Chapter 12
Chapter 12: Ms. Pageant
Lei's Point of View
《K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N》
Bumangon ako at nag inat ng katawan bago pumunta ng banyo. Tapos nagbihis ako ng jogging pants na kulay dark blue, itim na tube at kulay puti na jacket. Isinuot ko ang kulay gray na may halong pink na rubber shoes. Tapos kinuha ko ang phone ko tsaka headset. Niready ko iyon at tiningnan ang relo ko.
6:30 a.m.
6:30 na pala. Ang aga ko ngayon ah! Okay na 'yon kaysa tulog pa ako at hindi namamalayan ang oras. Magjojogging ako ngayon para marelax ko ang katawan ko at makapag warm up para hindi ako magmukhang kabahan 'pag magsa-start na ang Ms. Pageant. Kailangan handa na ako pagdating sa school namin.
Niready ko ang phone at headset ko habang bumababa para lumabas ng bahay.
'Pag labas ko ng bahay ay nagpatugtog ako sa phone ko ng 'How You Like That' by Blackpink at ibinalik iyon sa bulsa ng jogging pants ko. Nagsimula na akong magjogging. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na basta kung saan ako dalhin ng paa ko, 'yon ang pupuntahan ko.
~Now Playing: How You Like That by Blackpink~
Chorus:
~How you like that~
~How you like that (9x)~
~Now, look at you now look at me~
~Now, look at you now look at me~
~Now, look at you now look at me~
~How you like that~
Nakisabay na rin ako sa pagkanta at napapikit dahil ang ganda ng kanta, at ang sarap pa ng hangin. Preskong hangin...
Hanggang sa mabangga ako sa kung sino. Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa pagkagulat at napasigaw...
"Ugh! What have yo-- Wayne?!" Gulat na gulat ako. Hanggang sa makarekober ako at nahihiyang tumingin sa kanya. Nakakahiya! Hindi man lang ako nag-abalang tumingin sa kung sino man ang bumangga sa'kin at basta basta ko nalang sinigawan! Hindi ko na nga yun uulitin! Hmmmph!
"Look straight into my eyes." Wika niya.
Kahit ayoko ay ginawa ko ang sinabi niya. At nang mapatingin ako sa kanya ay bigla akong nailang.
"S-Sorry kung sinigawan kita." Nautal pa ako! Mas lalong nakakaragdag iyon ng hiya sa'kin.
"You don't have to say sorry to me. Ako dapat ang humingi sa'yo ng tawad dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko." Sabi niya.
Bigla nalang tumahimik ang paligid. Nakakailang dahil sa titig niya sa'kin. Kaya minabuti kong magsalita para mawala ang tensyon sa pagitan namin.
"Umm, bakit nga pala nandito ka?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Nagjojogging, ikaw?" Tanong niya.
"Same..." Sabi ko.
"Oh, okay. Sabay tayo." Sabi niya.
Tumango lang ako. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pabalik-balik ang kanta kaya pinalitan ko ng bago. Ngayon naman ay 'The One That Got Away' by Katy Perry.
~Now Playing: The One That Got Away by Katy Perry~
~Summer after highschool when we first met~
~We make it in your Mustang to radio head~
~And on my eighteenth birthday, we got matching tattoos~
~You to steal your parents liquor and climb to the roof~
~Talk about our future like we had a clue~
~Never planned that one day, I've been losing you~
~In another life~
~I will be your girl~
~We keep all our promises be us against the world~
~In another life~
~I would make you stay~
~So I don't have to say you where the one that got away~
~The one that got away~
(A/N: Hindi ko alam kung tama ba 'yung lyrics.)
Patuloy lang kami sa pagjojogging hanggang sa makarating kami sa 7/11.
Pumasok kami at naghanap ng pagkain. Pinili ko 'yung Pringles. Yun lang. Naabutan ko si Wayne na pumipili pa ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung bakit pero mukha siyang matakaw, kasi kung titingnan mo marami siyang pinili eh.
Pagkatapos ay pumunta kami sa linya at nung kami na ay nanguna si Wayne sunod ako.
Lumabas kami at naghanap ng mauupuan. Nakita naman namin na merong bakanteng upuan kaya dun kami umupo. Dun din lang ako nakaramdam ng pagod. Ang pagod pala kapag nagjojogging ka at matagal kang hindi umuupo! First time ko kayang magjogging! Tinry ko dahil gusto ko lang.
Kinuha ko ang Pringles galing sa plastic na binitbit ni Wayne kanina at nagsimula ako kumain, ganun din siya.
Maya-maya lang ay nagsalita siya...
"Tungkol nga pala kay Kiel, sorry sa ginawa niya sa'yo kahapon." Pagpapaumanhin niya.
"Okay lang." Tipid na sagot ko. Bumuntong-hininga siya.
"Ano ba talagang nangyari? I mean bago 'yung nangyari kahapon? Meron bang hindi ako nalalaman?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Dahan-dahan lang. Mag-isa lang itong bibig ko ohh." Tinuro ko pa ang nag-iisa kong bibig. Natawa siya, pati ako.
"Sige," Huminga muna siya ng malalim bago nagpakawala ng salita. "Ano bang nangyari bago 'yung nangyari kahapon?" Tanong niya ng mahinahon.
Kinuwento ko ang nangyari sa kanya. Pagkatapos ng pagkwento ko ay dun lang siya nag react.
"Tsk, nababaliw na talaga 'yung pinsan ko. Pinatahimik ka sa pamamagitan ng halik? Hindi ba pwedeng sabihin nalang niyang 'masyado kang madaldal' o di kaya'y 'masyado kang maingay'?" Naiinis na sabi niya.
"At ako madaldal? Ganun?" Nakataas-kilay kong tanong. Nagbibiro lang ako. Pero hindi niya nahalata 'yon.
"Hindi naman sa ganun pero parang yun nga." Tumawa pa siya. Minsan may pagka kalog si Wayne.
"Laugh all you want. No problem with me after all." Sabi ko.
"Nagbibiro lang naman ehh." Sabi niya.
"Tss," Singhal ko.
"So anyways, ready ka na ba para sa pageant?" Tanong niya.
"Oo naman." Pero hindi ko alam kung totoo ba talaga ang sinabi ko dahil halatang pinanlamigan ako ng mga kamay.
"Weh? Di nga," Sabi niya. "Basta nandyan lang ako, kami palagi. Support ka namin. Magfriends tayo diba?" Tanong niya. Pinagaan niya 'yung naramdaman ko. Meron ka talagang ganung klaseng kaibigan. Hindi ka iiwan at suportado pa din sa huli.
"Oo naman." Sabi ko.
Pagkasabi ko nun bigla akong napatingin sa kanyang mga mata. Mukha siyang malungkot base sa kanyang mga mata. Napaparanoid na nga yata ako, kung ano ano na ang mga iniisip ko.
"Oh, siya, tapusin na natin ito para pagkatapos ay uwi na tayo. Ihahatid kita." Sabi niya.
Gusto ko sanang tumanggi sa kanya at sabihing 'Wag na, kaya ko naman ang sarili ko' pero nakakahiya kaya hindi nalang ako tumanggi.
***
Paghatid niya sa'kin, sinabi niya sa'king...
"Goodluck mamaya..." Yun lang bago umalis.
***
Pagdating ko sa school ay busy lahat ng mga guro pati ang SSG Officers sa pagdecorate ng stage namin.
Handa na ang mga gamit ko. Dinala ko nalang para sigurado at wala akong makalimutan.
Co-contact-in ko lang si Dad kapag nagsimula na ang Ms. Pageant.
Siyempre nadatnan ko si Rosea na ngayo'y papalapit na sa'kin.
"Uy, Lei, ang ganda mo ngayon ah." Pambobola niya.
"Hindi kaya, wala pa nga akong kahit anong inilagay sa mukha ko tapos ngayon tatawagin mo akong maganda. Bolera mo talaga." Natatawang sabi ko.
"Totoo kaya, kahit hindi ka pa nagmemake-up, maganda ka pa rin." Sabi niya.
Nag-uusap kami ng biglang sumingit bigla si no other than 'Keiz'.
"Well, look who's here, ang hindi naman kagandahan na babae at isa pang trash. Ang dapat lang talaga sa ganyang babae ay itapon sa basura dahil dun naman siya nababagay at isa pa basura din naman siya kaya walang problema. Eww." Maarteng sabi niya.
"Huy, huy, huy, anong sabi mo? Bawiin mo ang mga sinabi mo." Pagtatanggol sa'kin ni Rosea.
"Ano ako utusan mo? Psh! Dapat lang sa kanya 'yan. Hindi ko babawiin ang mga sinasabi ko." Mataray niyang sabi.
"Kung di mo babawiin ang mga sinasabi mo, oh, edi itong sa'yo..." Nagulat ako sa susunod na nangyari. Sinabunutan ni Rosea si Keiz pero lumalaban din si Keiz kaya umawat din ako kaagad at biglang dumating si Kiel at hinawakan niya si Keiz.
"Ano bang nangyayari dito?!" Bulyaw ni Kiel.
"You, b*tch! What did you do to me?!" Galit na galit si Keiz na halos umusok na ang kanyang tenga at ilong na parang takuri.
"Dapat lang 'yan sa'yo! Yan ang napala sa pagsabi ng masama ni Lei! At 'wag mo akong tawaging b*tch dahil tinatawag mo lang ang sarili mo. Tara na nga, Lei. Nag-aaksaya lang tayo ng oras kapag pinatulan pa natin ulit ang nagfefeeling maganda dito." Wika ni Rosea.
Hinila ako ni Rosea papalayo kay Keiz pero bigla kaming napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi ni Keiz sa'kin.
"Hindi pa tayo tapos, Lei. Hindi lahat ay kaya mong makuha. Tandaan mo iyan, Lei. Hindi lahat ay kayang-kaya mong makuha." Sabi niya.
Naramdaman kong lumayo na sina Kiel at Keiz kasama ang mga alipores ni Keiz.
Sa tingin ko ay dalawa ang ibig sabihin sa sinabi ni Keiz sa'kin.
Pero binalewala ko lang yon baka napaparanoid na naman ako.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad palayo dun kay Keiz. At nang masigurong wala na kami doon sa lugar na iyon ay tumigil kami at tiningnan ako ni Rosea na nag-aalala.
"Lei, ayos ka lang ba? Naapektuhan ka ba sa sinabi ni Keiz hah? Yun talagang feelingera na 'yun malalagot talaga yun sa'kin kapag nagkita kami ulit. Kung ano ano na ang mga sinasabi." Galit na may pag-aalalang ani Rosea.
"Wag kang mag-alala, ayos lang ako. At saka hindi naman ako magpapaapekto ng dahil lang sa kanya." Sinabi ko lang 'yon para kahit papaano mawala ang pag-aalala niya sa'kin.
"Basta, tatandaan mo na kapag sinaktan ka niya ulit o may sinabing masama, nandito lang ako palagi." Sabi niya.
Tumango ako at bumuntong-hininga, ganun din siya.
***
Walang klase ngayon pero andaming masamang nangyayari katulad nalang kanina. Binalewala ko na lang iyon.
Ngayon na ang start sa Ms. Pageant.
Pagkatapos nila akong pagandahin dahil kung ano ano na ang kanilang inilalagay sa mukha ko ay isinuot ko na ang dress na may kulay na may pagkalight green at green high heels sandals. Bagay naman sa'kin kaya walang problema. Nakalugay din ang buhok ko.
Tapos pumila na ako sa linya ng mga candidates pero ang ang mas masama pa nasa likod ko lang si Keiz. Malas ko ba ngayon?
Hindi ko na lang siya liningon dahil magkakagulo na naman.
Tapos ng magpakilala ang mga naunang candidates kaya kami nalang dalawa ni Keiz ang nandito. Nung tinawag na ako ay umakyat na ako ng stage at pumaso pagkatapos ay pumunta sa harap ng lahat at hawak ang mikropono.
"Good morning, everyone. I, Leiane Ashtine Dizon, candidate 10, I believe in the saying, If you believe in yourself, you can do it. That's all thank you." Pakilala ko at naghumiyaw sila sa'kin, maging ang mga kaibigan ko.
"Wooohh! Go, Lei!"
"Go, Lei! Go, Lei! Go, Lei!"
"Lei! Wooohh! Go, go, go!"
"Go, go, go. Go, Lei!"
Todo cheer sina Rosea, Wayne at Nic sa'kin pati na din si Dad pero si Mom ay pumalakpak lang. Ngumiti lang ako ng kaunti dahil minsan lang pumalakpak si Mom ng dahil sa'kin. Kaya kailangan galingan ko para maapreciate ako ni Mom.
Manalo o matalo, okay lang sa'kin basta I did my best!
Tumalikod na ako at pumunta sa back stage ng si Keiz naman ang pumunta sa stage, mas marami ang nagchi-cheer sa kanya kaysa sa'kin pero okay lang.
Nakita ko ang mga kandidata na todo pagpapaganda sa kanilang sarili. Nandito na din ang mga bakla na tumulong sa'kin sa pagmake-up sa'kin kanina at sa pagpili ng dress na maisusuot. Ang susunod ay Talent portion.
Nagdress lang ako ng yellow with golden flowers ang design sa ibaba ng dress at high heels yellow sandals. Naka-bun na ang buhok ko pero may nakalugay na strands sa buhok ko sa magkabilang gilid at pinacurly iyon. I'm going to sing, hindi naman gaano kaganda ang boses ko pero kailangan para sa talent portion at wala naman akong ibang hilig kundi itong pagkanta.
Pagkatapos ang pagpapaganda naming mga kandidata ay pumila na naman kami at nag-uunahan na ang mga unang rumampa na mga kandidata at kami ang nasa huli ni Keiz. Habang kami na lang dalawa ni Keiz ang natira sa linya ay mukhang pinaparinggan niya ako...
"Well, meron talagang mga feelingera o mga assuming katulad ng iba dyan na feel na feel na manalo sa paligsahan na ito."
Hindi na lang ako nagsalita dahil panibagong gulo na naman ang aabutan ko. Idenedescribe lang niya ang sarili niya. Tch... sabi ko sa isip ko.
Natapos ng rumampa ang nasa unahan ko at tinawag na ako ng emcee namin at pumunta ako sa harap, nagdala ako ng guitar. Marunong din akong mag-guitar. Umupo ako sa dinala kong upuan at itinutok ko ang bibig ko sa mikropono at nagsimula ng magstram ng guitar at pag-hum ko. Ang kakantahin ko ay 'Hawak Kamay' by Yeng Constantino.
~Now Playing: Hawak Kamay by Yeng Constantino~
Chorus:
~Hawak kamay di kita iiwan sa paglakbay~
~Dito sa mundong walang katiyakan~
~Hawak kamay di kita bibitawan sa paglalakbay sa mundo ng kawalan~
Hanggang sa natapos ang kanta. Ang akala ko mag-boo sila sa'kin dahil hindi naman gaano kaganda ang boses ko pero sa halip na ganoon ay nagcheer sila sa'kin, tumili sila ng malakas. Napangiti ako.
"Thank you Candidate #10. You can go back now on the back stage." Sabi nung emcee.
Tumango ako at naglakad na papunta sa backstage. Nagtagpo ang tingin namin ni Keiz. Tiningnan niya ako ng masama. Bahala nga siya, wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Tch...
Rumampa na siya sa stage habang ako ay pumunta na sa mga bakla. Ang sunod na ay Q&A Portion. Kinakabahan ako, bahagya akong sumipol at nagdasal ng mataimtim. Pagkatapos ay ipinaayos na ako ng mga bakla...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top