Chapter 28
Soundtrack: Likey by Twice (English Cover)
Chapter 28: We Like Each Other
Rosea's Point of View
Hinawakan niya ang panga ko at iniharap sa kanya.
"I think..." tumigil muna siya bago ulit nagsalita. "I like you, Rosea." Nagulat ako sa sinabi niya. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Gusto niya ako?
"Uhh, no. I mean, I like you, Rosea." Pagtatama niya kaya lumayo ako ng kaunti para mawala ang pagkakahawak niya sa panga ko at saka napahawak sa dibdib ko.
"Hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto kita. Yun kasi ang sinasabi ng puso ko." Sabi niya.
"Nic... " tawag ko ulit sa pangalan niya. Yun lang talaga ang nakaya kong isabi dahil umurong lahat ang dapat sasabihin ko sa kanya.
"Nagulat ba kita? I need to confess this to you dahil hindi talaga ako patatahimikin nitong isip ko. Pabalik-balik kasi siyang tanong ng tanong kung gusto ba talaga kita." Sabi niya. So he was thinking me all the time. I can't believe that he actually likes an annoying girl like me. Okay, I admit it, I am annoying but I tried to deny it before until I realize that I am annoying just like Lei said to me.
He likes me... but do I actually like him too?
Katulad niya, palagi ko rin siyang nasa isip at tinatanong ako ng isipan ko kung gusto ko ba talaga siya. Naguguluhan ako nung una pero narealize ko na ngayon na... gusto ko siya. Napatunayan ko kahit sa isipan at sa puso ko na siya talaga ang gusto ko. May crush ako nung una palang ako sa Valzon Academy nag-aaral pero hindi ganun kabilis ang tibok ng puso ko nun, iba si Nic eh.
"Rosea... " pagkasabi niya ay hinawakan ng isang kamay niya ang kamay ko at ang isa naman ay hinawakan niya sa pisngi ko. "Do you like me too? Do you feel the same way as I do?" Tanong niya. Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Hindi pa ako handang sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko but since tinanong niya ako ngayon, baka ito na lang ang oras na kailangan ko talagang isabi sa kanya ang nararamdaman ko.
"Hmm?" Naghihintay siya sa sagot ko. Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot.
"I think... I like you too." Sagot ko kaya nagulat siya at napatayo, then ang sunod na nangyari ay nagsusumigaw siya sa tuwa kaya hinatak ko siya pabalik para mapaupo siya at para mapatakip ko ang bibig niya. Kung anu-ano na ang mga sinisigaw niya. Nakakahiya na tuloy. Baka marinig ni Tita ang pinagsisigaw niya.
"No, I mean, I like you. Not thi—" bago pa ako makapagpatuloy sa pagsasalita ay hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahang iniharap sa kanya.
"A-Anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong pero imbes na sumagot siya ay inilapit niya ang mukha niya sa'kin at dahan-dahang inilapat ang labi niya sa labi ko.
Hinalikan niya ako! Gusto ko siyang patigilin at ipalayo pero kakaiba ang dulot ng halik niyang iyon. Parang hindi ko kayang patigilin siya sa paghalik sa'kin at ipalayo.
Inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya sa pamamagitan ng pagpulupot ng braso ko sa leeg niya. Hinawakan naman niya ang bewang ko at mas pinagpatuloy ang paghahalikan. Mas lumalalim, mas delikado. Kailangan ko siyang patigilin.
Hindi ko na hinawakan ang leeg niya pero siya ay patuloy pa rin sa paghawak sa bewang ko para mas ipagpatuloy ang halikan. Pilit ko siyang inilayo, nagwagi naman ako dahil naputol ang paghahalikan naming dalawa.
Muntik na ako dun ah!
Napatingin ako sa mukha niya. Pumungay ang mga mata niya.
"I can't believe that you actually like me. I mean it's too impossible." Sabi niya kaya napataas ang isang kilay ko. Mabuti na ngayon ang pakiramdam ko, hindi na mabigat.
"What do you mean it's too impossible?" Taas-kilay kong tanong.
"Uhh, nevermind. Gusto mo na bang kumain?" Pag-iiba niya ng usapan. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Answer it." Seryoso kong sabi kaya napabuntong-hininga muna siya bago sumagot.
"We met as friends and today, we confess our feelings for each other." Sagot niya.
"Now I know why it's too impossible but it doesn't matter." Nakangiti kong sabi kaya ngumiti din siya.
"So, gusto mo na bang kumain? Ipaghahanda kita." Tanong niya kaya tumango ko. Muntik ko pang makalimutan na kailangan ko palang kumain. Ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom. Lintik na kiss na iyon! First kiss ko pa iyon! Pero, infairness magaling siyang humalik. Aishh! Stop that, Rosea! That's bad! Hindi ka dapat mag-isip ng ganyan. Kailangan muna magmature ka.
"Hintay ka lang dyan." Sabi niya at tumayo at lumabas ng kwarto niya. Narinig ko pa siyang bumaba dahil sa yabag ng paa niya.
Eto naman ako pinagmasdan na naman ang loob nitong kwarto niya at nung nagconfess kami sa isa't-isa. Enebe! Kinikilig eke! Hihihi!
"Gusto niya ako? Kyaahhh! Hihihi!" Sigaw ko ng dahil sa saya. Sinigurado kong ako lang ang makakarinig sa isingaw ko. Nakakahiya kaya kapag may makarinig at mapagkamalan pa akong baliw. Ayoko ng ganun! Huhu!
Tumayo ako ng dahan-dahan baka sakaling mahilo na naman ako 'pag nagkataon. Tinry kong maglakad, hindi na masakit yung ulo ko, hindi na din mabigat ang pakiramdam ko. Okay na ako, I'm well now.
Naglakad lang ako ng dahan-dahan. Tinry kong maglakad patungo sa pinto para lang makalabas dito at para makalanghap ng hangin doon. Pero nung papalapit na ako sa pinto, bumukas na lang bigla ang pinto at iniluwal niyon si Nic na merong dala-dlaang tray ng pagkain. Para siguro iyon sa'kin. Ay, oo naman self! Sa iyo iyan! Sino pa nga ba ang tao dito? Diba ikaw self kaya sa iyo itong tray ng pagkain! Hay! Minsan talaga may pagkaslow ako.
Nagulat pa siya dahil nandito ako sa harap niya pero kalaunan ay balik sa dati ang reaksyon niya ng nakangiti.
"Kaya mo na bang maglakad?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Para sa'kin ba 'yan?" Turo ko sa tray ng pagkain na dala-dala niya.
"Oo naman. Hindi ka pa nga nakakain ng breakfast." Nakangiting sagot niya kaya napatango na lang ako.
Bumalik na lang uli ako sa kama niya at umupo doon kasabay ng paglagay niya ng tray ng pagkain sa may lap ko. May stand kasi 'yon, sa tingin ko.
"Kain ka na." Sabi niya at saka ako nagsimulang kumain sa tabi niya.
Hindi din ba siya kakain? Papanoorin niya lang ako? Nakakailang naman!
Tumigil ako sa pagnguya at tinignan siya ng may pagtataka.
"Hindi ka ba kakain? Papanoorin mo na lang akong kumain dito?" Tanong ko.
"Actually, I'm done eating kaya pwede kitang papanoorin habang kumakain ka." Sagot niya.
"Hmm, okay." Sabi ko at pinagpatuloy kong kumain.
"Gusto mo?" Alok ko. Itinapat ko sa bibig niya ang hawak kong kutsara na may pagkain.
"No, thanks. I'm already full." Sabi niya kaya napasimangot ako.
"Sige na. Subukan mo na lang." Pagpipilit ko kaya sumunod na lang siya at ngumanga. Isinubo ko naman iyon. Ngumunguya siya at nasisiguro ko ngayon na ginanahan siya sa lasa ng kinutsara kong pagkain.
"Masarap ba?" Tanong ko habang ngumuya din sa natitira ko pang pagkain. Tumango siya kaya napangiti ako.
"Gusto mo pa?" Alok ko pa ulit pero tanging iling lang ang sagot niya. Naintindihan ko naman kung bakit ganun na lang ang sagot niya, busog na siya kaya hindi ko na siya pipilitin.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha na niya ang dalang tray at tumayo. Pero bago pa siya naglakad palayo, yumuko muna siya upang bigyan ako ng halik sa pisngi bago nakangiting lumabas ng kwarto.
Ano na naman ang susunod mong ikiss? Una sa labi, sunod sa pisngi. Ano naman ang sunod? Sa noo? Ang sweet naman kung ganun. Pero hindi dapat ako umasa dahil gusto niya lang ako hindi mahal.
(A/N: Ouch! Mapanaket!)
Tumayo ako at lumakad patungo sa pintuan pero bago pa ako makahawak sa door knob ay bumukas na naman ang pinto kaya inis kong tinignan kung sino ang pumasok. Si Nic na naman.
"Sorry, nandyan ka pala. Sana sinabi mo sa'kin na gusto mong lumabas." Sabi niya habang napakamot sa sintido niya.
"Paano ako makakapagsabi sayo kung nandun ka naman sa baba at nandito lang ako sa kwarto?" Inis na tanong ko kaya napahiya siya pero itinago niya iyon sa pamamagitan ng pagtawa.
"Oo nga noh." Sabi niya.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Gusto kong lumabas muna." Sabi ko kaya tumango siya at inalalayan akong makalabas. Para akong galing sa aksidente o nabalian. Kaya ko naman ang sarili ko pero hindi na lang ako umimik.
Pagkalabas ko ng pinto ay napatingin ako sa paligid. Grabe, ang laki! Pang-mansyon lang ang peg! Ang yaman naman nila.
"Ang laki pala ng bahay niyo." Sabi ko.
"Hindi naman masyado." Sabi niya.
Nagpaumuna akong bumaba ng hagdan pero naramdaman kong nakasunod siya sa'kin. Binabantayan na naman niya ako! Kaya ko nga ang sarili ko.
Pagkababa ko ng hagdan ay nadatnan ko si tita na papalapit pa lang sa hagdan. Nagulat pa siya nung makita niya ako pero kalaunan ay ngumiti at lumapit sa'kin.
"Okay ka na ngayon, iha?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Mabuti naman." Sabi niya.
"Uh, mom pwede po bang umalis ka muna, may pag-uusapan lang kasi kami nitong kaklase ko. Ang pangalan niya pala ay si Rosea. Mamaya ko na lang siya ipapakilala sa inyo ni dad." Sabi ni Nic kaya tumango si tita at umalis.
Humarap ako sa kanya.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko ng may pagtataka. Wala namang dapat pag-uusapan ah.
"Pwede bang dun tayo sa garden namin?" Tanong niya kaya tumango na lang ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila patungo sa garden nila.
Pagdating namin ay umupo kami sa isang bench habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko ulit dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko kanina.
"Rosea, gusto kita. Gustong-gusto kita at patutunayan ko 'yon sayo. Kaya magtatanong ako sayo tungkol sa isang bagay na pag-iisipan mo." Sabi niya.
Kinakabahan naman ako sa sunod na sasabihin niya. Pag-iisipan? Ano naman ang dapat pag-iisipan ko?
"Ano naman 'yon?" Tanong ko.
"Pwede bang... manligaw?"
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top