Chapter 22
Chapter 22: Severe Headache
Lei's Point of View
Napatingin ako ulit sa kanya habang tumatawa siya. Napalunok din ako uli.
Hanggang sa bigla na lang sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako ro'n at napaaray dahilan para tumigil sa pagtawa si Wayne at nag-aalala siyang tumingin at lumapit sa'kin.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang napapaaray ako.
Hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko, hindi ko alam kung bakit pero meron na naman akong naalala na hindi ko maintindihan.
~Flashback~ (Past)
Umupo lang ako sa isang bench at tumingin-tingin sa paligid. Dito ang tambayan namin ni Clarky kapag gusto naming mapag-isa sa iba.
Hanggang sa may tumawag sa'kin kaya napalingon ako sa tumawag sa'king pangalan.
Tumayo ako at humarap sa kanila. Oo, kanila dahil marami sila, hindi yung mga umaway sa'min ni Clarky nung nakaraan, mga babae ang ngayon at nakatingin pa sa'kin ng masama.
"Leiane Ashtine!" Sigaw ng leader nila kaya napatingin ako sa kanya, head to toe.
"Oh? Anong kailangan mo sa—?" Bago pa ako pinatapos magsalita ay hinawakan niya ang buhok ko ng mahigpit kaya napangiwi ako. Sinubukan kong pumiglas gamit ang mga kamay ko pero hinawakan ako ng mga alipores niya.
Binitiwan niya ang buhok ko pero ang kasunod nun ay sinampal niya ako. Ang hapdi ng pisngi ko! Sakit!
"Ano bang ginawa ko sayo bakit mo ako sinasaktan? May atraso ba ako sayo, sa inyo?" Kahit ang sakit pa rin ng sampal niya sa pisngi ko ay pinilit kong magtanong para malaman ko kung bakit ganun na lang nila ako saktan.
"Wow! You don't even know? Isn't it obvious?" Tanong ng leader nila.
"Huh? Ano bang sinasabi mo? Anong obvious?" Naguguluhan kong tanong kaya napatawa ang leader nila kaya sumunod sa pagtawa ang mga alipores niya.
"Stop laughing! Sinabi ko bang tumawa kayo?!" Their leader shouted and asked them with a glare kaya humingi sila ng paumanhin.
"Don't tell me you didn't know either? It's quite obvious that I like your friend, bestfriend pala. Sabihin mo sa kanya na makipagblind date siya sa'kin, kung hindi ay alam mo na ang susunod na mangyayari, understand?" Sabi niya at tumawa na parang demonyo.
Hindi ako sumagot kaya hinawakan niya ulit yung buhok ko at hinigpitan iyon kaya napangiwi ako.
"Sasagot ka o hindi?" Tiningnan niya ako ng masama kaya tumingin din ako sa kanya ng masama.
"Don't glare like that at me. Hindi lang ganyan yung aabutin mo kapag hindi mo ako sinunod. Sasagot ka ba o hindi?! Sagutin mo ako!" She shouted at my face kaya napangiwi ako dahil nakakarindi yung sigaw niya.
Wala pa rin siyuang nakuhang sagot sa'kin kaya this time ay sinampal niya ako sa kaliwang pisngi kasunod niyon ay ang kanang pisngi then pabalik-balik lang siya sa pagsampal sa'kin at malakas pa! Hindi ko na kaya kaya nagsalita ako.
"Oo! Susundin ko yung sinabi mo! Happy ka na ba, ha?!" Sarkastikong sabi ko kaya sinampal na naman niya ako pero hindi na pareha nung una, ngayon ay pinakamalakas na kaya pagkasampal niya ay napadaing ako ng malakas na malakas. Ang sakit! Ang hapdi! Hindi ko na kaya! Kasabay ng pagdaing ko ay ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko.
"Oh? Iiyak ka na ba? Mamaya na dahil hindi pa ako tapos sayo. Eto pa ang sayo!" Aniya at saka dinapo ng kamay niya ang pisngi ko pero bago pa dumapo yung kamay niya sa pisngi ko ay meron ng pumigil nun. Nakapikit pa rin ako at unti-unting humikbi.
Pumiglas ako sa pagkakahawak ng mga alipores nung leader nila at tumakbo papalayo.
Nakadilat na ngayon ang mata ko pero nanlalabo yung paningin ko dahil nangingilid yung luha ko. Habang tumatakbo ako ay napahikbi na naman ako at pinunas ng pinunas yung luha ko pero hindi pa rin tumigil iyon kaya hinayaan ko na lang.
Hanggang sa mapadpad ako sa likod ng orphanage at nakita ko na merong bench dun kaya umupo ako at dun ko hinayaan na umiyak ng umiyak.
Mayamaya lang ay meron akong narinig na mga yabag ng paa pero hindi pa rin ako tumigil sa paghikbi at pagpunas ng luha kasama na dun yung sipon ko. Tumingin ako sa pinanggalingan niyon at nakita ko si Clarky na lumapit sa'kin kaya tumayo ako at handa na sanang tumakbo ulit pero pinigilan niya ako gamit yung isang kamay niya sa braso ko at pilit akong pinapaharap.
Humarap ako sa kanya at doon ko hinayaan yung sama ng loob ko, dun ko pinalabas lahat.
"Bakit mo ako pinuntahan dito? Diba busy ka dun sa umaway sa'kin? Dun ka na lang tutal ikaw naman yung kailangan niya eh. Nadamay ako ng dahil sayo! May gusto yung babae sayo kaya ako ang pinuntirya niya dahil ako ang bestfriend mo! BESTFRIEND! Eto pa, pinapasabi daw niya sayo na makipagdate daw ka sa kanya. Alam mo ba na masakit sa'kin kapag merong umaaway sa'kin pero higit pa ro'n? Alam mo ba na masakit rin kapag ang dahilan ng away ay ikaw dahil may gusto halos lahat ng mga babae sayo? Alam mo ba na halos lahat ng babae dito sa ampunan ay binibigyan nila ako ng masamang tingin at threats dahil ako ang bestfriend mo? Ako ang palaging kasama mo? Bestfriend mo ako pero ako ang target nila! Ang sakit nun para sa'kin, alam mo ba yun ha? Kaya bumalik ka na dun! Gusto ko nang mapag-isa ng wala ka! Bumalik ka na dun!" Sigaw ko sa kanya at hinampas-hampas ko ang dibdib niya ng paulit-ulit habang umiiyak.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay para patigilin pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak at pagsigaw.
"I'm sorry, Lei. I'm so sorry." Paumanhin ni Clarky pero hindi ko iyon pinansin.
Hanggang sa mailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya at unti-unting napaupo pabalik sa bench at umiyak.
Hinayaan ko na lang siya na umupo sa tabi ko. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita para magsorry sa'kin ulit.
"Again I'm sorry, so sorry, Lei." Paumanhin niya kaya tumingin ako sa kanya nang nangingilid pa rin ang luha ko at humikbi.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki dahilan para mapadaing ako. Ang sakit at ang hapdi ng pagkakasampal ng leader sa'kin kanina.
Nabitiwan niya ang magkabila kong pisngi pero nag-aalala siyang tumingin sa'kin.
"I'm sorry." Paumanhin niya kaya umiling-iling ako.
Umiling ako dahil hindi naman niya kasalanan. Nasabi ko lang iyon dahil sa sama ng loob ko, nadala ako kaya ngayon ay nahihiya akong tumingin sa kanya at gusto ko nang magsorry.
"Sorry dahil nadamay ka ng dahil sa'kin." Aniya pero umiling ako ulit.
"Hindi ka dapat humingi ng tawad sa'kin dahil hindi mo naman kasalanan. Nadala lang siguro ako kaya ako ganun kung makasigaw sa'yo kanina. Ako dapat ang magsorry sayo dahil ikaw ang nasisi ko kaya sorry." Sinsero kong sabi pero umiling din siya.
"Pareho naman tayong may kasalanan sa isa't-isa kaya hindi na tayo kailangan pang magsorry." Sabi niya kaya kahit papaano ay ngumiti ako. Tumigil na din sa pagtulo ang mga luha ko.
"Oh, tingnan mo, napangiti kita." Nakangiting biro niya kaya hinampas ko siya ng pabiro, hindi gaya kanina.
"Okay ka lang ba? Masakit pa rin ba yung pagkakasampal sa'yo?" Tanong niya, nag-aalala.
"Ano sa tingin mo?" Balik-tanong ko sa kanya.
"Ah, hehe. Hindi pala." Sabi niya habang napapakamot sa batok niya.
"Lei, namamaga yung magkabila mong pisngi." Sabi niya sabay turo sa pisngi ko kaya napahawak ako ro'n. Pagkahawak ko ay napadaing ako dahil humapdi siya at sumakit.
Hinawakan naman niya yung pisngi ko at hinimas-himas yun ng dahan-dahan para hindi ako masaktan masyado.
Tiningnan niya ang pisngi ko kaya napatitig ako sa kanya. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko.
"Tara na. Ipapagamot natin 'yan kay Sister Martha. Isusumbong din natin yung mga babae na sinaktan ka. They will teach a lesson." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako at tumango bago kami lumakad papalayo.
He just touched my cheeks without my permission but it was the best feeling. And it actually cause my heart to beat faster. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan at napahawak sa pisngi ko.
~End of Flashback~
"Ahh! Ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ko pero mas lalo lang lumala yung sakit.
"Lei, tatawagin ko lang si tito at si tita. Maghintay ka lang dyan, babalik din ako kaagad kasama na sila tita at tito." Nag-aalala niyang sabi.
Lumabas siya ng kwarto at narinig ko pa ang mabilis na yabag ng paa pababa ng hagdan at yung sigaw niya.
Napahawak ako ng mariin at nagsusumigaw sa sakit.
Pumasok sila at dali-daling lumapit sa'kin. Nag-aalala silang tumingin sa'kin pati na si.... mommy.
"Anak, anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ni daddy pero hindi ako sumagot dahil sa sakit.
"Dadalhin ka namin sa ospital." Pagkasabi ni daddy nun ay pumasok ang samu't-saring alaala sa isipan ko kasabay nang pagwalan ko ng malay. Ngumilid din ang luha ko at tumulo.
Hindi ko na alam ang susunod na nangyari.
***
Clark's Point of View
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kasakit yung ulo ni Lei. Sana naman okay lang siya pareho nung unang sumakit yung ulo niya sa school.
"Dadalhin ka namin sa ospital." Pagkasabi ni tito ay siyang pagwalan ng malay ni Lei kaya nag-aalala na masyado ngayon si tito at binuhat si Lei saka patakbong lumabas.
***
Pagdating namin sa ospital ay inasikaso na ng mga nurse si Lei at dinala sa emergency room kasama na ang doktor.
Naghintay kami ng ilang minuto. Nakaupo ako at si tita samantalang si tito naman ay nakatayo pero paulit-ulit na lumakad pakanan at lumakad pakaliwa kaya nahihilong tumingin si tita sa kanya.
"Rei, what are you doing? Umupo ka nga, nakakahilo kang tignan." Saway ni tita kay tito kaya tumingin si tito kay tita at pabuntong-hiningang umupo.
Umupo nga siya pero hindi pa rin siya mapakali. Hinawakan naman ni tita ang kamay ni tito para pagaanin ang loob ni tito.
"Hon, magiging ayos rin si Lei." Sabi ni tita kaya kahit papaano ay gumaan-gaan din ang pakiramdam ni tito pero hindi pa rin mawawala sa kanya ang pag-aalala.
Mayamaya lang ay lumabas ang doktor at hindi namin inaasahan ang kanyang sinabi.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top