Chapter 10
Chapter 10: Kiss
Lei's Point of View
Pagdating namin sa bahay ni Kiel ay bumaba na ako sa kotse at nag-angat ng tingin sa bahay niya.
Namangha ako kasi ang laki ng bahay niya at ang daming styles. I like the color of the paint. I like this kind of house.
"So umm, do you like my house?" Biglang tanong niya sakin.
Siyempre nagulat ako dahil bigla nalang siyang nagtanong. Magulatin pa naman ako.
"Uy, bakit bigla-bigla ka nalang tumatanong? Nagulat naman kasi ako sayo ehh." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Bahagya siyang natawa. "Magulatin." Rinig kong bulong niya.
"Anong sabi mo?" Sabi ko.
Humarap siya sakin. At tumikhim at biglang sumeryoso. Napalunok ako.
"Wala yun." Seryosong sabi niya.
"Sabi mo nga, wala. Nakakatakot naman ang pagiging seryoso mo." Sabi ko sa kanya.
"Umm ganyan lang talaga ako minsan." Sabi niya.
"Ahh, okay." Sabi ko nalang.
"So okay lang ba yung bahay ko. Is it beautiful or not?"' Tanong niya. Namimilit.
"Yes, it's beautiful. I like this kind of house. It's amazing. Namangha ako sa bahay mo simula nung bumaba ako sa kotse mo at mag-angat ng tingin sa bahay mo." Sabi ko.
"Like, huh?" Sabi niya.
"Bakit naman? Hindi mo ba gusto yung sinabi ko sayo? Like lang naman. Ano ba ang gusto mong ipasabi sakin? Love?" Natutop ako sa sariling bibig ko. Iba ang iniisip ko sa mga pinagsasabi ko kanina.
Natigilan siya sa mga sinabi ko kanina lang. Patay! Bakit ko ba sinabi yun? Peste ka Lei!!
"Well, oo yun ang gusto kong marinig sayo, 'Sa bahay na ito'." Pinakadiinan niya ang huling salita.
Mukhang napansin niya yata yung maling iniisip ko kanina. Bakit ko ba nasabi yun sa kanya? Dapat nalang pala nasa isip ko nalang iyon.
"Umm, itour mo naman ako sa bahay mo. Baka maligaw ako at hindi kita makita. Malaki pa naman itong bahay mo ohh." Pag-iiba ko sa usapan para mawala na ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Bumuntong hininga siya. "Okay, sige. Let me show you my room muna." Sabi niya habang papaakyat kami.
"Okay." Tipid na sagot ko.
Pagkadating namin doon ay pumasok kami sa room niya.
At namangha na naman ako. Ang dami pala niyang libro sa room niya. Mukhang library. Meron siyang pocketbooks, novels, etc.
"Ang dami mo palang libro." Sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya at tutok sa mga libro.
"Well, it is my hobby. Reading books is one of my hobbies." Sabi niya.
"Pwede pahiram ako nito kung meron man akong gustong basahin?" Tanong ko. Nanghihingi ng pahintulot galing sa kaniya.
"Pwede naman basta ibabalik mo pagkatapos mong bumasa. Kailangan malinis parin yung libro ko at walang punit. Naintindihan mo?" Sabi niya.
"Oo naman." Sabi ko.
Pagkatapos kong makita ang mga libro ay nakita ko ang kama niya at humiga doon. Hay.. Ang sarap sa pakiramdam kapag dito ka humiga..
"Oh, bakit ka nakahiga dyan?" Tanong ni Kiel. "Nang wala man lang pahintulot sa akin?" Sabi niya.
Dali-dali akong bumangon at inayos ko muna ang sarili ko. Napalunok ako.
"S-Sorry." Ahh! Bakit nauutal ako?
"Joke lang yun. Pwedeng pwede kang humiga sa kama ko." Bawi niya.
Nakahinga ako ng maluwag at napahawak sa dibdib ko.
"Akal ko naman seryoso ka sa sinabi mo kanina. Kitang-kita ko kasi na seryoso ka." Sabi ko habang nakaupo na.
"Diba sinabi ko naman sayo na joke lang yun." Sabi niya.
"Okay, okay. Joke lang yun para sa iyo pero para sa akin hindi. Ano namang nakakatawa sa joke mo? Diba ang joke ay dapat nakakatawa yan? Bakit ang sa iyo ay hi---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako.
Nagulat ako at itinulak ko siya. Dali-dali akong lumabas ng room niya at bumaba ng hagdan. Tinawag at hinabol niya ako. At malas din naman dahil hindi ko alam kung nasaan ang pinto papalabas sa bahay ni Kiel. Naabutan ako ni Kiel at hinawakan ang braso ko. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang kapit niya sa braso.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako. Diba ang sabi mo ay meron tayong dapat pag-usapan. Pero bakit mo ako hinalikan? Ha?" Dinuro ko siya sa mukha.
"Sorry okay. Nagulat din ako sa aking nagawa sayo. Hindi ko naman iyon sinasadya. Ang ingay-ingay mo kasi ehh." Pagpapaumanhin niya sakin.
"At yun ang solusyon para matahimik ako? Ganon ba iyon?" Sarkastikong sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"Look, I'm sorry okay." Sabi niya.
"What? A sorry? Hindi yun ang sapat na dahilan kung bakit mo ako hinalikan? Ano ba talga ang pakay mo sakin Kiel? Pag-uusap lang ba ang gagawin natin ngayon sa bahay mo o halik lang ang habol mo sakin?" Galit na tanong ko sa kanya.
"......" Napipi siya. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin kaya sinubukan kong magpumiglas para makalabas na ako dito pero wala ehh bigo ako kaya nakiusap ako sa kanya.
"Please Kiel bitawan mo ako. Pauwiin mo na ako. Next time nalang tayo mag-usap." Pakiusap ko sa kaniya.
At sinunod niya ang sinabi ko. Pero hindi ko talaga alam kung nasaan ang pinto papalabas sa bahay niya.
"Dun ka sa kanan pumunta. Dun mo makikita ang pinto papalabas nang bahay." Tinuro niya ang nasa kanang bahagi ng bahay niya.
"Sige. Bye." Walang ganang sabi ko sa kanya.
"Bye." Malungkot na aniya.
Lumabas na ako ng bahay niya at pumara ng taxi. Meron namang taxi na huminto sa tapat ko kaya dali-dali akong sumakay doon.
"Manong, dun nalang muna tayo sa 7/11 meron lang akong ibibili doon." Sabi ko kay Manong.
"Sige po, ma'am." Sabi niya.
At umalis na kami sa bahay ni Kiel.
Ano ba talga ang pakay mo sakin Kiel? Bakit mo ako hinalikan? Pag-uusap lang ba o halik? Siya ang first kiss ko. Siya ang first kiss ko at dun ako nainis. Hindi ko naman siya mahal. Ang first kiss ko dapat ay para sa taong mahal ko. Hindi sa kaniya. Nakakainis naman ehh. Bakit niya ginawa yun sakin?
Hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa 7/11 at tinatawag na ako ni Manong.
"Ma'am, nandito na po tayo. Ma'am naririnig niyo po ba ako?" Sabi ni Manong.
"Ahh, oo. Salamat manong. Eto po yung bayad manong." Bumaba ako sa taxi at gihatag nako ang 500 kay Manong.
(Translation: binigay ko ang 500 kay manong)
"Ang laki naman po nito ma'am. Hindi ko po kayang angkinin niyan ma'am." Sabi niya habang ibinabalik sa kin yung 500 na papel.
"Umm eto nalang po manong, oh." Bayad ko nalamg kay Manong. 100 pesos nalang.
"Ma'am salamat nalang ma'am kahit gusto ko pong ibalik nalang sa inyo yung pera." Sabi ni Manong.
"Walang anuman." Yun lang at pumasok ako sa 7/11 para bumili ng pringles at ice cream. I need to freshen my mind kaya tinawagan ko na din si Rosea para samahan akong kumain dito at meron akong gustong sabihin sa kaniya.
Naghintay ako sa may bakanteng upuan at kumain. Naghintay ako kay Rosea.
Maya-maya pa dumating na si Rosea at nakita din niya ako kaagad kaya lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Uy, Lei okay ka lang ba? Ano ang nangyari?" Sabi niya, nag-aalala.
Kinuwento ko sa kanya yung buong pangyayari at pagkatapos kong ikwento ay galit na galit siya kay Kiel.
"Lei, bakit niya ginawa yun sayo?" Tanong ni Rosea.
"Hindi ko alam, Rosea. Pero nagdududa na ako na meron siyang pakay sa akin o di kaya'y yung sinabi ko sa inyo ni Clark at ni Nick nung tumulong siya sakin na plano lang ito. Diba?" Sabi ko kay Rosea.
"Oo, yun din ang ipinagduda ko sa kanya. Baka ito yung ganti ni Keiz." Sabi ni Rosea.
Hindi ako sure. Bakit naman kailangan pang madamay si Keiz dito. Wala naman akong hinala kay Keiz.
"Hindi ako sure sa sinabi mo, Rosea." Sabi ko.
"Basta ako, pinagdududahan ko na silang dalawa. Bahala ka dyan kung hindi ka maniniwala sakin." Sabi ni Rosea.
At iyon na naman ang dumagdag sa isipan ko. Ano ba naman ito? Please Lord tulungan niyo ako...
Pagkatapos nang pag-uusap namin ay sabay kaming pumunta sa bahay ko.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top