Chapter 17
Chapter 17: After The Celebration
Lei's Point of View
Habang sumasayaw kami sa gitna ni Clark ay tinignan ko kung saan kanina umupo si Rosea. Wala si Rosea at si Nic. Tinignan ko naman ang nasa gilid namin. Nandun lang pala sila. Akala ko kung nasaan na.
Pero maya-maya ay naglakad sa likod ng resto bar si Rosea. Baka meron lang siyang hinahanap o nakalimutan siguro.
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at patuloy sa pagsasayaw kay Clark.
Pero kalaunan din ay napagod kaya tumigil si Clark sa pagsasayaw at tinignan ako.
"Pagod ka na?" Tanong niya sa'kin.
"Hmmm," tugon ko.
"Ako din, sige upo muna tayo." Sabi niya at sabay kaming naglakad sa inereserba naming upuan at umupo.
Umupo na din si Nic dahil wala naman na siyang gagawin sa gitna at wala din naman si Rosea. Pero nagsalita siya.
"Anong nangyari kay Rosea? Parang kabado siya na ewan." Sabi ni Nic.
"Ano namang sabi niya sa'yo?" Tanong ko.
"Ang sabi niya sa'kin mag c-cr lang daw siya." Sagot ni Nic kaya napataas ang isang kilay ko.
"Eh, nakita ko siya papunta sa likod ng resto bar kanina." Sabi ko.
Ngayon naman tumingin na siya sa'kin.
"Sabi niya, mag c-cr lang daw siya pero bakit papunta siya sa likod ng resto bar?" Naguguluhang tanong ni Nic sa'kin.
"Ask Rosea after for you to find out what's bothering her." Simpleng sagot ko kaya napatango siya.
Naramdaman ko namang tumabi sa'kin si Clark then nagsalita siya.
"Anong pinag-uusapan ninyong dalawa?" Tanong ni Clark sa'kin.
"Nic asked me that what's going on with Rosea, I simply said that if he wants to know the truth then talk to her after to know what's bothering her. Why does Rosea have to lie to Nic?" Tanong ko.
"I don't know. Maybe because she wants to make sure that everything's alright." Sagot ni Clark kaya ngumiti ako.
"You know, bagay sa'yo ang boses mo kapag mag-eenglish ka." Sabi ko kaya napatawa siya.
"Really? Then from now on I will speak English." Sabi ni Clark.
"Hoy! Hindi na. Binibiro lang kita eh." Natatawang sabi ko.
"Binibiro lang naman din kita. Akala mo naman totoohanin ko yon." Sabi ni Clark kaya napasimangot ako.
"Akala ko naman totoo yung sinasabi mo, ang seryoso mo kasi eh." Sabi ko.
"Your so childish kapag nakasimangot ka." Natatawang ani Clark.
"Bahala ka dyan. Childish daw ako? Hindi kaya." Sabi ko.
"Sus, ang sabihin mo kinikilig ka!" Panunukso sa'kin ni Clark.
"Tse!" Sabi ko habang nagsisimula ng magblush ang magkabila kong pisngi.
"Uy, namumula siya!" Tinukso pa ako. Kainis!
Pero napatigil sa pagtukso sa'kin si Clark ng lumapit sa'min si Rosea na halatang balisa habang umupo siya. Anong nangyayari sa kanya?
"Hey! What's wrong?" I worriedly asked her.
"Oh, nandito na pala si Rosea. Pero bakit siya balisa?" Nag-aalalang tanong ni Nic sa'kin.
"I don't know and she didn't say anything. Give her some glass of water to calm herself down." Utos ko kay Nic kaya tumango siya.
"Hey! Were here okay! What's wrong with you? Bakit hindi ka mapakali? Bakit balisa ka? Tell me, I'll listen to you." Sabi ko pero umiling lang siya sa'kin kaya nagtaka na ako sa mga ikinikilos niya.
Lumapit sa'min si Nic at ibinigay ang isang basong tubig sa'kin at pinainom iyon kay Rosea. Ininom ni Rosea iyon at pagkatapos ay inilapag niya sa lamesa habang patuloy parin ang pagkabalisa niya.
"Uy, may sakit ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita? Dadalhin ka ba namin sa hospital? Please tell me bess." Nag-alala na kao ng tuluyan dahil hindi sumagot sa tanong ko.
"I think kailangan na niyang umuwi. Ako na ang maghahatid sa kanya." Presinta ni Nic kaya tumango ako at inalalayan namin si Rosea para makatayo siya.
"Ako nang bahala sa kanya at ienjoy niyo lang ang celebration." Sabi ni Nic.
"Pero pa'no ka? Babalik ka ba dito?" Tanong ko.
"Kung kaya ko pa, babalik ako pero kung hindi na, hindi ako babalik. Oh, siya, sige na iuuwi ko na 'to." Sabi ni Nic kaya nagpaalam na kaming dalawa ni Clark sa kanilang dalawa pero mukhang tulala pa rin si Rosea. I don't know why pero masama ang kutob ko.
"Are you okay, Lei?" Tanong ni Clark sa'kin kaya I gave him a small smile just to feel him that I'm alright.
"Ano bang nangyari kay Rosea?" Tanong ni Clark.
"Hindi ko alam. Maski si Nic hindi alam. Walang alam ang lahat nang nangyari sa kanya." Nag-aalala kong sagot kaya hinawakan ni Clark ang braso ko.
"Baka bukas okay na siya." Sabi ni Clark kaya kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"Kanina, nararamdaman kong masama ang kutob ko sa nangyari kay Rosea pero hindi ko alam kung ano." Sabi ko.
"Baka sa sobra lang sa pag-aalala mo iyan. Ienjoy muna natin ang pagkapanalo mo." Sabi ni Clark kaya tumango ako at ngumiti.
Uminom ako ng isang tequila pero hindi ako nakuntento kaya kumuha ulit ako ng panibago hanggang sa sinubukan kong tumayo but I suddenly felt dizzy.
"Upo ka muna. Mukhang nahilo ka na." Sabi ni Clark kaya bumalik ako sa pagkakaupo.
"Sabi nang dahan-dahan sa pag-inom eh, tingnan mo ngayon nahihilo ka na." Maliit na sermon sa'kin ni Clark kaya minake-face ko siya.
"Punta muna ako ng cr, I need to pee." Sabi ko na nagmumukha ng isip bata.
"Sure," sabi niya at inalalayan akong tumayo para pumunta sa cr.
Pumasok ako sa cr at pumasok sa cubicle para magpee. Pagkatapos ay lumabas ako at nagretouch bago lumabas sa cr.
Nakita ko si Clark na sumandal sa pader malapit sa pinto ng cr.
"Oh, tapos ka na pala. Halika na." Sabi niya at inalalayan akong lumakad.
"Kaya ko naman ang sarili ko. You don't need to do that to me." Sabi ko at sinubukang tumayo ng straight pero nahilo ako kaya muntik na akong tumumba sa sahig mabuti na lang at mabilis akong nasalo ni Clark.
"I told you you need me. Sige na tulungan na kita." Sabi ni Clark kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa sinabi niya.
Pagkarating sa upuan ay umupo ako at kumuha ng panibagong inumin pero bago pa ako makainom may kamay na humablot sa iniinom ko at inilapag sa lamesa. Sinubukan kong abutin pero hindi ko na maabot kaya wala akong magawa kung hindi mapasimangot at padabog na bumalik sa inuupuan ko.
"Tama na baka bumaliktad na ang sikmura mo niyan at sumuka ka." Sabi ni Clark pero hindi ko siya pinansin.
"Wag mo kong pagsabihan dahil alam ko ang mga pinaggagawa ko." Sabi ko.
"Para naman ito sa ikabubuti mo." Sabi niya kaya tumingin ako sa kanya ng nakasimangot.
"Ang cute mo kapag nakasimangot, haha." Sabi ni Clark kaya nag-umpisa na naman akong magblush, buti na lang nagretouch ako kanina sa restroom kaya hindi halata na nagblush ako.
"Oy, wag mo nga akong binobola. Ang bolero mo." Sabi ko, nahihiya.
"Oy, nahiya siya, haha." Nanunuksong sabi ni Clark kaya namula ako lalo.
"Namumula ka ba?" Tanong ni Clark at tumingin ng nakakaloko.
"Ha? Hindi ah!" Tanggi ko pero tinawanan niya lang ako.
"Ang sama mo. Bahala ka dyan! Kanina ka pa ha." Sabi ko at nagkunwaring naggagalit-galitan.
"Uy, pikon siya hahaha." Sabi ni Clark.
"Tama na sabi eh." Nahihiya kong sabi kaya tumigil na siya sa pagtukso sa'kin but nandoon pa rin ang ngiti niya na nakakaloko.
"Mukhang bumalik ka na sa katinuan ah? Hindi ka na mukhang lasing. Tara na, uuwi na tayo. Si Nic lang ang bahala nito tutal siya naman daw ang bahala." Sabi ni Clark.
"Ayoko nga. Ikaw na lang umuwi. Gusto ko pang uminom." Sabi ko at tinabig siya.
Bumuntong-hininga siya pero hindi pa din siya papatalo. Hinawakan niya ang braso ko at pilit pinatayo pero siyempre hindi ako papatalo pumiglas ako sa pagkakahawak sa kanya kaya lang wala eh.
"Ayoko nga sabi eh! Ikaw na lang umuwi, dito muna ako, tutal ikaw lang naman ang may gustong umuwi eh. Tse! Alis ka na kung gusto mo." Inis na sabi ko at kinuha ang iniinom ko.
Bumalik siya sa pagkakaupo at tumabi sa'kin kaya umusog ako ng kaunti papalayo sa kanya. Naiinis ako sa kanya, pinipilit kasi niya ako eh!
"Tutal hindi mo naman gustong umuwi, hindi lang din ako uuwi." Sabi niya pero ipinakibit balikat ko na lang iyon.
I took another shot and vice versa. Ngayon sinubukan kong tumayo pero nahilo ako kaya pabagsak akong umupo sa upuan.
"Oh, diba sabi ko naman sa'yo na umuwi na tayo pero hindi mo gustog umuwi, tingnan mo ang nangyari sa'yo ngayon, lasing ka na." Sabi ni Clark kasabay niya ng pagbuga ng malalim na buntong-hininga, halatang dissapointed sa'kin pero hindi ako nakinig at sa halip ay kumuha na naman ako ng panibago.
Hinablot naman ni Clark mula sa'kin ang dapat kong iinumin.
"Hoy! Akin 'yan! Wag mong papakialaman!" Inis na sigaw ko, nagwawala, dahil siguro sa kalasingan.
"Umuwi na tayo, ihahatid na kita." Pilit sa'kin ni Clark kaya hindi na lang ako nagpumilit na dumito at sa halip ay hinayaan niya ang gusto niyang umuwi kasabay ko.
"Kaya mo pa bang maglakad? Kung hindi, tutulungan na kitang alalayan ka." Sabi niya kaya tumango ako.
Sinubukan ko namang tumayo pero lumalabo ang paningin ko at nahilo kaya muntik na akong tumumba mabuti na lang nasalo ako ni Clark. Teka, parang dè javù?
Inalalayan ako ni Clark hanggang sa makalabas kami ng resto bar at ipinasok ako sa kotse. Hindi naman ako pumalag at sa halip ay natulog habang nakasandal malapit sa bintana ng kotse.
I heard him chuckle but I did not care at all because I want to sleep. Gusto kong matulog dahil nanlalabo na ang paningin ko and I was so dizzy. Mabuti na lang hindi na niya ako iniistorbo kundi babanatan ko siya.
I slept peacefully.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top