong ko na naman.
"Dun ko na hindi sasagutin yung tanong mong 'yan dahil hindi ko na din alam." Sagot niya.
"Oh, okay." Sabi ko.
"Oh, siya. Tama na ang pagtatanong. Parang nasa hotseat na ako kanina eh." Sabi niya at napatawa pero kahit ganun ay malungkot pa rin siya.
"Cheer up, bes. Malalampasan mo rin 'yan." Pagcomfort ko sa kanya kaya ngumiti siya ng kaunti.
"Thank you for being there always, Lei. You truly are my bestfriend." Sabi niya kaya ngumiti din ako.
"Your welcome, bes." Sabi ko at niyakap siya. Yumakap din siya sa'kin.
Para na tuloy kaming couple dito.
***
Sa makalipas na araw, hindi ko na nakikita si Clarky kaya nakaramdam ako ng panlulumo dahil wala siya rito. Pero kapag nandito siya ay paniguradong iiwas ako at mailang.
Pero ipinagsawalang-bahala ko na muna iyon at tumutok na lang ng atensyon sa kinalalagyan ko ngayon sa ospital.
Sabi ng doktor na ayos naman daw ako pero hindi pa pwedeng lumabas ng ospital dahil hindi pa tapos ang mga gagawin ko raw dito sa ospital. At baka daw bumalik ang sakit ng ulo ko, may tumor ako kaya kailangan talagang susundin ko ang sasabihin ng doktor.
Bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyari nung nag-agaw buhay pa ako at nakita ko ang totoo kong ama.
Kung meron akong biological father, sino naman ang biological mother ko? Meron ba akong kapatid o wala? Naguluhan din ako pero sabi nga ni papa na 'find it on your own, 'nak' kaya hahanapin ko sila/siya sa aking paraan.
Habang nag-iisip ako masyado sa kung paano ko mahahanap ang totoo kong ina at kung meron man akong kapatid ng biglang may bumukas sa pinto ng kwarto ko kaya nawala tuloy ako sa pag-iisip ko ng paraan at napatingin sa pumasok sa kwarto ko.
Nagulat ako sa pumasok ng kwarto ko. Ngayon, bumalik na naman ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko. Stop it, weird feeling! Stop beating fast, heart!
"Uh... h-hello?" Naiilang kong ani.
"Hi?" Nag-aalangang ani din niya.
Kailangan kong tapusin ang ilang na naramdaman ko ngayon dahil maging awkward lang para sa'min ito.
"Bakit naparito ka?" Ano ba ang klaseng tanong 'yon Lei?! Aishh! This will be more even awkward!
"Binisita kita." Sagot niya.
*KATAHIMIKAN*
Awkward!
Ang awkward naman! Paano ko ba 'to tatanggalin?
Sinubukan kong magsalita at nagtagumpay naman ako. Pinilit ko talagang magsalita para mawala ang awkward thingy.
"Uh, about dun sa pag-amin mo/ Lei, about that confessing thing," sabay naming sabi kaya nagkatinginan kaming dalawa.
"Sige, ikaw muna." Sabi ko dahil hindi ko kaya talagang magsalita na makapagpa awkward pang sa'min.
"Okay, about I've confessed to you that day, forget about what I've said. It does not matter anymore. Forget it, baka magmomove-on na lang ako, mas okay pa 'yon." Sabi niya.
Nakaramdam ako ng kirot nung sinabi niya na magmomove-on daw siya. Pero bakit ako nakakaramdam ng ganito?
"Clarky, I didn't say anything that I'vd busted you. Natulala lang ako, and sorry pala dahil pinalabas kita. Hindi ko 'yon kakalimutan. Don't surrender, baka nga sooner ay worth it naman pala ang pag-amin mo. Don't move-on, keep fighting your feelings for me." Hindi ko alam kung saan ko nahugot yung lakas ng loob ko para magsalita ng ganun. Basta kusa na lang iyon.
"Okay, I'll make sure of it." Sabi niya saka ngumiti.
Ayun na naman ang paglakas at mabilis ng tibok ng puso ko and this weird feeling because of that smile. 'Yan yung smile niya palagi nung mga bata pa kami kaya pala familiar yung smile niya nung time na sumakit ang ulo ko.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman may kung anong kuryente ang dumaloy sa ugat ko.
"Lei..." aniya.
"Hmm?" Tugon ko sa kinakabahan na tono.
Why am I feeling this way?
"Pwede bang... manligaw sayo?"
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
A/N:
Sabi ko nga mag-uud ako ngayon pero late naman. Hahaha, so anyways, enjoy reading!
Thank you, Chasers!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top