Chapter 13
Chapter 13: I'm The Winner!
Lei's Point of View
Ngayon todo sa pagpapaganda sa'kin ang mga bakla dahil sa Q&A Portion lang ang basehan kung sino ang mananalo. Pagkatapos nilang maglagay ng kung ano ano sa mukha ko ay sunod naman ang buhok ko. Pinacurly lang iyon sa baba, nakalugay lang iyon. Tapos pinasuot nila ako ng earrings that are made with gold and the design is golden rose, pinasuot din nila ako ng kwintas na ang design ng pendant ay golden rose din. Ganun din sa bracelet ko. Tapos pumunta ako sa fitting room at isinuot yung long gown na may color gold, simple lang iyon at may golden rose sa ibaba. Mukhang gold lahat ang isusuot ko ngayon ah!
Lumabas na ako at tiningnan ako ng mga bakla.
"Ang ganda mo, beh. Bagay na bagay sa'yo. Mukhang nahahalata mo na kulay ginto ang lahat ng isinuot mo nohh?" Puri nung isang bakla. Tumango ako. "Yan kasi ang famous ngayon, beh. Sigurado akong madaming mapapawow sa kagandahan mo. Tingnan mo bakla." Sabi ni Vanilla dun sa kaibigan niyang bakla na si Winter.
"Oo, nga beh. Bagay na bagay sa'yo. Hindi kami kailangang mahirapan sa pagpapaganda sa'yo, kasi kung titingnan mo ay ang ganda mo lahit wala ka pang ayos. Sure akong mananalo ka." Puri nong kaibigan niyang bakla. "Ay, nakalimutan ko nga pala, and here's the final touch, your high heels golden rose sandals." Ipinasuot nila iyon sa'kin. Pagkatapis kong isuot 'yon, bigla nalang akong tumaas. "Mas lalo kang gumanda dahil tumaas ka." Puri ni Winter.
"Weh? Di nga. Pero salamat, Vanilla at Winter, hah." Sabi ko sa kanila.
"Sus, wala yun, ano ka ba. Trabaho lang namin ang pagpapaganda. Sige punta na kami sa baba at magchicheer kami sa'yo." Sabi nila.
"Sige..." maikling sabi ko.
Tumango sila at umalis na. Pumila na ako sa linya, at bahagyang sumipol at huminga ng malalim.
"Kaya mo 'yan, self." Sabi ko sa sarili ko.
Nag-unahan ng rumampa ang mga nasa uanahng kandidata at pagkatapos ay pumunta sila isa isa sa may nakadecorate na ang nakikita ko ay Ms. Pageant. Sumandal sila saglit at tumayo na. Sunod na akong rumampa.
"Let's call Candidate #10. Around of applause for her." Sabi nung emcee na si no other than 'Ms. Chanel' substitute teacher namin.
Rumampa na ako ng mahinhin. Ang kanta na pinapatugtog ay 'Pusong Ligaw' by Jona.
Nung nasa harap na ako ng lahat ay yumuko at nagbow, pagkatapos ay tumalikod ako at pumunta sa iba pang mga kandidata. Sunod na itinawag ay si Keiz, ganun din siya at tumalikod at tiningnan ako sa kabuuan ko, umirap siya at tiningnan ako ng masama. Bahala ka nga dyan... Tumabi siya sa'kin at palihim akong inismiran at pinakembot niya ang bewang niya para palihim akong banggain. Waal akong pakialam sa'yo. Duhh, your just wasting my time. Wala akong planong makipaggulo sa'yo. Gusto ko iyong isatinig pero huminahon ako at itinutok nalang sa harap ng mga tao ang mga mata ko, baka tingnan ko siya ng masama at hindi makapapigil.
Ngumiti kami sa harap ng mga judges. Tatlo ang judges. Si Sir Henry, adviser namin, Si Principal Walker, at ang sabi ng sabi ng 'sana ol' na special teacher namin, si Mrs. Ramirez.
Maya-maya pa itinawag na isa isa ang mga kandidata para sa question, pinasuot kami ng pang cover sa tenga namin para hindi madinig ang isinagot sa unang kandidata, at pareho lang ang question.
Pagkatapos nung nauna ay sumunod ang isa hanggang sa ako na. I remove the cover of my ear and walk towards the stage, I've make sure that I'm in the center of the stage and stand there and smile.
"Well, around of applause for Candidate #10. So, here's the question, sino ang nagpapasaya sa'yo kahit pansamantalang panahon lang kayo nagkita at nagsama? imention mo ang nagpapasaya sa'yo." So that's the question. Kinakabahan ako dahil kailangan palang imention ang taong nagpapasaya sa'yo. Pero kaya ko ito.
Kinuha ko ang mikropono at huminga ng malalim bago nagsalita.
"Hello Ms. Chanel. Sa totoo lang, nakakahiyang sabihin pero gusto kong ipagpasalamat ang taong ito, ang taong ito ay ang naging bagong kaibigan ko lang dito sa Valzon Academy, siya si Wayne Clark Vallejo. Siya ang nagpapasaya sa'kin kahit hindi ko kailangan ng taong nandyan sa tabi ko. Siya ag nagpapasaya sa'kin kaapg malungkot ako. At palagi niya akong tinatabihan kapag meron akong problema at sinasalo sa kalungkutan ko. Kaya salamat sa'yo dahil nandyan ka palagi sa'kin, kahit sa mga panahong malungkot ako, pinapasaya mo ako." Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko na may pagngiti.
"That's all thank you." Sabi ko at tumalikod na at pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi.
"Again, let's give Candidate #10 a round of applause for her wonderful answer. Grabe nakakaiyak yun ah, puno ng damdamin ang mga sinasabi niyang mga salita, so anyways...."
Pumunta na sa harap si Keiz at tinanong siya ni Ms. Chanel yung tanong kanina.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko, umiyak si Rosea na parang bata habang si Nic naman pinipigilan niya lang maluha, napakatatag nga naman niya, tumingin ako kay Wayne, nakatitig siya sa'kin at napansin kong tumulo din ang mga luha niya, ngumiti ako sa kanya, ganun din siya.
***
"So here are the results. The winner of Ms. Pageant 2020 is....." Binitin ni Ms. Chanel ito.
"Pretty please, please, ako nalang po ang winner sa Ms. Pageant." Narinig kong bulong ni Keiz. Tss, siya naman pala ang feelingera or should I say assumera dito.
"Is, Ms. Leiane Ashtine Dizon! Congratulations to you! Come here on stage! Let's give her a round of applause! Again congratulations to you Ms. Dizon!" Pag-announce ni Ms. Chanel.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ako?! Ms. Pageant?! Ako ang Ms. Pageant?! Thank You Lord for this wonderful blessing.
Pumunta ako sa stage at humarap kay Ms. Chanel.
Ms. Chanel give me a bouquet of roses and a crown. I was shocked and at the same time happy. I saw my mother looked at me with shock and then she recovers, she was happy. I could see her in the eyes that she's proud of me. She appreciates me. Ngayon ko lang nakita ito. This was the best moment of my life.
"Woooh! Sabi ko naman sa'yo ikaw ang mananalo ehh!" Sigaw bigla ni Rosea.
Nahihiya ako dahil bigla nalang sumigaw si Rosea. Babatukan ko nga ito mamaya. Kung ano ano na ang mga sinasabi.
Pagkatapos ay nakipagkamay ako sa mga kandidatang sumali sa paligsahang ito. At nung kay Keiz na ako makikipagkamay ay hindi niya ito tinanggap at sa halip ay nag walkout at narinig kong bumulong siya.
"Ughh! Makakatikim ka sa'kin sa tamang panahon. Tandaan mo yan."
Wala pa rin...
Umiling na lang ako, hindi niya matanggap na natalo siya.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon baka marealize niya na hindi tama ang ganung trato niya sa'kin at hihingi ng paumanhin sa'kin. Teka bakit ko ba nasabi ito? Hindi naman niya ito gagawin.
Pagkatapos ng pageant ay dumiretsiyo ako sa mga kaibigan ko.
"Congratulations Lei." Si Nic.
"Congrats." Si Wayne. Niyakap niya ako, nagulat ako pag-una pero kalaunan gumanti ako ng yakap sa kaniya.
"Uy, uy, uy, mamaya na yang landian na yan. So anyways, congratulations, Lei. Sabi ko na nga ba, ikaw ang mananalo ehh." Sabi ni Rosea.
Binatukan ko siya.
"Aray! Para 'san 'yun? Ha?" Inis na tanong niya.
"Bakit ka ba sumigaw kanina? Nahiya kaya ako dun sa ginawa mo kanina." Sabi ko.
"Tch, ginawa ko yun kasi napatunayan ko na ikaw talaga ang nanalo at siyempre proud ako dahil naging kaibigan kita." Sabi niya.
"Ehem," tikhim ni daddy. "'Wag nga kayong magdrama dyan. Ako naman ang susunod." Sumingit bigla si daddy.
Natawa kaming dalawa ni Rosea.
"Sige po." Natatawang sabi ni Rosea.
Kaming dalawa ni Dad ang narito dahil nandon lang si Mom sa inuupuan niya kanina.
Niyakap ako ni dad at ganun din ako. Pinakawalan niya kalaunan.
"Congratulations, anak. I'm so proud of you." Sabi ni dad.
"Thanks, dad." Sabi ko.
"Oh, by the way, wag mong sasabihin ito sa mommy mo, understand?"
"Yes, dad."
"Good. So sabi niya kanina sa'kin na proud na proud siya sa iyo anak. Masayang masaya siya sa'yo." Sabi ni dad.
Napangiti ako dahil tinanggap na ako ng lubos ni mommy bilang anak niya.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top