Chapter 26

Chapter 26: I Think I Like Her

Nic's Point of View

Bakit ba ito yung nararamdaman ko kapag nakangiti at nakatitig ka ng matagal sa'kin? May gusto ba ako sa'yo? Pero, imposible naman kasi na may nararamdaman ako sa kanya dahil nagstart kami sa pagkakaibigan. We started as friends but if it will happen that we started to have feelings for each other, things will get more complicated.

"Umm, so... bakit ka nga ba tumitig sa'kin ng matagal?" lakas loob kung tanong sa kanya. Kinakabahan kasi ako eh!

Napaiwas naman siya ng tingin sa'kin at nauutal na nagsalita, naiilang din siyang tumingin sa'kin.

"Ah, hehe... wala lang. Pasensya na kung nailang man kita o hindi." sabi niya habang napapakamot sa anit niya at nahihiyang nakangiting tumingin sa'kin.

"Ah, hindi ako naiilang, ah!" I sounded so defensive saying those words kaya napatawa siya.

"Ang defensive mo naman, aminin mo na lang kasi na naiilang ka talaga." Natatawang sabi niya.

"Hindi, ah! Hindi talaga ako naiilang, promise." Sabi ko.

"Hmm, okay." Sabi niya habang nakakalokong ngumisi sa'kin na para bang gagawa siya ng masama sa'kin.

"Alam ko na ang ganyang ngisi mo. Hindi mo ako maloloko, gumagawa ka na ng kalokohan sa isipan mo, sure ako." Sabi ko.

"Hahaha, okay hindi ako gagawa ng kalokohan sa'yo. Basta aminin mo muna na naiilang ka kanina." Sabi niya kaya napasimangot ako.

"Okay, I admit it. Naiilang ako sayo kanina. Oh, happy ka na ba?" Sabi ko.

"So, you really mean it? Ang isang Brandominic Tejada ay naiilang sa'kin? Woah! It's new to me and it gaves me chills on my spine." Biro niya.

"Full name ko pa talaga ang sinabihan mo?" Tanong ko.

"Oo, may angal ka?" Sabi niya kaya napataas ako nang dalawang kamay senyales na hindi ako aangal.

"Oh, tingnan mo napasaya kita ngayon." Nakangiting sabi ko mayamaya.

"Thank you talaga. I will cherish this moment and make it my memorable day of my life from now on." Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya napatitig ako sa kanya kasabay ang pagtibok ng mabilis sa puso ko.

May gusto nga ba ako sa kanya? Yan ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang tanong na yan. Nakakainis naman!

"Uhh... your welcome?" Patanong kong sinabi kaya napatawa siya. Nahihiya at naiilang kasi ako sa kanya. Nahihiya ako dahil matagal na pala akng nakatingin o nakatitig pala sa kanya. Naiilang ako dahil talagang may kakaiba kasi akong nararamdaman sa kanya.

"Uy! Naiilang na naman siya! Hahaha!" Panunukso niya.

"Hindi kaya." Tanggi ko kaya mas nanukso pa siya sa'kin.

Mayamaya lang ay tumigil nadin siya sa pagtukso sa'kin saka napaayos din ng upo.

Kaya matagal na katahimikan ang namutawi sa'ming dalawa. Naging mas malakas at malamig ang hangin kaya tinignan ko ang langit. Walang bituin kaya sigurado akong uulan ngayon. Ang awkward din para sa'min na walang nagsasalita, hindi din naman ako sanay na hindi siya nagsasalita.

"Umm, okay... so what are we going to do now?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa'kin.

"This is really... AWKWARD for me." Sabi niya kaya napaismid ako.

"Me neither." Sabi ko din.

"Umm, pwede bang dumito lang muna tayo? Hindi ko pa kasing gustong umuwi eh." Tanong niya kaya tumango na lang ako. Mukha kasing hindi pa siya handang kakaharapin ang kanyang mga magulang.

Mayamaya lang ay nakarinig ako ng kulog mula sa langit. Uulan na talaga.

"Hindi ka ba papasok sa loob ng kotse? Uulan na kasi eh." Tanong ko.

"Ah, oo pala. Sige, pasok na tayo sa loob." Sabi niya at tumayo.

Pero pagkatayo niya ay siyang pagbuhos ng ulan kaya nahawakan niya ang kamay ko dahil muntik siyang madulas. Lintik na ulan talaga oh!

"Pasok na tayo, baka magkasakit pa tayo niyan." Sabi ko kaya tumango siya at hinawakan ang braso ko para hindi na siya madulas pa.

Ipinatong niya ang purse niya sa ulo niya at hinawakan ito para kahit papaano ay meron siyang masisilungan sa ulo niya.

Pagkapasok naming dalawa ay napasandal siya sa bintana at nanginginig na tumingin doon sa labas na umuulan pa rin.

Meron naman akong extrang jacket kaya kinuha ko iyon at inilagay sa katawan niya para matigil ang panginginig niya.

"Para hindi ka manlamig." Sabi ko saka ako napaayos ng upo.

"Salamat, Nic." Sabi niya habang nakangiti kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"No problem." Sabi ko din.

"Paano ka naman? Okay ka lang ba na ganun pa rin ang suot mo? Hindi ka ba lalamigin diyan?" Nag-aalalang tanong niya kaya tumango ako.

"Oo, okay lang ako." Pagsisinungaling ko. Ang totoo kanina pa ako linalamig dito pero binalewala ko na lang dahil ang extra jacket ko ay nasa kanya at yun lang ang jacket na nadala ko. Para na lang iyon sa kanya dahil mas linalamig siya kaysa sa'kin.

"But your reaction and body acts like you're lying." Duda niya kaya napailing ako.

"Okay nga lang ako. Sa sarili mo dapat sinasabi 'yan, hindi sa'kin." Natatawa kong sabi.

"If you say so." Sabi niya at isinandal pabalik niya ang kanyang ulo sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan.

Napatitig naman ako sa kanya ng matagal dahil sinusuri ko ang kabuuan ng mukha niya. Ang ganda ng mukha niya, hindi gaanong makapal ang kilay, round eyes at medyo matangos ang kanyang ilong, maganda ang pilik-mata niya, at porma ang bibig niya. Such a kissable lips. Napapansin ko din na medyo kumulot yung buhok niya pero nanatili pa ding black ang buhok niya.

What did I say earlier? Kissable lips? Why did I say that?

"Are you done checking on my face?" Nagulat ako ng bigla siyang nagtanong ng ganun at yun ang nagpabalik sa'kin sa reyalidad.

"Ehem." Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya dahil nagsimula na naman akong mailang dahil nakatitig na naman siya ngayon sa'kin.

"Bakit mo naman tiningnan ang mukha ko? May dumi ba ako o ano?" Nagtataka niyang tanong sa'kin at saka hinawak-hawakan niya ang mukha niya na parang hinahanap ang dumi daw sa mukha niya. Bakit yun pa ang tanong niya? This will make me.... awkward.

Yes. AWKWARD!

"Ah, wala naman kang dumi. Hindi ko din naman intensyon na tumitig ako sayo, nagkataon lang naman." Sagot ko kaya napa 'ahh' siya at napatango saka muli na namang pinagmamasdan ang ngayon ay humina na na ulan.

Mabuti naman at hindi na ganun kalakas ang ulan dahil kung matagal pa itong tumigil ay matagal pa ako makapagmaneho nito at mag-uusap pa kami ng matagal about sa mga bagay-bagay.

"So, pwede ko na bang maihatid ka sa bahay niyo?" Tanong ko.

Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita at tumango.

"Sige, pwede na. Kakayanin kung haharapin si mama at si papa kung nandoon pa rin si papa." Sabi niya at pilit-ngumiti sa'kin.

"Pwede namang wag mo na lang ipilit  uuwi sa bahay niyo kung hindi mo pa naman kayang harapin ang mga magulang mo." Sabi ko.

"Pero saan naman ako uuwi ngayon kung hindi ko naman pala kayang humarap sa mga magulang ko?" Tanong niya.

"Pwede namang dun ka na lang muna titira sa bahay namin. Sure akong welcome ka sa bahay, especially my parents too." Sabi ko habang nakangiti.

"Pero kasi, nahihiya ako." Sabi niya kaya napatawa ako ng bahagya.

"Eh, kung nahihiya kang tumira sa'min, saan ka naman matutulog at magbihihis ngayon, basa pa naman 'yang damit na suot mo ngayon dahil sa ulan baka magkasakit ka pa niyan?" Wika ko kaya napabuntong-hininga siya at marahang tumango.

"Sige na nga, dun na lang ako titira ngayon sa bahay niyo kahit nahihiya ako sainyo." Sabi niya at parang cute na tuta na ngumuso.

"Ang cute mo kapag nakanguso." Sabi ko. And I really mean it.

"Thank you na lang kahit hindi naman." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa labas. Tumigil na ang pag-ulan kaya pwede na kaming umalis.

Pinaandar ko na ang kotse at nagsiula ng nagmaneho paalis ng parke.

Napatingin naman ako saglit sa kanya bago muling tumutok sa dinadaanan. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

Nakasandal pa rin siya sa bintana pero napansin ko ang kanyang mga mata na parang pukungay at mukhang inaantok kaya nagsalita ako.

"Matulog ka muna. Mukhang inaantok ka. Gigisingin na lang kita pagdating natin sa bahay namin." Sabi ko kaya tumango siya at nakangiting unti-unting pumikit.

Napatingin na naman ako sa kanya. There's something that I don't know what's going on in my heart and I think that it's weird. Ayun na naman ang weird feeling na nararamdaman ko ngayon.

I think I'm starting to like her...

I think I like her.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top