Chapter 14

Theme Song (Rosea & Nic): What Makes You Beautiful by One Direction

Chapter 14: This Calls For A Celebration

Nic's Point of View

Pagkatapos ng Ms. Pageant ay pumunta kami ni Lei na ngayo'y bumaba na ng stage.

Isa-isa kaming nagsabi ng congrats sa kaniya dahil napanalo niya ang pageant.

Habang nag-uusap kami ni Clark ay biglang may naisip ako saka 'yon sinabi kay Clark.

"Pre, diba napanalo ni Ash ang pageant? Pwedeng magcelebrate naman tayo sa pagkapanalo niya?" Sambit ko.

"Oo nga nohh, sige pero dapat mag-usap kayo ni Lei kung pwede ba 'yang sinabi mo." Wika niya.

"Sige, punta na ako kay Ash." Sabi ko

Tatalikod na sana ako at pupunta kay Ash ng nagsalita si Clark.

"Teka, saan naman tayo magcecelebrate kung gano'n?" Tanong niya.

"Edi, sa resto bar na pag-aari ng pamilya ko," sagot ko at tumalikod, hindi na pinakinggan ang sasabihin ni Clark.

Pagdating ko naman sa kinaroroonan ni Ash ay sakto namang umalis ang daddy niya kaya ako naman ang sunod na kumausap sa kaniya.

"Congrats ulit, Ash." Sabi ko.

"Thanks..."

"May sasabihin sana ako sayo," sabi ko bago pinagpatuloy ang kung anong sasabihin ko sa kanya. "Diba napanalo mo naman ang pageant?"

"Oo naman," sabi niya.

"Hindi ba pwedeng magcelebrate tayo para sa pagkapanalo mo? Ngayon lang naman." Sabi ko.

"Ah, saan naman tayo magcecelebrate?" Tanong niya.

"Sa resto bar na pag-aari ng pamilya ko sana." Sagot ko.

"Ah, hindi pa kasi ako nakapunta ng bar pero ngayon lang naman sabi mo para icelebrate ang pagkapanalo ko so sure. Anong oras pupunta?"

"Talaga?" Paninigurado ko, tumango siya. "Mamayang 7:00 p.m. pa naman so pwede ka pang maghanda sa kung anong isusuot mo mamaya." Sabi ko.

"Ah, sige." Yun lang at tinalikuran ko na siya para mag-announce.

"SO THIS CALLS FOR A CELEBRATION! WOOHOO!" sigaw ko.

"Yun oh, magcecelebrate tayo sa pagkapanalo ni Lei. Invited ba kami?" Tanong ng kaklase namin.

"Oo nga, invited ba kami sa celebration?" Tanong ng kaibigan ng kaklase namin.

Hanggang sa naparami na ang nagsasabi ng 'invited ba kami sa celebration ni Lei?' So nagsalita na ako para manahimik na sila.

"Kung gusto niyo talagang mainvite kayo sa celebration dapat dun kayo ni Ash magsabi niyan at hindi ako tutal siya naman ang nanalo at hindi ako." Pagpapatahimik ko sa kanila.

Nagsipagsunuran naman sila sa sinabi ko pero nung nandun na sila kay Ash ay natawa ako dahil sa reaksyon niya.

Nung wala na ang mga estudyante na nakapaligid ni Ash ay pumunta ako sa kanya.

"Wooh! Ang dami nilang sinasabi at pareho lang naman ang sasabihin kaya para manahimik sila sinabihan ko silang lahat na invited sila mamaya para sa celebration." Naiiritang sabi niya.

Tumawa na lang ako sa sinabi niya.

"Ash, uuwi na ako para makapaghanda na ako, ikaw din. Bye, see you later at the celebration." Paalam ko.

"Oh, sige. Bye." Kumaway siya pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya kumaway naman ako pabalik sa kanya.

Tumalikod na ako at naglakad patungo kay Clark.

"Uh, bro uuwi na ako dahil maghahanda pa ako, ikaw din maghanda ka na. Bye, see you later." Paalam ko.

"Okay, bye." Sabi niya at tinapik ang balikat ko at pumunta siya kay Ash. Yieee! Hindi siya torpe oh! Hahaha...

Pagkatapos ay pinuntahan ko si Rosea na ngayo'y nakaupo na at tulalang nakatingin sa kung saan.

Umupo ako sa tabi niya. Naramdaman niya ang presensya ko kaya mabilis siyang lumingon sa'kin.

"Oh, bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Pupunta ka ba mamaya sa celebration?" Tanong ko.

"Oo naman, bestfriend ko kaya ang dapat ipagcelebrate kaya kailangan din ako dun nohh." Mabilis na sagot niya.

"Susunduin kita mamaya, gusto mo?" Alok ko.

"Sige," Tipid na sagot niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

"Mamaya na kung mamaya din naman uuwi si Lei." Sagot niya.

"Friendship goals," wala sa sariling sabi ko.

"Huh?"

"I mean gusto ko ang ganung pagkakaibigan." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong niya, nagtataka.

"Dahil naaamaze ako sa inyo ni Ash, walang iwanan." Sabi ko.

"Yun talaga kapag totoo kang kaibigan." Sabi niya.

"Yeah," sabi ko.

Matagal ang katahimikang namutawi sa'min kaya binasag ko iyon.

"Oh, siya uuwi na pala ako para makapaghanda, ikaw din ah. Bye, see you later at the celebration." Paalam ko.

"Ah, sige. Bye, see you later din." Sabi niya.

"Susunduin kita mamaya ah?" Paninigurado ko.

"Oo naman." Sabi niya at kumaway sa'kin, ganun din ako bago tumalikod at naglakad dala ang bag ko papalayo at papunta sa labas ng school.

***

Pagdating ko sa bahay ay pumunta kaagad ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay na suot at saka kao lumabas sa kwarto at pumunta sa office ni dad.

Pagkapasok ko sa office niya ay sakto namang nandun siya kaya nagmano ako bago umupo.

"Oh, what brings you here, son?" Tanong ni dad.

"Dad, gagamitin po namin sana ang resto bar natin." Paalam ko sa kanya.

"What for?"

"Para po sa pagcelebrate ng kaibigan namin dahil nanalo siya sa paligsahan kanina sa school, pwede po bang gamitin 'yon?" Kinakabahang tanong ko dahil biglang sumeryoso ang mukha ni dad.

"Hmmm, sure." Sagot ni dad, hindi ko inaasahan.

"Talaga po, dad?" Paninigurado ko, tumango si dad.

"But make sure that everything's clean after the celebration, do you understand?" Seryosong sabi ni dad.

Lumunok ako bago nagsalita. "S-Sure dad," pumiyok naman ang boses ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako sa office ni dad, dun ako nakahinga ng maluwag. Bumaba ako sa hagdan at naabutan dun si mom na kagagaling lang sa trabaho, pagod.

Pumunta ako ni mom at nagmano sa kanya at nagpaalam.

"Saan ka naman pupunta anak?" Tanong ni mom.

"Sa resto bar natin mom, maghahanda lang ako." Sagot ko.

"Para saan naman? Meron bang okasyon ang magaganap?" Tanong niya.

"Sa totoo po mom, oo meron."

"Ano naman yon?" Nagtatakang tanong niya.

"Nanalo po kasi ang kaibigan namin sa paligsahan kanina sa school mom at magcecelebrate kami sa resto bar natin mamaya." Sagot ko.

"Wow, siguro ang talino ng kaibigan mo." Puri ni mom.

"Hindi siguro mom, totoo talagang matalino siya mom." Sabi ko.

"Oh, siya, punta ka na para makapaghanda ka na, magbibihis pa naman din ka." Sabi ni mom, tumango ako at binuksan ang pinto at lumabas ng bahay.

***

Pagkatapos naming maghanda ay ipinagpasalamat ko ang mga nandito at dun sa tumulong sa'kin kanina sa paghahanda.

"Your welcome, sir." Sabi nilang lahat.

"Kapag meron nang nandito, isa yun sa mga kasama namin kaya paupoin niyo sa nakareserba na upuan, naintindihan niyo ba?" Sabi ko.

"Opo sir." Sabi nila, tumango ako at lumabas ng resto bar.

Pinaharurot ko ang motor at nilisan na ang resto bar namin.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at kinuha ang tuwalya bago pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng panibagong suot pambahay, mamaya pa naman ang celebration.

Humiga ako sa kama pagkatapos at kinuha ang cellphone at inopen ang IG ko.

Nagscroll-scroll lang ako pagkatapos like kung may picture ng artista o sikat na tao.

***

Tiningnan ko ang relo ko pagkatapos kong magbihis para sa celebration.

6:50 p.m.

Ilang oras na lang bago magsimula ang celebration kaya mabilis akong nagsuot ng sapatos then kinuha ang phone ko bago binuksan ang pinto at bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

Pinaandar ko ang kotse ni dad gamit ang susi niya na isinabit sa office niya at umalis ng bahay para pumunta naman sa bahay ni Rosea. Take note nagpaalam ako kay dad tungkol sa kotse at sa susi at tinawag ko na kanina si Rosea kung nasaan ba siya nakatira...

Habang nagdadrive ako ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Rosea.

~Ring~

~Ring~

~Ri~

[Hello, Nic. Bakit napatawag ka?] Tanong niya sa kabilang linya.

"Hello Rosea, nandyan ka na ba sa labas ng bahay, naghihintay sa'kin?" Tanong ko.

[Uhmm, kakalabas ko lang ng bahay.] Sabi niya.

"Ahh, okay. Sige bye, malapit na ako sa inyo." Sabi ko.

[Sige bye.] Sabi niya saka ko ibinaba ang tawag.

Pagkarating ko sa kanilang bahay ay bumaba ako at umikot ako para pagbuksan siya ng pinto, sa front seat katabi ko. Pagkatapos niyang pumasok ay isinara ko na ang pinto at umikot at pumasok na din ng kotse saka ko ipinaandar at umalis na sa bahay nila.

Bigla namang nagsalita si Rosea...

"You look so handsome tonight." Puri niya.

"Thanks, you too." Sambit ko.

"Ah, ang ganda naman ng kotse, sa iyo ba ito?" Tanong niya.

"Ah, hindi kang dad ito eh." Sagot ko.

"Ah, okay." Maikling sabi niya.

Matagal na katahimikan ang namutawi sa'min. Wala naman akong sasabihin, baka ganun din siya kaya binilisan ko nalang ang pagpapatakbo ng kotse ni dad patungo sa resto bar namin.

Pero kung mamalasin nga naman biglang nagtraffic at bumuhos ang malakas na ulan. Hahay...

Gusto ko nang hindi tahimik pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kaya pinapagtugtog ko nalang ang speaker ng kotse. Speaker ba tawag dun? Ay, basta...

Nagpatugtog lang ako ng 'What Makes You Beautiful' by One Direction. Matagal ko na kasing hindi naririnig ang kantang ito dahil luma na 'kuno' ang kantang ito.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang nagugulat na tingin sa'kin ni Rosea. Anong nakakagulat?

"Alam mo din 'yang kantang 'yan?" Nagugulat na tanong sa'kin ni Rosea.

"Oo, bakit? At tsaka bakit ganyan ka makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha o ano?" Daming tanong na lumabas sa bibig ko.

"Isa-isa lang sa pagtatanong..." natatawang sabi niya kaya nahawa din ako sa tawa niya habang kinakamot ko ang batok ko. "Unang sagot, luma na kasi ang kantang 'yan diba? Pero gusto ko ang kantang ito dahil masarap pakinggan ng paulit ulit, hindi nakakasawa. Pangalawang sagot, nagulat lang kasi ako dahil hindi na uso ngayon ang ganyang kanta at kinalimutan na pero ikaw pinlay mo ang kantang ito at nakisabay ka pa sa pagkanta, mali mali pa ang lyrics mo." Natatawang sagot niya, ako din. "Pangatlong sagot, wala kang dumi o ano, like what I answer in Question #2 ganun din ang answer sa pangatlo kong sagot. Yun! Nasagot ko na ang mga tanong mo, okay na ba?" Tanong niya kaya naguluhan ako.

"Huh?"

"Tingnan mo yung nasa harap mo," sinunod ko naman siya, paglingon ko sa harap nanlalaki ang mga mata kong tiningnan iyon.

"Ugh! Sh*t!" Mura ko kaya natawa siya.

"Sabi ko naman kasi sayong wag puro tanong, tingnan din ang nasa harap pag may time, okiee?" Tawa ng tawa siya habang ang isang kamay niya ay nakathumbs up sa'kin.

Medyo naguluhan kayo kung bakit nagmura ako, kasi naman wala na ang mga sasakyan sa harap, so it means hindi na traffic at hindi ko man lang iyon namalayan dahil nakikinig lang ako sa mga sinasagot niya at sa kanta. Aishh! Malalate kami ng dating kung magtatagal na kami dito.

"Mamaya na 'yang tawa na 'yan, oy!" Sabi ko kaya napatikom siya pero meron pa ring kahit konting boses niya na mapapatawa talaga siya.

***

Pagdating namin sa resto bar ay nagtaligsik pa rin ang ulan.

(Translation: rain shower)

Pero bahala na, binuksan ang pinto ng kotse at bumaba at umikot para pagbuksan din ng pinto si Rosea. Naks! Ang gentleman ko ngayon, diba?

Bumaba siya at parang may hinahanap siya sa sling bag niya. Pero nahanap din naman niya kaagad, tiningnan ko naman iyon, isang payong..... ISANG PAYONG?!

Ibinukas naman niya ang payong at ginamit sa'min.

"Doon na tayo sa loob, baka magkasakit ka dahil nagpaulan ka. Buti nalang nagdala ako ng payong, kundi ay ewan ko na lang..." sabi niya.

Pagkatapos kong isarado ang pintuan ng kotse ko ay pumasok na kami sa resto bar.
Pagdating namin dun, halos lahat sila nandun na, so tama nga ako late kami ng dating.

Pumunta kami sa inereserbang upuan na kung saan ay nakaupo na silang lahat dun at umupo kami.

"Oh, nandito na pala kayo." Sabi ni Clark na ngayon lang nakapansin sa'min.

Kaya napalingon din ang mga kasama namin at bigla kaming tinukso. Anong mga problema nito?

"Yieeeh, bakit kayo nahuli ng dating?" Yung nagtanong sa'kin kanina sa school, nung natapos na ang pageant.

At teka! Bakit binibigyan nila iyon ng malisya eh wala namang masama ro'n. Mga mukhang baliw kakatukso sa'min. Para sa'kin wala naman 'yon pero may kung ano akong naramdaman, parang weird, hindi ko maintindihan. Pero ipinagsawalang bahal ko nalang iyon.

"Binibigyan niyo naman ng malisya, siyempre natraffic lang kami at bigla nalang bumuhos ng ulan." Simpleng sagot ko.

"Baka nga..." nag isip pa kunwari si Clark at binigyan kami ng nakakalokong ngiti.

"Hoy! Wag nga kayong ano dyan, wala nga diba? Wala!" Nilingon ko si Rosea na ngayo'y namumula na ang pisngi pagkatapos ng sinabi niya kanina.

"Eh, bakit ka namumula, hah?" Hindi lang pala ako ang nakapansin nito, si Ash din pala. Siyempre alam niya 'yong mga ganon ni Rosea dahil magkaibigan sila.

"Hindi kaya ako namumula, so anyways bakit hindi kayo nag eenjoy, hinihintay niyo pa kami nohh?" Pag-iiba ng usapan ni Rosea sa'min, halatang iniiwasan ang mga pinagsasabi sakaniya ni Ash.

"Oo eh. Pero ngayong nandito na kayo pwede na tayong magsaya tutal celebration naman ito diba guys?" Sabi ni Ash at sumang ayon sila.

"Let's party-party!!" Sigaw ni Ash kaya natawa nalang kaming lahat sa kanya.

Hinatak pa niya si Clark para may makasama 'daw' siya.

Pero nanatili lang ako dito, uminom ng beer, ganun din naman si Rosea. Lumapit naman ako sa kanya at tumabi.

"Hindi ka ba marunong sumayaw o ano man lang?" Tanong ko.

"Ah, hindi naman sa ganun pero first time ko naman kasing magbar eh." Nahihiyang sagot niya.

"Ahh, okay. So..." sabi ko.

"So?" Naghihintay sa sunod na sasabihin ko.

"So I'll teach you how to do exactly in a bar, okay lang ba sayo?" Tanong ko.

Tumango lang siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinatak patayo.

Pumunta kami sa gitna at sumayaw.

I'm going to enjoy this night with her...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top