Chapter 2
Chapter 2: The Letter
Lei's Point of View
Maaga akong nagising pero tulad ng nakasanayan hindi ko sila nakakasama sa breakfast. Alam ko namang mahal ako ni daddy pero busy siya palagi sa work. Si mommy naman... haysst... Kailan ba niya ako tatanggapin bilang anak?
"Ma'am Lei, handa na po ang agahan niyo," tumango ako.
"Thank you, Yaya Linda," kaswal kong sabi at tsaka kumain.
Pumunta na ako sa school at dumaan ako sa locker ko. Nakita ko ang isang sulat at rosas. KANINO NAMAN GALING TO?? Binasa ko iyon.
Dear Lei,
I KNOW YOU DON'T REMEMBER ME BUT I'M ALWAYS HERE TO SAVE YOU. SANA DUMATING 'YUNG ARAW NA, MAALALA MO LAHAT. PATI NA AKO. ESPESYAL KA SA 'KIN NOON PA MAN. HINDI KO LANG KAYANG SABIHIN KASI NATOTORPE AKO... HEHE... NAHIHIYA KASI AKO EH. NANDITO LANG AKO PALAGI, LEI. 🥰
Love,
WCV ❤
Sino bang nagbigay sa 'kin nito? Anong sinasabi niyang sana maalala ko lahat? Hindi ko maintindihan. Pero napangiti din ako sa letter na 'to, kahit papaano sweet siya pero hindi ko alam kung sino ang nagbigay. Gusto ko sana siyang pasalamatan dito.
"Oy, ano 'yan ha? Lei ano 'yan?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Rosea sa likod.
"Letter at isang rose," kaswal na sagot ko sa kanya.
"Sino nagbigay, Lei?! Kyaaah! Sino?!" Malakas na sigaw ni Rosea. Agad kong tinakpan ang bibig niya para walang magtataka kung bakit napasigaw siya sa kilig.
"Ang nakalagay WCV, hindi ko siya kilala," sabi ko sa kanya.
"Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng WCV?" tanong ko pero umiling lang siya at nagsalitang muli.
"Hindi eh, pero kinilig ka naman no?" Tanong niya. Binatukan ko siya.
"Hindi no, leche ka. Kailan pa ako kinilig sa letters at rose ha? Alam mo namang choosy ako pagdating sa mga lalaki. Gusto ko 'yong may... katangkaran, may respeto sa 'kin at tsaka full effort. Hindi ko talaga alam kung sinong nag-iwan dito sa locker ko," sabi ko.
"Tara na nga. 'Wag mo na munang isipin 'yan," sabi ni Rosea. Pumunta na kami sa classroom. Sakto lang ang pagdating namin dahil kasunod pumasok na ang prof. namin this morning.
Hindi mawala sa isip ko ang letter na 'yon. Curious na talaga ako kung sino 'yung nag-iwan ng letter. Sino kaya 'yun?
Lutang na naman ako. Hindi ko narinig ang sinasabi ni Prof. Henry hanggang sa mag-ring ang bell.
-RING-
"Okay class dismiss." Umalis na si Prof. Papunta na kami sa canteen ng makasalubong namin ang lalaki kahapon. At may kasama siya, mukhang kaibigan niya ito. Gwapo rin siya, mukhang kinilig si Rosea sa kanya. Kinakabahan na naman ako. Nakatingin siya sakin pero nag-iwas ako ng tingin.
"Hoy Lei, okay ka lang?" Tanong ni Rosea.
"Ah, I'm okay. Come on let's eat," sagot ko sa kaniya. Umorder na kami ng may biglang tumulak na naman sa 'kin. Ang pagkain ay napunta sa mukha ko pati sa damit. Letse! Sino 'yun?
Tumingin ako sa likod ko. Nakita ko si Keiz... siya ang may matagal ng galit sa 'kin pero hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo niya sakin. Siya daw ang Queen B dito sa campus. Wala akong pakialam sa kanya dati pa pero ang ginawa niya ngayon sa 'kin ay hindi ko palalampasin. Nauubos na ang pasensya ko sa kanya!
"Aww, look who's here. The Dirty Bitch," nakangising sabi niya sa 'kin. Maraming tao dito sa canteen. Tinawanan ako ng karamihan. Letse!
"Why are you doing this to me, huh? Keiz, inuubos mo na talaga ang pasensya ko. Kapag may ginawa ka na namang kalokohan sa 'kin, humanda ka kasi hindi ako magdadalawang isip na patulan ka!" Banta ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Wow, look who's talking! Wala akong pakialam kung nauubos na ang pasensya mo! Ang laki ng kasalanan mo sa 'kin!" Sigaw niya. Kumunot ang noo ko. Gustong gusto ko siyang sampalin. Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ko sa kanya.
"Ano bang kasalanan ko sayo?! Hindi ko alam kung bakit pinag-iinitan mo ako palagi ng ulo! Why are you doing this to me, huh? Wala kang karapatan para saktan at i-bully ako dito dahil nasa teritoryo kita nakatapak!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya!
"Ha! Kahit ikaw ang may-ari ng school, wala akong pakialam! Nag maang-maangan ka talaga ha?!" Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin tsaka sinabunutan.
"Dapat lang sayo ang ganitong buhay!" Sasampalin niya sana ako ng may pumigil sa kanya. Napalunok ako.
Niligtas na naman ako ni Wayne. Bakit palagi niya lang akong nililigtas? Bakit ang bait niya sa 'kin?
"Stop hurting her, Keiz! Kapag hindi mo siya tinigilan ako ang makakalaban mo. Naiintindihan mo?" Galit at madiin na sabi ni Wayne. Pinatayo niya ako at binigyan ng tissue para kahit konti mawala yung dumi sa mukha at damit ko.
"Thank you," sabi ko. Ngumiti siya. Naiilang na talaga ako.
"Welcome. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Nakangiting tanong niya.
"Hmmmm... pag-iisipan ko. Sige una na 'ko. Salamat ulit," pagpapaalam ko. Bakit kaya ang bait niya sa 'kin?
Clark's Point of View
Papunta na sana kami sa canteen ng makita ko si Lei na sinasabunutan ni Keiz. Agad akong tumakbo papunta do'n at muntik ng sampalin ni Keiz si Lei. Buti nalang nahawakan ko ang kamay ni Keiz para mapigilan siya. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at nagulat siya na nakita niya ako.
"Stop hurting her, Keiz! Kapag hindi mo siya tinigilan ako ang makakalaban mo! Naiintindihan mo?" Galit at madiin na sabi ko. Agad siyang lumayo kasama ang mga kaibigan niya.
Tinulungan kong tumayo si Lei. Bakit parang gulat na gulat siya? Hahaha... ang cute niya... Binigyan ko siya ng tissue para punasan niya ang sarili.
"Thank you," sabi niya at ngumiti naman ako.
"Welcome. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Nakangiting tanong ko.
"Hmmmm... pag-iisipan ko... sige una na ako. Salamat ulit," paalam niya na nagpipigil ng ngiti at lumakad papalayo kasama ang kaibigan niya.
Bakit walang umawat kay Keiz kanina? Galit na talaga ako sa babaeng 'yun. Simula palang, alam ko maldita siya. Nung unang tinulak niya si Lei sa hagdanan ay pinalampas ko na. Pero nakadalawa na siya, ubos na ang pasensya ko. Ngayon nakasimangot parin ako at nakalimutan kong kasama ko pala si Nic, 'yung kaibigan ko.
"Dude, bakit mo palaging inililigtas si Ash?" Tanong niya, nagulat ako. Kilala niya si Lei?
"Kilala mo siya?" Takang tanong ko.
"Oo, bakit mo naman naitanong? Kilala ko na siya dati pa. Nakita ko na siya minsan ng pumupunta siya sa Cafe Shop," sagot niya.
"Saang Cafe Shop?" Tanong ko na naman.
"'Yung malapit sa orphanage." Nagulat ako. 'Yung Cafe na palagi naming pinupuntahan dati, 'yung naaalala niya pa ako.
"Clark, bakit nagulat ka dyan? Matagal mo na ba din siyang kilala?" Kunot-noo niyang tanong. Bigla nalang tumulo yung luha ko. Naalala ko kasi 'yung palagi kaming pupunta sa Cafe Shop na 'yun. Ang dami naming alaala do'n.
"Hoy, anak ng... dude! Bakla ka ba? Bakit ka umiyak?" Natatawang tanong niya. Binatukan ko siya.
"Sira! May naalala lang ako tungkol sa shop na 'yun," sabi ko at pilit tumawa. "Tara na mamaya may ikukwento ako sayo pagkatapos ng klase," yaya ko.
-Discuss-
-Discuss-
-Break-
-Discuss-
-Dismiss-
"Oh, Clark anong sasabihin mo?" Tanong ni Nic.
"Uhm Nic naalala mo ba si Ash?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, bakit naman? Type mo siya no?" Nanunuksong tanong niya.
"Mamaya natin pag-usapan 'yang type type na yan. Ito ang time para malaman mo si Lei ng husto. Magkakilala kami ni Lei simula pagkabata, ampon kasi siya. Ako din, ampon din ako, magbestfriends kami, close na close kami niyan pero no'ng isang araw naaksidente siya at na comatose siya, naaksidente siya dahil sa mommy niya, pinagalitan niya si Ash no'n. Nang dahil do'n naglayas siya. Bakit ba niya ginagawa 'yun? Eh, mabait naman siya. Nagalit talaga ako sa mommy niya," galit na sabi ko.
"Hoy, dude easy ka lang," sabi niya sa 'kin. "'Wag ka namang magalit sa mommy ni Ash, kalma ka lang," sabi niya habang pinapakalma ako.
Nic's Point of View
"Oh, Clark anong sasabihin mo?" Tanong ko ni Clark.
"Umm, Nic naalala mo ba si Ash?" Tanong niya sa 'kin.
"Oo, bakit naman? Type mo siya noh?" Nanunuksong tanong ko sa kanya.
"Mamaya natin pag-usapan yang type type na yan. Ito ang time para malaman mo si Lei ng husto. Magkakilala kami ni Lei simula pagkabata, ampon kasi siya. Ako din, ampon din ako. Magbestfriends kami at close na close kami niyan pero no'ng isang araw naaksidente siya at na comatose siya, naaksidente siya dahil sa mommy niya, pinagalitan niya si Ash no'n. Nang dahil don naglayas siya. Bakit ba niya ginagawa 'yun? Eh, mabait naman siya. Nagalit talaga ako sa mommy niya," galit na sabi ni Clark.
"Hoy, dude easy ka lang," sabi ko sa kanya. "'Wag ka namang magalit sa mommy ni Ash, kalma ka lang," sabi ko habang pinapakalma ko siya.
"At ang mas malala pa do'n ay nagka amnesia siya. Haysst! Sana bumalik yung alaala niya," malungkot na sabi niya.
"Ah, kaya pala umiyak ka kanina, hahaha," natatawang sabi ko.
"Hindi biro ang pag-iyak ko Nic ha, 'di ba sinabi ko naman sayo ang lahat 'di ba," sabi niya sa 'kin.
"Okay, okay," natatawang sabi ko. "Pero yung sinabi ko sayong type mo siya—" pinutol niya ang dapat na sasabihin ko at nagulat sa sinagot niya.
"Mahal ko si Lei, Nic," sagot niya sa 'kin dahilan para magulat ako.
"What?! Mahal mo siya? At papaano naman 'yon nangyari eh kakakita mo pa nga lang sa kanya eh?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Basta, it's a long story. I'm sure you'll know it soon," sabi niya sakin.
Nag-usap pa kami ng iba't-ibang bagay bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Una siyang nagpaalam sa 'kin.
"Sige, bye," sabi niya mayamaya habang kumakaway siya.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top