Chapter 20

Chapter 20: Thank You

Lei's Point of View

Gusto ko pa sanang matulog pero nung gumalaw ang katawan ko ay hindi na ako makatulog muli. Kaya ang ginawa ko, iminulat ko ang isa kong mata hanggang sa nasundan pa ng isang mata. Tumingin ako sa side ng sofa dahil talagang pakiramdam ko may nakatingin sa'kin. Pagkatingin ko ay dun ko napagtanto na nandito pala si Wayne, nakaupo siya sa sofa habang nakasandal ang likod niya sa sofa at tumingin-tingin sa kung saan kaya tinignan ko siya ng nagtatakang tingin habang kinusot-kusot ko yung dalawang mata ko kasabay ng pag-upo ko sa kama.

Dun ko napagtanto na sumakit ang ulo ko at biglang naaalala ko ang lahat ng nangyari kahapon sa resto bar hanggang sa pag-uwi dito sa amin.

~Flashback~

Naramdaman kong may umalalay sa'kin kaya umungol ako dahil naiistorbo yung pagtulog ko.

Pinilit kong ipikit yung mga mata ko at sinubukang matulog pero parang bumaliktad ang sikmura ko kaya napadilat ako ng mga mata at tumingin sa umalalay sa'kin. Medyo blurred ang paningin ko ngayon pero kalaunan ay naaninag ko din kung sino yung umalalay sa'kin, si Wayne.

Tumingin ako sa kanya na para bang dun ako susuka. Naramdaman naman niya iyon, sigurado ako na naramdaman niya iyon. Kaya dali-dali niya akong pinasok ng bahay na hindi ko alam kung anong bahay ito. Hanggang sa pumasok kami ng kwarto at pinasok niya ako sa banyo. Lumuhod ako at dun ako nagsimulang dumuwal.

Naramdaman ko ding hinagod ni Wayne yung likod ko para makaduwal ako lahat ng ininom ko kanina.

Pagkatapos kong dumuwal ay sinubukan kong tumayo pero na-out-of-balance ako kaya ang nangyari, muntik na naman akong natumba mabuti na lang nasalo ako ni Wayne ng mabilis. Then, inalalayan niya ako pagkatapos nun. Unti-unting bumigat ang talukap sa mga mata ko kaya pumikit ako 'sandali' para mawala yung bigat sa talukap ko pero hidni ko namalayan na yung 'sandali' na sinabi ko ay natulog na pala.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari pagkatapos nun.

~End of Flashback~

Nakakahiya! Nakakahiya yung nagawa ko kagabi! Hindi na talaga ako iinom ulit, period! Nakakahiya na kay Wayne!

"Bakit ka nandito, Wayne? At paano ako napunta dito? Ah! Ang sakit ng ulo ko! Sa susunod talaga hindi na dapat ako uminom." Sabi ko. Linibot ko ang tingin ko sa isang kwarto. Kwarto ko 'to ah? Paano ako napunta dito?

Napatingin ako sa kanya dahil bigla na lang siya bumungisngis. Anong nakakatawa? Meron bang nakakatawa sa nasabi ko?

"Hinatid kita dito at saka dito na din ako natulog sa bahay niyo." Sabi niya kaya napatingin ako sa suot ko bigla. Nabigla din ako sa sariling kinilos, hindi ko intensyon na kumilos at lumingon sa sinuot ko. Hindi ko alam kung bakit ako kumilos ng ganon. Pero ganun pa rin naman ang suot ko, damit ko pa rin kagabi ang suot ko ngayon.

"Ah, wala akong ginawang masama sa'yo ah?" Nahihiyang sabi niya. He gave me an assurance smile kaya sa hindi malamang na dahilan ay talagang napahinga ako ng maluwag.

Magsasalita na sana ako nang hindi ko intensyon na ganun ako kumilos pero inunahan niya ako sa pagsasalita sa ibang bagay na. He avoids this part and I understand him.

"At saka dun ako natulog sa guest room, sabi kasi ni Tito Rei sa'kin kagabi na dun ako matutulog." Sabi niya.

"Ah, yun pala. Uhmm, paano ko ba 'to sasabihin sa'yo? Uhmmm..." sabi ko.

Ang gusto ko lang naman sasabihin sa kanya ay.... magthank you. Magthank you dahil inalagaan niya ako kagabi. Kunwari akong nag-isip-isip para masabi ko sa kanya ng meron na akong lakas ng loob. Kinakabahan kasi ako sa hindi malamang na dahilan.

"Ano namang sasabihin mo sa'kin? Hmmm?" Nakangiting tanong niya.

"I would like to say.... thank you." Sinsero at nakangiti kong sabi sa kanya. Sapat na siguro yun para makapagpasalamat man lang ako sa kanya. Dalawang salita pero sapat na para makapagpasalamat man lang.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nagulat pero kalaunan ay ngumiti.

"Ah... you're welcome Lei basta para sayo." Sabi niya kaya ngumiti ako.

"Nagulat ka siguro noh? First time mong marinig ang salitang ito sa bibig ko o sa ibang tao noh?" Tanong ko.

"Ah, hindi naman." Sabi niya at umiwas saglit ng tingin sa'kin.

Hmmm... ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Did he take it as a compliment or not or what? I don't know but I'm happy that he will take it as a compliment if ever.

"Thank you for taking care of me yesterday night. Nawala lang kasi talaga ako sa katinuan kaya ko yun nagawa." Sabi ko.

"No problem. Wala lang yun. Hindi din naman kita kayang papabayaan man lang dito." Sabi niya kaya napangiti ako ng walang malisya.

"So anyways, sabi daw ni tita na bumaba ka na raw para makapagbreakfast ka na kasabay nila kapag gising ka na." Sabi niya kaya tumango ako at tumayo sa kama pero nahilo ako bigla kaya napaupo ako ulit sa kama.

Dali-dali namang lumapit sa'kin si Wayne at tumingin sa'kin ng nag-aalala. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya. Ayoko siyang pag-aalalahanin.

"Okay lang ako, epekto siguro ito ng pag-inom ko ng alak kagabi. Wala lang ito. Sige, una ka na, susunod na lang ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.

"Oo, sigurado ako kaya una ka na, susunod ako." Sabi ko ng nakangiti at naninigurado.

"Sige, pero kung sasakit na naman mulo yung ulo mo, tawagin mo ako o di kaya'y yung parents mo." Sabi niya kaya napatango ako.

Bumuntong-hininga muna siya bago siya lumabas ng kwarto ko. Narinig kong bumaba siya ng hagdan.

Napapadalas na talaga itong sakit ng ulo ko, hindi ko naman pwedeng sabihin lahat lahat nina daddy, mommy, at mga kaibigan ko dahil paniguradong mag-aalala sila ng sobra sa'kin, ayoko pa naman ng ganun.

Sinubukan kong tumayo. Ayos na, hindi na ganun kasakit yung ulo ko kaya lumakad ako papunta sa banyo at nagsepilyo saka ako naligo.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako at bumaba ng hagdan saka ako pumunta sa kusina. Nadatnan ko sina mommy, daddy, at Wayne na kumakain na habang nag-uusap-usap ng ibang bagay. Napatigil lang sila ng makita nila ako at pinaupo ako sa upuan katabi ni Wayne.

"Hindi na ba ganun kasakit yung ulo mo?" Bulong na tanong sa'kin ni Wayne kaya ngumiti ako saglit at tumango kaya kahit papaano nakahinga siya ng maluwag pero hindi pa din maitatago sa kanya ang pag-aalala niya sa'kin.

"Bakit may pabulong-bulong pa kayo dyan? Hindi ba pwedeng ibahagi niyo naman sa'min ang ibinulong niyo. Para kasing may itinatago kayong sikreto sa'min eh." Ani daddy kaya napalingon kami ni Wayne sa kanilang dalawa ni mommy.

Si mommy ay nakatingin sa'min ng nakataas ang isang kilay na para bang susumbatan niya kami kapag hindi kami sumagot.

Si daddy na nakangiti pero may bahid na pagtataka. Naghihintay din siya sa sagot naming dalawa.

Kaya bumuntong-hininga muna ako bago ako magsalita pero nung akma nasa sana akong sumagot ng inunahan ako sa pagsagot ni Wayne. Napangiti ako kasi hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko kina mommy at daddy. Ayoko silang mag-aalala masyado.

"Ah, wala lang po. May pinag-uusapan lang kami ni Lei tungkol sa umaabot na school festival dun sa Valzon Academy." Nakangiting sagot ni Wayne. Nagsisinungaling.

"Hmmm? Meron bang umaabot na school festival, hon? Wala namang ibinalita sa'tin ang school staffs kaya paano magkakaroon ng school festival?" Nagtatakang tanong ni mommy, ganun din si daddy.

Tumingin ako kay Wayne at ganun din siya, parehong kabado. Sana effective 'tong sinabi ni Wayne kundi makukutusan ko talaga siya.

"Ah, mommy, daddy. Totoo po talaga na merong umaabot na school festival. Ang totoo nga po, maghahanda na kami dun sa school bukas na bukas din." Pagsisinungaling ko pa.

"Hmmm... okay. Kahit hindi ibinalita sa'tin ang umaabot na school festival ay nakapagsabi naman sa'tin si Lei at Clark. Kaya what's the point kung hindi tayo kumbinsido?" Sabi ni daddy kaya napahinga kami ng maluwag ni Wayne.

Nandun pa rin ang taas-kilay na mukha ni mommy pero umagree naman siya kay daddy.

"So, shall we continue to eat breakfast?" Nakangiting tanong ni mommy kaya tumango din kami at ngumiti bago tumuloy kumain.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming umakyat ni Wayne papunta sa kwarto ko. Nakapagsabi naman si Wayne kay daddy kaya walang problema.

Pagpasok namin ay umupo ako sa kama habang siya ay nakiupo sa sofa habang nakasandal ang likod.

"Phew! That was close! Mabuti na lang talaga kundi baka makutusan tayo!" Sabi ni Wayne na tumatawa.

"Yeah, sabi ko naman sa isip ko kanina na kapag hindi effective yung sinabi mong umaabot na school festival ay talagang makukutusan kita." Natatawa ko ding sabi.

"Mabuti na lang effective, hahaha." Tawang-tawa niyang sabi kaya napatutok ako sa kanyang tawa.

May pumasok na alaala sa isipan ko pero hindi ko alam kung saan nagmula at hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumulpot yung alaala sa isipan ko.

~Flashback~ (Past)

"Uy, Lei! Habulin mo ako! Ikaw ang taya kaya habulin mo na ako! Hahaha!" Sabi ni Clarky kaya hinabol ko siya kahit tawa ako ng tawa.

Hanggang sa mahabol ko siya at nahuli sa kamay. Hangos na hangos ako dahil sa takbo ko. Para akong mauubusan ng hininga. Tawa lang naman siya ng tawa sa'kin kaya napapatawa din ako dahil nakakahawa yung tawa niya.

"Hahaha, sabi ko na ba eh, mahahabol mo ako dahil mukha kang bunny kung kumilos. Ako naman itong mukhang pagong kung kumilos." Tawa pa rin siya kahit nagsasalita siya. Napatawa din ako sa sinabi niya.

"Hindi kaya! Ako ang mukhang pagong at ikaw ang mukhang bunny. Magkaiba tayo," natatawa ko ding sabi.

"Basta para sa'kin, mukha kang bunny at ako ay mukhang pagong kung kumilos. Period!" Sabi niya habang pilit pa ring sinasabi na bunny daw ako at siya ay pagong.

We started an arguement about that but buti na lang dumating si Sister Martha at inawat kaming dalawa.

Pagkatapos niya kaming inawat ay bigla na lang kaming tumawa na parang mukhang baliw. Ang isip-bata namin! Dahil lang bunny at pagong kaya kami nag-away! Hahaha...

"Mga bata, halina kayo, kain na tayo ng lunch." Sabi ni Sister Mary sa'min kaya ngumiti kaming dalawa at tumango.

Tawang-tawa na naman kami habang naglalakad, hindi pa din makaget-over sa away namin kanina.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top