Chapter 30
Chapter 30: Comatose Again
Clark's Point of View
Pagdating ko sa bahay ay pabuntong-hininga akong bumaba ng kotse at pumasok ng bahay.
Pagkapasok ko ay gano'n na lang ang gulat ko ng makitang nasa harap ko sila mommy at daddy na naghihintay sa'kin. Si mommy ay nag-aalala at si daddy naman ay seryosong naghihintay.
Tumingin sila sa pintuan at nakita nila ako. Alam ko naman kung bakit nag-aalala si mommy at seryoso si daddy, kagabi pa kasi akong hindi umuwi dito sa'min and I understand what mom and dad feels like.
"'Nak, bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni mommy at nag-aalalang tumayo at lumapit sa'kin.
"Nag-aalala kami ng daddy mo sa'yo. Bakit hindi ka umuwi kagabi? May nangyari ba sa ipinagdiriwang niyo?" Sunod-sunod na tanong ni mommy kaya napabuntong-hininga akong sumagot.
"Hinatid ko lang po si Lei dahil lasing siya at madilim na kaya delikado." Sagot ko pero hindi buo.
"Kung hinatid mo si Lei, bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni mommy.
"May nangyari kasi kanina kay Lei at kagabi ay umulan ng malakas. Wala ding nangyari sa ipinagdiriwang namin." Sabi ko.
"Mabuti naman at walang nangyari, pero sabi mo may nangyari kay Lei, anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong niya.
Madali lang talaga mag-aalala si mommy kahit ibang tao pa. That's why I love her so much.
"Naospital po dahil biglang nagkasakit ang ulo niya, pagdating sa ospital ay severe na." Sabi ko.
"Posible din siyang macomatose." Dagdag ko.
"Jusko! Sana maayos din ang kalagayan ni Lei." Sabi ni mommy habang takip-bibig.
Nakita kong tumayo sa daddy at lumapit sa'kin ng seryoso. Alam kong nag-aalala din siya pero itinago lang niya iyon sa pagiging seryoso. I know he's mad at me because I was not at home yesterday instead I was taking care of Lei.
"Son, where have you been? I thought you went home yesterday but when I open your room, your not there." Sabi niya. Still mad.
"Nakitulog lang po ako sa bahay ni Tito Rei, dad." Sabi ko.
"I am worried about you pero nandito ka na kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala." Sabi ni daddy at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.
Pagkatapos ng yakapan namin ay nagsalita ako.
"Ah, dad. Pwede po bang hindi muna ako pupunta sa school bukas o di kaya'y sa susunod na mga araw? Kailangan ko pa kasing aalagaan si Lei eh." Sabi ko kaya tumango naman si dad. Napangiti ako ng dahil dun. At tsaka bumaling ako kay mom at nagsalita.
"Mom, magpapahinga lang muna ako. Sige, punta na ako." Sabi ko at hinalikan sa pisngi si mommy bago pumunta at pumasok sa kwarto.
Ang daming nangyari kagabi at kanina. Mas mabuti pang ipaligo ko na lang 'to para mawala ang pag-aalala kay Lei. Hindi ko na din gusto umiyak dahil nakakasawa ng umiyak.
***
Paggising ko ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Habang umiinom ako ay naaalala ko pa din si Lei na nandoon sa ospital na nahihirapan.
Pabagsak kong inilagay ang basong iniinom ko at mahigpit na hinawakan iyon ng maalala kung sino ang dahilan kung bakit nandoon si Lei sa ospital. Tita Olivia.
You are such a bad stepmother to your stepdaughter. Ano nga bang aasahan ko sa mga stepmothers, eh halos lahat ng mga stepmothers ay mga masasama. Kagaya ng sinasabi nila sa social media na si Cinderella. Mukhang si Cinderella ay si Lei at yung stepmother ni Cinderella ay si Tita Olivia.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang lumalapit na si mommy sa'kin.
"'Nak, anong nangyari sa mga kamay mo? Bakit nadudurugo?" Nag-aalalang hinawakan ni mommy ang kamay ko na hinawakan ko ng mahigpit ng baso kanina.
Hindi ko din namalayan na nagdurugo na pala yung kamay ko. Ngayon lang din ako nakakaramdam ng sakit at hapdi galing sa kamay ko.
Umalis si mommy sa tabi ko at hinanap ang first aid kit para matigil na ang pagdurugo ng kamay ko at para hindi na din masakit.
"Mag-ingat ka naman, 'nak! Alam mo naman na hindi plastic ang mga baso natin dito pero pinili mo pa ring masugatan. Ano bang bumabagabag sa isip mo ngayon, 'nak?" Sermon ni mommy kaya napabuntong-hininga ako pero pinilit ko pa ding sumagot sa kanya.
"Wala akong iniisip, mom. Wala talaga." Pagsisinungaling ko pero mukhang hindi kumbinsido si mommy sa naging sagot ko kaya ngumiti ako sa kanya ng hanggang abot mata para hindi niya mahalata na meron talaga akong iniisip.
"Okay, I trust you." Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Pero wag mo namang saktan ang sarili mo, 'nak. Ako ang masasaktan kapag nasasaktan ka din. Mag-aalala din ang daddy mo sayo 'pag may nangyaring masama sayo." Dagdag ni mommy kaya tumango ako bago siya lumabas ng kusina.
Phew! Mabuti na lang talaga at madaling magsinungaling 'pag si mommy ang kausap kundi mapapasabi na lang ako ng totoo at masesermonan ako 'pag nalaman nila na si Tita Olivia ang iniisip ko at kinaiinisan ko.
Alam kong masesermunan ako ni mommy at daddy dahil asawa ng kapatid ni mommy si Tita Olivia kaya kailangan rumespeto din ako sa kanya pero hindi na ako marunong rumespeto dahil sa kanya, sa mga pinaggagawa niya ni Lei noon.
Tama na yung nailabas ko lahat ng sama ng loob ko kay tita nung nasa hospital ako kaninang umaga. Sapat na 'yon para sa'kin at least nalaman niya na hindi ko talaga siya gusto simula pa lang.
Bumalik ako sa kwarto ko at napagdesisyonang maligo para bumisita ngayon kay Lei.
Pagkapasok ko sa banyo ay nagsimula na akong maligo. Napabuntong-hininga na lang ako. Sana wala si tita ngayon, hindi ko gustong makita ang pagmumukha niya dahil maaalala ko na naman ang mga pinaggagawa niya kay Lei noon at bakit nasa ospital si Lei ngayon.
Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis at pagkatapos ay kinuha ang phone at isinilid sa bulsa then kinuha din ang susi ng kotse ko bago ako lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko ng hagdan ay nasalubong ko si mommy, nagtataka niya akong tinignan, dahil siguro sa suot ko.
"Saan ka na naman pupunta ngayon, Clark?" Takang tanong niya.
"Ah, pupunta ako ngayon sa ospital na nandoon si Lei. Gusto ko pong bumisita sa kanya." Sagot ko kaya tumango si mommy.
"Mag-ingat ka anak, ha? Sige, paalam." Sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi bago niya ako lagpasan.
Pagkalabas ko ay pumunta ako sa garahe at pumasok sa kotse ko. Pinaandar ko ang kotse at umalis na sa bahay.
Habang nagmamaneho ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot saka itinapat sa tenga ko. I know who is calling, it's Tito Rei.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang naging masama ang kutob ko sa kung ano ang dapat sasabihin tito.
"Oh, tito? Bakit napatawag ka?" Tanong ko at pilit ipinagsawalang-bahala ang kaba na namamalagi sa pakiramdam ko.
[Clark, pwede bang pumunta ka dito?] Tanong niya. Napansin kong parang naggaralgal ang boses ni tito kaya hindi ko na napigilan ang kaba ko.
"Bakit po? May nangyari po ba dyan?" Hindi ko na din napigilan ang kaba at garalgal ng boses ko.
[C-Clark... si L-Lei...] hindi niya madugtungan ang kanyang sinasabi pero may kinalaman si Lei sa nangyari.
"A-Anong nangyari kay L-Lei, tito? Pupunta na ako dyan tito!" Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Mabilis akong nagmaneho patungo sa ospital para mapatunayan ang kakaiba kong nararamdaman ngayon.
Pagdating ko ay mabilis akong bumaba sa parking lot at mabilis na tinahak papasok ang ospital.
Pagkapasok ko, hinanap ko kaagad sila tito. Mabilis ko din naman silang nakitak kaya patakbo akong pumunta doon. Napansin kong nasa emergency room sila.
Pagdating ko ay lumapit si tito sa'kin at nagsimulang umiyak. De jávù ang nangyayari ngayon.
"Tito anong nangyari? Bakit kayo nandito sa labas ng emergency room? May nangyari ba kay Lei?" Sunod-sunod kong tanong pero tanging iyak lang ni tito ang narinig ko.
"C-Clark may n-nangyaring masama kay L-Lei. A-Akala ko gising na siya dahil g-gumalaw yung mga d-daliri niya p-pero yun pala a-ang dahilan para mas l-lumala siya at m-manginig." Sabi niya sa nanginginig na boses.
"Tito..." yun na lang ang nasabi ko dahil hindi pa din nagsisink-in sa'kin ang mga sinabi ni tito.
Lei, anong nangyayari sayo?!
"Tito, ano na pong kalagayan ni Lei?" Nag-aalala kong tanong dahil ngayon lang nagsink-in sa'kin ang lahat ng sinabi ni tito.
"H-Hindi ko alam, C-Clark. N-Nasa emergency room pa siya n-ngayon." Sagot ni tito.
Lei, please...
***
Naghihintay kami ngayon sa labas ng ER. Naglalakad ako ngayon ng pabalik-balik habang kagat-kagat ko ang kuko ko sa labi dahil sa labis na pag-aalala habang si tito naman ay nakaupo lang at parang nagdarasal.
Habang ganito kami ay biglang bumukas ang pintuan ng ER at bumungad sa'min ang doktor. Parang kinakabahan ako ng hindi ko maintindihan. Masama ang kutob ko sa dapat na sasabihin ng doktor kahit wala pa naman siyang sasabihin.
Biglang tumayo si tito at mabilis na nagtanong na nag-aalala.
"Doc, anong nangyari sa anak ko? Ano nang kalagayan niya ngayon?" Tanong ni tito.
Nakita ko pang nag-aalinlangan pang sumagot ang doktor pero pinilit pa rin niyang sumagot sa tanong ni tito.
"I'm sorry. But she's in a critical state. She's in coma. That's all I can say to you." Sabi ng doktor at umalis na kasama ang mga nurse.
Napapikit na lang ako dahil hindi ko kaya na ganito pala ang kahihinatnan ni Lei.
I'm sorry Lei, because I didn't tell you what I feel about you. Naghahanap lang naman ako ng tyempo para masabi ko sayo ang nararamdaman ko para sayo pero bakit naman ganito?
"T-That's not true! I-It's not true that L-Lei's comatose a-again." Sabi ko habang sinusuntok ang pader. Hinawakan ni tito ang braso ko para pigilan ako.
"Clark, tama na. Hindi yan makakatulong sayo. We just have to accept that my daughter is comatose... again." Nahihirapang sabi ni tito kaya napaiyak ako lalo.
"M-Magigising pa ba siya tito, diba?" Umaasang tanong ko. Nagmumukha ng tanga.
"W-Walang nakakaalam kung kailan siya gigising, iho." Sagot ni tito kaya napasandal ako sa pader.
Lei, sana wag kang bibitaw. Sana kumapit at lumaban ka pa rin kahit imposibleng magising ka pa...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top