Chapter 19

Chapter 19: Taking Care

Clark's Point of View

Pagkatapos ko siyang pagmasdan ay lumabas muna ako ng kwarto niya at dahan-dahang isinara ang pinto para hindi siya magising o umungol. Pagsara ko ay narinig ko ang boses ni Tito Rei kaya napaharap ako sa kanya at ngumiti.

"Oh, Clark. Nandito ka pala, nasaan ang anak ko? Kasama mo ba?" Nakangiting tanong ni Tito.

"Opo, kasama ko po siya at nandoon po siya sa loob, natulog dahil sa kalasingan." Sagot ko.

"Ha? Eh, bakit siya nalasing? Anong nangyari sa kanya bakit siya nalasing?" Takang tanong ni Tito sa'kin.

"Pumunta kasi kami sa resto bar na pagmamay-ari ng daddy ni Nic tito at dun kami nagcecelebrate sa pagkapanalo kay Lei sa pageant. Wag kayong mag-alala at ayos lang naman po siya, nakapagpaalam po ako kay Tita Olivia kanina kasi wala ka po baka may pinagkakaabalahan ka po, hindi ko naman po kayo maiistorbo." Sagot ko kaya nakahinga siya ng maluwag at ngumiti.

"Passed out ba?" Natatawang tanong mayamaya ni Tito Rei kaya napatawa din ako.

"Opo, higit pa nga sa passed out po eh." Sabi ko habang napapatawa din.

"Ganyan lang talaga siya kung malasing siya, passed out kaagad." Natatawang ani Tito Rei.

"Teka, hindi po ito yung unang beses siyang uminom? Noon pa po?" Nagtataka kong tanong. Sabi kasi sa'kin ni Lei na first time daw siya uminom kanina.

"Oo, hindi ba niya nasabi sa'yo?" Tanong ni tito.

"Hindi po." Sagot ko kaya napabuntong-hininga si tito.

"Hay, nakalimutan na siguro siya. Noon kasi yun kaya hindi na niya maalala." Wika ni tito kaya napatapik ako sa balikat ni tito senyales na ayos lang.

"Naaapektuhan siguro yung amnesia niya sa ibang bagay. Kaya nakalimutan na niya yung iba." Dugtong ni tito.

"Baka po. Pero ayos lang naman siya tito. Hindi naman po siya ganun makalimutin." Sabi ko at ngumiti.

"Oh, siya. Dito ka ba matutulog ngayon?" Tanong ni tito.

"Kung papayag ka po, aalagaan ko pa po si Lei eh." Sagot ko.

"Sige, payag ako na matutulog ka rito pero dun ka sa guest room namin, wag dun sa room ni Lei." Sabi ni tito. Napakaprotective naman ni tito.

"Opo, sige po." Sabi ko at tumango pero may nakalimutan akong sasabihin. "Pwede po bang gumamit ako ng mga damit sa guest room tito? Wala po kasi akong damit dito sa bahay niyo po eh." Tanong ko habang napapakamot sa batok, nahihiya.

"Pwede naman, hijo." Sabi ni tito kaya napangiti ako.

"Sige po, kukuha lang ako. Goodnight po, tito." Nakangiting sabi ko kaya ganun din siya.

"Goodnight din hijo." Sabi niya.

Pagkarating ko sa guest room ay kumuha na ako ng tuwalya at damit-pantulog saka ako pumasok sa banyo.

***

Lumabas ako ng guest room at bumaba ng hagdan para kumuha ng bowl at maligamgam na tubig para kay Lei. Kumuha din ako pampunas sa make-up niya. Pagkatapos ng lahat ay umakyat ako at binuksan ang pinto ng kwarto niya saka ako dahan-dahang pumasok at lumapit sa kanya.

Inilagay ko ang bowl na may maligamgam na tubig sa loob dun sa may lamp saka yung pampunas at yung bimpo.

Kinuha ko yung bimpo at inilagay sa bowl para basain iyon saka ipinunas iyon kay Lei.

Pagkatapos kong punasan ay kinuha ko ang pamunas sa make-up niya saka ipinunas iyon sa mukha niya ng dahan-dahan. I'll try to make sure that there's no dirt or parts of the make-up.

Pagkatapos ang lahat ay lumabas na naman ako at isinarado ng mabuti at dahan-dahan ang pinto saka ako bumaba at inilagay ang bowl sa sink at itinapon sa trash can ang ipinunas ko sa make-up niya which is yung wipes.

Umakyat ako and for the last time ay pumunta ako sa kwarto niya at binuksan ang pinto skaa ako pumasok sa loob. Pinagmasdan ko ng mabuti yung room niya, wala pa ring nagbago, ganun pa din.

Lumapit ako sa kanya at umupo dun sa bakanteng sofa at pinagmasdan siya. Mukha siyang sleeping beauty sa lagay niya ngayon. Sleeping beauty na lasing, hahaha...

Ipinatong ko ang braso ko sa braso ng sofa at inihilig ko ang side ng noo ko don habang nakapandekwatrong panlalaki.

"Aish! Nakalimutan kong ibihis siya pero bahala na. Baka magtaka pa siya bukas kapag nakabihis na siya. Mag-isip yon ng kung ano-ano panigurado." Sabi ko sa sarili ko ng mahina.

Tumayo ako sa sofa at lumapit sa kanya saka ako umupo sa tabi niya. I kiss her forehead before I went outside to go to the guest room.

***

♡ K ♡ I♡ N♡ A♡ B♡ U♡ K♡ A♡ S♡ A♡ N♡

Pagkagising ko ay lumabas ako ng guest room para sana kumuha ng maiinom pero napahinto din dahil napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Lei. Ano na kaya ang nangyari sa loob? Gising na ba siya? O tulog pa din?

Kaya lumapit ako sa pinto at binuksan iyon saka ako pumasok sa loob. Pagkasara ko ng pinto ay lumapit ako papunta sa kama ni Lei at nakita kong natutulog pa rin siya hanggang ngayon. Pinagmasdan ko na naman siya. Nakatitig na ako ngayon sa maamo niyang mukha hanggang sa napunta ang paningin ko sa kanyang labi. Unti-unti akong lumapit sa mukha niya para sana hahalikan. Nung akma ko sanang hahalikan siya ay narealize ko na hindi ito tama kaya napabalik ako ng upo sa kama niya. Muntik na ako dun ah. Mabuti na lang at nabalik ako sa katinuan, nakakaadik kasi ang labi niya, kissable lips.

Hinawi ko na lang ang natitirang piraso ng buhok niya papunta sa tenga para makita ng maayos ang buong mukha niya. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Pagkatapos ay pinat ko ang noo niya bago ako lumabas ng kwarto niya at bumaba ng hagdan para kumuha sa ref ng maiinom.

Pagkapunta ko sa ref ay binuksan ko iyon at kinuha ang isang bote ng tubig or bottled water saka ako uminom niyon. Pagkatapos kong uminom ay bumalik ako sa pagkakaakyat sa hagdan at dun sana maghihintay sa guest room si Lei dahil baka gising na siya pero napatigil na naman ako sa kinatatayuan ko at napatingin na naman sa pinto niya.

"Oh, hijo. Nandito ka pa din?" Gulat na tanong ni Tita Olivia sa'kin.

"Ah, opo tita. Dito din po ako natulog kagabi. Dun ako sa guest room natutulog. Pasensya na po dahil nandito ako natulog." Nahihiyang sabi ko.

"Bakit ka naman nanghihingi ng pasensya sa'kin? Eh, ayos lang naman sa'kin iyon, hijo." Nakangiting sabi ni tita.

"Oh, siya. Kasabay mo bang umuwi dito si Lei? Hindi ko kasi siya nakita kagabi." Tanong mayamaya ni tita.

"Ah, opo. Natutulog pa nga lang po siya ngayon eh." Sagot ko.

"Ah, okay. Teka lang ha, gigisingin ko lang siya, hintay ka lang dyan, baka hinintay mo sigurong magising itong bata na 'to noh?" Sabi ni tita at akmang papasok sa kwarto ni Lei pero pinigilan ko siya.

"Ah, tita. Ako na lang po ang gigising sa kanya." Sabi ko.

"Pero hijo, baka magsawa ka sa kanya habang ginigising mo siya. Matagal pa naman siya magising. Teka, nalasing ba siya kagabi kaya siya matagal gumising ngayon?" Ani tita.

"Ah, opo. Pero wag kayong mag-alala okay lang po siya at ako na lang po talaga ang gigising sa kanya. Baka nga ikaw nga po ang mainip sa kakagising sa kaniya po eh." Sabi ko kaya walang nagawa si tita kundi tumango at bumaba ng hagdan. Nakita ko pa si titang humikab.

"Ah, Clark. Kapag nagising na siya sabihin mo sa kanya na bumaba na para kumain ng breakfast. Sige, hijo." Dagdag pa ni tita kaya tumango ako at ngumiti. Tuluyan na siyang bumaba.

Lumipat ang tingin ko sa pinto ng kwarto niya at ngumiti bago lumapit at pumasok sa loob. Pagkasara ko ay umupo muna ako sa sofa habang nakahilig ang gilid ng noo ko habang nakapatong ang siko ko sa armrest ng sofa habang nakapandekwatrong lalaki at tumingin sa kanya.

Mayamaya lang ay gumalaw siya hanggang sa unti-unting dumilat ang kanyang isang mata at nasundan pa ng isa niyang mata. Tumingin siya sa side ko kaya para hindi niya mapansin na nakatitig ako sa kanya ng matagal ay nagkunwari akong tumingin-tingin sa iba. Sinipat sipat ko siya ng tingin para makita kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Ang nakita ko ay kinusot kusot niya ang kanyang mga mata at binigyan niya ako ng nagtataka na tingin kaya tumingin na lang ako sa kanya ulit.

"Bakit ka nandito, Wayne? At paano ako napunta dito? Ah! Ang sakit ng ulo ko! Sa susunod talaga hindi na dapat ako uminom." Tanong niya sa'in kaya napatawa ako sa naging reaksyon niyang sumakit ang ulo niya.

"Hinatid kita dito at saka dito na din ako natulog sa bahay niyo." Sabi ko.

Tumingin siya sa suot niya kaya nahihiya akong ngumiti sa kanya at nagsalita.

"Ah, wala akong ginawang masama sa'yo ah?" Sabi ko. I gave her an assurance smile kaya napahinga siya ng maluwag.

"At saka dun ako natulog sa guest room, sabi ni kasi Tito Rei sa'kin kagabui na dun ako matutulog." Sabi ko.

"Ah, yun pala. Uhmm, paano ko ba 'to sasabihin sa'yo? Uhmmm..." sabi niya habang napapaisip saglit.

"Ano namang sasabihin mo sa'kin? Hmmm?" Nakangiting tanong ko.

"Uhmm, sasabihin ko na sa'yo ito..." sabi niya kaya naghintay ako sa kung anong susunod na sasabihin niya.

"I would like to say... thank you."

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top