A S H W A Y N E

Again, thank you Chasers for reaching my first story until the end. By the way, happy first anniversary to myself as a wattpad writer and happy first anniversary to this story, DECIDED! I've never expected that I would reach these far, thank you for your non-ending support, mahal na mahal ko kayo kahit na mangyari man ang hangganan ng mundo! I will not forget you all and to my silent Chasers too! Mwuah! Lovelots! 💙💙

Here's the most cherished chapter I've written since it's my 1st anniv. of being a wattpad writer and also the 1st anniv. of this story, DECIDED. Enjoy reading!

Kahapon pa sana 'to pero hindi ko na kinaya pa ang oras, hehe.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

SPECIAL CHAPTER - ANNIVERSARY

Clark's Point of View

"Love, how's work?" Tanong ko kaagad habang nakangiti sa kanya at hinalikan siya sa labi saka yinakap ko siya sa likuran.

Humilig kaagad siya sa balikat ko kaya napangiti ako lalo.

"It's too exhausting, love. Hay..." she said that's why I chuckled. Kasunod no'n ay ang biglang pagsigaw ng baby boy namin.

"Ma! You're finally home! Yehey!" Sigaw ng sigaw ang 12 years old naming anak na si Eiyan, pinaghalong Leiane at Wayne.

This is just my dream before but now, it's too hard to believe it.

Yumakap kaagad ang anak namin kay Lei ng pakawalan ko siya para harapin ang baby boy namin.

"Baby! Give mommy a hug, please!" Nakangiti at puno ang galak na makikita sa mata ni Lei kay Eiyan.

Seeing my family this happy, this is too much to ask for more. I'm a happy, so as I'm contented.

Pagkatapos ng yakap nilang dalawa ay natawa kami ng makitang nakabusangot ang anak namin kaya lumapit na ako sa kanya.

"Oh, anong nangyari diyan sa mukha mo, baby?" Tanong ko na.

Tumingin siya sa 'kin at mas lalong bumusangot ang kanyang mukha kaya napagtanto ko kung bakit gano'n na lang ang mukha niya.

"Ma, Pa! I'm a big boy na so please don't call me, baby! Hmph!" Nakabusangot na sinasabi iyon ng anak namin.

"But we like it when we call you baby. Looking at your face makes me want to call you baby again, sweet heart," natatawa at nang-aasar pa na saad ni Lei kay Eiyan.

"Ma naman! 'Wag niyo nga akong asarin, nakakahiya kaya 'yon!" Inis na ani ng anak namin.

"Oh sige na nga, sweet heart na lang ang itatawag ko sayo, okay lang ba?" Saad ni Lei.

Tumango tumango naman ang anak namin kaya napailing-iling na lang ako. Mana talaga 'to ng ina niya.

"Sige na, ma, laro muna ako sa labas, pwede po ba?" Biglang pumalit ang ekspresyon ng anak namin sa dating masayahin.

"Teka, sweet heart, tapos ka na ba sa studies mo?" Tanong muli ni Lei.

Tumango ng marami si Eiyan kaya ipinat ni Lei ang ulo niya at nginitian siyang muli bago lumabas ang anak namin para maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan niya na mga anak din ng mga kaibigan namin.

"Malaki na talaga ang anak natin..." biglang ani ko kaya tinignan niya ako saka tumango ng inosente.

Bigla na lang akong ngumisi ng may maisip.

"Gusto din ng anak natin na magkaroon siya ng kapatid na babae," sabi kong muli.

"Anong ibig mong sabihi-" hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin ng sunggaban ko siya ng halik at mas pinalalim.

Hindi ko lang talaga mapigilan.

~•~

K I N A B U K A S A N

Lei's Point of View

Napapikit na lang ako ulit dahil sa sinag ng araw na tumama mismo sa mga mata ko kaya tumagilid ako which hindi ko na lang ginawa.

Nakakapit kasi ang parehong mga kamay ni Clark sa beywang ko. Sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman, bigla na lang uminit ang magkabila kong pisngi.


Bigla na lang ibinaon ni Clark ang mukha niya sa leeg ko kaya halos mapasigaw ako sa gulat.

Tinampal ko ang kanyang balikat para pakawalan ako, luckily, he just did.

Kaya mabilis akong umalis sa kama at tinignan siya ng masama.


Mabuti na lang at nakasuot kaagad ako kagabi pagkatapos ng nangyari kahapon bago matulog.

I heard he chuckled but I manage to ignore him.

Matagal na rin kasing nagawa namin 'yon kaya naninibago na rin.

Mabilis din akong pumunta ng banyo para magbabad sa tub ng mainit na tubig. Ni-lock ko rin ng mabuti ang bathroom dahil alam kong susunod na parang tuta 'yong kasama ko sa labas.

Napakawalang-hiya talaga ng lalaki na 'yon. Pinagod niya talaga ako dahil pinaninindigan talaga niya na magkakaroon ng bunsong kapatid ang anak namin.

Pagkatapos no'n ay doon na din ako nagbihis saka ako lumabas ng bathroom.

"Happy anniversary, love! I love you." Nagulat ako pagkalabas ko nang yinakap niya kaagad ako saka pinaulanan ng halik sa buong mukha ko.

Napangiti na lang ako dahil sa ka-sweet-an niya ngayong araw. Actually, ganyan naman talaga siya sa anniversary namin noong mga nakaraang taon but there's something inside my head that this will be special one and I don't know why.

"Happy anniversary too, honey. I love you too, forever and always," pagbati ko rin sa kanya pabalik.

Alam kong may maraming mangyayari pa ngayong araw. At isa na doon ang iniisip ko kanina.

~•~

"Rosea, pwede ko bang ihabilin sa 'yo si Eiyan? Off mo naman kaya sige na," sabi ko.

"Pwede naman. May date kayo ngayon 'no?" Nakangising aniya kaya napailing-iling ako. Hindi pa rin nagbabago kahit may anak na rin.

"Oo kaya ihahabilin ko na muna sa 'yo si Eiyan, saglit lang naman kami kaya 'wag ka nang maabala," ani ko.

"Oo na, layas na, kalokang 'to. Kung 'di ko lang mahal 'tong anak mo at kay Sean, baka tinanggihan ko pa," pabirong inirapan pa niya ako kaya natatawa na lang kaong nagpadala sa kanyang pabirong pagtataboy sa 'kin.

Pagkarating ko sa kotse ni Clark at siya naman ay sumandal lang habang naghihintay sa 'kin ay bigla na lang siyang napaayos ng tayo saka nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi pagkalapit ko sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako pagkatapos ay sumunod siya.

Nagulat ako ng bigla na lang niyang tinakpan ang mga mata ko sa blindfold kaya nagtaka ako at nagulat. Hindi ko nga alam kung bakit nae-excite din ako sa susunod na mangyayari eh dapat kakabahan ako.

"Haha, ano ba 'to?" Nangingiting tanong ko at akma na sanang huhubarin ang blindfold nang pinigilan niya ako.

"'Wag mo munang huhubarin, wala pa tayo sa destinasyon, love kaya maghintay ka na lang diyan. Sayang effort ko pag gano'n," aniya kaya napatawa ako.

"Tinutukso lang kita, sige na magmaneho ka na, maghihintay ako," sabi ko.

"Good, dahil kung hindi ay hahalikan na naman kita," dagdag pa niya kaya napailing-iling na lang ako. Kailan pa siya nagiging adik sa halik?

Nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan ay alam ko nang nandito na kami sa sinasabi niyang destinasyon kanina.

May tinatago talaga 'tong surpresa para sa date namin ngayon eh.

Inakay niya ako para mapalabas ako at nagdire-diretso lang sa paglalakad. Nang tumigil sa pag-akay sa 'kin si Clark ay hinubad niya ang blindofld na nakakabit sa mata ko.

Pagkakita at pag-aninag ko ng mabuti ay napatakip ako sa bibig ko hindi dahil sa gulat kundi dahil sa sayang nararamdaman.

Hindi ko lang siya minahal dahil sa kung anong meron siya kundi minahal ko rin ang mga efforts na ibinibigay niya sa 'kin katulad nito.

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'to.

Yumakap ako sa kanya pagkatapos no'n kaya naramdaman kong may gumuhit na ngiti sa kanyang labi ng hinagkan niya ako sa noo.

"Surprise. Do you like it, love?" Tanong niya.

"I don't like it, I love it. Thank you for this efforts, hon," nakangiti kong sabi.

This is too much to ask for.

"I'm glad you love it, upo ka na," aniya kaya tumango ako at umupo sa hapag.

Madaming pagkain ang nasa harapan ko at may basket rin na sigurado akong maraming laman ro'n. It's a simple picnic date for us to celebrate our anniversary.

Kinuha ko ang sandwich na nasa loob ng basket at kinain 'yon. Siya ba ang gumawa nito? Ang sarap naman.

Nakita kong may tinuhog siya at akmang isusubo na niya ng nakita niya akong nakatingin sa itinuhog niya.

"Gusto mo?" Alok niya kaya tumango ako. Ang sarap kaya ng itinuhog niya.

Malapit na dapat niyang isusubo sa 'kin 'yon ng ibinawi niya bigla sa 'kin kaagad kaya nagulat ako.

"Halik muna," natatawa niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag.

Hinalikan ko na lang siya ng mabilis sa labi saka mabilis na kinuha 'yon at isinubo para hindi na siya manghingi ulit ng halik. Ang adik niya sa halik! Mayghad!

Nang matapos kumain ay nilinis niya iyon at inilagay sa gilid.

Pinagpag niya muna ang natitirang kalat saka umupo sa tabi ko.

Hindi ko nga rin namalayan na kanina pa ako nakatingin sa magandang tanawin na nakikita ko sa harapan ko.

Bumuntong-hininga ako at nakangiting pumikit saka suminghap ng preskong hangin bago ako humilig sa balikat niya. Niyakap din niya ang bewang ko patagilid.


"Wait..." biglang saad ko.

Napatingin naman kaagad siya sa 'kin saka tinignan ako nang may pagtataka. "What is it?"

"Malapit na 'yong birthday mo, 'di ba?" Tanong ko at tinuro siya.

"Yes, why? May surpresa ka ba para sa 'kin?" May halong pagyayabang ang kanyang boses kaya napairap ako.

"Parang nagtatanong lang, e," sabi ko at umismid.

"Hey, I was just joking. Mas malapit nga 'yong birthday mo kaysa sa 'kin, e. Two weeks from now, birthday mo na which is April 3 tapos ako, next next month pa, June 1," aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita. "So, bakit parang may naaamoy akong gusto mo rin ng surpresa galing sa 'kin dahil malapit na rin ang kaarawan mo? Bahala ka d'yan."

"I admit, yes. Pero, may alam na ako kung ano ang magiging regalo mo sa 'kin," aniya habang nakangisi.

Parang alam ko na ang iniisip nito ah.

"Actually, malapit na nga," sabi ko, out of nowhere.

"Are you sure?" May galak sa boses niya kaya 'di ko na mapigilan at humagalpak ako ng tawa.

"Kidding! 'Di na 'yan mangyayari, 'no!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpatuloy ako sa pagtawa.

Pero nagulat nalang ako dahil mabilis niya 'kong kinabig para bigyan ako ng masuyo na halik sa labi dahilan din para matigil ang pagtawa ko.

Nang matapos naman ay namula ang mga pisngi ko kaya napatawa siya saka napailing-iling.

"Taob ka pala sa halik ko, e," pang-iinis niya.

"Oo na, inaamin ko na. 'Wag mo nang ipangalandakan, para namang first time mo 'kong hinalikan," sabi ko para mawala na ang pamumula ko sa pisngi at bumalik na sa dating puwesto namin kanina.

"Happy anniversary again to us, love. I love you." Mayamaya'y sabi niya at nakangiting hinalikan ang aking noo kaya napangiti din ako at sinabi din ang mga katagang 'yon.

"Happy anniversary din ulit sa 'tin, love. I love you always, to more years with you," sabi ko ng buong puso.

To more years with you, Clarky...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top