Chapter 29
Chapter 29: Suitor
Rosea's Point of View
"Pwede bang... manligaw?" Pagkatanong niyang iyon ay parang tumigil ang lahat ng nasa paligid, kaming dalawa lang ang hindi.
'Pwede bang manligaw?'
'Pwede bang manligaw?'
'Pwede bang manligaw?'
'Pwede bang manligaw?'
"Kung hindi ka pa handang magpaligaw ay tatanggapin ko at hihintayin ki—" I cut him off.
"No it's okay." Sabi ko. Sapat na ba 'yon para maintindihan niya ang tinutukoy ko o hindi? Sana naman maintindihan niya.
"So do you mean na... gusto kang magpaligaw sa'kin?" Paninigurado niya.
"Oo," sagot ko kaya nanlalaki ang kanyang mga matang tinignan ako at unti-unting napangiti kasabay ng pagsigaw kaya hinatak ko na naman siya pabalik sa kinauupuan niya at itinakip ko ng kamay ang bibig niya para tumigil na siya sa pagsigaw.
"Babawiin ko na lang ang sinabi ko. Ang ingay-ingay mo, makakarinig si tita at tito. Mapagkamalan ka pang baliw dahil sa pagsigaw mo." Inis na sabi ko kaya tumigil naman siya.
"Edi mabuti na marinig nila para hindi na ako magsasabi sa kanila na manliligaw ako sayo." Sabi niya kaya hinampas ko siya.
"Baliw! Ewan ko sayo!" Sabi ko at tumayo para maglakad papalayo pero bago pa man ako makapaglakad papalayo ay nahawakan na niya ang kamay ko at hinigit papaupo... sa lap niya! It's so embarassing! Pinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko at yinakap ako.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
"Just give me 1 minute." Sabi niya kaya wala akong nagawa kundi napabuga ng malalim na hininga at hinayaan siya na ganito muna kami.
Unti unti akong napangiti at napapikit, dinaramdam ang pagyakap niya sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin sa kanya, ganun din siya sa'kin at kasabay nun ang pagngiti naming dalawa.
"I want to be your boyfriend and my girlfriend now but I respect your decision that you are not ready about that boyfriend-girlfriend thingy. This is my first step, the courting stage. Please don't say yes to other boys, especially in school that wants to court to you because you already say yes to... me. I respect you, you respect me too." Sabi niya kaya tumango ako at ngumiti. Parang manonosebleed na ako sa galing ng pag-eenglish niya. Sana all!
"Good," pagkasabi niya nun ay inilapit niya ang mukha niya sa'kin para bigyan ako ng halik sa pabi pero bago pa iyon mangyari, itinapat ko ang index ko sa labi niya para hindi matuloy.
"Oops! Ang bilis mo naman. You are just in the courting stage, not the boyfriend stage so don't kiss me immediately." Sabi ko habang natatawa.
"Pero bakit nung kanina ay pinagbigyan mo ako." Nakakalokong sabi niya kaya hinampas ko siya ulit at pumula ang pisngi ko.
"Nagulat lang ako sa biglang paghalik mo kaya hindi kita masyado napigilan kanina. And, please wag mo nang ipaalala 'yon, nakakahiya." Sabi ko habang namumula pa rin ang pisngi.
"Okay." Sabi niya at hinalikan na lang ang pisngi ko. Yun ang dapat, hindi ang halik sa labi.
"Gusto mo na bang pumasok?" Tanong niya mayamaya dahil kanina ay sobra naming naenjoy ang garden.
"Hmm, yeah." Sabi ko at tumayo, ganun din siya at sabay kaming naglakad papasok ng bahay nila.
Pagkapasok namin ay pumunta kami diretsyo sa dining nila. Napalunok ako dahil nakita ko ang daddy niya na seryosong kumakain. Nakita ko si tita na nakangiting tumingin sa'kin kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya pero pilit dahil kinabahan ako sa daddy ni Nic. Masyadong seryoso! Hindi ko kaya ang mga ganun.
Pinaupo ako ni Nic katabi ng inuupuan ko niya ngayon. Umupo na din siya pagkatapos.
"Iha, what's your name?" Seryosong tanong ng daddy ni Nic. Tumingin ako sa kanya at pilit sumagot sa tanong niya.
"I'm Roseanne Tan po. Rosea na lang po in short." sabi ko.
"Hmm, okay. Are you the daughter of Mr. Stephen Renz Tan and Mrs. Persephany Tan?" Tanong niya kaya nagulat ako. Kilala niya ang mga magulang ko?
"Po? Opo." Aish! Kinakabahan talaga ako.
"We work on the same company and building. I heard that your dad have an affair. Is it true?" tanong niya. Bakit ba tinanong niya yung ginawa ni daddy na meron siyang kabit? Hindi pa naman ako handang sagutin ang tinanong niya ngayon.
"Ugh, dad. It doesn't even matter, let's not talk about that because it is their family problem and not us." Sabi ni Nic. Nahalata niya pala 'yon pero thank you Nic for saving me.
"It does matter to me, son." sabi ng daddy niya.
"Why does it even matter to you, dad?" tanong ni Nic.
"Ehem. We'll talk about it next time. Let's just eat." Sabi ng daddy niya.
"But, dad... " sabi ni Nic pero hinawakan ko ang kamay niya para patigilin at nagsalita din si Tita Belle.
"'Nak, kumakain pa tayo. Baka pwedeng wag ka na lang magsalita." suway ni tita kaya walang naawa si Nic kundi kumain at bumuntong-hininga.
***
Pagkatapos naming kumain ay pinapunta ako sa sala ni tita para daw mag-usap-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay. Naiilang at nahihiya ako kay tita dahil ang bait niya sa'kin, a motherly type. Ang swerte ni Nic dahil meron siyang mommy na ganito.
Pagkaupo naming dalawa ni tita ay sinimulan naming mag-usap.
"Rosea, ba kamo?" Pagkaklaro ni tita kaya tumango ako.
"Opo," sabi ko.
"Alam mo ba na palagi kaming magkasama ng mommy mo nung highschool?" Tanong niya pero umiling ako.
"Hindi ko po alam, tita. Wala naman pong sinabi si mommy sa'kin. Ibig sabihin po matagal na kayong magkakilala ng mommy ko?" Namamanghang tanong ko. Tumango si tita.
"Hindi lang kakilala, magkaibigan kami ng mommy mo. Matalik na magkaibigan." Nakangiting sabi ni tita kaya napangiti ako.
"Pero bakit naman po walang sinasabi si mommy sa'kin ng ganyan na magkaibigan kayo?" Nagtataka kong tanong. Wala talagang sinasabi sa'kin si mommy ng ganyan.
"Hindi ko alam, iha. Baka dahil marami siyang iniisip kaya hindi na niya maalala nung mga panahon na yun. Pero sana hindi niya makalimutan yung pinagsamahan namin." Sabi niya kaya ngumiti ako. It's just like me and my bestfriend, Lei.
"Pasabi ng mommy mo, ah na kamusta na siya. Namimiss ko na rin ang mommy mo, matagal ko na kasi siyang hindi nakakausap at kung magkikita naman kami ay hindi niya ako binabati dahil palagi siyang busy sa ginagawa niya at marami siyang iniisip." Malungkot na sabi ni tita kaya nagsalita ako.
"Okay lang yan, tita. Baka, isang araw mababati ka rin ni mommy at makapag-usap-usap kayo." Sabi ko pero bigla akong nalungkot. "Tita, pwede dumito na lang muna ako, hindi ko pa kasing gusto umuwi at humarap kay mommy at daddy eh." Sabi ko kaya napatingin sa'kin si tita.
"Bakit naman, iha? Ah, sige iha. Pero kailangan mo talagang harapin ang mommy at daddy mo, baka nag-aalala na sila sayo ngayon." Sabi ni tita kaya tumango ako.
"Pasensya ka na sa sinabi ng asawa ko. Ganun lang talaga siya minsan. Naapektuhan din siya dahil magkaibigan din sila ng daddy mo." Paumanhin ni tita.
Ang liit nga naman ng mundo. Magkaibigan si mommy at mommy ni Nic, magkaibigan din si daddy at daddy ni Nic.
"Ayos lang po." Sabi ko kaya nakangiting nagsalita si tita.
"Ang swerte ng mga magulang mo na meron silang mapagpatawad na anak. Ito kasing anak ko, hindi madaling magpatawad at minsan matigas ang ulo. Pwede bang turuan mo itong anak ko ng mga good manners? Kahit ano kasing suway ko sa kanya, matigas pa rin ang ulo. Kapag hindi siya susunod sa mga inutos mo, sabihan mo lang ako." Wika ni tita.
"Pfft! Opo, tita. Tuturuan ko po siya." Sabi ko.
"Iha, may gusto ba sayo yung anak ko?" Tanong ni tita kaya nanlaki ang mga mata ko. Bakit ganun siya kaprangka magsalita?
"Uh--- " naputol ang sasabihin ko dahil bigla na lang sumulpot si Nic sa kung saan. Ano siya? The Flash? May magic or power?
"Mom! Where's my book?" Tanong niya.
Pinigilan kong matawa dahil para siyang bata kung magtanong sa kanyang ina.
"What book?" Tanong ni tita.
"Hell University book." Sagot niya.
"It's in your room. In the shelves." Sabi ni tita.
"Wala lagi didto, ma. Asa nimo gibutang, ma?" Tanong niya.
(Translation: It's not there, mom. Where did you put it, mom?)
"I don't know, 'nak." Sabi ni tita.
"Kausap mo ba si Rosea ngayon, mom?" Tanong niya.
"Yes," sagot ni tita.
"Pwede pahiram? I need her help to find my book." Sabi ni Nic.
"Oh, sure. Sige, Rosea, mamaya mo na lang sagutin ang tanong ko. Bye." Wika ni tita.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Anong tinanong ni mommy sayo?" Bungad niyang tanong sa'kin.
"Tinanong niya daw na may gusto ka ba daw sa'kin." Sagot ko.
"Anong sinagot mo?" Gulat niyang tanong.
"Wala, dahil dumating ka. Perfect timing." Sabi ko kaya nabunutan siya ng tinik.
"Phew! Hindi ko pa nasasabi kay mommy na may gusto ako sayo at nanliligaw na ako sayo kaya wag mong sasabihin sa kanya dahil ako ang sasabi sa kanya, especially dad. Paniguradong hindi ka niya magugustuhan. Pag seryoso ang mukha niya, hindi ka niya nagustohan." Sabi niya.
"Nakakatakot ang pagiging seryoso ng daddy mo." Sabi ko.
"Dapat lang na matakot ka. Si daddy ang makapangyarihan dito sa bahay namin. Joke lang, wag kang matakot, nandito naman ako." Sabi niya.
"Ano bang nakakatawa sa biro mo?" Sabi ko.
"Pinapatawa lang kita. Masyado ka kasing kinakabahan kanina pa." Sabi niya kaya napasimangot ako.
"Hindi effective." Sabi ko.
"Kung hindi effective, hahalikan na lang kita para effective." Natatawa niyang sabi kaya hinampas ko siya.
"Baliw! Bahala ka dyan." Sabi ko at pumunta patungo sa garden nila. Gusto ko talgang pumunta sa garden nila dahil madaming bulaklak.
"Magpapaalam ako sa mga magulang mo na manliligaw ako sayo." Sabi niya pagkasabay niyang maglakad sa'kin.
"Ikaw bahala." Sabi ko.
"Sure ka? Gusto mo na bang umuwi ngayon?" Tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Bukas na bukas." Nag-aalinlangan kong sagot bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Hmm, okay." Sabi niya.
Lumakad ako pakanan at nakita ko ang isang fountain. Mayaman talaga sila! Nakumpirma ko na.
Tumigil ako sa paglakad at tumingin sa fountain. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at sinimulang manguha ng picture. Pagkatapos ay isinilid ko na iyon pabalik.
Ngayon nakatingin lang ako sa fountain.
May bigla na lang bumackhug sa'kin kaya napatingin ako. Si Nic.
"Baka makita tayo ng mommy at daddy mo." Sabi ko pero parang wala siyang naririnig, in short wala siyang pakialam.
"2 minutes lang at papakawalan na kita." Sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya.
Hindi ko talaga gusto ang mga ginagawa niya pero pinagbigyan ko na lang siya. Parte pa ba 'to sa panliligaw niya?
Pero napangiti ako sa mga ginagawa niya.
Siya lang ang nakakagawa nito sa'kin...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top