Chapter 25
Soundtrack: Monsters by Katie Sky
Chapter 25: I'm Here Always
Nic's Point of View
-Flashback-
"Rosea?" Tawag ko sa kanya. Kanina pa kasi siya parang may iniisip pero hindi na ganun siya kabalisa. Mabuti naman kung ganun.
"Hmm?" Tugon niya at tumingin sa'kin pero parang kakaiba ang naging tingin ko sa kanya... sa puso. May kakaiba akong nararamdaman pero hindi 'yon ang ikinabahala ko kundi yung iniisip niya ngayon kaya ipinagsawalang-bahala ko na lang itong weird na nararamdaman kong 'to.
"Are you sure you're okay?" Tanong ko pagkatapos ko siyang tignan at muling itinutok ang mga mata sa daan.
"Hmm, yeah." Maikli niyang sagot kaya tinignan ko siya na napasandal sa bintana ng kotse at muling nababagabag sa kung ano man ang iniisip niya ngayon.
Napabuntong-hininga ako bago muling tumutok sa dinadaanan. Mula sa peripheral vision ko makikitang bigla siyang tumingin sa'kin.
"You can tell it to me on what's on your mind. I will understand and listen to you." Sabi ko. Para naman matahimik din itong alala kong nararamdaman sa kanya. Napabuntong-hininga na naman ngayon siya.
"Hindi ko pwedeng sasabihin sayo dahil hindi mo pwedeng malaman. Paniguradong hindi mo din naman maiinindihan." Sabi niya kaya nadismaya ako at nanghinayang. Kailangan ko pa talagang maging makulit para mapilit niyang sagutin ang tinatanong ko. Maiintindihan ko naman eh o wala lang talaga siyang tiwala sa'kin kaya ganun na lang ang sinabi niyang hindi ko maiintindihan 'tong dapat sasabihin niya sa'kin? Aishh! Napakagulo naman niya ngayon.
"Pero.... Aishh! Nevermind, hindi na kita kukulitin dyan sa iniisip mo ngayon." Hindi ko na lang siya pinilit magsalita dahil maiirita lang siguro siya sa pangungulit ko tungkol sa kanyang iniisip niya ngayon.
Pagdating namin sa bahay nila ay bumaba kaagad siya at patakbong lumapit sa gate ng bahay nila kaya mabilis din akong nakalabas. Dito ko na lang siya kukulitin.
Bago pa niya mahawakan ang gate ay hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya kaya napaharap siya sa'kin.
"Oh? Anong kailangan mo?" Tanong niya sa'kin. Habang nagsasalita siya ay napapaslowmo ang kanyang paggalaw sa kanyang bibig habang nakatingin sa kanya kaya napalunok ako.
"Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap ngayon. Sige, paalam. Balik na ako." Yun na lang nasabi ko. Ang sabi ko nga ay hindi ako kukulit sa kanya, hehe. Lintik na slowmo na yun eh, mapipilit ko pa talaga siyang sumagot kapag hindi lang talaga lumabas yung slowmo na yun. Saan nga ba galing yung slowmo na yun? Ewan ko, bakit ko pa sasagutin kung ako lang din naman ang nagtatanong? Mukha na akong baliw nun.
Pagkaandar ko ng kotse ay narinig ko pa siyang sumigaw kaya napangiti ako at yun ang nagpakabog ng malakas sa puso ko!
"Ingat sa pagmamaneho!" Yun yung sigaw niya bago ako tuluyang umalis ng bahay nila.
***
Pagdating ko sa resto bar ay bumaba ako at timing naman na tumunog yung phone ko kaya kinuha ko sa loob ng bulsa ang phone ko at tinignan kung sino ang tumawag sa'kin. Nagtataka kong tinignan yung caller, si Rosea? Bakit naman siya tumatawag? Ah, yun sigurong sinabi ko sa kanya kanina na tawagan niya ako kapag gusto niya ng makausap.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinagot ko mabilis ang tawag. Mabilis na napalitan ang ngiti ko sa pag-alala. Narinig ko kasi siyang sumisinghot eh.
"Rosea? Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya kahit kinakabahan at pinag-aalala niya ako.
[N-Nic? P-Please tulungan m-mo ako.] Nauutal niyang sabi na lalong nagpakabog ng malakas sa puso ko. Masama ang kutob ko!
"Rosea? Okay ka lang ba? Sige, pupuntahan kita pero nasaan ka ngayon ka ngayon?" Nag-aalala kong tanong. Please sagutin mo ang tanong ko dahil hindi ko na kaya pang manatili dito ng hindi ko nalalaman kung ano ang kalagayan mo ngayon.
[D-Dito sa m-may eskinita. P-Please! Dalian m-m----,] bago pa siya makapagpatuloy sa pagsasalita ay naputol kaagad ang linya kaya kinakabahan na ako at mas pinag-aalala na niya ako ngayon.
Aishh! Rosea! Bakit ka ba umalis ng bahay niyo?
Bumalik ako sa loob ng kotse at sinimulang pinaandar iyon bago mabilis na umalis sa resto bar na pagmamay-ari namin.
Pagdating ko sa bahay nila ay bumaba ako at ikli-nik ang doorbell. May narinig akong sigaw ng babae which is possibly be Rosea's mom.
Pumasok ako ng gate at tinignan ang nasa loob ng bahay gamit ang bintana nila. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Lumayas ka na sabi dito eh! Tignan mo ang ginawa mo sa anak natin?! Umiiyak siya ngayon at tumatkabo palabas! Sinubukan ko siyang habulin pero pagdating ko sa labas ay wala na isya sa paningin ko! Kasalanan mo ito kung may mangyaring masama kay Rosea ngayon!" Umiiyak na sigaw ng mommy ni Rosea.
Yun ba ang dahilan kung bakit umalis siya ng bahay at umiiyak siya haabng kausap ko siya sa kabilang linya kanina? Problemang pamilya ito kaya mabigat at seryoso na ito ngayon yung problema niya ngayon.
Patakbo akong bumalik sa kotse ko at pinaandar iyon and left the house to the right because I know the place that Rosea said on the phone earlier.
Pagdating ko sa eskinitang sinasabi niya ay mabilis akong bumaba at meron akong narinig na sigaw mula sa isang babae. Pamilyar ang kanyang boses kaya hinanap ko ito.
Pagdating ko sa pinanggalingan ng boses ay may nakita akong dalawang lalaki na sigurado akong lasing at isang babae na hindi ko pa namumukhaan dahil nakaharang ang dalawang lalaki sa kanya pero makikita sa damit na suot niya na si... Rosea iyon!
Lumapit ako sa kanila at hinawakan ng mahigpit yung ulo ng isang lalaki at ikalawang lalaki at saka iyon iniuntog sa ulo nilang mukhang airport sabay sila napahiga sa gilid ng daan.
"N-Nic..." umiiyak na sabi niya pagkaangat niya ng tingin sa'kin.
Sabi ko na nga ba merong mangyayaring masama sa kanya. Yung iba ang kutob ko ang nakapagpatunay sa iniisip ko ngayon.
"Rosea, okay ka lang ba? Wala bang nangyari sayong masama?" Nag-aalala kong tanong sa kanya kaya tumango siya. Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang talaga na right timing ako sa pagdating kundi mahahawak talaga siya nitong dalawang lasinggerong lalaking ito.
"N-Nic..." pagkasabi niya nun ay yinakap niya ako na nakapagpagulat sa'kin at nagpatibok ng puso ko ng malakas. Pero kalaunan ay nakarekober din at yinakap din siya pabalik. Dun siya umiyak ng umiyak sa balikat ko kaya panigurado akong basa na ito pagtumahan na siya.
Nung tumahan na siya ay humiwalay siya sa yakap kaya bumalik sa dating tibok ang puso ko. Phew! Mabuti na lang at hindi niya naramdaman ang tibok ng puso ko kanina.
"N-Nic, mabuti d-dumating k-ka. H-Hindi ko a-alam kung a-ano na a-ang gagawin k-ko." Naggagaralgal niyang sabi.
"Hmmm, yeah. Mabuti na lang at duamting ako kaagad. Sure ka lang okay ka lang?" Tanong ko para makasigurado kung ayos lang ba siya, yun totoong ayos talaga siya dahil kinakabahan talaga ako kanina at pinag-alala niya ako.
"Oo nga, okay lang ako." Sabi niya. Gusto ko sanang mangulit sa kanya about dun sa nangyari sa kanya kanina pero epal talaga itong mga lalaking 'to oh! Sumigaw ang mga p*tang*na!
"Hoy! Sino ka ba, ha?!" Biglang sigaw nung isang lalaki kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. Baka gusto mong makatikim ng suntok sa kamao ko!
Tumayo sila at naghahamong tumingin sa'kin kaya napaismid ako. Ang yabang! Hamon pamore!
"Halika nga! Tignan natin kung kaya mo ba kaming dalawa!" Sigaw nung isa, nagyayabang.
"Kayo ang lumapit dito! Hindi ako! Ang yayabang ninyo!" Sigaw ko pabalik kaya napatawa ang dalawa na parang mga baliw. Anong problema ng dalawang 'to?
"Bakla ka pala eh, hahaha! Hindi mo pala kayang lumapit sa'min. Isa kang duwag, hahaha!" Natatawang sabi nung isang lalaki.
Lumapit ang isa sa'kin at isa kay Rosea. Binigyan nga pa nga ito ng isang nakakalokong ngisi.
"Hoy! Tumingin ka nga dito!" Sigaw ng katapat ko ngayon kaya tumingin ako sa kanya at saka napaismid.
Pagkaismid ko ay akmang susuntukin niya ako pero inunahan ko na siya sabay sipa at tadyak. Sinipa ko din ang junjun niya kaya napadaing siya at napaluhod.
"Yan ang nararapat para sa mga manyak at mayayabang na katulad ninyong dalawa." Sabi ko at pinagsisipa siya hanggang sa mawalan siya ng malay.
Bumaling naman ang tingin ko kay Rosea at yung lalaki. Akmang tatadyakan siya nito pero nakailag naman siya kaya napahinga ako ng maluwag at napangiti. Akala ko hindi siya lalaban. Pinalo pa ni Rosea ang purse niya sa ulo ng lalaki kaya napatakip ako sa bibig para pigilan ang tawa ko. Pfft! Mabuti nga sa inyo.
"Aba gaga ka ah!" Sigaw ng lalaki at akmang susuntukin si Rosea ng lumapit ako sa kanilang dalawa at hinawakan ang kamay niya saka ko ibinalibag ito kaya napadaing siya at napahiga.
"Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong ko at hinawakan ang magkabilang balikat niya kaya tumango siya. "Natumba ko na yung isa kaya lumayo na tayo rito." Sabi ko at lumayo na kami sa lugar na 'yon.
Pagdating namin ay napansin kong napatigil siya at napatingin sa tinigilan namin.
"Pasok ka na." Sabi ko kaya tumango siya at sumunod.
Pagkapasok at pagkaupo niya ay sinarado ko muna ito bago umikot at pumasok saka kami umalis pagkaandar.
"Nic, p-pwede bang humingi a-ako ng pabor? P-Pwede bang wag m-mo muna akong i-iuuwi sa bahay n-namin? D-Dun na lang tayo sa t-tahimik na lugar para makalanghap a-ako ng preskong h-hangin." Paghingi niya ng pabor sa'kin kaya tumango.
"Pero bakit mo naman hindi mo pa gustong umuwi sa bahay niyo? At saka paano ka napadpad dun? Saka bakit ka ba umiyak ng umiyak? May nangyari ba sa bahay ninyo?" Tanong ko, kunwari na wala akong alam.
"Mamaya na l-lang natin y-yan pag-uusapan." Sabi niya kaya nadismaya ako ng maliit.
"Ok, if you say so." Sabi ko.
-End of Flashback-
"Okay lang ba na dito tayo sa parke? Tahimik at payapa naman dito dahil gabi na at wala ng papasyal na tao dito." Tanong ko kaya tumingin siya sa'kin saka napangiti at ngumiti kaya tumibok na naman yung puso ko dahil sa ngiti niya. Nakakainis!
Bumaba ako at umikot saka pinagbuksan siya ng pinto. Lumabas naman siya at lumakad papunta sa bakanteng bench saka umupo doon. Itinakip niya ang kamay niya sa mukha niya at narinig kong umiyak na naman siya. Hindi naman kasi siguro madali na ang pinoproblema niya ngayon ang problema sa pamilya niya, sariling pamilya niya.
Napabuntong-hininga ako bago isinara ang pinto at lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
Hinawakan ko ang balikat niya para senyales na nandito lang ako sa tabi niya.
"H-Hindi ko na a-alam ang s-susunod kong gagawin." Umiiyak na sabi niya.
"Shh. Tell me what's your problem and I'll understand it." Sabi ko para naman masabi niya ang kanyang problema.
"Si p-papa kasi may k-kabit. S-Si papa na h-hinahangaan at i-iniidolo ko, s-si papa na m-mahal na m-mahal ko. B-Bakit siya pa a-ang magkasala?" Pagsabi niya ng problema sa'kin.
"Sige lang isabi mo lang 'yan sa'kin dahil naiintindihan din naman kita." Sabi ko. I understand her side because I experienced it but dad and mom did not divorce.
"H-Hindi ko alam kung m-makakaya ko pang mapatawad si p-papa. H-Hindi ko din a-alam kung makakayanan ko bang w-wala siya sa b-bahay namin ngayon d-dahil narinig kong p-pinapalayas na s-siya ni mama." Sabi niya habang umiiyak pa din kaya iniharap ko siya at hinawakan ang pisngi niya at pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko at para patahanin siya.
"I'm here always. I'll always be by your side in every upcoming problems that you have." Nakangiting sabi ko.
"Thank you." Sabi niya at napangiti ng maliit.
"Welcome. Tahan na." Sabi ko.
Tumahan din naman siya at tumitig sa'kin. Pero hindi ko aakalain na matagal pala kaya naiilang akong tumingin sa kanya.
Tumitibok na naman ng mabilis itong puso ko...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top