Chapter 11

Chapter 11: Preparation

Lei's Point of View

[K*I*N*A*B*U*K*A*S*A*N]

Tumunog ang alarm clock ko kaya naistorbo ang tulog ko. Kinapa ko ang alarm clock at pinatay. Matutulog na nga lang ulit ako....

Habang unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko ay bigla nalang merong sumigaw kaya I stood up dahil sa gulat, pero unti-unti na akong nakarekober kaya bumalik na ulit ang mga mata ko sa pagkaidlip. Pero meron na namang sumigaw kaya sumigaw na din ako.

"Yaahhhh! Sino ba ang sumigaw sa'kin?! Kitang matutulog pa ulit ako rito ehh!" Bulyaw ko.

Unti-unti ko nang naaaninag kung sino ang sumigaw sa'kin. At medyo clear na ang paningin ko ay hindi na ako magugulat dahil yung sumigaw sa'kin ay walang iba kundi ang bestfriend kong si Rosea.

"Huy Lei, ano na? Matutulog ka pa ba dyan? Malelate ka na sa klase... dalian mo nang maligo at magbihis." Sabi ni Rosea.

"Oo na, oo na. Lumabas ka na at maliligo na ako." Sabi ko.

Sinabi pa niya sa'kin na maghihintay daw siya sa labas kaya tumango na lang ako at lumabas na siya sa room ko.

Bumangon na ako at kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para maligo. Pinuno ko nang tubig ang tubig at pinaliguan ng sabon na merong flowering scent. Unti-unti ko nang hinubad ang suot ko at lumubog sa tub. Dun ako kumanta ng Black Mamba by Aespa. Habang kumakanta ako biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari kahapon. Kaya napatigil ako sa pagkakanta.

Bakit mo ako hinalikan Kiel? Ano ang pakay mo sa'kin? Hindi ko pa din maintindihan yong sa paghalik mo sa'kin... Yun ang nasa isip ko.

Hindi ko muna siya papansinin sa school ngayon. Hindi muna dahil nalilito ako lalo.

Pagkatapos kong magshower ay itinapis ko sa katawan ko ang tuwalya ko at lumabas sa banyo. Nagpatuyo pa ako ng buhok ko habang kumuha ng uniform ko. Pagkatapos matuyo ng buhok ko ay isinuot ko na ang uniform ko pagkatapos ang medyas ko at sapatos with short heels. Inayos ko pa ang nasa loob ng bag ko at pagkatapos ay lumabas na ng room ko. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Hinintay nga yata ako ni Rosea sa 'kusina'. Akala ko maghihintay siya sa'kin sa living room pero mali pala. Sa kusina pala.

Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng soup. Soup lang ngayon dahil wala lang sa'kin, gusto ko lang.

Lumingon ako kay Rosea na ngayo'y nilantakan ang kinakain niya. Tss... Matakaw talaga kahit kailan.

Pagkatapos ay uminom muna ako ng tubig saka juice na may flavored na Nestea. Mukha siyang C2 ang flavor.

Lumabas na din kami ni Rosea sa bahay at nagsimulang maglakad. Maglalakad nalang kami papunta sa school dahil hindi ko gusto magcommute mas lalo na si Rosea dahil mainit daw. Wala din naman kaming sariling motor o kotse dahil hindi naman kami marunong magdrive.

Walang nagsasalita sa'min dahil hindi naman ako nagsasalita dahil wala namang pag-uusapan. Hanggang sa magsalita si Rosea...

"Ahh Lei, Nakapaghanda ka na ba sa Pageant Show?" Tanong niya.

Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko nga pala na ako ang candidate sa section namin. Tsk. Tsk. Tsk. Bakit nakalimutan ko pa! Iniisip ko kasi yung paghalik sa'kin ni Kiel. Dapat pala hindi ko na siya inisip pa.

"Wala dahil nakalimutan ko." Nagpeace-sign ako.

Napasapo sa noo si Rosea at tapos ay tumingin siya sa'kin...

"Bakit nakalimutan mo pa? Bukas na ang Pageant Show at hindi ka pa naghahanda? Siguro nakalimutan mo dahil sa pag-iisip mo sa paghalik ni Kiel sayo nohh?" Ang lakas talaga ng pakiramdam niya ehh.

"Oo, dahil dun Rosea." Pag-amin ko.

"Bahala na nga. Bukas pa naman ang show ehh kaya makapaghanda ka pa. Eto lang ako si OA na kung ano ano na ang pinagsasabi ko sayo. Mukha kasing ako pa maiistress sayo." Maarteng sabi niya.

"Ang OA mo. Tara na, bilisan na nating maglakad dahil malelate tayo panigurado." Sabi ko.

Binilisan naming maglakad at tumawid ng diretsiyo sa kalsada. Hindi namin napansin na muntik kaming masagasaan sa kotse dahil sa pagmamadali namin. Nagsorry nalang kami sa kanila.

Hanggang sa marating na namin ang school. Marami nang mga estudyante ang nasa school kaya pumasok na kami sa loob.

Hindi ko inaasahan na madatnan si Kiel. Naghihintay sa'kin! Pero nilagpasan ko na lang siya. Hindi ko gustong makipag-usap sa kanya ngayon dahil malinaw pa sa'kin ang nangyari kahapon. Tinawag pa niya ako pero hindi ko siya pinansin. Nang dahil sa pagmamadali kong lumakad ay hindi ko namalayan na nabangga ako sa dibdib ng isang lalaki kaya nadapa ako. Pagkaangat ko sa ulo ay nagulat ako dahil nabangga ko si Wayne!

Inilahad ni Wayne ang kamay niya sa'kin. Tinanggap ko naman iyon para makatayo ako rito ng maayos.

Hindi ako makatingin ng diretsiyo sa kanya dahil nakakahiya yung ginawa ko kanina lang. Yung nabangga ko siya!

Pero hinawakan niya ang jaw line ko at iniharap sa kanyang mukha. Ang gwapo niya kapag sa malapitan. Brown ang kulay ng kanyang mga mata kapag malapitan pero kapag malayo hindi mo talaga masasabi na brown ang kaniyang mga mata, mukhang black kasi ehh. Medyo makapal ang kilay niya at matangos ang ilong, mapula ang kaniyang mga labi.

"Done investigating my face?" Tanong niya.

Kaya bumalik ako sa reyalidad at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Hindi kaya ako nakatitig sayo. Ang kapal mo ha." Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Nevermind. Tara na, baka pagdating natin doon nandoon na ang Prof. natin, malalagot tayo kapag nalate tayo ng pasok." Sabi niya.

Oo nga pala! Hinila na niya ako kaya nagpahila nalang ako sa kanya tiningnan ko naman si Rosea, hindi ko napansin kanina na kasama na niya pala si Nic. Hinila din niya si Rosea kaya nagpahila din si Rosea. Mukha pang kinikilig kahit hila lang iyon. Sus!

Pagkapasok namin sa room namin ay sakto naman ang dating namin dahil wala pa si Prof. Henry. Umupo na kami sa mga upuan namin at nagkwentuhan tungkol sa mga ginagawa namin kapag sa weekend. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa nangyari sa'kin at ni Kiel kahapon. Ayokong buksan ang topic na iyon nohh, hindi ko kasi gusto. Nakakadiri!

Hindi ko napansin na pumasok si Kiel at umupo sa tabi ni Wayne. Tiningnan niya ako, nag-aalangan pa siya kung kakausapin niya ako o hindi. Basta hindi ko siya kakausapin sa ngayon. Bahala siya dyan kung maghihintay siya kung kailan ko siya kakausapin.

Pero hindi nalang siya sumubok kausapin ako baka naisip niya na hindi pa ako handa makipag-usap sa kanya ngayon.

"Uy, bro. Bakit hindi ka nagsasalita dyan?" Tanong ni Wayne kalaunan sa kanya.

"Wala lang. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi niyo." Sabi niya.

"Ahh, bro nahalata ko kasi parang tumitingin ka ni Lei ehh. May problema ba?" Hala! Nahalata ni Wayne?! Patay ako nito! Please Kiel wag mong isasabi paniguradong mahihiya na ako sa kanila!

Tiningnan muna ako ni Kiel saglit bago sumagot sa tanong ni Wayne.

"Ahh... wala.... walang problema." Sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa naging sagot niya.

"Ahh, okay." Patang hindi kumbinsido si Wayne sa naging sagot ni Kiel sa kanya.

Ehh sino bang kumbinsido sa naging sagot ni Kiel ehh halatang-halata si Kiel. Tingnan mo ang itsura niya. Nakita ko siyang lumunok at parang pinagpapawisan.

Sakto namang dumating si Prof. Henry kaya nawala ang tensiyon sa pagitan namin. Thanks Sir Henry! Your just in timing!

"Okay, class. I have an announcement. So tomorrow will be the Pageant Show. We have to be prepared. Dapat mag prepare na tayo ngayon dahil bukas na wala na tayong oras para bukas pa maghanda." Sabi ni Prof. Henry. Tumingin siya sa'kin at nagsalita...

"Are you ready, Ms. Dizon?" Tanong ni Prof. Tumayo din naman ako kaagad.

"Actually, I am really, really nervous Sir. But yes I'm ready for tomorrow's pageant." I honestly answered to Sir.

Tumango lang si Sir at bumalik ako sa pagkakaupo.

Lumapit si Rosea sa'kin at bumulong...

"Wag kang kabahan, nandito lang kami para sa'yo. Nandito kami ni Nic at ni Clark para sumuporta sa'yo. Ready na ba bukas?" Aniya.

"Thanks. Oo handa na ako para bukas pero hindi pa ako handa sa kung ano ang isusuot ko bukas at sa mga paparating." Pag-amin ko sa kanya.

"Okay lang yan atleast handa ka na, okay?" Nagthumbs-up lang ako.

Nakinig na lang ako ni Prof. pagkatapos ng pag-uusap namin ni Rosea.

~Discuss~

~Quiz~

~Discuss~

~Quiz~

~Dismiss~

~Ringggg~

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase namin. Inayos ko pa ang mga gamit ko at ipinasok sa bag ko. Habang nagliligpit pa lang ako may biglang humawak sa braso ko. Pagkaharap ko si Kiel ang bumungad sa'kin.

"Umm, pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?" Pakiusap niya.

"No." Tipid na sagot ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Pero sadyang hindi siya titigil ehh. Palagi akong nagsabi na 'No' kahit nakakasawa na ring sabihin.

Humarap na lang ako sa kanya at nagsalita...

"Ano ba?! Hindi ka ba titigil?! Hindi pa ako handang makipag-usap sa'yo naintindihan mo ba, hah?!" Bulyaw ko.

Halatang natigilan siya at nakayuko na ngayon ang mukha niya.

"I just want to say sorry to you for what happened yesterday. Please I beg you, patawarin mo ako." Pakiusap niya talaga.

Tumawa ako ng sarkastiko.

"Hindi pa kitang patawarin sa ngayon. Bahala ka dyan." Sabi ko at nilagpasan siya pero bago pa ako makalayo hinawakan niya ang braso ko at isinandal sa locker at kinorner ako. Napalunok ako dahil ang seryoso niya. Kinakabahan ako sa kung ano man ang kaniyang gawin ngayon. Mommy, please help me!

"Ayaw mo?" Sabi niya.

Hindi ako nakasagot dahil talagang natatakot ako.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Napapikit lang ako dahil wala namang tutulong sa'kin dito. Wala namang ibang tao rito kundi kami lang.

Pero ilang segundo lang ay wala pang labi na dumapo sa labi ko. Unti-unti akong napadilat at nagulat dahil sinuntok ni Wayne si Kiel. Napahiga si Kiel sa sahig. Kaya pumunta ako sa pagitan nilang dalawa at umawat.

"Wag kayong mag-away dito. Magpinsan kayo!" Sigaw ko.

Galit na tumingin si Wayne kay Kiel bago tumingin sa'kin ng malumanay.

"Hindi pa tayo tapos." Sabi niya. In eye to eye niya ang sarili niya at ni Kiel.

"Tama na, Wayne. Tara na." Pagpipigil ko sa kanya.

Hinila ko siya at nagpahila lang naman siya.

Pumunta kami sa canteen at nakita namin sila Nic at Rosea na naghihintay sa'min. Umupo kami doon.

Nagtataka naman sila kung bakit pawis na pawis kaming dalawa at bakit merong pasa malapit sa labi si Wayne.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" Si Rosea.

Nagkatinginan pa muna kami ni Wayne at tumango senyales na sabihin ang totoo.

"Ganito kasi yun, nagliligpit lang naman ako ng mga gamit ko ng biglang may humawak sa braso ko at ihinarap ako ni Kiel. Sinabi niya sa'kin na patawarin na niya daw ako pero ang sabi ko hindi. Nagpatuloy ako sa pagliligpit hanggang sa matapos pero hindi parin niya ako tinigilan ehh. Kaya humarap ako sa kanya at nagsabi na hindi ko siya patatawarin. Nilagpasan ko siya pero bago pa ako makalayo ay humawak siya sa braso ko at hinila ako at isinandal sa locker. Sinabi niya sa'kin na ayaw mo pala hah? At unti-unti siyang lumapit sa'kin. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil ang akala ko walang magliligtas sa'kin dun dahil wala namang ibang tao roon kundi kami. Pero nagulat nalang ako dahil pagkadilat ko sinuntok ni Wayne si Kiel at nadapa sa sahig si Kiel. Pumunta ako sa kanila at umawat para matapos na ang pagsusuntukan. Sinabi ko sa kanilang dalawa na tama na, magpinsan kayo. Sinabi pa ni Wayne pagkatapos na hindi pa daw siya tapos sa pinsan niya. Kaya sinabi ko na lang sa kanya na tama na. Tara na. Nagpahila na lang siya sa'kin papunta sa canteen." Pagkukwento ko.

Naguguluhang tumingin sa'kin si Nic. Walang kaalam-alam si Nic sa nangyari.

"Wag mo nang alamin pa Nic. Malilito ka lang." Sabi pa ni Rosea sa kanya.

Ibinaling ko nang tingin si Wayne na ngayo'y naguguluhang tumitig sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at nagsalita...

"Hinalikan ako ni Kiel kahapon lang kaya itinulak ko siya. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya sa'kin yon." Sabi ko. Mukhang nagulat siya at nagalit sa kapatid niya.

"Damn! Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin Lei?" Sabi niya.

"Natatakot kasi ako." Pag-amin ko.

"Kahit na! Dapat sinabi mo sa'kin ito ng maaga para mapagsabihan ko itong pinsan ko." Sabi niya.

"Sorry, okay. Kumalma ka na dyan. Wag na nating pagtuunan ng pansin iyon. Pagtuunan natin ng pansin ang paghahanda para sa pageant okay?" Sabi ko.

Tumango lang siya.

Umorder sila kanina pa kaya kumain na kami. Pagkatapos ay start na naman ng panibagong klase namin, pagkatapos ng klase namin ay dumiretsiyo na kami ng mall para makabili ng kung ano-ano para sa pageant. Hindi ko na kailangan ng contact lens at pagrebond dahil maganda na naman daw ako.

Pagkatapos ng pagbili namin ay hinatid muna ni Wayne si Nic pagkatapos ni Rosea at sa huli ay ako.

Bumaba ako at bago pa siya umalis ay nagsalita ako...

"Salamat sa pagligtas mo sa'kin kanina. Kung wala ka ron siguradong hinalikan na naman ako sa magaling mong pinsan." Sabi ko.

"Wala yun. Tulungan na kitang ipasok ang mga gagamitin mo bukas sa pageant." Sabi niya. Napaka gentle man naman nito.

"Wag na kaya ko na ito. Sige na uwi ka na. Bye." Pagtutulak ko sa kanya palayo.

"Ahh, okay. Sige. Bye." Sabi niya at bumalik sa loob ng kotse niya at pinaandar at umalis.

Ipinasok ko muna sa loob ang mga gagamitin ko bukas para sa pageant at pagkatapos ay dumiretsiyo sa room at nagbihis ng pantulog. Humiga ako sa kama at natulog dahil talagang napagod ako sa araw na ito. Ang daming pangyayari. Hay..

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top