Chapter 1
Chapter 1: First Meet
Lei's Point of View
Unang araw ito ng pasok hindi man lang ako na excite ng todo. Alam ko kasing hindi ako maihahatid nila mommy at daddy kasi pareho silang may lakad. Palagi ko lang kasama ang bestfriend kong si Roseanne. Pareho kaming mga only child. Close na close kami since second year highschool pa lang. Siya palagi ang nakakasama ko tuwing may activities sa school. Even my birthdays, siya lang ang kasama ko... para ko na siyang kapatid. Pero mukhang hindi ko siya makakasama ngayon kasi nauna na siya do'n. Hihintayin niya lang daw ako.
Nandito na ako sa Valzon Academy. Pagmamay-ari ito ng aking pamilya. Pero hindi ako popular dito. Bashers/haters lang meron ako dito sa school. Ang daming manlalait. Hinahabaan ko lang ang pasensya ko for my own good at para na rin sa image ng aking pamilya.
Naglalakad na ako papunta sa classroom ko ng may tumulak sa akin pero may nakasalo sakin na hindi ko kilala. Sinong tumulak sakin? Hindi ko nakita kung sino. Peste! Paglingon ko sa likod... Ang gwapo niya...
"A-Ah hehe... salamat," nahihiyang tugon ko. Ngumiti siya sakin. Inilahad niya ang kanyang kamay upang alalayan ako patayo. Wait. Bakit kinakabahan ako?
"No problem... I'm Wayne Clark... Vallejo. Wayne Clark Vallejo, and you are?" Tanong niya sakin. Bakit parang naiilang ako? Napatitig ako sa kanya... Ang ganda ng mga mata niya...
"Leiane Ashtine Dizon, Lei for short," pagpapakilala ko sa kanya. Ngumiti na naman siya. Bakit ba ako nagkakaganito?
"Nice to meet you," sambit niya at tsaka lumakad papalayo.
Pumunta na ako sa room namin at nakita ko naman agad si Rosea. Laking gulat ko namang tinignan ang likod ni Rosea. Kaklase ko siya? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinay hinay akong naglakad patungo sa upuan na nireserba ni Rosea para sakin. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko! Ano bang nangyayari sa 'kin? Hindi ko maintindihan!
Hindi ko na napansin ang lahat ng nandito sa classroom kasi kinakabahan nga ako dahil nandyan 'yung taong sumalo sakin kanina. Bakit ba kasi ako bigla nagkaganito?
"Lei?... Hoy, Lei?!" Sigaw ni Rosea. Hindi ko nga talaga alam kong bakit nagkaganito ako!
"H-Ha? Ano 'yun Rosea?" Sabi ko sa kanya. Kumunot 'yung noo niya.
"Bakit ang tahimik mo? At tsaka bakit ka pinagpawisan nasa tapat tayo ng hangin oh," sabi niya habang nakaturo sa ceiling fan.
"Ah Rosea, may sasabihin ako sayo mamaya after class ha," sabi ko, tumango naman siya.
Lutang talaga ang isip ko buong klase. First daw pa namanito ng school. Palagi ko kasing naiisip kung anong meron sa buwisit na lalaking yon kanina! Bigla nalang akong kinabahan at tsaka nailang pa talaga ako?! My goodness? Bumalik lang ako sa reyalidad ng biglang sumigaw si Rosea.
"Hoy! Lei! Ano ka ba?! Kanina pa ako nagsasalita dito?!" Sigaw niya. My god! Lutang talaga ako kanina pa.
"Sorry Rosea... may iniisip lang," sabi ko
"Lutang na lutang ka, kanina pa! Ano nga 'yong sasabihin mo sa 'kin?" Natigilan ako.
"Ah w-wala... kalimutan mo na 'yun."
"Ano nga sabi eh!" Napabuntong hininga ako. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko kanina sa lalaking 'yon! Halatang natatawa siya dahil manhid daw ako.
"Leche ka lei! Manhid mo talaga! Ibig sabihin no'n, na like at first sight ka sa kanya!" Sigaw niya habang natatawa pa siya. Ano daw?! Like at first sight? Leche, diba love at first sight yon? Gaga.
"Anong sinasabi mo diyan ha? Anong like at first sight?! Leche ka! Hindi ko siya gusto no! Hindi mangyayari 'yan!" Sigaw ko. At tinawanan niya talaga ako hanggang sa bahay! Hindi ba sumakit 'yung tiyan niya kakatawa? Bwisit!
"Hoy, kanina ka pa ha! Napipikon na ako!" Sigaw ko.
"Hahahahaha—" Pinitik ko 'yung noo niya.
"Aray! Sakit naman no'n," nakasimangot na sabi niya
"Sorry, bestie," diniinan ko yung huling salita.
Pumasok na kami sa kwarto ko. Umupo naman ako agad kasi pagod ako ngayong araw.
"Ah Rosea, sorry kanina napalakas 'yung pitik ko. Napikon kasi ako sayo eh," sabi ko with feelings. Hihihi...
"Okay lang Lei... hahaha, pero sana marealize mo rin 'yung sinabi ko sayong like at first sight, hehehe," natatawang sambit niya.
"Sira!" Sigaw ko sa kanya. Pinigilan niyang matawa dahil pikon pa rin ako. Letse talaga yung lalaki na 'yun kanina! Nakakabwisit!
Umuwi na si Rosea at inihiga ko ang sarili ko sa kama. Naiinis talaga ako sa sarili ko dahil sa inasal ko kanina. Ano bang meron sa kanya bakit parang naiilang ako sa mga tingin niya? Buwisit talaga oh!
Ano 'yung pangalan niya? Wayne Clark? Pamilyar sakin 'yang pangalan na 'yan...
Clark's Point of View
Ang ganda niya talaga. Miss na miss ko na siya. Alam kong naaksidente siya dati at nawala ang memorya niya. Hindi ko maiwasang malungkot sa nangyari. Close na close talaga kami ni Lei simula pagkabata. Naging magbestfriends kami hanggang may kumupkop sa kanya. Hindi ko malilimutan 'yung pangako niya sakin bago siya sumama sa bago niyang pamilya.
-Flashback-
"Clarky, mami-miss talaga kita," malungkot na sabi niya. Agad ko naman siyang niyakap.
"Ako rin Lei, mami-miss kita. Mami-miss ko talaga yung tawanan at asaran natin. Be happy, okay?" Pilit na ngiti kong sabi.
"Alam mo mahirap para sakin ito, pero magiging masaya ako kapag dadalawin mo ako dito," biro ko.
"Talagang dadalawin kita dito, pangako 'yan! Babalik ako dito para sayo." Napangiti ako. Yumakap na naman ako muli sa kanya. Hindi ko mapigilang maiyak.
"Pangako mo 'yan Lei ah?" Sabi ko sa kanya.
"Pangako Clarky," nakangiting tugon niya. "Kaya 'wag ka nang umiyak ha, dadalawin naman kita dito eh."
"Sige Lei, basta panghahawakan ko 'yung pangako mo ah?"
"Oo sige na Clarky. Aalis na ako. I'll miss you very much!" Kumakaway na sabi niya.
Bumalik ako sa kwarto ko at doon ako umiyak ng umiyak. Gusto ko sanang pigilan siya kanina eh pero hindi pwede. Kung alam mo sana... gustong gusto kita.
Hindi niya ako binigo. Palagi siyang dumadalaw dito sa orphanage. Palagi kaming nagbobonding kapag nandito siya, ang saya ko talaga kapag kasama ko siya. Pero... ang kasiyahan na iyon ay napalitan ng lungkot ng malaman kong naaksidente siya. Agad akong pinapunta sa ospital para dalawin siya.
Nakarating na ako sa ospital at bumungad sakin yung ama ni Lei. Malungkot siyang sinamahan ako sa kwarto ni Lei.
"Ah tito, kamusta na pala siya?" Tanong ko kay Tito Rei. Nagulat ako ng bigla nalang siyang umiyak.
"Clark, sabi ng doktor niya, na comatose siya. Hindi namin alam kung kailan siya gigising. H-hindi rin sigurado ang mga doktor na magigising pa siya. At kapag magigising siya, posibleng magka amnesia siya Clark." Tumulo 'yung mga luha ko.
"H-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniyang masama. Hindi ako naging mabuting ama sa kanya dahil hindi ko siya naipagtanggol sa mommy niya."
"Sa totoo lang, nang dumating siya sa buhay namin ay naging masungit na si Olivia sa kanya. Napilitan lang naman siyang mag-ampon. Ang totoo, ako lang talaga ang may gustong mag-ampon. Wala kasi kaming anak."
"Nalaman ko nalang isang gabi sinisigawan siya ni Olivia. Umiyak siya ng umiyak no'n. Hindi ko siya nakausap ng matino dahil sa nangyari. Ngunit isang umaga, nagulat ako na naglayas siya. Kinuha niya ang lahat ng gamit niya sa cabinet," napabuntong hininga siya at muling nagsalita.
"Hinanap ko siya, sobrang traffic no'n, may sasakyan daw kasing nadisgrasya. Isang dalagang babae ang nakasakay do'n. Do'n ako kinabahan, ang lakas kasi ng kutob ko na siya 'yon. Pumunta ako do'n sa accident area. Hindi ako nagkamali, si Lei ang naaksidente." Umiyak siya.
Bigla akong nakaramdam ng galit sa mommy niya. Bakit ba niya sinasaktan si Lei ng gano'n. Nagagalit na ako sa kanya. Bakit niya ginawa 'yon?
-End of Flashback-
"Kung alam mo lang sana Lei, mahal na mahal kita." Tumulo yung luha ko, hanggang nakatulog ako.
K I N A B U K A S A N
Maaga akong nagising dahil sa excitement na makikita ko na naman 'yung babaeng pinakamamahal ko.
Alam ko kasing kaklase ko siya. Masaya akong bumaba upang kumain ng breakfast.
"Good morning anak," masayang sabi ni mommy. Hinalikan ko siya sa pisngi, routine ko na 'yon kapag umaga. Gano'n din ako kay daddy.
"Ang saya mo ngayon anak ha? Anong meron?" Tanong ni Daddy Walt. Bigla naman akong ngumiti ng napakalaki sa kanila.
"Guess what mom, dad?! Nakita ko na po ulit siya, si Lei! 'Yung palagi kong kinikwento sa inyo. Classmate po kami," masayang wika ko.
"I'm very happy for you, anak. Kamusta siya anak? Wala pa din siyang naalala?" Tanong ni Mommy Arch. Biglang gumuho 'yung mundo ko ng naalala kong hindi niya ako maalala.
"Wala pa din mom," I sighed tsaka umalis na din ako papunta sa school. Kailangan maalala niya ang lahat. Napag-isipan kong bigyan siya ng letter pero paano?... at biglang nakaisip ako ng ideya!
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top