Chapter 34


Chapter 34: She Remembers Everything

Clark's Point of View

Lumabas sila tita at tito sa kwarto para siguro hahanapin ang lumabas na babae kanina lang.

Napatigil ako ng magsalita siya ng ganun.

"Clarky..." mahinang tawag niya.

"Lei..." hindi makapaniwala kong sambit.

"Clarky, I miss you." Sabi niya kaya nagulat pa rin ako pero lumapit din pabalik sa kanya.

"Teka, anong pinagsasabi mo, best?" Naguguluhang tanong ni Rosea.

"Rosea, Clarky's my bestfriend eversince," sabi ni Lei na nakapagpagulat ni Rosea pati na rin si Nic.

"You remember everything now, Lei?" Gulat kong tanong kaya napabaling ang tingin niya sa'kin at ngumiti saka tumango.

"Oo, naaalala ko na ang lahat." Sabi niya at walang pasabi-sabing yinakap ko siya.

"I'm so happy now that you finally remember everything, including me, your bestfriend." Napaluha na lang ako dahil sa saya. Hindi ko aakalain na maaalala niya ang lahat, pati na ako... ngayon.

"I'm so happy, too. I miss you, Clarky." Inulit niya ang sinabi niya kanina kaya mas lalo ko siyang niyakap.

"I miss you too, Lei." Sabi ko.

Pagkatapos ng yakapan namin ay binaling ng tingin ni Lei ang dalawa.

"Lei, totoo ba na bestfriend mo si Clark?" Hindi pa din nakakarekober si Rosea. Tumango si Lei at ngumiti.

"Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala na dati pa palang may kaibigan ka, Lei. Akala ko ako ang una mong naging kaibigan pero akala ko pala iyon. So, you have an amnesia nung nakilala mo ako?" Tanong ni Rosea.

"Oo, pero ngayon naaalala ko na lahat." Sabi ni Lei at ngumiti.

"That's good, best. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkababata kayo at magkakaibigan pa ni Clark." Nakangiti na ngayon si Rosea.

"No wonder why pre is inlo—" bago pa ipinagpatuloy ni Nic ang kanyang sinasabi ay tinakpan ko ang bibig niya para hindi niya matapos ang sinasabi niyang iyon, that's nonsense.

"Huh?/What?" Sabay na tanong nila Lei at Rosea kaya nagsalita na naman si Nic pero hindi maklaro dahil tinatakpan ko pa rin ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"I don't get it, Nic. What's going on between you two?" Nagtatkaang tanong ni Lei sa'ming dalawa ni Nic.

"And bakit tinatakpan mo ang bibig ni Nic? May itinatago kayo sa'min noh?" Tanong din ni Rosea.

"Don't tell me that..." si Lei at Rosea.

"No, no, no, it's not what you're thinking, the two of you." Sabi ko. Alam ko na ang mga iniisip ng mga ito, akala nila bakla ako at may gusto ako kay Nic. Tss, mga babae talaga, kung ano-ano na ang mga iniisip.

Para namang nabunutan ng tinik ang dalawa sa sinabi ko.

"Nevermind, malalaman rin namin iyan, diba Rosea?" Ani Lei at tumango si Rosea.

Binitawan ko na din ang kamay ko na nagtatakip sa bibig ni Nic.

"Eww, dude. Ang baho ng kamay mo, bahong laway." Nandidiri niyang sabi kaya inambahan ko siya ng suntok.

"Joke lang, binabawi ko na." Nagpeace-sign rin siya.

"Dinaig mo pa yata ang babaeng maarte kung maka-eww ka dyan eh." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"It's just a joke, pre. Wag mong totoohanin." Nakangiting sabi niya.

"Sa susunod, wag mo 'kong bibiruin ng ganyan kundi makakapagbakasyon ka sa ospital ng mag-isa." Banta ko.

"Easy, pre. Hindi ko na talaga uulitin." Sabi niya at kunwaring itinaas pa ang dalawang kamay sa ere senyales na parang susuko.

Narinig ko naman ang mga mahihinang tawa at bungisngisan ng dalawang babaeng 'to kaya tumingin kaming dalawa sa kanila at napatigil naman sila.

"Mukha kayong mga isip-bata dyan." Sabi ni Lei at pinipigilang matawa sa'min.

"Oo nga," sabi din ni Rosea. Magkakasundo talaga 'tong dalawa na 'to eh.

Napatawa din kami ni Nic dahil totoo naman talaga ang mga sinasabi nila, hindi na din mapigilang mapatawa ulit silang dalawa ni Lei at Rosea kaya puro tawa ang maririnig ngayon sa loob ng kwarto ni Lei.

***

"Rosea, halika nga, lalabas muna tayo." Sabi ni Nic mayamaya at hinila patayo si Rosea.

"Ano bang pag-uusapan natin, Nic?" Tanong ni Rosea, nagtataka rin.

Habang kami naman ni Lei, nagtataka and at the same time hindi namin mapigilan silang dalawa na tuksuhin.

"Uy, ano 'yang pag-uusapan niyo at kailangan pa talagang lumabas? Based on what I've read on watty, kapag daw mag-uusap ang babae at lalaki, mauuwi at mauuwi din sa halikan kaya sure ako 'yun din ang susundin niyo." Nanunuksong ani Lei kaya tinukso ko din sila, nakita ko naman na mabilis namula ang pisngi ni Rosea, pati na din si Nic na umiwas ng tingin, dinaig pa ang babae kung mahiya.

"Hoy, hindi ganyan, Lei ah. Baka nga kayo pang dalawa ni Clark ang gagawa 'yang pinagsasabi mo." Sabi ni Rosea kahit pa nahihiya na siya.

"Hindi ko 'yan gagawin noh, baka kayong dalawa, baka gustong-gusto mo naman." Sabi ni Lei.

Kaya mas namula lalo ang pisngi ni Rosea.

"Oh, para mapatunayan ko na hindi kami gagawa 'yang mga pinagsasabi mong nonsense dyan, dito na lang kami mag-uusap." Sabi ni Rosea, naghahamon.

"Sige ba." Sabi ni Lei, naghahamon din.

"Rosea, hindi pwede. Private itong pag-uusapan natin kaya kailangan talgang walang makakaalam kung ano ang pag-uusapan natin." Sabi ni Nic.

"Bakit private? Gusto ko ding makarinig ng pinag-uusapan niyo eh." Nakisabat na din ako para man lang hindi na mananahimik ulit.

"Oo nga, gusto din naming makarinig." Sabi din ni Lei, sang-ayon sa sinabi ko. Panunukso lang ang ginagawa namin sa kanila.

"Hindi talaga pwede eh, sorry next time ko na lang sasabihin ko sa inyo." Sabi ni Nic at halatang kailangan na talaga nilang lumabas para dun sa pinag-uusapan nila.

"Dali na Rosea, wag mong kakalimutan ang parusa na binigay ko sa iyo. Gagawin ko 'yan sayo pagkalabas natin dito." Bulong ni Nic pero narinig ko naman.

"Uy, anong gagawin? May gagawin kayong masama noh?" Nanunukso kong sabi.

"It's not what you think, pre. Ang gagawin lang namin ay mag-uusap, yun lang." Sabi ni Nic at tuluyan na silang lumabas ng kwarto.

Narinig ko pa rin ang sigaw ni Rosea mula sa labas.

"Huy, teka lang. Bitawan mo nga kao, nahihirapan akong tumakbo oh!" Sigaw ni Rosea kaya napatawa kami ni Lei kaya ayon nagkatinginan kami.

"Lei, kumusta ka na? Okay ka na ngayon?" Tanong ko.

"Okay na ako, salamat sa pakikumusta sa'kin." Sabi niya at ngumiti. Namiss ko 'yung ngiti niya.

"Totoo bang naaalala mo na ang lahat, pati na nung time na nasa bahay ampunan pa tayo nakatira?" Sabi ko, naninigurado.

"Oo, naman. I remember everything, especially you, my bestfriend." Sabi niya.

"Pwede payakap ulit?" Tanong niya kaya lumapit ako sa kanya at yinakap niya ako, ganun din ako. Namiss ko ang mga yakap niya.

Pagkatapos ng yakapan namin ay tinignan ko siya.

"Clarky/Lei..." sabay naming sabi.

"Sige, ikaw muna ang magsabi sa kung ano man ang sasabihin mo sa'kin." Sabi ko pero umiling lang siya.

"Ikaw muna." Sabi niya pero umiling din ako.

"Sige, sabay tayong dalawa." Sabi niya kaya tumango ako.

"In the count of three, sasabihin na natin ang dapat na sasabihin natin." Sabi ko at tumango siya.

"3... " sabi ko.

"2... " sabi niya.

"1... " sabi naming dalawa at kasabay nun ang pagsabi namin.

"Clarky, I.../ I love you, Lei." Sabay naming sabi kaya nagulat kaming pareho.

This is the time that I confess my feelings for her...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

A/N:
As I promised, ngayon, which is sabado, mag-uupdate ako so eto na nga.

Tsaka pala, thank you for 80 followers.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top