Chapter 31
Chapter 31: Everyday Visit
Clark's Point of View
Ilang araw na akong pabalik-balik sa ospital at umaasang magiigsing na si Lei kapag palagi akong pumupunta doon. Pero hindi iyon nangyari. Hindi pa din nagigising si Lei.
Kung sakali mang magigising ka, Lei kahit imposible pang magising ka, dito ako magcoconfess sayo sa totoo kong nararamdaman para sayo. Kung sakali man...
Kapag pumupunta ako sa ospital, magdamag kong inalagaan si Lei kahit hindi pa siya gising. Kaya kapag uuwi ako ay gabi na o bukang-liwayway na which lead mom and dad worried about me, so kailangan kong mag-explain sa kanila kung bakit uuwi ako ng gabi o bukang-liwayway na.
Ang hirap naman ng sitwasyon ko, pero mas mahirap ang sitwasyon ngayon ni Lei.
Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Lei, handa ng buksan pero meron akong narinig na nag-aaway sa loob mismo ng kwarto niya. Nag-aaway ngayon si tito at tita tungkol sa isang bagay, kay Lei.
Hinayaan ko munang magpalipas dito sa labas dahil kung maiistorbo ko sila ay baka mapagbuntungan pa ako ng galit nila, lalong-lalo na si tita. Gusto ko ding marinig ang kung ano mang pinag-aawayan nila.
"How can you do this to your child, Olivia?!" Sigaw na tanong ni tito.
"She's not my child, Rei! She's just an orphan who have adopted by you!" Sigaw naamn pabalik kay tita.
So, hindi niya pa rin matanggap na anak niya si Lei kahit hindi naman totoong anak nila si Lei. It's so insane.
"Adopted! So, she's a Dizon. I adopted her because we don't have our own child and I pity her because she's an orphan that's why I adopted her!" Pagpapaintindi ni tito.
"You pity her because she's an orphan that's why you adopted her?! I can't believe this!" Tita said in disbelief.
"Not just pity, Olivia. Another reason is that we don't have our own child! Do you understand me?!" Sabi ni tito.
"We can make a child, Rei. Are you serious?! We can make a child but instead you adopted an orphan?! That's disgusting!" Tita said hysterically kaya nagkuyom ang kamao ko.
How dare you to say that to Lei, she's out of it. And what do you mean by disgusting? Orphans are not disgusting, they're sweet, caring, kind, and industrious so don't you say that orphans are disgusting because I'm one of them too.
"Disgusting?! Your attitude is disgusting, Olivia! Kahit ano pang sabihin mo, anak natin si Lei at hindi na 'yon mababago pa!" Sigaw ni tito and that was the end of the conversation.
Dahil pagkatapos ng naging away nila ay lumabas si tito pero nagulat siya ng makita ako. Natutuliro niya akong tinignan at kinakabahan baka dahil narinig ko ang away nila.
"Oh, Clark, andito ka na pala. Kanina ka pa ba dito, iho?" Tanong ni tito.
"Kakarating ko lang po, tito." Pagsisinungaling ko dahil hindi ko naman kayang makita si tito na magpaliwanag sa'kin.
"Oh, what brings you here, Clark?" Sarkastikong bungad ni tita pagkalabas niya. May diin pa ang pangalan ko.
"I'm visiting, Lei, tita." Diniinan ko rin ang salitang tita.
"Your visiting Lei again? Eh, kahapon nga lang ay nandito ka, ngayon na naman? Ano nga ba'ng pakay sayo ng anak ko bakit palagi kang dumadalaw sa kanya?" Sarkastikong tanong ni tita.
"Eh, anak nga ba ang turing mo kay Lei?" Sarkastiko ko ding saad.
"Aba, bastos ka ngang bata ka. Bagay nga sayo ang isang ampon. You and Lei are true orphans dahil mga bastos kayo." Sabi ni tita at sinampal ako.
Wala akong nararamdamang sakit dahil ang tangi ko lang na nararamdaman ay galit mula sa kanya.
"Dapat hindi mo na lang pinaasa si Lei na tanggap na siya bilang anak mo dahil hahantong lang pala sa ganito." Galit na sabi ko.
"How dare you talk to me like that!" Sigaw ni tita at akmang sasampalin ako ng pigilan siya ni tito sa wrist niya.
"Let's not make a scene here, Olivia." Mariing sabi ni tito.
"And you Clark, you can go inside now." Sabi ni tito kaya tumango ako at pumasok ng kwarto.
Narinig ko pa ang sigaw ni tita.
"Let me go, Rei! That kid has to learn a lesson!"
Napabuga na lang ako ng isang malalim na hininga dahil sa narinig ko kanina.
After all those years, tita's not regretting what she did to Lei before and... now. Akala ko nagsisisi na siya dahil nung tinakbo namin si Lei sa ospital ay parang totoo ang kanyang iniiyak para kay Lei pero hindi pala.
Tama naman ang ginawa ko sa kanya. Dapat magsisisi na siya sa ginawa niya.
Napatingin ako kay Lei at lumapit sa kanya ng magsimulang mamasa ang mata ko. Nagbabadya na ring tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya at lumalapit.
Umupo ako at hinawakan ang kanyang kamay sabay sabi ng, "Lei, please fight for me. I don't know what will happen to me if you'll die. So, please fight for me or fight for yourself. I love you." Sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko.
Lumapit ako sa knaya at hinalikan ang kanyang noo bago ulit hinawakan ang kanyang kamay.
I will do anything just to make you fight or wake up. Sana din kung magising ka, maalala mo na ako as your bestfriend.
Muli na namang nagbalik ang napakaraming alaala namin noon doon sa ampunan. At isa na doon ang una namin pagkilala.
~Flashback~
"Oh, bata anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" Tanong ng isang batang babae habang umiiyak ako.
"Eto oh, panyo." Sabi niya at inlapit sa'kin ang panyo, nag-alinlangan ko pa itong hawakan pero tinanggap ko pa rin.
"May nang-away ba sayo, bata?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Oo, akala ko isa ka din sa mang-aaway sa'kin pero hindi pala. Salamat pala dito sa panyo, ibabalik ko na ito sayo." Sabi ko at ibinalik sa kanya ang panyo.
"Wag na, ikaw na muna ang gagamit niyan. Bukas mo na lang isasauli sa'kin dahil marami na 'yang mga sipon at luha na naipon dyan, kailangan mo rin 'yang labhan." Biro niya kaya tumawa ako.
"Biro lang, oh diba napatawa kita." Sabi niya habang tumatawa na rin.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko.
"Ako nga pala si Leiane Ashtine, Lei for short. Ikaw, ano naman ang pangalan mo?" Tanong din niya pabalik sa'kin kaya sumagot din ako.
"Wayne Clark pero Clark na lang ang itawag mo sa'kin." Sabi ko.
"Hindi mo alam ang apelyido mo?" Tanong niya kaya umiling ako.
"Ako din, hindi ko matandaan." Sabi niya.
"Ang astig naman ng pangalan mo pero bakit umiiyak ka lang sa isang sulok dahil lang pinag-aaway ka nila? You're such a crybaby." Natatawa pa niyang sabi kaya nalukot ang mukha ko.
"Hindi ko gusto ang sinasabi mo, baby ako? Eh, isang malaki na akong bata eh. Hindi din naman ako crybaby. Sadyang umiyak lang talaga ako dahil hindi ko na kaya ang mga ginagawa nila sa'kin." Pagmamalaki ko kaya napangiwi siya.
"Hambog," sabi niya.
"So, pwede bang maging friends tayo?" Tanong niya mayamaya.
"Pwede naman." Sabi niya kaya napangiti siya.
"Okay, friends na tayo!" Sabi niya at nakipagkamay sa'kin kaya sinakyan ko din siya.
And that's the start of our friendship...
~End of Flashback~
Napangiti ako ng dahil doon.
Habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa kanya ay biglang bumukas nag pintuan at iniluwa iyon si Rosea at si Nic.
Magkasama na naman ang dalawa, I smell something fishy on this two. Para silang sila na. Makikita kasi na hinawakan ni Nic ang kamay ni Rosea kaya mapagkamalan talaga sila na sila na.
Rosea's Point of View
Habang nagtitingin ako sa garden ay biglang tumunog ang selpon ko kaya sinagot ko ang tawag, si Tito Rei ang tumatawag.
"Oh, tito. Bakit napatawag ka?" Tanong ko.
[Umm, iha. Pwede bang pumunta ka rito sa Valzon Hospital?] Tanong niya. Masama ang kutob dahil sa salitang ospital.
"Ano po bang nangyari, Tito? Bakit kayo nasa ospital?" Kinakabahan kong tanong.
[Nandito si Lei ngayon sa ospital. Pwede bang dumalaw ka dito, isama mo na din ang kaibigan mo para kahit papaano may dumalaw man lang sa kanya na mga kaibigan. Maririnig naman siguro niya ang mga tinig niyo para patuloy din siyang lumalaban.] Sabi ni tito kaya halos mabitiwan ko ang phone ko.
"May nangyari po ba kay Lei, tito? Sige po, tito papunta na po ako dyan." Sabi ko at ipinatay ang tawag.
Hinanap ko si Nic sa loob ng bahay nila. Nakita ko naman kaagad siya na nandoon sa kusina. May linuluto, para siguro sa'kin, char! It's afternoon after all pero kailangan ko talagang pumunta ngayon sa ospital para bisitahin ang bestfriend ko.
"Oh, Rosea, andyan ka pala. Teka lang, tapos na ito pero kailangan ko pa itong ihanda. Para ito sayo." Nakangiting sabi niya.
"Nic, pwede bang ihatid mo ako patungong Valzon Hospital?" Tanong ko binalewala ang kanyang sinabi.
"Bakit? May nangyari ba sayo at gusto mong pumunta ng ospital? Teka... lumala ba yung lagnat mo?" Nagugulat niyang tanong at mabilis na lumapit sa'kin hinayaan ang nakahanda ng pagkain.
"Hindi 'yon. Walang nangyari sa'kin at wala akong sakit. May nangyari kay Lei ngayon kaya gusto kong pumunta doon ngayon mismo." Sabi ko.
"Ano? Sige, ihahatid kita. Dadalaw din ako, baka nandoon din si Clark. Mukha pa naman 'tong bakla kung umiyak kay Lei." Sabi niya at mabilis na hinawakan ang kamay ko at lumabas ng bahay. Nagpaalam pa muna kami.
***
Pagdating namin sa ospital ay mabilis kaming bumaba habang magkahawak ang kamay at pumasok. Nakita ko naman kaagad si tito kaya lumapit ako sa kanya.
"Tito, asan po ba 'yung kwarto ni Lei?" Tanong ko.
"Sa 2nd room, iha. Mabuti naman at nandito ka na." Sabi niya pagkatapos kung magmano.
"Nandoon na din si Clark, iho." Sabi ni tito kay Nic kaya tumango si Nic pagkatapos magmano.
Habang tinatahak namin kung saan ang kwarto ni Lei ay hindi pa din binibitiwan ni Nic ang kamay ko. Oo, magkahawak pa rin kami ng kamay ngayon simula pa kanina.
Kaya naiilang na ako dahil meron ng nakatingin sa'min na mga nurse. Dahil siguro kay Nic, madali siguro siyang makaattract ng mga babae.
Nakarinig din ako ng mga tili ng nurse habang pinagmamasdan si Nic. Eh kung dukutin ko kaya ang mga mata nito, akin lang si Nic nohh. Char!
Nahanap naman namin kaagad ang room ni Lei kaya mabilis naming linapitan ang pinto at binuksan iyon. Pagkabukas namin ay nakita namin si Clark na nakahawak sa kamay ni Lei at umiiyak. Naramdaman siguri niya ang presensya namin kaya tumingin siya sa'ming kakarating lang.
May gusto ba siya sa bestfriend ko? Bakit ganun na lang ang pagkakahawak niya sa kamay ni Lei? Bakit umiiyak siya ng lubos eh, kaunti lang naman ang pinagsamahan nila ah? Diba naman ako dapat ang umiiyak ng lubos at hindi siya?
"Bro, okay ka lang ba?" Tanong ni Nic at binitiwan ang kamay ko para lumapit kay Clark at inalo.
Habang ako lumapit kay Lei na payapang natutulog.
"Clark, anong nangyari kay Lei, bakit nandito siya ngayon sa ospital?" Nagtatakang tanong ko. Wala namang sakit si Lei maliban na lang kung bumalik na naman ang kanyang sakit sa ulo.
"Bigla na lang sumakit ang ulo niya at nahimatay kaya dinala namin siya sa dito pero ang ibinalita sa'min ng doktor ay severe na, and she has a brain tumor at posibleng macoma siya. And now she's in coma." Naiiyak niyang sabi kaya napatingin ako kay Lei at nagbabadya ng tumulo ang luha ko.
"Magigising pa ba siya, Clark?" Tanong ko.
"Hindi ko alam, Rosea. Hindi din alam ng doktor kung kailan siya gigising. At kung magigising man siya ay isa na iyong himala." Sagot niya kaya ngayon maririnig na ang mga hikbi ko.
"Hindi 'yon pwede. Ang unfair naman na hindi na magigising si Lei." Umiiyak kong sabi at bumaling ng tingin kay Lei.
"Lei, lumaban ka para sa'kin na bestfriend mo, para sa'min." Sabi ko.
Hinawakan ko ang kamay at braso niya at umiyak.
Lei, sana gumising ka.
Bibisita kami sayo araw-araw at ipagpatuloy mo rin ang paglalaban. Kailangan mong gumising...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top