Chapter 23

Chapter 23: Confine

Clark's Point of View

Hindi namin inaasahan ang sasabihin ng doktor. Akala namin makakahinga kami ng maluwag dahil ang akala namin ay good news ang sasabihin sa'min ng doktor pero.... hindi pala.

"The patient has a brain tumor so me and my assistants are having a difficult time in the operation. But she's now stable and I'm not sure if she will wake up as soon as possible." Sabi nung doktor kaya napasandal ako sa pader habang hawak ko ang kamay sa bibig ko saka tumulo ang luha ko.

"Can I ask?" Tanong ni doc kaya tumango si tito habang nakahawak si tita sa balikat ni tito.

"As what I observed, hindi ito yung unang beses siyang sumakit yung ulo niya, am I right Mr. & Mrs. Dizon and you Mr. Vallejo?" Tanong niya sa'min.

Hindi sumagot si tito kaya ako sumagot.

"Yes, doc. Nangyari yun sa loob ng  school." Sagot ko kaya napatango ang doktor.

"Well, kung sasabihin kung ayos lang ang kalagayan niya, it means na hindi yun ang totoong nangyari ngayon sa kanya. Hindi ayos ang kalagayan niya ngayon. It's possible that it can lead to her a coma. That's all I can say." Sabi ni doc bago siya naglakad palayo.

"Jusko po!" Sabi ni tita.

"Hindi yun totoo, sigurado ako. Pwede natin siyang alagaan, diba yun yung sinabi nang doktor kanina? Pwede pa natin siyang alagaan." Sabi ko kaya tumingin si tita at tito sa'kin saka sila umiling.

"Clark, kung sinabi man yun ng doktor kanina ay para pagaanin ang loob natin para hindi tayo masyadong mag-aalala sa kalagayan ni Lei. Hindi totoo yung sinasabi ng doktor. We can't do anything to make Lei well. Sabi din ng doktor na posibleng macomatose siya... ulit." Sabi ni tito pero umiling din ako at nagsalita.

"Hindi totoo yang sinasabi mo, pwede pa natin mapigilan ang posibleng pagkacomatose niya." Pagpipilit ko pero tanging iling lang sinagot ni tito at tita.

"Kung hindi mo lang sana sinigawan si Lei noon at sinaktan, hindi sana ganito ngayon yung sitwasyon niya. Maalala pa din niya ako na bestfriend niya!" Biglang sigaw ko kaya nagulat sila tito at tita pero binigyan ko ng masamang tingin si tita kaya nagugulat na tumingin sa'kin si tita.

"Clark, matuto kang rumespeto sa nakakatanda sayo!" Saway ni tito pero hindi ko iyon pinansin.

"Respeto? Huh! Renespeto ba niya si Lei noon? Diba hindi kaya hindi ko kailangan rumespeto sa kanya. Matagal ko na 'tong kinikimkim dahil meron pa akong natitirang respeto sayo noon pero ngayon, wala na." Galit na sabi ko kaya tumayo sa tita at lumapit sa'kin at sinampal niya ako.

"Wag mo 'kong pagsabihan ng ganyan dahil hindi mo alam ang buong nangyari noon." Sabi ni tita at tinignan niya ako ng masama.

"Ano naman sa'kin kung hindi ko alam ang buong nangyari noon? Hindi sapat 'yon para saktan mo si Lei ng ganun that leads her to an accident and cause her an amnesia noon." Sabi ko.

Sinampal ulit niya ako kaya napahawak na ako sa panga ko.

"Wag mo 'kong pagsalitaan ng ganyan at wag mo 'kong susumbatan baka nakakalimutan mo na ako ang mas nakakatatanda sa'yo at kailangan kang rumespeto sa'kin!" Nanggigigil na sabi ni tita sa'kin kaya napatawa ako ng sarkastiko.

"Respeto na naman! Ano ba ang dapat na hindi respetuhin? Diba, ikaw yun? Huh!" Sarkastiko kong sabi.

"Sabi ng wag mo 'kong ginaganyan." Galit na sabi ni tita at saka akmang sasampalin ako ulit pero hinawakan ni tito ang braso ni tita para pigilin sa akmang pagsampal sa'kin ni tita.

"Bitiwan mo 'ko! He needs to learn respect with me!" Sigaw ni tita at pinilit niyang pumiglas.

"Tama na! Nakakahiya na sa mga tao! People are now staring at us," sabi ni tito.

"Bitiwan mo 'ko." Mahinahon na ngayon si tita pero may bahid pa rin na galit, inis, at gigil ang boses niya.

"Eto ang tandaan mo Clark, kapag tumuntong ka pa ulit sa bahay namin ay tiyak akong tuturuan kita ng leksyon." Banta ni tita sa'kin.

"Tss," pagkasinghal ko nun ay tumalikod ako sa kanila at naglakad papunta sa kwarto ni Lei which is ROOM 2.

Pagkabukas ko ng pinto ay nangingilid ang luha kong tumingin kay Lei. Sinarado o ang pinto at kinuha ang monoblock chair at inilapit ko iyon sa tabi ni Lei saka ako umupo.

Hinawakan ko ang kamay niya at dun nagsimulang tumulo yung luha ko kasabay ng mga alaala namin nung nasa bahay-ampunan pa kami.

~Flashback~ (Past)

"Lei, may itatanong lang sana ako sayo." Sabi ko.

"Ano naman yun, Clarky?" Nakangiting tanong niya kaya ngumiti din ako.

"Kung sakali mang meron ng kukupkop sayo, posible bang makalimutan mo ako? Pati na din ang friendship natin?" Tanong ko at nabigla siya sa tanong ko pero kalaunan ay umiling.

"Hindi kita makakalimutan, promise. Cross my heart, hope to die." Sagot niya at icrinoss pa ang kanyang daliri sa dibdib niya kaya napatawa ako.

"Sigurado ka, ah?" Umaasang tanong ko kaya tumango siya.

"Oo naman! Sure na sure! Hindi naman kita kayang kalimutan dahil ikaw yung una kong karamay, kaibigan, kapatid, at higit sa lahat pamilya. Siyempre dahil mataba ka kaya hindi kita makakalimutan! Hahaha." Biro niya sabay tumawa kaya tumawa din ako.

"Hindi kaya ako mataba." Kunwaring nanlulumo kong sabi kaya napatawa siya ulit.

"Weh? Eh kita nga yung belly mo eh, hahaha." Natatawa niyang sabi.

"Tignan mo kapag nakaexercise ako at palaging pumupunta sa gym at saka magdadiet, sigurado akong hindi na ako yung dating mataba na bestfriend na sinasabi mo at sisiguraduhin ko ring makapalaglag-panga ang katawan ko pati ikaw na mapapawow din." Nagmamalaki kong sabi, nagmamayabang.

"Ang sabihin mo hindi ka talaga papayat dahil hindi ka naman sanay sa exercise, diet, etc. Ang bilis mo kaya mapagod." Natatawa niyang sabi kaya napasimangot ako.

"Oy, nagbibiro lang naman eh. Oh, sige na nga, babawiin ko ang mga sinabi ko sayo na hindi ka tataba. Pero pursigido ka ba talaga na magpapayat ka?" Aniya kaya tumango ako at bumulong ng hindi niya maririnig.

"Para sayo," bulong ko sa malayo.

Kinalabit naman niya ako kaya napatingin ako sa kanya habang nakangiti pero siya ay nagtataka.

"Sinong binulungan mo?" Takang tanong niya kaya napatawa ako at ginulo ang buhok niya.

"Wala." Tipid na sagot ko.

"Wag mo ngang guluhin yung buhok ko. Bagong suklay ito eh guguluhin mo naman." Simangot niyang sabi kaya napatawa na naman ako.

Pagkatapos may binulong din siya sa malayo na sigurado akong hindi niya iparirinig sa'kin.

"At ako naman ang magtatanong ngayon, sino naman ang binulungan mo? Hangin, multo, o soulmate mo?" Tanong ko.

"Soulmate ko." Biro niya.

"Weh? Meron ka bang soulmate? Tingin ko kasi wala eh." Biro ko din kaya napatawa kaming parehong dalawa.

"Nasa harap mo kasi ngayon yung soulmate mo." Bulong ko na naman sa malayo na hindi din niya mapapansin at maririnig para hindi niya ako tatanungin kung bakit ba ako bumulong sa hangin.

"Promise na hindi mo ako kakalimutan ah?" Sabi ko.

"Promise nga! Ang kulit nito!" Naiirita niyang sabi sabay tawa.

"Bestfriends forever?" Sabi ko.

"Bestfriends forever." Sabi din niya.

"Pinky promise?" Sabi ko ulit.

"Pinky promise." Sabi din niya ulit sabay kami nagpinky promise sa isa't-isa.

Hinawakan niya ang braso ko sabay hatak niya sa'kin papasok sa orphanage.

~End of Flashback~

"Lei, sana gumising ka na kaagad at sana wag kang macomatose. Hindi ko pa nasabi sayo yung nararamdaman ko para sayo kaya please gumising ka na kaagad." Naiiyak na sabi ko habang hinahalikan ang kanyang kamay.

Narinig kong may bumukas sa pinto kaya napatingin ako don habang naluluha.

Gulat, galit, inis, irita, at gigil ang nararamdaman ko ngayon sa pumasok sa kwarto ni Lei. Walang iba kundi si Tita Olivia.

Kasunod na pumasok si Tito Rei at nakatingin siya sa'kin ng walang emosyon saka siya tumabing umupo kay Tita.

"Clark, pwede bang lumabas ka muna? Kami na lang muna ang aalaga kay Lei." Sabi ni tito kaya tumayo ako at walang pasabing lumabas ng kwarto ni Lei.

Ayoko din makita ang pagmumukha ni tita dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit ganito ngayon ang sitwasyon ni Lei. Nahihirapan si Lei ng dahil sa kanya. Anong klaseng ina siya kung hindi din naman si Lei tratuhin ng maganda? Siyempre, dahil hindi naman totoong anak ni tita si Lei kaya ganun na lang siya kung trumato ng masama kay Lei.

Lumabas ako ng ospital ng madaming iniisip at walang emosyong sumakay sa kotse ko.

Dinukdok ko ang ulo ko sa manibela at dun ko ibinuhos ang lahat ng luha ko.

Sana gumising ka na kaagad Lei, hindi ko kaya na nakikita kang pikit ang mata at hindi ka gumagalaw. Hindi ko kaya...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top