Chapter 3


Chapter 3: Friends

Lei's Point of View

Maaga akong nagising kasi maaga rin ang klase namin, mga 7:35 a.m. Nagshower muna ako at pagkatapos ay nagbihis, nagsuklay ng buhok ko. Masarap ang gising ko ngayong umaga kasi sasabay sa 'kin si dad kumain at pumunta sa school ko, actually ngayon lang kasi ito nangyari eh kasi palaging busy si dad at medyo malelate siya papunta sa trabaho niya. Bumaba na ako at kumain na din kasabay si dad.

"Oh, anak anong meron sayo, bakit masaya ka?" Tanong ni dad sa 'kin.

"Masarap ang gising ko ngayon dad kasi ngayon sasabay kang kumain sakin at papunta sa school po," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hehe, ngayon kasi anak ay maaga pa naman," sabi sa 'kin ni dad.

"Ah, okay dad. Ehh, asan pala si mom bakit wala po siya dito?" Tanong ko ni dad.

"Uhm, anak maagi kasi siyang umalis ngayon kasi kailangan siya sa trabaho," sabi ni dad sakin.

"Okay, dad," malungkot na sabi ko.

"Oh, bakit ang lungkot mo eh kanina naman ang saya mo?" Tanong ulit ni dad sa 'kin.

"Eh dad, hindi kasi siya sumasabay sa 'tin kapag kumakain na tayo, lagi po siyang busy," malungkot na sabi ko.

"'Wag kang malungkot anak, nandito naman ako, 'di ba," nakangiting sabi ni dad.

"Sige po, dad," nakangiting sabi ko.

"Sige anak, kumain ka na dyan at pagkatapos ay sabay tayong pupunta sa school niyo," sabi ni dad.

At pagkatapos namin kumain ay sumakay na ako sa kotse ni dad at pumunta na kami sa school. Pagpunta namin don ay bumaba na ako.

"Bye, dad," paalam ko.

"Sige anak, bye," sabi din ni dad sa 'kin habang kumakaway si dad sakin.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa school at nakita ko si Wayne kasama ang kaibigan niya. Napaisip ako sa sinabi ni Wayne sakin kahapon.

-Flashback-

"Stop hurting her Keiz! Kapag hindi mo siya tinigilan ako ang makakalaban mo! Naiintindihan mo?" Galit na sabi ni Wayne. Pinatayo niya ako at binigyan ng tissue para kahit konti mawala yung dumi sa mukha at damit ko.

"Thank you," sabi ko. Ngumiti siya. Naiilang na talaga ako.

"Welcome. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Nakangiting tanong niya.

"Hmmmm... Pag-iisipan ko. Sige una na'ko. Salamat ulit," pagpapaalam ko.

-End of Flashback-

"Hi Lei," nakangiting bati niya.

"Hello din," sabi ko din.

"Ano, napag-isipan mo na ba?" Tanong niya.

"Oo, napag-isipan ko na," nakangiting usal ko sa kanya. "Okay, friends na tayo," nakangiting sabi ko.

"Okay, friends?" Tanong niya ulit.

"Friends," pag uulit ko. "Ujm, Wayne sino 'yung kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, ito yung kaibigan ko si Nic," sabi niya. "Magpakilala ka sa kanya—"

"Lei, sino yung kausap mo?!" Sigaw sa 'kin ni Rosea habang papalapit siya sa 'kin.

"Ah, si Wayne at yung kaibigan niya," sabi ko sa kanya, masama ang tingin dahil sa sigaw niya kanina. Akala mo singer.

"Ah, okay," nakagiting sabi ni Rosea saka napakamot sa batok.

"Nic, magpakilala ka sa kanila," sabi ni Wayne sa kanya.

"Hi, I'm Brandominic Tejada, for short Nic," pagpapakilala niya samin.

"Hi, Nic," sabi ni Rosea sa kanya.

"It's nice to meet you," sabi ni Nic kay Rosea.

"Ako nga pala si Roseanne Tan kaibigan ni Lei," nakangiting sabi niya kay Nic. "Pwede mo na lang akong tawaging babe, haha char, Rosea!" Magiliw na sambit niya.

Sabay na kaming pumasok sa room at nagkwentuhan kami habang wala pa ang prof. namin. Nagkwentuhan kami ng mga experience namin during summer at iba pa. Maya't-maya pa ay dumating na ang Prof. namin at hindi na kami nagkwentuhan pa dahil strikto ang prof. namin si Prof. Henry Sy, English teacher namin. Ngayon meron kaming quiz at hindi ako nakapag-aral kagabi dahil inaantok na ako.

"Class, meron tayon quiz ngayon, sino ang hindi nag-aaral?" Tanong ni Prof. Henry.

At nagsitaasan ang mga kamay namin. Ang iba naman ay mukhang nakapag-aral na sila kagabi.

"Ah, so kayo ay hindi nakapag-aral? Paano kayo makaperfect sa quiz eh hindi kayo nag-aaral kagabi? Ano ba ang ginawa niyo kagabi?" Galit na tanong ni Prof. Henry.

"Kasi Sir inaantok na po ako at nakakapagod din," kinakabahan sabi ko.

"Anong nakakapagod Miss Dizon? Kahit ikaw ang anak ng may-ari ng school na ito ay dapat mag-aral ka nang mabuti," galit na tanong ni Prof. Henry.

"Okay po Sir," napapahiyang sabi ko. Badtrip naman oh.

"Lei, 'wag kang mag-alala," bulong na sabi ni Wayne sakin.

"Bakit ba ang bait-bait mo sakin Wayne?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya natin 'yan pag-usapan," nakangiting sabi niya.

Nagsimula na kaming mag quiz. Pero meron naman akong nalalaman kahit maliit. Haysst! Ilang minuto na at natapos rin.

"Time is up," sabi ni Prof. Henry.

"Finish or not, pass your papers now," sabi niya ulit.

Hindi pa naman ako tapos. Tsk. Sige na nga basta I did my best.

Pagkatapos ay nagsilabasan na kami at nauna na sila Rosea at Nic. Kami naman ni Wayne ay naiwan dito.

"Lei, hindi ka pa ba aalis?" Tanong niya.

"Hindi, sige na umalis ka na susunod nalang ako sa inyo," sabi ko.

"Okay, basta hihintayin ka namin do'n," sabi niya.

"Sige, bye basta sasabihin mo sakin mamaya 'yung tanong ko kanina ha?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Sige. Bye, ingat ka," tumatangong sabi niya sa 'kin.

Lumabas na ako at nakita ko na naman si Zhia na papalapit na sakin. Umiwas naman ako pero hindi niya ako inurungan.

"Hoy, halika dito," galit na sabi niya.

"Ano na naman ba, Zhia?" Tanong ko sa kanya.

"'Wag mo akong tawaging Zhia, okay? Tawagin mo akong Keiz mas okay 'yun," pagtatama niya sa 'kin. May gana pala siyang icorrect 'yung pangalan niya ah.

"Okay, if you say so. Bakit ba galit na galit ka sakin?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Kasi inaagaw mo sa 'kin si Clark " galit na sabi niya. Wow, ang babaw naman pala ng dahilan!

"Hindi ko naman inaagaw sayo si Wayne eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Kahit na, meron ka pang kasalanan sakin," galit na sabi niya.

"Wayne, Wayne please help me," takot na sigaw ko.

"Wala namang makakarinig sayo dito," nakangising sabi niya sa 'kin.

Biglang may isang lalaking tumulong sa 'kin. Hindi ko naman siya kilala. Pero tinatakot niya si Keiz. Umalis naman sila Keiz. Tinlungan niya ako at gusto ko sana siyang kilalanin pero umalis siya. Sino kaya 'yun? Bakit niya ako tinulungan? Haysst! 'Wag mo na 'yang isipin basta tinulungan niya ako. Pumunta na ako sa canteen at nandon sila Wayne, Nic, at Rosea, pareho silang naghihintay sa 'kin.

"Oh, anong nangyari sayo, bakit pinagpawisan ka?" Tanong ni Rosea sa 'kin.

"Mahabang kwento, pero alam niyo guys may lalaking tumulong sakin kanina pero hindi siya nagpakilala sakin," sabi ko.

"Ha, anong sabi mo, tumulong? Bakit, sinaktan ka ba, baka sinaktan ka ni Keiz at may lalaking tumulong sayo. 'Baka' plinano lang 'yan?" Tanong ni Wayne sakin.

"Oo, si Keiz nga, pero hindi ko alam kung plinano ba iyon, at saka paano mo naman nasabi 'yan, Wayne?" nakakunot noong sabi ko. Pero naging malalim na ang iniisip ni Wayne, hindi siguro niya narinig 'yong tanong ko.

"Basta 'wag mo munang isipin 'yan, kain na tayo at gutom na gutom na ako," pag-iiba ng usapan ni Rosea.

"Oh, sige," sabi ko at kumain na kami.

Pagkatapos ng klase, umuwi na ako at nakatulog na ako pagkatapos. Busog na busog ako sa pagkain at hindi na ako nakapagdinner.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top