Chapter 18

Chapter 18: She's Drunk

Clark's Point of View

"Kanina, nararamdaman kong masama ang kutob ko sa nangyari kay Rosea pero hindi ko alam kung ano." Sabi ni Lei sa'kin nung umalis na si Nic kasama si Rosea.

"Baka sa sobra lang sa pag-aalala mo iyan. Ienjoy muna natin ang pagkapanalo mo." Sabi ko habang nakangiti kaya tumango siya at ngumiti din.

Kumuha siya ng isang baso ng tequila at nilaghok 'yon ng walang kahirap-hirap kaya ang nangyari sa mukha niya? Mukhang nasira dahil ang pait daw ng lasa. First time uminom ng liquors.

Pero hindi siya nakuntento sa isang baso kaya kumuha siya ulit ng panibago at nilaghok na naman. Parang hindi siya first timer kung lumaghok ng mga liquors.

Nung hindi na niya kaya pang uminom ay bigla siyang tumayo at sinubukang maglakad pero mukha siyang nahilo dahil hinawakan niya ang ulo niya kaya tumayo ako para alalayan siya saka ako nagsalita.

"Upo ka muna. Mukhang nahilo ka na." Sabi ko habang inalalayan pa rin siya. Tumango siya at dahan-dahang umupo habang hawak pa rin ng isang kamay niya ang wrist ko for support para hindi siya ma out-of-balance.

"Sabi ng dahan-dahan sa pag-inom eh, tingnan mo ngayon nahihilo ka na." Maliit na sermon ko sa kanya kaya tumingin siya sa'kin ng may mapupungay na mga mata at minake-face niya ako kaya napatawa ako ng bahagya. Ang cute pa rin kahit lasing na...

"Punta muna ako ng cr, I need to pee." Sabi niya na parang isip-bata kaya napatawa na naman ako.

"Sure," yun na lang ang nasabi ko.

Tumayo siya at naglakad na parang lasing papunta sa cr. Sumunod naman ako sa kanya, baka tumumba siya at walang sasalo sa kanya, mahirap na.

Nung nandon na'ko sa cr ay sumandal ako sa pader malapit sa pinto ng mga girls at naghum para hindi maboringan sa kahihintay.

Mayamaya lang ay lumabas na siya kaya napaayos ako ng tayo at tumingin sa kanya habang nakangiti.

"Oh, tapos ka na pala. Halika na." Sabi ko pagkalapit ko sa kanya at inalalayan siyang maglakad pero tinabig niya ang kamay ko.

"Kaya ko naman ang sarili ko. You don't need to do that to me." Sabi niya na parang naiinis kaya napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siyang maglakad. Pero nung nakakadalawang hakbang na siya ay napahawak siya sa ulo niya at pumikit kaya muntik na siyang tumumba, mabuti na lang at nasalo ko siya ng mabilis.

"I told you you need me. Sige na tulungan na kita." Sabi ko habang napapailing at napapatawa. Wala siyang nagawa kundi tumango at sumunod sa sinabi ko.

Tinulungan ko siya sa pag-alalay kaya nahirapan ako ng konti dahil medyo mabigat siya.

Pagkarating namin sa upuan ay pabagsak siyang umupo at kumuha na naman ng panibagong inumin. Akala ko hindi na siya iinom dahil lasing na siya pero hindi pa pala, gusto pa niyang magpakalasing. Kaya nung akma niyang iinumin 'yon ay hinablot ko na iyon mula sa kanya at inilayo pero nasa kaparehong mesa pa rin ko iyon inilagay. Sinubukan pa niyang abutin pero mas pinilit ko 'yong inilayo kaya wala siyang nagawa kundi sumandal na lang sa inuupuan niya at napasimangot na parang bata at padabog pa.

"Tama na baka bumaliktad na nag sikmura mo niyan at sumuka ka." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Wag mo kong pagsabihan dahil alam ko ang mga pinaggagawa ko." Sabi niya.

"Para naman ito sa ikabubuti mo."  Sabi ko kaya tumingin siya sa'kin ng nakasimangot kaya napatawa ako at nang-asar.

"Ang cute mo kapag nakasimangot, haha." Sabi ko habang napapatawa kaya nakita ko siyang nag-iwas ng tingin. Baka namumula na siya ngayon, hahaha...

"Oy, wag mo nga akong binobola. Ang bolero mo." Sabi niya na nahihiya.

"Oy, nahiya siya, haha." Patuloy na pang-aasar ko sa kanya kaya mas lalo siyang nahihiyang tumingin sa'kin.

"Namumula ka ba?" Tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa'kin ng may gulat pero mas lalong umaapaw ang kanyang nahihiyang tingin.

"Ha? Hindi ah!" Tanggi niya kaagad kaya napatawa ako at mas nang-asar pa lalo.

"Ang sama mo. Bahala ka dyan! Kanina ka pa, ha." Sabi niya habang nagkunwaring naggagalit-galitan.

"Uy, pikon siya hahaha." Sabi ko habang nanunukso.

"Tama na sabi eh." Sabi niya habang nahihiya kaya tumigil ako sa pang-aasar sa kanya pero hindi pa din nawala ang ngiti kong nakakaloko.

"Mukhang bumalik ka na sa katinuan ah? Hindi ka na mukhang lasing. Tara na, uuwi na tayo. Si Nic lang ang bahala nito tutal siya naman daw ang bahala." Sabi ko sa kanya dahil parang bumalik naman na siya sa katinuan na parang hindi siya lasing.

"Ayoko nga. Ikaw na lang umuwi. Gusto ko pang uminom." Nagmamatigas na aniya kaya napabuntong-hininga na naman ako. Tinabig din niya ang kamay ko.

Pero hindi pa din ako papatalo, hinawakan ko siya sa braso at pinilit ko siyang ipatayo pero hindi din siya papatalo, sinubukan niyang magpumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya wala siyang nagawa.

"Ayoko ko nga sabi eh! Ikaw na lang umuwi, dito muna ako, tutal ikaw lang naman ang may gustong umuwi eh. Tse! Alis ka na kung gusto mo." Inis na sabi niya at hinawakan ang kanina'y inilayo kong baso sa kanya.

Wala akong nagawa kundi umupo na lang tumabi sa kanya pero umusog siya papalayo sa'kin at inis na ininom ang iniinom niya.

"Tutal hindi mo naman gustong umuwi, hindi lang din ako uuwi." Sabi ko pero ikinibit-balikat lang niya iyon saka uminom ulit ng panibago.

Sige lang siya ng sige sa pag-inom hanggang sa tumigil siya at sinubukang tumayo ng straight pero mabilis siyang nahilo kaya pabagsak siyang napaupo.

"Oh, diba sabi ko naman sa'yo na umuwi na tayo pero hindi mo gustong umuwi, tingnan mo ang nangyari sa'yo ngayon, lasing ka na." Sabi ko at napabuga ng malalim na buntong-hininga pero sa halip na makinig ay kumuha na naman siya ng panibagong baso.

Kaya hinablot ko na iyon nung akma na naman niyang iinumin 'yon.

"Hoy! Akin 'yan! Wag mong papakialaman!" Sigaw niya na parang magwawala na siya dahil sa kalasingan.

"Umuwi na tayo, ihahatid na kita." Pilit ko sa kanya kaya hindi na lang siya nagmatigas at sumunod na lang sa sinabi ko na umuwi na.

"Kaya mo pa bang maglakad? Kung hindi, tutulungan na kitang alalayan ka." Sabi ko kaya tumango siya.

Sinubukan niyang tumayo pero nahihilo na siya at maa-out-of-balance kung walang sasalo sa kanya. Muntik na siyang tumumba, mabuti na lang at mabilis ko rin siyang nasalo agad.

Inalalayan ko siya hanggang sa nandito na kami sa parking lot at nandito na sa harap ng kotse ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at ipinasok siya sa loob. Pagkatapos ay isinara ko iyon at umikot sa kabilang pinto saka ibinukas at pumasok sa loob.

I chuckled at her but she didn't respond kaya ipinaandar ko na lang ang kotse ko saka kami umalis sa resto bar ni Nic.

Tumingin ako saglit kay Lei na nasa tabi ko at nakita ko siyang natutulog ng mapayapa. Napangiti ako at hinawi ang natitirang buhok sa kanyang mukha. She look like an angel too me. Matagal ko ng itinatago itong nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi pa sa ngayon, naghahanap ako ng tamang oras at panahon para don.

Pagdating namin sa bahay nila ay inistop ko ang kotse at lumabas saka ako umikot at binuksan ang pinto. Hindi ko alam na sumandal pala sa may bintana si Lei kaya muntik na siyang mahulog mabuti na lang at nasalo ko iyon ng maayos. Kita ko din namang natutulog pa rin siya. Phew! Mabuti na lang talaga at hindi siya nahulog.

Inalalayan ko siya kaya umungol siya at dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mapupungay na mga mata at tumingin sa'kin na para bang handa na siyang susuka kaya dali-dali akong pumasok sa gate at sa pinto ng bahay nila at umakyat sa hagdan papunta sa room niya at pagpasok namin ay pinasok ko siya sa cr. Lumuhod siya at dun siya dumuwal. Hinagod ko ang kanyang likod.

Nung natapos na siyang dumuwal ay tumayo siya pero na-out-of-balance na naman kaya inalalayan ko siya. Unti-unting pumikit ang kanyang mga mata kaya nahirapan akong akayin siya. Medyo mabigat talaga siya.

Paglabas sa cr ay inihiga ko siya sa kama niya.

Napaayos ako ng upo sa kama at pinagmasdan siya.

Isang anghel na bumagsak dito sa lupa.

She's drunk and I'll be going to take good care of her, this will be a very long night for me. Hay...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top