Chapter 27


Chapter 27: I Think I Like Him

Rosea's Point of View

-Flashback-

Hindi ko alam pero may kung anong magnet na gustong tumitig sa kanya, sa kanyang mga mata.

Habang nakapako ang mga mata ko sa kanya ay may weird akong nararamdaman pero hindi ko alam kung bakit o kung saan ito nanggaling. Galing sa puso ko ang kakaiba kong nararamdaman. Bigla na lang kasing tumibok ang puso ko ng mabilis.

Mayamaya lang ay nagsalita siya na nakapagpapukaw sa akin at umiwas sa kanya ng tingin. Ngayon naiilang na ako sa kanya.

"Umm, so... bakit ka nga ba tumitig sa'kin ng matagal?" Tanong niya kaya nautal ako.

"Ah, hehe... wala lang. Pasensya na kung nailang man kita o hindi." Kumuha ako ng lakas ng loob para sagutin ang tanong niya habang napapakamot sa anit ko at nahihiyang tumingin sa kanya habang nakangiti naman.

"Ah, hindi ako naiilang, ah!" He sounded so defensive so I laugh a little.

"Ang defensive mo naman, aminin mo na lang kasi na naiilang ka talaga." Natatawa kong sabi.

"Hindi, ah! Hindi talaga ako naiilang, promise." Tanggi niya kaya may nabuo akong kalokohan sa isipan ko para sa kanya.

Gusto ko kasing paaminin siya kung naiilang ba talaga siya sa'kin o wala. Hindi din naman ako naniniwala na hindi siya naiilang sa'kin, eh kitang-kita na defensive siya kanina lang. Eh, sa makulit ako eh. Hahaha...

"Hmm, okay." Sabi ko habang nakatingin sa kanya at nakakalokong ngumsii sa kanya. May balak talaga akong mapapaamin ka talaga. Napansin din naman niya iyon kaya inunahan niya ako.

"Alam ko na ang ganyang ngisi mo. Hindi mo ako maloloko, gumagawa ka na ng kalokohan sa isipan mo, sure ako." Sabi niya kaya napasimangot ako. Alam na pala niya ang ganyang ngisi ko, dapat pala hindi na lang ako nangulit sa kanya para mapaamin talaga siya. Kainis naman!

"Okay, I admit it. Naiilang ako sayo kanina. Oh, happy ka na ba?" Sabi niya kaya nawala yung simangot ko. Sabi na nga ba at naiilang siya sa'kin kanina. Pero bakit ba ako pilit na pilit paaminin siya na naiilang siya sa'kin? Hindi ko din alam, bigla-bigla din kasi.

"So you really mean it? Ang isang Brandominic Tejada ay naiilang sa'kin? Woah! It's new to me and it gaves me chills on my spine." Biro ko.

"Full name ko pa talaga ang sinabihan mo?" Reklamo niya kaya tumaas ang isang kilay ko.

"Oo, may angal ka?" Sabi ko pero umiling lang siya at napataas ang dalawang kamay niya na parang susuko sa mga pulis.

"Oh, tingnan mo napasaya kita ngayon." Sabi niya mayamaya kaya napangiti ako. Oo, napasaya mo ako ngayon. Ikaw lang ang taong nakapagpasaya sa'kin except sa kaibigan ko.

"Thank you talaga. I will cherish this moment and make it my memorable day of my life from now on." Nakangiti pa rin ako habang sinasabi ko iyon at saka hinawakan ang magkabilang balikat niya kaya napatingin siya sa'kin. Ayun na naman yung kakaiba kong nararamdaman!

"Uhh... your welcome?" Patanong niyang tugon kaya napatawa ako. Baka naiilang na naman siya sa'kin. Sino ba naman kasing hindi maiilang sa ginawa kong paghawak sa magkabila niyang balikat at napatitig na naman ako sa kanya ng matagal? Nahihiya siyang tumingin sa'kin.

"Uy! Naiilang na naman siya. Hahaha!" Sinubukan kong manukso sa kanya para mawala ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon at para mawala ang nakakailang kong nararamdaman.

"Hindi kaya." Sinubukan na naman niyang tumanggi pero hindi na yun tatalab sa'kin, uy!

Kaya pinagpatuloy ko ang panunukso sa kanya. Nakisama din naman siya.

Mayamaya lang ay tumigil ako sa panunukso sa kanya at saka napaayos ng upo.

Bakit ba ang kulit ko?

Ngayon ko lang napansin na mas lumakas at malamig ang hangin ngayon kaya napatingin ako sa langit. Walang bituin. Katahimikan din ang namutawi sa'ming dalawa. Okay this is really awkward! Ayoko ng ganito katahimik. Ayoko.

"Umm, okay... so what are we going to do now?" At sa wakas ay nagsalita siya pero tanong iyon at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dun sa tanong niya.

"This is really... AWKWARD for me." Lakas loob kong sabi. Yes, it's really awkward. Napasmirk naman siya sa'kin. Anong nakakaismid sa sinabi ko? May paismid-ismid pang nalalaman.

***

"Matulog ka muna. Mukhang inaantok ka. Gigisingin na lang kita pagdating natin sa bahay namin." Sabi niya kaya tumango ako at unti-unting pumikit.

Sigurado na naman akong pagmamasdan na naman niya ako. Pero KINILIG ako dun! Hihihi!

Hanggang sa hindi ko na alam ang susunod na nangyayari dahil dinalaw talaga ako ng antok at saka parang uminit ang hininga ko at ang init din sa pakiramdam ko. Mabigat ang nararamdaman ko ngayon.

Naulanan naman kasi ako...

-End of Flashback-

Naramdaman ko na lang na merong tumatawag sa'kin. Sabi siya ng sabi ng 'Rosea, gising na. Nandito na tayo sa'min.'

Napadilat ako at tinignan kung sino ang tumawag sa'kin. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para maaninag kung sino 'tong tao na 'to. Napangiti lang ako ng maaninag kung sino ito, si Nic. Napangiti din naman siya.

"Hmmm?" Tugon ko.

"Nandito na tayo. Baba ka na." Sabi niya kaya tumango ako bago sumunod.

Naglakad lang ako ng dahan-dahan dahil bigla na lang akong nahilo pero hindi ganun kalala. Malalim din ang bawat hininga ko.

Narinig ko naman ang mga yabag ng paa na papalapit sa'kin kaya napatingin ako at napangiti.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya kaya tumango ako pero yung katawan ko ang nagsasabing hindi.

Gusto ko talagang makapagpahinga dahil ang bigat ng pakiramdam ko at nahihilo din.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong niya ulit.

Pagkatanong niya ay bigla na lang akong natumba at nawalan ng malay. Nakita ko pa siyang nag-aalalang lumapit sa'kin.

***

Nagising lang ako ng marinig ko ang mga huni ng ibon. Nanatili pa rin akong nakahiga dahil pakiramdam ko pa rin mabigat ang pakiramdam ko.

Pinagmasdan ko naman ang kwarto. Hindi ito sa'kin dahil hindi naman ito ang kulay ng kwarto ko. Baka kang Nic ito. Wait, what?! Nic?!

Nakita kong bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang ginang, mga middle 20's or 30's siguro siya. Lumapit sa'kin ang ginang at nakangiting pinagmasdan ako.

"Sino po kayo?" Mahinang tanong ko.

"Ako ang mommy ni Nic." Nakangiting sagot ng ginang na mommy pala ni Nic. "Pero tawagin mo na lang akong Tita Belle or kung gusto mo, mommy nalang." Sabi niya kaya napatango ako.

"Sino po itong kwarto na 'to, Tita-Mom?" Mahinang tanong ko.

"Kwarto ito ng anak ko." Sagot niya.

"Nasaan po siya?" Tanong ko.

"Nasa baba. Iniisip niya ang kalagayan mo at nag-aalala siya sa'yo." Sagot niya kaya bahagya akong napangiti.

"Mabuti naman at gising ka na." Sabi niya at pinat ang noo ko.

"Hindi na ganun kainit ang noo mo. Mabuti din naman. Meron kang lagnat kagabi, iha pero ngayon hindi na ganun kalala ang lagnat mo. Nag-aalala din ako sayo kasi ang init mo kagabi." Sabi niya. "Tatawagin ko lang ang anak ko, ha? Sigurado akong matutuwa siya ngayon dahil gising ka na at hindi na ganun kalala yung lagnat mo." Sabi niya kaya tumango ako bago siya lumabas at sinarado ang pintuan ng kwarto.

"Meron pala akong lagnat. Nagpaulan pa kasi, eh!" Sermon ko sa sarili ko.

Pagkasermon ko ay bumukas ang pintuan at dali-daling lumapit sa'kin ang taong hinahanap ko, Nic.

"Rosea, ayos ka na ba?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Salamat naman at ayos ka lang. Talagang pinag-alala mo kasi ako kagabi dahil bigla ka na lang tumumba at nawalan ng malay. Dinala kita papasok ng bahay at hindi ko naman alam na naghihintay pala sa'kin si mommy. Nag-aalala din siya sayo kagabi kaya kinuha niya ang kakailanganin mo. Pinagamit din kita sa kwarto ko para dun ka makapagpahinga man lang. Nag-aalala ako sayo ng sobra kagabi." Sabi niya sa'kin kaya napatawa ako ng bahagya pero mahina.

"Grabe mo palang mag-aalala sa'kin kagabi. Parang mamamatay na kasi ako kagabi dahil sa pinagsasabi mo ngayon, eh. Malayo sa bituka ito, lagnat lang naman ito. Nagpaulan pa kasi tayo kagabi, eh." Sabi ko.

"Rosea, seryoso ako. Pinag-aalala mo ako masyado kagabi kaya wag mo akong pagtatawanan ngayon." Seryoso nga siya kaya napatikhim naman ako.

"Hindi ka naman mabiro. Biro lang yun." Sabi ko at saka umiwas ng tingin sa kanya.

Iniharap naman niya ako dahil hinawakan niya ang panga ko paharap sa kanya. Napalunok ako ng magtama ang paningin namin. Kakaiba na naman ang ritmo ng puso ko. Kumabog na naman ng malakas.

"I think..." nagpakawala siya ng malalim na hininga bago ulit magsalita. "I like you, Rosea." Pagkasabi niya nun ay nagulat ako at palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Bakit mo sinasabi sa'kin 'yan? At ngayon pa talaga na may sakit ako?

"Nic..." gusto kong magsalita ng magsalita pero parang umurong lahat ng sasabihin ko sa dila ko. Hindi ako makapagsalita hanang nakatitig pa rin sa kanya.

"Hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto kita. Yun kasi ang sinasabi ng puso ko." Sabi niya.

*dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug*

Pinakawalan niya ang panga ko kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"I think, I'm starting to like you too."

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top