Chapter 15
Chapter 15: I Saw Everything
Rosea's Point of View
Pagkatapos ng talent portion ay sunod naman ang Q&A Portion, ang pinakanakakaabang ko dahil dito mo mababase kung sino talaga ang mananalo sa Ms. Pageant. Yes you heard me right, Ms. Pageant, nanunuod ako dahil kasali sa kompetisyon ito ang bff kong si Lei...
Pagkatapos rumampa ng mga naunang candidates ay sunod na lumabas ay si Lei, siyempre mas nilakasan ko ang pagpapalakpak kahit hindi pa sinasabi na 'a round of applause'.
"Well, a round of applause for Candidate #10. So, here's the question, sino ang nagpapasaya sa'yo kahit pansamantalang panahon lang kayo nagkita at nagsama? Imention mo ang nagpapasaya sa'yo." Tanong ni Ms. Bartolome sa kanya.
Hindi ako makapaniwalang ganun ang tanong para sa pageant na ito, ano ba itong pageant na'to? Buhay lovelife? Tsk...
Tinignan ko si Lei na halatang kinakabahan sa kung ano man ang isasagot niya. Ganun din ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot niya, napaghandaan din naman kasi namin ang mga tanong para sa Ms. Pageant pero hindi ganito na ang tanong ay buhay lovelife sa tingin ko. Bahala kayo dyan kung ano ang iisipin niyo...
"Hello Ms. Chanel. Sa totoo lang, nakakahiyang sabihin pero gusto kong ipagpasalamat ang taong ito, ang taong ito ay ang naging bagong kaibigan ko lang dito sa Valzon Academy, siya si Wayne Clark Vallejo. Siya ang nagpapasaya sa'kin kahit hindi ko kailangan ng taong nandyan sa tabi ko. Siya ang nagpapasaya sa'kin kapag malungkot ako. At palagi niya akong tinatabihan kapag meron akong problema at sinasalo sa kalungkutan ko. Kaya salamat sa'yo dahil nandyan ka palagi sa'kin, kahit sa mga panahong malungkot ako, pinapasaya mo ako." Nakatitig lang ako palagi kay Lei habang nagsasalita siya, hindi man lang niya namalayan na meron na palang tumulo na luha galing sa mga mata niya. Tumingin sa'kin si Lei kaya napangiti ako pero may kung anong likido sa mukha ko ang nakapaligid at... galing pa sa mga mata ko. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang namalayan iyon. Hay, nakakainis! Bakit ba ako umiiyak, ayan tuloy ang mukha ko na merong make-up nagkalat na ngayon sa mukha ko. Hay, nakakadala kasi ang mga pinagsasasabi nitong si Lei eh. Pahamak ka Lei! Huhuu...
"That's all thank you." Yun lang at tumalikod na siya pero bago pa siya makalakad ay tiningnan niya muna kami habang nakangiti.
Tears slowly started to stream down my face hanggang sa umiyak ako ng umiyak pero hindi yun gaanong kalakas, nakakahiya kaya!
"Again, let's give Candidate #10 a round of applause for her wonderful answer. Grabe nakakaiyak yun ah, puno ng damdamin ang mga sinasabi niyang mga salita, so anyways..." hindi ko na naririnig ang mga sinasabi ni Ms. Bartolome dahil tanging hikbi ko lang ang maririnig.
Tiningnan ko si Nic na ngayo'y pinipigilang maiyak, halatang hindi niya gustong umiyak dahil sayang lang daw ang luha, tumingin din ako kay Clark na hindi namamalayan na tumulo na pala ang mga
luha niya. Gusto kong tumawa sa hitsura niya pero busy ako sa kakaiyak.
Humupa na ang iyak ko dahil lumabas na ang resulta kung sino ang mananalo para sa Ms. Pageant. Nakakapagod kaya umiyak kanina!
"So here are the results. The winner of Ms. Pageant 2020 is..." Ayay! Binitin pa ni Ms. Bartolome! Pa-thrill pa, amp!
Hinintay namin ang sunod na sasabihin ni Ms. Bartolome.
Amp! Hindi na ako makapaghintay! Dalian mo na Ms. Bartolome!
Ayan na! Ayan na!
"Is, Ms. Leiane Ashtine Dizon! Congratulations to you! Come here on stage! Let's give here a round of applause! Again congratulations to you Ms. Dizon!" Pag-announce ni Ms. Bartolome dahilan para mapatayo ako at tumalon talon.
Yung feeling mo na nanalo ka ng lotto, yun yung feeling ko ngayon eh, nanalo si Lei kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw kahit madaming tao ang nandito, bahala na si Batman!
"Woooh! Sabi ko naman sa'yo ikaw ang mananalo ehh!" Sigaw ko kaya napatingin sa'kin si Lei, nagulat dahil sa biglang pagsigaw ko. Patay, malilintikan ako nito mamaya!
Hindi kasi ako nakapagpigil ehh!
Try ko kayang maglagay ng scotchtape sa bibig ko o di kaya'y filter para hindi bubuka ang bibig ko kapag hindi na talaga makapagpigil, mapapahamak kasi ako eh! Mapapahamak ako sa kadaldalan ko!
Pagkatapos kong sumigaw umupo nalang ako ulit dahil sa pagkapahiya. Naramdaman ko namang may tumabi sa'kin at kinalabit ako kaya tinignan ko iyon at bumungad sa'kin ay patay-malisyang si Nic.
Nakapandekwatrong lalaki siya at pinagkrus ang isa niyang braso habang ang isa niyang braso ay ipinatong niya sa isang braso niya at pinaglaruan ang daliri niya sa bibig niya.
Kaya tinaliman ko siya ng tingin. Niloloko lang niya yata ako ah! Well, he's wrong because hindi ako magpapaloko sa kanya! Hahaha...
Bahagya pang tumawa ang loko!
Binigyan ko pa siya ng isang death glare na sure akong magpapahupa sa tawa niya. Nangyari nga iyon, effective! Hahaha...
"Ikaw ba 'yung kumalabit sa'kin?" Iritang tanong ko.
Imbes na sumagot, tumawa na naman ang loko! Pinagtitripan yata ako nito eh!
"Hoy! Ano nga?!" Bulyaw ko.
"Oo, akala ko pa naman tatawa ka, kaya ko yun ginawa pero mukhang hindi naman effective sayo dahil sobrang talim ng tingin mo sa'kin kaya humupa ang tawa ko, nakakakilabot kaya ang dating nun!" Natatawang sagot niya.
Aba! Talagang tumatawa pa siya hah! Hmmp!
Tumalikod ako sa kanya at kunwaring nagagalit sa kanya.
Sana magwork!
Naramdaman ko naman na tumigil siya sa pagtawa at bigla nalang niya akong kinalabit. Hmmp! Bahala ka, manigas ka dyan!
"Oy! Sorry na, please. Wag ka nang magalit. Eto na oh, nagsosorry na ako!" Sabi niya.
Hindi na talaga ako nakapagpigil kaya humarap na lang ako sa kanya at napanguso kaya tumawa na naman siya! Nakakainis yung tawa niya!
"Tawa ka ng tawa! Wala namang nakakatawa! Bakit ka ba tumatawa, hah?!" Inis na tanong ko.
"Wala *tumawa* yun." Sagot niya na mas lalong nakapagpainis sa'kin.
"Ang nguso mo kasi sobrang lapad at ang cute mo kapag nagagalit," Sagot niya kaya nawala ang inis na nararamdaman ko. Bakit ganun? Parang may kung ano akong weird na nararamdaman?
Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Cute daw ako 'pag nagagalit? Kyaah! Hihihi...
"Oy, namumula siya oh!" Nanunuksong sabi niya.
"Ha? H-hindi kaya." Sabi ko.
Hinampas ko na lang siya sa dibdib kaya tumawa na naman siya.
Nakakaasar yung tawa niya!
***
Pagkatapos ng Ms. Pageant ay dumiretsiyo sa'min si Lei. Patay ako ngayon! Huhuu...
Unang bumati si Nic sa kanya.
"Congratulations Ash." Bati sa kanya ni Nic.
"Congrats." Sunod namang bati si Clark. Niyakap pa 'kuno' niya ito. Sus! Ang sabihin mo Lei, pabebe ka lang! Hahaha...
Kaya para hindi na tumagal ang yakapan, sumingit na lang ako para maistorbo silang dalawa, hahaha...
"Uy, uy, uy, mamaya na yang landian na yan. So anyways, congratulations, Lei. Sabi ko na nga ba, ikaw ang mananalo eh." Sabi ko sa kanila/kaniya.
Pero imbes na magthank you, binatukan niya ako, sabi na nga ba eh! Dapat hindi ko na lang iyon ginawa, binatukan na niya ako! Ang sakit nun ah!
"Aray! Para 'san 'yun? Ha?" Inis na tanong ko.
"Bakit ka ba sumigaw kanina? Nahiya kaya ako dun sa ginawa mo kanina." Sabi niya.
"Tch, ginawa ko yun kasi napatunayan ko na ikaw talaga ang nanalo at siyempre proud ako dahil naging kaibigan kita." Sagot ko.
"Ehem," nagulat ako dahil bigla nalang tumikhim si Tito Rei, daddy ni Lei. "Wag nga kayong magdrama dyan. Ako naman ang susunod." Singit niya.
Kaya natawa kaming dalawa ni Lei kay Tito Rei. Mukha siyang teenager dahil sa sinabi niya kanina.
"Sige po." Natatawang sabi ko at lumayo na ako sa kanilang dalawa. Para kasing magmomoment 'tong dalawa eh kaya lumayo ako...
***
Umupo ako sa upuan ko kanina at tinignan silang Nic at Clark na nag-uusap at silang dalawa ni Lei at ang daddy niya na nagmomoment siguro. Tumingin nalang ako sa iba para hindi ako mabored, wala kasi akong kausap eh...
Hanggang sa...
"SO THIS CALLS FOR A CELEBRATION! WOOHOO!" Sigaw bigla ni Nic kaya napatingin ako sa kanya, andun siya sa stage.
Napatingin na din ako sa mga kaklase namin at schoolmate namin dahil nagsalita sila...
"Yun oh, magcecelebrate tayo sa pagkapanalo ni Lei. Invited ba kami?" Tanong nung kaklase namin na hindi ko maalala ang pangalan.
"Oo nga, invited ba kami sa celebration?" Tanong ng kaibigan ng kaklase namin na nagtanong kay Nic kanina lang.
Hanggang sa unti unti ng rumarami ang nagsasabing 'invited ba kami blah blah blah'.
"Kung gusto niyo talagang mainvite kayo sa celebration dapat dun kayo ni Ash magsabi niyan at hindi ako tutal siya naman ang nanalo at hindi ako." Sabi ni Nic kaya tumahimik ang mga classmates at schoolmates namin.
Sumunod naman ang mga classmates at schoolmates namin sa sinabi ni Nic. Tumingin ako kay Lei na ngayo'y naiirita na dahil ang daming nakapalibot sa kanya. Gusto kong tumawa kaya lang naalala ko naman kanina na binatukan niya ako kaya hindi ako tatawa dahil baka uulitin na naman niya iyon. Huhuu, natatakot ako!
Pagkatapos nang nangyari kanina kay Lei ay gusto ko sanang lumapit sa kanya kaya lang naunahan na naman ako, si Nic ang lumapit sa kanya. Mukhang may pinag-uusapan sila.
Kaya wala akong choice kung hindi bumalik na lang sa pagkakaupo dun sa inuupuan ko kanina.
Bigla nalang akong natulala dahil mukhang meron akong nakita pero hindi ko nalang iyon pinansin baka namamalikmata ako o guni guni ko lang iyon.
Hanggang sa may lumapit sa'kin at tinabihan niya ako. Naramdaman ko iyon kaya mabilis akong napatingin dun sa tumabi sa'kin. Si Nic lang pala, akala ko kung sino....
"Oh, bakit ka nandito?" Tanong ko, mukha kasing wala siyang balak magsalita eh kaya ako ang unang nagsalita.
"Pupunta ka ba mamaya sa celebration?" Tanong niya.
"Oo naman, bestfriend ko kaya ang dapat ipagcelebrate kaya kailangan din ako dun no." Mabilis na sagot ko, alangan namang papabayaan ko si Lei dun, baka kung ano na ang mangyayari sa kanya.
"Susunduin kita mamaya, gusto mo?" Alok niya.
Gusto ko sanang tumanggi pero nakakahiya kaya kung hindi at tsaka hindi ko naman alam kung nasa'n gaganapin ang celebration kaya tinanggap ko na lang ang alok niya.
"Sige," yun na lang ang nasabi ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya na naman.
"Mamaya na kung mamaya din naman uuwi si Lei." Sagot ko, hindi ko naman papabayaan si Lei dito sa school at baka malagutan pa ako ni Tito Rei.
"Friendship goals," sabi niya kaya tumingin ako sa kanya at taka siyang tinignan.
"Huh?" Taka kong tanong.
"I mean gusto ko ang ganung pagkakaibigan." Sabi niya.
"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong, hindi ko alam bakit bigla nalang siyang nagsasabi ng ganitong topic.
"Dahil naaamaze ako sa inyo ni Ash, walang iwanan." Sagot niya kaya napatango ako.
"Yun talaga kapag totoo kang kaibigan." Sabi ko.
"Yeah," maikling sabi niya.
At bigla nalang tumahimik, AWKWARD!
"Oh, siya uuwi na pala ako para makapaghanda, ikaw din ah. Bye, see you later at the celebration." Paalam niya.
"Ah, sige. Bye, see you later din." Paalam ko.
"Susunduin kita mamaya, ah?" Paninigurado niya.
"Oo naman." Sabi ko at kumaway sa kanya, ganun din siya bago siya tumalikod at lumakad papalayo para umuwi.
***
Hinatid ko pa si Lei sa bahay bago ako umuwi sa bahay namin.
Pagdating ko sa bahay ay pumasok ako at nakita ko naman agad si mom kaya lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Hello, mom. Asa'n pala si dad?" Tanong ko habang palinga palinga ako sa paligid.
"A-ahh hindi pa k-kasi siya umuwi a-anak, busy lang s-siya sa t-trabaho." Sagot ni mom.
Tinignan ko si mom at nanlaki ang mata ko dahil namumugto ang kanyang mga mata.
"Hala! Anong nangyari sa'yo mommy?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ah, wala l-lang ito anak, puyat la-lang siguro ito. Oh, siya m-magbihis ka na, balita ko k-kasi magcecelebrate kayo sa p-pagkapanalo ng kaibigan mong si L-Lei." Sagot ni Mommy Seph.
"Ah, sige mommy basta wag na po ulit kayong magpupuyat dahil makakasama po iyan sa inyo mommy." Sabi ko kay mommy kaya tumango siya.
"Sige mommy punta na ako sa kwarto, mamaya na lang po ako magbibihis dahil mamaya pa naman ang celebration. Pahinga din po kayo mommy siguro napagod kayo galing sa trabaho." Sabi ko kaya tumango at ngumiti si mommy sa'kin, ganun din ako.
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Ibinato ko sa kama ang bag ko at hinubad ko ang medyas saka sapatos at pabagsak na inihiga ang katawan ko sa kama ko.
Wala naman akong gagawin kaya natulog na lang ako. Marunong naman makisama itong katawan ko, dala na siguro nang pagod kaya nakatulog ako kaagad. Ang daming nangyari kanina sa loob ng school at nakakastress. Idagdag mo pa ang Buwesitang Keiz na iyon! Hay....
***
Pagkagising ko ay tiningnan ko ang oras.
6:45 p.m.
Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot kusot ko muna ang mata ko bago ako mabilis na kinuha ang tuwalya at pumasok sa loob ng banyo.
Pagkatapos kong maligo ay in-open ko ang walk-in-closet ko at kinuha ang dress niyon. Light green iyon na sleeveless tapos sa baba na skirt ay may makikita kang flowers na nakapalibot. Sinuot ko iyon at pagkatapos ay lumapit sa salamin para tignan ang sarili ko. Bagay naman sa'kin kaya okay lang kung isuot ko ito.
Tapos isinuot ko ang sandals ko with konting heels lang baka madapa ako ng di oras, ang kulay niyon ay light green din. Isinuot ko din ang kwintas na bigay ng lola ko pati na din ang porselas.
Kinuha ko ang sling bag ko na kulay pink at isinakbit iyon sa shoulder ko. Maliit lang na mga bagay ang nasa loob niyon, kagaya ng payong, cellphone, wallet, etc. Nakalugay lang din ang buhok ko dahil basa pa iyon.
Pagkatapos lumabas ako ng kwarto at bumaba at pumunta pa ng kusina para kumain. Alangan namang hindi ako kakain ng hapunan, magugutom kaya ako kung hindi ako kakain.
Pagkatapos kong kumain ay binuksan ko ang pinto palabas ng bahay at lumabas. Sakto namang nagring ang phone ko kaya kinuha ko iyon at itinapat sa tenga ko.
"Hello, Nic. Bakit napatawag ka?" Bungad na tanong ko sa kabilang linya sa kanya.
[Hello Rosea, nandyan ka na ba sa labas ng bahay, naghihintay sa'kin?] Tanong niya sa'kin.
"Uhmm, kakalabas ko lang ng bahay." Sagot ko.
[Ahh, okay. Sige, bye malapit na ako sa inyo.] Sabi niya.
"Sige bye." Paalam ko at ibinaba na niya ang tawag.
Naghintay pa ako ng ilang saglit bago ko makita ang kotse niyang paparating.
Huminto iyon at bumaba siya saka umikot at pinagbuksan ako ng pinto. Aww, napakagentle man naman niya...
Pumasok ako at isinara niya ang pinto. Tapos umikot na naman siya at pumasok sa kotse tapos pinaandar na at umalis ng bahay namin.
"You look so handsome tonight." Puri ko sa kanya. Hindi ko kasi nakita ng malapitan ang itsura niya kaya ngayon lang ako nakapagsabi nito.
"Thanks, you too." Sabi niya na nagpamula ng pisngi ko.
Hindi naman niya nakita iyon dahil bigla nalang akong napatingin sa bintana.
"Ah, ang ganda naman ng kotse, sa iyo ba ito?" Tanong ko para maiba naman, ang ganda naman ng kotseng ito. Pusta ko, si Nic ang may ari ng kotseng 'to, 100 pusta ko.
"Ah, hindi kang dad ito." Sagot niya kaya nalungkot ako dahil hindi naman pala ito ang kotse niya, baka wala pa siyang kotse, hindi naman niya nahalata na malungkot ako kaya okay lang.
Matagal na katahimikan ang namutawi kaya binilisan nalang niya ang pagpapatakbo sa kotse para makarating na kami agad.
***
Pagkarating namin sa resto bar 'daw' nila pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba ako.
May hinahanap ako sa bag ko, nakita ko naman agad 'yon at kinuha.
Binuksan ko ang payong at itinapat ko iyon sa'min ni Nic dahil umuulan pa.
"Doon na tayo sa loob, baka magkasakit ka dahil nagpaulan ka. Buti nalang nagdala ako ng payong, kundi ay ewan ko na lang..." Sabi ko.
Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa resto bar. Mukhang kami nalang ang hinihintay nila. Nalate kami ng dating!
Umupo na lang ako sa inereserba nilang upuan at kumuha ng maiinom.
"Oh, nandito na pala kayo." Bungad sa'min ni Clark. Paniguradong manunukso na naman sila dahil late kami ng dating.
Tama nga ako, tinukso na naman po kami...
"Yieeeh, bakit kayo nahuli ng dating?" Tanong ng kaklase namin kaninang nagtanong din kay Nic.
"Binibigyan niyo naman ng malisya, siyempre natraffic lang kami at bigla nalang bumuhos ang ulan." Simpleng sagot ni Nic.
"Baka nga..." Kunwaring nag-isip si Clark at tumingin sa'min at binigyan kami ng nakakalokong ngiti. Namula nalang ako bigla.
"Hoy! Wag nga kayong ano dyan, wala nga diba? Wala!" Sabi ko bigla at namumula na naman ang mga pisngi ko.
"Eh, bakit ka namumula, hah?" Nanunuksong tanong sa'kin ni Lei.
"Hindi kaya ako namumula, so anyways bakit hindi kayo nag eenjoy, hinihintay niyo pa kami, nohh?" Pag-iiba ko ng usapan para hindi na kami matukso ng mga 'to.
"Oo, eh. Pero ngayong nandito na kayo pwede na tayong magsaya tutal celebration naman ito diba, guys?" Sabi ni Lei at sumang-ayon sila.
"Let's party-party!!" Sigaw bigla ni Lei kaya natawa kaming lahat sa kanya.
Hinatak niya si Clark para meron 'daw' siyang kasama pero ang totoo makipag-sayaw lang naman. Hahaha...
Nanatili lang ako dito dahil hindi pa man din ako sanay dito. First time ko pa kaya! Uminom nalang ako dito.
Tumabi naman sa'kin si Nic at nagsalita...
"Hindi ka ba marunong sumayaw o ano man lang?" Tanong niya sa'kin.
"Ah, hindi naman sa ganun pero first time ko naman kasing magbar eh." Nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Ahh, okay. So..." Sabi niya.
"So?" Takang tanong ko, hindi naamn kasi ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"So, I'll teach you how to do exactly in a bar, okay lang ba sayo?" Alok niya sa'kin.
Tumango nalang ako para maenjoy ko naman at maexperience ng ganito sa isang resto bar.
Habang nagsasayaw kami may bigla akong nakitang tao kaya sinundan ko iyon.
"Saan ka pupunta, Rosea?" Tanong ni Nic.
"Ahh, mag c-cr lang." Palusot ko kaya tumango naman siya.
Sinundan ko ang taong iyon at nakita ko na lang ang sarili ko na nandun sa labas sa likod ng resto bar ni Nic.
Nagtago ako sa may pintuan kong saan siya lumabas. Natutop ko na lang ang sariling bibig dahil nakita ko ang taong sinusundan ko, SI KIEL?! Bakit siya nandito? Hindi naman siya invited? At sinong kasama niya? Tiningnan ko iyon at nanlalaki ang mga mata kong tinignan kong sino iyon. Babae siya at walang iba kundi si BUWESITANG KEIZ!
Ano na namang balak niya?! Urghhh!
Lumapit pa ako ng bahagya para madinig ang kung anong mga sinasabi nila.
"Make sure na hindi tayo mabubuking sa plano natin. Understand?" Sabi ni Keiz.
"Oo naman, ako pa." Mayabang na sabi ni Kiel.
"Wag kang magyabang dyan, siguraduhin mo lang, kundi malilintikan ka sa'kin." Mataray na sabi ni Keiz or should I say BUWESITANG KEIZ! HAHAHA...
PERO ANONG PLANO ANG SINASABI NILA?
"Sure, paiinlove-in ko talaga si Lei, basta para sayo Keiz." Sabi ni Kiel.
"Tch, sige." Iritang sabi niya.
ANONG PLANONG SINASABI NILA? AT PARA KAY LEI BA TALAGA? URGHH! MALILINTIKAN KA TALAGA SA'KIN KEIZ KAPAG MERONG MANGYARING MASAMA KAY LEI...
Pero hindi ko sinasadyang mabanggaan ang trash can na malapit na pala sa'kin kaya nagkaroon ng maliit na ingay.
Lagot ako ngayon!
May taong papalapit na sa pwesto ko at hindi ko alam kung saan ako tatago kaya hinanda ko na lang ang sarili ko sa kanila...
Calm down, Rosea!
Huminga ako ng malalim at...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top