Chapter 24

Tw: contains sexual harassment attempt, mention about cheating, and triggering words.

A/N: POV muna ngayon ni Rosea dahil namiss ko silang dalawa ni Nic, hahaha..

Chapter 24: Rosea's Family Problem

Rosea's Point of View

"Rosea?" Tawag ni Nic sa'kin habang nagmamaneho siya papauwi sa bahay namin.

"Hmm?" Tugon ko at tumingin sa kanya kaya tumingin siya sa'kin saglit bago muling tumutok sa daan.

"Are you sure, you're okay?" Tanong niya.

"Hmm, yeah." Maikli kong sabi bago napasandal sa bintana ang gilid ng ulo ko at napaisip na naman yung nangyari kanina sa likod ng resto bar at pinagbantaan ako ng pinsan ni Clark.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya tahimik akong napatingin sa kanya.

"You can tell it to me on what's on your mind. I will understand and listen to you." Sabi niya kaya ako naman ngayon ang napabuntong-hininga.

"Hindi ko pwedeng sasabihin sayo dahil hindi mo pwedeng malaman. Paniguradong hindi mo din naman maiintindihan." Sabi ko.

"Pero.... Aishh! Nevermind, hindi na kita kukulitin dyan sa iniisip mo ngayon." Sabi niya.

Natatakot kasi akong kapag sasabihin ko ito sayo ay totoo talaga ang binanta sa'kin ng pinsan ni Clark. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa'kin kaya patawad kung hindi mo lang sana ito malalaman sa ngayon. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo para makapagsabi ako sa'yo, sa inyo ni Lei at Clark.  Sabi ko sa isipan ko at bumuntong-hininga na naman.

Pagdating namin sa bahay namin ay bumaba kaagad ako at tumakbo papasok ng gate pero bago ko mahawakan ang gate ay meron ng kamay ang pumigil sa'kin kaya napaharap ako sa kanya.

"Oh, anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap ngayon. Sige, paalam. Balik na ako." Sabi niya at kumaway bago pumasok sa kotse niya.

"Ingat sa pagmamaneho!" Sigaw ko habang kumakaway habang tumakbo papalayo ang kotse niya.

Nung nawala na ang kotse niya sa paningin ko ay saka ako pumasok sa gate. Akmang bubuksan ko sana ang pinto ng bahay nang meron akong narinig na kalampag ng mga gamit at sigaw ni... mommy? Napatigil ako sa akmang pagbubukas at nakinig na lang. Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko ngayong araw? Kakaiba din ang pakiramdam ko ngayon dito sa bahay dahil sa kalampag ng mga gamit at sigaw ni mommy. Hindi ko alam kung bakit sumigaw si mommy ng ganun na parang galit. Kinakabahan na ako sa kung anong susunod na mangyayari.

"Akala ko pumupunta ka ng trabaho ng maaga pero hindi pala ganyan ang tinatrabaho mo ngayon! Narinig ko na meron kang kausap sa telepono at sinabihan mo pa ng honey?! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang mangloko sa'kin. Bakit?! Ano ba ang nagawa ko sayong masama para mangabit ka sa'kin?!" Galit na sigaw ni mommy. Nagulat ako sa sinabi ni mommy. May kabit si daddy?!

"Patawad, hon." Yun na lang ang nasabi ni daddy kaya napaluha ako sa hindi maintindihan na dahilan.

"Hon?! Hon mo mukha mo! At yun pa talaga ang ginamit mong tawagan sa kabit mo! Patawad?! Patawad mo din mukha mo! Hinding-hindi kita mapapatawad! Nangloko ka sa'kin!" Sigaw ni mommy kaya napaiyak na ako.

"Hon, it's just a misunderstanding. Hindi ko 'yon kabit. Please maniwala ka sa'kin, hon." Nagmamakaawang sabi ni daddy.

"Misunderstanding?! Maniwala?! Sige nga, papaano kita papaniwalaan kung wala ka naman pala sa trabaho minsan?! Nasabi sa'kin ng kaempleyado ko na meron daw siyang nakita na naghahalikan at yung lalaki daw ang pamilyar ang mukha hanggang sa mapatunayan niya na ikaw yun! Paano pa kita papaniwalaan?! Misunderstanding your foot!" Galit na galit na sigaw ni mommy kaya napatakip ako sa bibig ko dahil sa aking nadinig.

"Hon, baka namamalikmata lang yung nakita ng kaempleyado mo." Dahilan ni daddy.

"Enough with your excuses! Ano na lang ang sasabihin mo sa anak natin?! Na meron kang kabit?! Meron kang anak at asawa pero pinili mo pa ring mangabit. Are you that insane?!" Sigaw ulit ni mommy.

Kaya hindi ko na kinaya, pumasok ako ng bahay at naabutan ko si mommy na nakatayo habang umiiyak at si daddy na lumuhod at nagmamakaawa kay mommy at tumulo din ang luha ni daddy.

Napatingin sa'kin sila mommy at daddy kaya parehas silang nagulat dahil nandito ako sa harap nila ngayon.

"Anak, kanina ka pa dyan?" Gulat pa rin na tanong ni mommy sa'kin kaya umiyak ako.

"Ano itong narinig ko, mommy? Merong kabit si daddy?" Tanong ko at umiling si mommy at lumapit siya sa'kin.

"Mommy, sagutin mo yung tanong ko. Meron bang kabit si daddy?" Naiiyak na tanong ko.

"Anak, hindi totoo yun." Nagmamakaawang ani daddy kaya napahikbi ako.

"Hindi totoo?! Narinig ko lahat ng sinasabi ni mommy. Napatunayan niya na meron kang kabit! How could you do this to us, your family?!" Sigaw ko at napaluha.

"Anak, patawarin mo sana si daddy." Pagmamakaawa ni daddy pero umiling lang ako.

"Hindi, hindi!" Sigaw ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Anak, tama na yan. Pumasok ka muna sa kwarto mo. Problemang pangmatanda ito kaya labas ka na dun. Sige na, pumasok ka na." Mahinahong sabi ni mommy pero umiling ako.

"Hindi ako aalis dito." Sabi ko.

"Anak, pakinggan mo muna ako. Hindi ka pwedeng makasaksi ng ganito dahil bata ka pa." Sabi ni mommy.

Pagkasabi ni mommy nun ay lumabas ako ng bahay, dala-dala pa rin ang purse na ginamit ko kanina sa pagcelebrate.

Narinig kong sumigaw si mommy kay daddy ng,

"Lumayas ka rito sa pamamahay ko! Puntahan mo na yung kabit mo! Hindi ka na kailangan namin ng anak mo kaya lumayas ka na rito!" Sigaw ni mommy kaya napaiyak na naman ako. "Anak!" Sigaw ni mommy na senyales na pababalikin niya ako rito.

Patakbo akong lumayo habang pinunasan ko ang luha ko at sipon ko. Habang tumatakbo ako ay merong sumipol sa'kin sa may eskinita. Mga lasing na dalawang lalaki kaya kinabahan ako.

"Woah! Chiks pre oh! Dali, puntahan natin. Mag-enjoy pa muna tayo ngayon." Lasing na sabi nung isa kaya tumango ang isa at pabarag-barag na lumapit sa'kin kaya napaatras ako. Kinabahan na ako.

Bago pa sila makalapit sa'kin ay kinuha ko ang phone ko at in-open ang contacts. Pangalan ni Nic ang una kong nakita kaya pinindot ko ang call button at tinawagan siya. Sinagot din naman niya kaagad kaya napahinga ako ng maluwag medyo.

[Rosea? Bakit ka napatawag?] Bungad na tanong niya sa'kin.

"N-Nic? P-Please tulungan m-mo ako." Utal-utal kong sabi habang napapaluha dahil sa kaba.

[Rosea? Okay ka lang ba? Sige pupuntahan kita pero nasaan ka ngayon?] Nag-aalala niyang tanong.

"D-Dito sa m-may eskinita. P-Please! Dalian m-m----," bago pa ako makapagpatuloy sa pagsasalita ay biglang may humablot sa phone ko at itinapon sa daan.

"Hello, magandang binibini. Gusto lang sana kaming mag-enjoy muna sayo. Wag ka sanang tatawag ng pulis pagkatapos itong gagawin namin sayo ah? Kung hindi ay malilintikan ka sa'ming dalawa." Nakangiting sabi niya, pati na ang isa kaya kinabahan ako.

Lumapit sa'kin ang isa at hinawakan ang braso ko saka niya ako isinanddal sa isang pader. Pati na din yung isa kaya pinilit kong pumiglas pero mahigpit ang kapit nitong dalawang ito sa'kin eh. Hindi ako marunong makipaglaban dahil ordinaryo lang akong babae.

"Bitiwan mo ako! Tulong, tulong!" Panghihingi ko ng tulong kaya napatawa ang dalawa. Parang hindi lasing itong dalawa na 'to.

"Walang makakarinig sayo dito dahil tulog na ang mga tao. Saglit lang naman ito eh kaya bumigay ka na lang." Pagpipilit nung isa at tumawa sila ng nakakaloko sa'kin.

"Binibini, ang laki naman ng boobs mo, pwede pahawak ng dalawa?" Sabay na tanong nilang dalawa kaya kinakabahan na ako ngayon.

"Tulong po! Tulong! Tulong!" Paghingi ko ng tulong pero walang saysay yon dahil tinadyakan ako sa isa sa tiyan ko kaya napaupo ako at napadaing.

"Sabi ng walang makakrinig sayo rito eh! Pinagsasayang mo lang yang laway mo. Bumigay ka na lang binibini, gusto lang talaga namin ngayon mag-enjoy kahit isang gabi lang kaya pagbigyan mo na kami." Nakangiting sabi nung ikalawa.

"Dali, simulan na natin. Hahaha, enjoy muna kami, binibini ah? Masarap ka pa naman umungol, hahaha." Tawang-tawang sabi nila.

"Kuya, wag po!" Pagmamakaawa ko pero tinawanan lang ako ng dalawa at ipinagpatuloy.

Nagsimulang pinunit ng dahan-dahan nila kuya ang suot kong shirt kaya nakita ng maliit yung bra ko. Mahigpit pa rin ang kapit ng pagkakahawak nila kuya sa braso ko kaya wala akong nagawa sa pagpumiglas ko.

Akmang hahalikan ni kuya ang leeg ko ng biglang may humawak ng buhok nilang dalawa at iniuntog ito ng sabay kaya napahiga silang dalawa.

"N-Nic..." umiiyak kong sabi pagkaangat ko ng tingin.

Lumapit siya sa'kin at nakita ko sa kanya ang pag-aalala. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Rosea, okay ka lang ba? Wala bang nangyari sayong masama?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin kaya tumango ako.

"N-Nic," yun na lang ang nasabi ko at yinakap siya. Yinakap din niya ako pabalik kaya tumulo ng tumulo yung luha ko.

Nung tumahan na ako ay humiwalay na ako sa yakap niya.

"N-Nic, mabuti d-dumating k-ka. H-Hindi ko a-alam kung a-ano na a-ang gagawin k-ko." Naggagaralgal kong sabi.

"Hmmm, yeah. Mabuti na lang at dumating ako kaagad. Sure ka lang okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo nga, okay lang ako." Sabi ko.

"Hoy! Sino ka ba, ha?!" Biglang sigaw nung isang lalaki kaya napatingin kami sa kanilang dalawa.

Tumayo sila at parang naghahamon na tumingin kay Nic.

"Halika nga! Tignan natin kung kaya mo ba kaming dalawa!" Sigaw nung ikalawa.

"Kayo ang lumapit dito! Hindi ako! Ang yayabang ninyo!" Sigaw din pabalik ni Nic sa kanilang dalawa kaya napatawa ang dalawa.

"Bakla ka pala eh, hahaha! Hindi mo pala kayang lumapit sa'min. Isa kang duwag, hahaha!" Natatawang sabi nung isa.

Lumapit ang dalawa at ang isa ay tinapatan si Nic at ang ikalawa ay tumapat sa'kin ng isang nakakalokong ngisi.

"Binibini, sayang naman na hindi namin natikman ka pero may kapalit naman." Pagkasabi niya nun ay akma niyang tatadyakan ako pero nakailag ako at pinalo sa kanya ang purse ko sa ulo niya kaya napaaray siya. Mabuti nga sayo! Mga manyak!

"Aba gaga ka ah!" Sigaw niya at akma na naman niya akong susuntukin sa tiyan pero may humawak sa kanyang kamay at binalibag ito kaya napadaing siya at napahiga. Dinadama ang sakit ng kanyang kamay.

"Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong niya at hinawakan ang magkabialng balikat ko kaya tumango ako. "Natumba ko na yung isa kaya lumayo na tayo rito." Sabi niya at lumayo na kami sa lugar na 'yon.

Napatingin ako dahil tumigil  na kami sa pagtakbo. Sa kotse niya.

"Pasok ka na." Sabi niya kaya tumango ako at sumunod.

Umikot siya at pumasok ng kotse saka pinaandar 'yon at tumakbo palayo sa lugar na 'yon.

"Nic, p-pwede bang humingi a-ako ng pabor? P-Pwede bang wag m-mo muna akong i-iuuwi sa bahay n-namin? D-Dun na lang tayo sa t-tahimik na lugar para makalanghap a-ako ng preskong h-hangin." Paghingi ko ng pabor at tumango siya.

"Pero bakit mo naman hindi mo pa gustong umuwi sa bahay niyo? At saka paano ka napadpad dun? Saka bakit ka ba umiyak ng umiyak? May nangyari ba sa bahay ninyo?" Tanong niya.

"Mamaya na l-lang natin y-yan pag-uusapan." Sabi ko.

"Okay, sabi mo eh." Sabi niya.

Hanggang sa mapadpad kami sa isang tahimik na parke.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top