Chapter 21


Chapter 21: His Familiar Laugh

Lei's Point of View

~Continuation of Flashback~

Pagkatapos naming kumain dalawa ay pumunta kami sa playground at naglaro sa seesaw.

Habang naglalaro kami nun ay biglang may nagbato ng papel sa'kin kaya napahawak ako sa likod ng ulo ko at tiningnan kung sinong nagbato sa'kin ng papel.

Kaya tumigil kami sa paglaro at bumaba para harapin ang nagbato sa'kin ng papel. Bolang papel...

Lumapit sa'kin si Clarky at hinawakan ako sa braso saka tiningnan ang nakahawak kong kamay sa likod ng ulo ko.

"Okay ka lang ba, Lei?" Nag-aalala niyang tanong kaya tumango ako at pilit ngumiti.

Hindi siya naniniwala kaya hinarap niya ang nagbato sa'kin at lumapit siya saka hinawakan niya ang kwelyo ng bata at umamba ng suntok. Pero hindi man lang natinag ang bata at sa halip ay tumawa lang na parang mukhang baliw.

May kasama ang bata, mga dalawa sila isa-isa in total apat silang kasama ng bata. Napalunok ako dahil ang rami nila.

"Yan lang ba ang kaya mo? Ang bakla mo namang aamba ng suntok. Amba lang yun. Hahaha." Tumawa ang nagbato sa'kin ng papel kaya tumawa din ang mga kasama niya pero napatahimik sila dahil sa biglang pagsigaw ng leader nila. Mukhang gangsters pero hindi naman pala.

"Ano bang kailangan mo sa'min? Bakit kayo nagbato ng bolang papel kay Lei?" Galit na tanong ni Clarky sa leader nila.

"It's simple. We just wants to be have be fun." Nakangising sagot ng leader nila.

Napatakip naman ako sa bibig ko, hindi sa gulat kundi tumawa dahil wrong grammar ang pagkakaenglish niya.

"'We just wants to be have be fun'?! Hahaha, bobo ka pala eh. Hindi marunong umenglish. With matching wrong grammar pa!" Bigla na lang tumawa si Clarky pagkasabi niya nun at napahawak sa tiyan. Hindi na din ako nakapagpigil pa at tumawa din ako ng tumawa.

"Ah, boss. Mali po yung grammar at sa pagkakaenglish mo. Ito po yung tama boss, 'We just wanted to have fun.' Yun po. Hehehe.." anang isa niyang kamiyembro, tinatama.

"Eh, pake ko ba?" Inis na ani leader nila at tinignan kaming dalawa habang nakatingin siya sa'min ng masama at in-eye-to-eye pa niya kami na parang nagsasabi na hindi pa tayo tapos.

Tumawa lang kami ng tumawa, hindi pinansin yung eye-to-eye niya sa'min.

"Hindi pa tayo tapos! Tara na mga hoodlum!" Galit na sigaw ng leader nila kaya nagsipagsunuran yung mga kasama niya na parang mga tuta. Napatawa na naman kami dahil sa tinawag ng leader nila sa kanila at yung nagmukha silang tuta.

"Hoodlum daw?! Hahaha.." Tawang-tawang sabi ni Clarky.

Napangiti ako dahil sa tawa niya. Tawang-tawa talaga siya, as in.

*dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug* *dugdug*

Tumibok ang puso ko ng mabilis kaya napahawak ako ron. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumibok ng mabilis yung puso ko. Kakaiba kasi yung tawa niya, hindi ko maiintindihan.

Parang lutang ako habang nakatingin sa kanya.

Hindi ko alam kong gaano katagal ako nakatingin sa kanya habang napaawang ang labi ko ng kusa.

Ano bang nangyayari sa'kin? Epekto ba ito sa pagbato ng papel sa'kin o normal lang ito?

"Hoy, Lei! Are you there? Bakit ka lutang?" Tanong ni Clarky na nakapagpabalik sa'kin sa reyalidad.

"H-hah?" Lutang pa rin ako.

"Hmm, nevermind. Tara na, balik na tayo dun sa seesaw." Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang wrist ko at hinatak pabalik sa seesaw upang maglaro ulit.

Napatingin ako sa hinawakan niyang wrist ko at yun na naman yung bilis ng tibok ng puso ko, napahawak na naman ako ron.

'Lei, calm down' sabi ko sa isipan ko para pakalmahin yung sistema ko.

"Uy, Lei. Kanina ka pa tulala dyan, okay ka lang ba? Iniisip mo pa ba yung nagbato ng papel sayo?" Tanong niya habang inaalog na ngayon ang balikat ko.

"Ah, hindi. May iniisip lang ng ibang bagay. Okay lang ako. Laro na tayo." Pilit-ngiti kong sagot kaya napatango siya at ngumiti sa'kin bago siya pumunta sa kabilang side ng seesaw at umupo ganun din ako at nagsimula na kaming maglaro.

Sumigaw siya habang napapatawa, ganun din ako. Kapag sumigaw siya ay napapatawa ako, kapag sumigaw naman ako ay napapatawa siya dahil pabalik-balik lang kami.

Hindi niyo maintindihan, let's make things clear.

Kapag siya ay nasa taas ay napapasigaw siya habang ako kapag nasa baba ay napapatawa dahil sa reaksyon niya, ganun kami paulit-ulit. Paulit-ulit din ang tibok ng puso ko kapag tumatawa siya.

It sounds a bit weird. Hindi naman ganito ako dati. Weird feeling.

Pero iniling ko na lang 'yon dahil hindi naman 'yon totoo ang bumubuo sa isipan ko. Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.

***

Simula nung araw na tumawa siya nun ay ganun na ang nangyayari sa puso ko. Mabilis. Hindi ko alam kung anong feeling nito, wala talaga akong alam, pramis.

"Lei, napansin ko lang, minsan ay napapatulala ka at napalutang simula nung araw na yun. Bakit napapadalas na iyan?" Tanong ni Clarky sa'kin kaya tumingin ako sa kanya at nagpilit na naman ngumiti. Pero hindi ko alam na nahalata niya ang pagpilit ko sa kanya ng ngiti.

"Lei, may problema ka ba?" Nagsimula na siyang mag-aalala kaya hinawakan ko ang kanyang braso at saka nagsalita.

"Tumingin ka sa'king mga mata. Dun mo malalaman kung may problema ba ako o wala." Sabi ko kaya napatingin siya sa'king mga mata.

Pagkatapos niyang tignan ay ngumiti siya sa'kin at umiling. Umiling siya senyales na wala akong problema kaya napahinga ako ng maluwag.

"Pero bakit napapalutang at napapatulala ka minsan? Iniisip mo na naman ba yung nagbato sa'yo ng bolang papel? Gusto mo, suntukin ko na para hindi ka na mag-isip dyan?" Nakangiting tanong niya kaya napahampas ako sa balikat niya sa huling tanong niya.

"Wag na, baka gumanti na naman 'yon sa'tin." Natatawa kong sagot kaya tumawa din siya.

Napatingin na naman ako sa tawa niya. Bumilis na naman! Nakakainis! Ano ba itong nararamdaman kong 'to? Bakit napapadalas na ito?

"Lei, naisip mo ba na may magkakagusto sa'yo at malapit lang ang loob mo niyon?" Tanong niya bigla kaya nagulat ako at napalunok pero sumagot din.

"Ah, hindi pa. Bakit naman mo natanong 'yan? Ano bang klaseng tanong 'yan?" Tanong ko sa kanya at saka pilit na ngumiti.

Nakita kong parang nanlumo siya pero imposible! Baka namamalikmata lang ako, imposible na manlumo siya. Imposible na.... may gusto siya sa'kin...

"Ah, wala lang. Natanong ko lang. Sige, kain na tayo ng hapunan." Pagkasabi niya nun ay tumayo siya at inoffer niya ang kamay niya sa'kin kaya napatingin ako dun. Nag-aalangan pa ako kung kukunin ko 'yon pero sa huli ay kinuha ko din 'yon ayoko pa naman din siya mapahiya, bestfriend ko siya noh.

BESTFRIEND! PERIOD!

(A/N: OUCH naman! Bakit naman bestfriend lang ang turing mo sa kanya. Joke! Sige, basa na kayo!)
***

Hindi ko na talaga alam itong nararamdaman ko. May nararamdaman ba ako sa kanya o hindi? Haysst! Ang gulo!

Naiilang ako sa kanya 'pag magkahawak ang kamay namin at kapag lapitan niya ako 'pag malungkot ako at hahalikan niya yung noo ko.

At kapag nakikita at napapatingin ako sa tawa niya ay bigla na lang bibilis yung tibok ng puso ko.

Dapat tigilan ko na 'to dahil wala naman itong patutunguhan kung hindi makakasira ito sa relasyon naming dalawa bilang magkakaibigan. Ayokong dumating ang punto na mawawala siya sa'kin. Siya na lang nag natitira kong kaibigan at isang matalik pa. Swerte ko na kapag kasama siya.

Hanggang nung meron ng kumupkop sa'kin...

~End of Flashback~

Napalunok ako at napatingin sa kanya at sa tawa niya.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top