Chapter 35

Soundtrack: Confession by Astro

A/N: Thank you Chasers sa pagsuporta ng storyang 'to at sa 174 votes. Maraming-maraming salamat talaga, suportahan niyo pa din ako hanggang sa huli ng storyang 'to pati na din sa iba kong mga kwento.

Chapter 35: Confession

Clark's Point of View

This is it... kinakabahan talaga ako sa totoo lang...

"Umm... ano... " ani Lei pero masyadong awkward ito para sa'min.

"It's so... awkward." dugtong niya kaya tumingin ako, napatingin din siya sa'kin.

"Totoo ba talagang... meron ka nang nararamdaman para... sa'kin?" tanong niya at umiwas ng tingin sa'kin.

"O... o. Oo... noon pa." sabi ko, halos pabulong na lang.

"Do you really mean it?" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Ayaw ko talaga ng ganito, masyadong awkward para sa pagitan namin dahil titingin ako tapos iiwas, titingin na naman tapos iiwas na naman ng tingin, and vice versa.

"Yeah," sabi ko.

"Kelan pa itong nararamdaman mo para sa'kin?" Tanong niya.

"Okay, I will make things clear right now. Hindi ko alam kung kailan may nararamdaman na ako para sayo, kusa na lang siya. Nung una nating pagkilala, nung tinulungan mo ako at bigyan mo ako ng panyo, may weird na akong nararamdaman nun pero ipinagsawalang-bahala ko lang iyon dahil nonsense lang iyong feeling kong iyon pero sa mga nakalipas na araw nun ay mas lalong naging weird ang pakiramdam ko kapag nandyan ka sa tabi ko, bestfriends na tayo nung time na 'yon. Hanggang sa kusa na lang ang lahat ng meron na akong nararamdaman para sa'yo. Basta yun. Inamin ko na lahat sayo ngayon." Mahaba kong sinabi sa kanya iyon, totoo talaga ang mga sinasabi ko.

Natulala na lang siya dahil sa aking sinabi kaya tinawag ko siya kaya napabalik siya sa dati.

"Umm, pwede bang lumabas ka na muna?" tanong niya na hindi ko naman inaasahan. Nanlumo ako pero pinilit kong ngumiti at sinunod ang sinabi niya.

"Sige, para makapag-isip-isip ka din." Sabi ko at lumabas ng kwarto niya.

I didn't expect this to happen, really...

Rosea's Point of View

"Hoy, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko ng paulit-ulit sa kanya pero parang wala siyang narinig ulit kaya nanahimik na lang ako kaysa maubos ang laway ko.

At sa wakas ay tumigil na rin siya sa paglalakad kaya tumigil din siya sa paghila sa'kin. Phew!

"What did you say again?" Tanong niya na ngayon pa yata niya narealize na sige lang ako ng sige kanina sa pagtatanong sa kanya kung saan niya ba ako dadalhin pero wala eh at nasagot din naman ang katanungan ko.

"Ay, wow! Ngayon ka pa talaga nagrespond noh? Aish! Nevermind, nasagot din naman ang katanungan ko." Naiinis kong sabi at inirapan siya kaya I heard him chuckled.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Naiirita kong tanong.

"Wala," sabi niya at saka iniharap ako sa kanya. Nasa may madilim kami ng bahagi sa parking lot ng ospital kaya sigurado akong walang makakakita sa'min dito. And I'm starting to feel nervous at him...

"Hoy, bakit tayo nandito? At sa madilim pa talaga na parte ng parki— " hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi ni Nic sa labi ko. Unti-unti na din akong tumugon sa halik ni Nic at napapikit.

Pagkatapos ay pinakawalan na ni Nic ang labi ko kaya napamulat ako. Aaminin ko na nagustuhan ko ang halik niya at parang gusto ko pa, aish! Stop that nonsense, Rosea! Ang bad mo!

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko.

"That's your punishment from me. Remember what I told you from the phone earlier that you have a punishment galing sa'kin, so ginawa ko na ngayon. Nagustuhan mo ba ang parusa na ibinigay ko sayo?" Aniya pero ng may isang nakakalokong ngisi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamula sa sinabi niya.

"Dapat pala hindi na lang ako tumawa kanina, hindi mo pa malalaman na tumalon pala ako sa saya kanina sa ibinalita mo sa'kin." Kunwari kong sabi, nagsisisi pero hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya.

"Hoy, anong pinapahiwatig mo dyan sa mga ngisi mo, ha?" Kinakabahan kong tanong.

"Wala," sabi niya pero nanatili pa rin ang kanyang ngisi.

"Anong wala? Bahala ka dyan, kung hindi mo sasagutin ang tanong ko, aalis na lang ako." Sabi ko at akmang aalis na pero may humawak sa braso ko at iniharap ako nito.

"I'm not done talking to you yet." Sabi niya, but this time seryoso na siya.

"Eh, ano na naman ang pag-uusapan natin na tapos naman pala?" Sabi ko at napairap.

"Basta," sabi niya kaya napabuntong-hininga ako.

"Sige, dalian mo. Baka naghihintay na ang kaibigan kong 'yon." Sabi ko.

Imbes na sumagot siya ng 'okay' ay hinalikan... na naman niya ako, na nagpagulat sa'kin. Hindi ko na naman ito inaasahan. Pang-ilan na ba 'tong halik niya?

Gusto ng isip ko na itigil ang halik pero gusto din ng puso ko na ipagpatuloy lang. Heart over mind or mind over heart? Which is which?

Pero may sariling utak ang kamay ko at hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Nic, which means na pinalapit ko siya. Ganun din si Nic sa'kin, hinawakan din niya ang beywang ko at mas palalapitin ako lalo para lalimin ang halik.

Nagdidileryo na naman ako, ito na naman ang sinasabi ng isip ko na 'dapat tumigil na kayo! Hindi na 'yan pwede sa inyo! Mga bata pa kayo!' kaya ang ginawa ko ay itinulak siya ng mahina para tumigil siya sa paghalik sa'kin. Mabuti naman at bumalik ako sa tamang huwisyo kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin. Phew!

"Uy, diba sabi ko naman sayo na wag kang magpadalos dalos sa mga ginagawa mo lalong-lalo na ang kapag hinalikan mo ako?" Sabi ko, pinapaalala ko lang sa kanya iyon dahil parang kinalimutan niya ang sinabi ko doon sa bahay nila. And actually, nanliligaw pa siya sa'kin kaya hindi talaga siya padalos-dalos.

"Ay, sorry. Nadala lang talaga ako sa emosyon ko eh at saka nakakaakit ang labi mo." Sabi niya habang napakamot sa batok.

"Tch, saka mo na lang gagawin ang ginawa mo sa'kin kanina kapag boyfriend na kita." Sabi ko at saka napairap na lang.

"Okay, hindi ko na uulitin. Pero, kailan mo naman ako sasagutin?" Tanong niya kaya kunwari akong nag-isip-isip.

"Kapag may effort ang lahat ng ginagawa mo habang nanlikigaw ka pa sa'kin at worth it sa huli. Hmm?" Sabi ko.

"At saka, pwede na ba tayong bumalik sa loob?" Dugtong ko.

"Wait lang, may ibibigay ako sayo, eto oh." Sabi niya at lumapit sa'kin. May kung ano siyang ikinabit sa leeg ko sa likod kaya sigurado akong kwintas ito.

Pagkatapos niyang ikinabit iyon ay lumayo siya ng kaunti at napangiti. "You look beautiful wearing those necklace." Sabi niya kaya hindi ko mapigilan na mamula ang pisngi ko.

"T-Thank you." At talagang nautal pa talaga ako!

"Namumula ka na naman, tara na nga." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at en-intertwined iyon sa kanyang kamay din saka magkahawak kamay kami na pumasok sa loob ng ospital.
____________________

Nic's Point of View

Napangiti na lang ako dahil nabagay sa kanya ang ibinili or should I say iniregalo ko sa kanyang kwintas. Totoo naman talagang bagay at maganda siyang tignan kapag suot niya ang kwintas.

Ngayon naman ay magkahawak kamay kaming pumasok pabalik sa ospital like a couple. Napangiti na naman ako.

Merong nakatingin sa'ming mga babaeng nurse at kung hindi ako nagkakamali, puro inggit at selos ang nakikita ko sa kanila kaya napatawa ako ng bahagya dahilan para lingunan ako ni Rosea.

"Tumatawa ka na naman, ano ba ang nakakatawa?" Tanong niya.

"Wala," sabi ko, para mas lalo siyang mapikon.

"Ah, so wala pala ha, bitiwan mo nga ang kamay ko, maglalakad ako ng mag-isa, letse!" Pikon na sabi niya at nagmamartsang naglakad papalayo sa'kin kaya hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na tumawa.

Ang sarap talaga niyang pikunin. Kapag pikon siya, mas lalo siyang naging kyut.

Isa din ito sa dahilan kung bakit nagustuhan ko siya.

Napailing-iling na lang ako pagkatapos at nakapamulsang naglakad pasunod sa kanya, taas-nuo pa.

Pagkapasok ko---- dahil nauna na si Rosea pumasok sa room ni Lei---- ay nakita ko na walang Clark ang nasa tabi niya. Nagtataka naman ako, at sigurado din akong nagtataka din si Rosea dahil wala si Clark dito sa kwarto niya. Imposible namang iiwan niya ito dahil palagi naman siyang nandito hanggang sa paggising ni Lei. Baka may nangyari dito dahilan para umalis si Clark dito but I'm not sure though.

"Ash, bakit wala si Clark dito?" Tanong ko na puno ng pagtataka.

"Oo nga, asan na siya? Diba kanina lang nandito pa siya?" Sang-ayon din ni Rosea.

"We'll talk it... later." Sabi ni Lei at napabuntong-hininga.

Napabuntong-hininga din naman kami ni Rosea dahil wala kaming nakuhang sagot mula kay Lei. Saan ba sumuot yung taong 'yon?

"Hahanapin ko lang siya, baka nandito lang siya sa tabi-tabi. Sige." Sabi ko at tumango si Rosea... lang.

Baka nga may nangyari sa kanila dito kanina habang wala kami dito. I better find bro right away para masagot hinala ko sa kanilang dalawa. Parang nag-aaway... sila?

***

Nakita ko na si Clark sa wakas, pero paeang ang lalim ng isip niya. Nandito siya ngayon sa main entrance ng ospital.

Lumapit ako sa kanya at tinapik siya. Napaigtad naman siya at tumingin sa'kin ng masama pero nung nakilala niya ako, nawala.

"Oh, ikaw pala 'yan, Nic. Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"Dapat ako ang magtatanong sayo niyan. Ano nga ba ang ginagawa mo rito, pre?" Tanong ko.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago sumagot.

"I confessed my feelings for her and I waited for her reaction but instead she just wanted me to go out of her room, and so I did. Baka hindi pa nagsisink-in sa utak niya ang ginawa ko sa kanyang pag-amin sa nararamdaman ko." Sagot niya.

"That's difficult, pre. Pero sana nga yun lang ang dahilan niya kung bakit ka niya pinalabas sa kwarto niya." Sabi ko.

Mabuti na lang ako at gusto rin ako ni Rosea, unlike my bestfriend, hindi alam ang nararamdaman ni Lei para sa kanya. And I don't know either, baka pati si Rosea hindi din alam.

"Yeah, sana nga." Sabi niya ulit.

"Gusto mo na bang bumalik sa kwarto niya o uuwi ka na lang?" Tanong ko mayamaya.

"Uuwi lang muna ako baka hindi pa rin ako papapasukin ni Lei, mahirap na baka magalit pa yun sa'kin, ayoko namang mangyari 'yon. Bestfriend ko pa naman yun." Sagot niya kaya napatango ako.

"Mas mabuti nga 'yon. Sige, bye pre. See you later." Sabi ko.

"Bye din." Sabi niya habang naglakad palayo. Nandoon pala ang kanyang kotse hindi ko man lang napansin kanina iyon.

***

Nung gusto ko nang pumasok sa kwarto ni Lei ay narinig ko ang pinag-uusapan nila kaya minabuti kong nandito lang sa gilid ng pinto, I'm eavesdropping them.

"Rosea, nung nalaman kong may nararamdaman siya para sa'kin ay natulala na lang ako bigla at kusa na lang bumuka ang bibig ko na gusto siyang palabasin muna. Hindi ko naman talaga inaasahan na magcoconfess siya. Ano nang gagawin ko?" Ani Lei.

"Lei, hindi ko alam. Tanging ikaw lang ang kayang sumagot sa tanong mo." Sabi ni Rosea.

"Pero hindi ko din alam. Haysst! Nakakafrustrate naman nito!" Sabi ni Lei.

"Mabuti pa, magpahinga ka na muna." Sabi ni Rosea.

"Mabuti pa nga at para mawala na itong weird na feeling na nanggagaling sa puso ko." Sabi ni Lei na nagpagulat sa'kin.

Weird feeling?

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top