Chapter 20
Chapter 20
philotreveron has requested to follow you.
Napakurap-kurap ako sa screen ng iPhone nang lumabas ang notification. I am now standing near the gate of our subdivision. Gumihit ang linya sa noo ko. I tapped the profile and was shocked when I discovered that it really is my boyfriend's instagram account.
He followed me?
Ang dami niyang followers. Uminit ang pisngi ko nang makitang isa lang ang following niya. Ako lang.
Baka mamaya mapansin pa ito ng mga humahanga sa kaniya?
I clicked on the only photo on his IG feed. It's a blurred aesthetic image of his band playing on a white pick-up car. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya but I know he's the one who climbed on top of the vehicle, a lit cigarette on his mouth, and an electric guitar on his hand.
Napangisi ako. Ang daming comments. Ngunit ni isa ay wala man lang siyang nireplayan. Ngingiti-ngiti akong nag-follow back sa kaniya. Compared to me who only has 390 followers, bigla akong na-conscious sa sikat na natatamasa niya.
My phone suddenly rang. Muntik pa itong mahulog sa kamay ko. Nataranta ako bigla. I cleared my throat and then hastily answered the phone call.
"You're already outside?" came his baritone voice.
"Yeah..."
"Okay. Malapit na ako."
"You followed me... on Instagram?"
"Yeah, why?" he drawled lazily.
I giggled. "Nothing... maghihintay lang ako dito sa may gate."
"Alright."
"And Philodemus?"
"Yeah?"
"I'm wearing shorts..." I said naughtily.
"Fuck... I'm coming..." he said breathlessly before ending the call as I exploded into fits of laughter.
My cheeks reddened. He's just so naughty at nasasanay na ako sa kaniya. I thought I'm going to feel uncomfortable but with him, it's just so... sexy.
I ended the call with a stupid grin on my face. Mukha na siguro akong tangang mag-isang nakangiti dito. Napapatingin na din sa akin si Manong Guard, eh. Inignora ko nalang siya at patuloy na hinintay ang nobyo. A few minutes later, his red Toyota came into view. Mabilis niyang inihinto ang sasakyan sa harapan ko.
I waved cutely at him before opening the car door.
"Philodemus..."
He gave me a once-over and then smirked. Philodemus dipped his chin, nodding for me to enter his car. Dali-dali akong pumasok at nginisihan siya. He slapped my thighs lightly.
"Already wearing shorts, huh?"
I giggled. Iniatras ni Philodemus ang sasakyan. Namataan ko ang kaniyang iPhone sa dashboard. Himala at walang tumutogtog ngayon sa kaniyang stereo.
"Dumaan muna tayo sa grocery mart bago tayo tumuloy sa bahay."
"We'll buy foods?"
"Hmm. Yeah. Does barbeque sound good to you?"
I nodded my head happily. Sa totoo lang, kinakabahan na talaga ako. Ngayong Monday na ang intrams namin at todo practice na kami. Pakiramdam ko talaga ay mahihimatay ako on the spot. Malaki ang gym at sigurado akong maraming estyundate ang dadalo upang manuod. Bukod sa required dahil may attendance slips na ipamimigay pagkatapos, ito din ang highlight ng aming Intrams.
I couldn't talk my way out of it. Bukod sa dalawang araw nalang ay Intrams na, wala ding puwedeng pumalit sa akin. Tsaka nahihiya ako sa suporta ng mga taong ibinibigay sa akin, kahit na hindi ko naman sila kilala.
Rolling down the window, I let the fresh air caress my face. Inilapag ko sa backseat ang mga librong dinala ko. Balak ko din sana na mag-study habang nasa bahay ako ni Philodemus. Ang kamay niyang nakadantay sa aking kaliwang hita ay marahan akong pinisil, dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
"Are you nervous?"
I smiled weakly. I know exactly what he's talking about.
"You bet I am."
"Just do your thing. People will love you."
Ngumuso ako. Easy for him to say. He's born attractive and so people, especially girls, will adore him even if he's rude sometimes. Life of being pretty is just so easy.
Nang makarating na kami sa aming local grocery mart ay saka pa humina ang takbo ng kaniyang kotse. He removed his hands from my thighs and then unbuckled his seatbelt. Mabilis akong sumunod sa kaniya palabas.
Philodemus lazily pulled a shopping cart. Para lang akong batang nakasunod sa kaniya nang magpunta siya sa meat section. He creased his eyebrows as he carefully chose meats to buy. Para bang sanay na sanay na siya. Bigla akong nahiya dahil wala man lang akong kaalam-alam sa mga bagay na ito. Isang beses na nga lang akong nagluto, palpak pa.
He placed the meat on the cart and proceeded to the barbeque sticks. May pinamili din siyang seasonings. I think he's planning to marinate the meat before grilling it. Mukhang mahilig talaga siya sa sugba. The outdoor griddle station in his house sure looks expensive.
"Do you want something else to eat?" tanong niya sa akin habang itinutulak ang cart patungo sa liquor section. Ang babaeng nakauniporme ng pula na nagbabantay doon ay nagulat pa nang makita siya. Tapos ay parang nataranta. Dali-dali itong lumapit sa amin.
"Hmm. Wala naman. I'm not picky with foods."
Tumango si Philodemus. He ordered a bottle of wine, dahilan na ikinagulat ko. When he saw the questionable look on my face, his lips just twitched sexily.
Pagkatapos mabigyan ay pumunta naman kami sa section kung saan nakalagay ang mga tsokolate at mamahaling candy. I stared at some. Dad constantly brings imported chocolates in our house but mommy is always strict. Bawal daw kami kumain ng tsokolate dahil masisira daw ang ngipin namin. Shantel loves chocolate very much. Kaya ako ang kumukuha sa fridge namin noong mga bata pa kami. Kapag naman nabubulyawan ako ni mommy, ayos lang din sa akin. Ang importante sumaya ang kakambal ko.
"How about chocolates?"
I nodded my head. Habang namimili siya ay nagpunta ako sa harap ng cart. He placed three bars of chocolate on the cart.
I giggled and stepped on the piece of metal that holds the rear wheel of the cart. Philodemus stared at me, chuckled, then shook his head before pushing the cart with me.
May napapatingin sa amin. Ang isip-bata ko kasi. But I've always wanted to try this. See how it feels like. Palagi kasing si Shantel ang nakasakay sa flip-up child seat ng mga shopping carts sa tuwing naggo-grocery kami.
He pushed the cart effortlessly, as if I weighed nothing. Tumingin-tingin din sa amin yung ibang grocery staff pero wala namang sumita sa akin. Philodemus pushed me until we reached the counter. Saka pa ako bumaba nang tinamaan ng hiya pagkakitang nakatitig ang isang matandang babae sa akin.
Philodemus placed the items on the counter. I wanted to pay for at least the chocolates but he did not let me. Ayaw niyang tanggapin ang pera ko at mabilis na iniabot sa cashier na babae ang isang libo niya
I pouted. "Sa susunod ako na ang magbabayad..." ani ko.
He only smirked at me. Philodemus wrapped an arm around my shoulders, Dala naman niya sa kabilang kamay ang plastic bag laman ng mga pinamili namin nang maglakad kami palabas.
"Stormie?"
Napatigil ako sa paglalakad. Sa gulat ko ay nakita ko si Treena. She's with some of her friends from other courses. Agad na dumako ang kaniyang tingin sa kamay ni Philodemus na naka-akbay sa akin.
Nanuyo ang lalamunan ko. I tried to swat his arms away pero mas lalo lang ata niya itong hinigpitan. Napatingin tuloy ako sa kaniya.
"Let them see us," umigting ang panga nito sa galit.
Naguguluhang lumapit sa amin si Treena. "Magkasama kayo ni Philodemus...? Si Shantel?"
"She's not here." Malamig na tugon ni Philodemus.
I couldn't look at her in the eyes. I feel like I am betraying someone, even though I'm not. Nakaramdam ako ng pagkataranta at kalungkutan. I bit my lower lips.
"We'll go ahead." Pinatay kaagad ni Philodemus ang usapan bago pa man makapagsalita ulit si Treena. She still seemed stunned.
"S-Sige. Ingat kayo!" pahabol niya.
I sighed when we reached the car. Nginatngat ko ang pang-ibabang labi. Treena is one of Shantel's supporters. Malamang ay sasabihin niya kay Shantel kung ano ang nakita niya ngayon sa grocery mart.
"Don't look so upset, Stormie." Ani Philodemus nang mapansing biglang nawala ang sigla ko at tahimik ako. "Nafu-frustrate na din ako."
I bit my lower lips and then nodded. Para akong tanga kasi. Ako tong gustong itago ang relasyon naming dalawa pero ako 'tong nasasaktan kapag naririnig ko naman sa iba kung gaano kabagay si Philodemus sa kakambal ko.
Nawala din sa isip ko ang mga hinanakit nang makarating na kami sa bahay niya. Immediately, he set up his outdoor griddle station outside his house, near the shore. Medyo mainit pa kasi tanghali pa nun kaya pumasok muna kami sa loob. We've agreed to have the barbeque later on kapag hapon na.
"Alin ang ipapaturo mo sa akin sa Math?" tanong niya matapos ilagay ang inuming pinamili namin sa fridge.
Nahihiya kong kinuha ang Math textbook ko. It's not really complicated. I'm just really slow-witted when it comes to this subject. Math in the modern world na nga ito. Maski nga si Nick ay naintindihan ang lesson na walang kahirap-hirap. I sighed.
Lumapit si Philodemus sa akin. Imbes na maupo sa sofa ay sa sahig ako nag-indian seat. Mas gusto ko kasing nakikita ang dagat mula rito. I really like his place. It's so relaxing. If only I didn't kill the writer in me, I would've love to stay in this place to write.
"Hmm... Simple Linear Equations?"
Lumapit si Philodemus sa akin. I smelled his usual manly scent. He squatted in front of me as he flipped through the pages of my textbook.
"Sinubukan ko namang makinig..." nagkamot ako sa ulo at nahihiyang ngumiti. "Hindi ko talaga maintindihan."
He nodded his head and snatched a scratch paper. Isinulat niya doon ang formula na kailangan naming sundin. I stared at his rough, big hands moving on the paper. His handwriting is clean and very manly. Malinis tingnan kumpara sa akin. Even the tables are in a perfect straight line.
"Listen up, baby girl..." he chuckled when he noticed that I am no longer paying attention to his voice but his hands.
Kumurap ako at namula ang mukha. I bit my lower lips and dragged my gaze to the paper.
"Kailangan mo munang kunin ang summation of x and y. Sundin mo lang 'tong table. You can use a calculator, since this is 10 items. And value ng N mo ay ten din."
I nodded my head and followed his instructions. Seryoso ang boses nitong nagtuturo sa akin hanggang sa ma-gets ko na nang tuluyan.
"Parang alam ko na!" masaya kong tugon sa kaniya.
"Good." He smirked and then pulled me closer. "Now, can I flirt?"
I chuckled and pushed him away. Pero mas lalo pang humigpit ang hawak niya. Nagpayakap nalang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang dagat sa di kalayuan. Isinandal ni Philodemus ang kaniyang likod sa ibabang parte ng sofa at pinatalikod ako sa kaniya. Namumula man ang mga pisngi sa posisyon naming dalawa, I occupied the tiny space in between his spread legs. Mabilis niyang niyakap ang aking tiyan at isinandal ang kaniyang baba sa aking balikat.
"I'm going to try and answer the example number three. I-check mo kung tama, ah?"
"Mm-hmm..." he said lazily.
Napangiti nalang ako at nagsimula nang sagutan. Maya't-maya ay tinatanong ko siya kapag nakakalimutan ko ang formula. Mas matagal kumpara sa kaniya ang oras na iginugol ko para lang masagutan nang maayos ang problem. He checked it without changing our positions and then nodded his head.
"You got it right."
Natuwa ako sa narinig. Kahit papaano ay nagiging productive naman ako kapag kasama ko siya. Studies have claimed that once a person falls in love, he or she becomes less productive. Siguro ay hindi naman sa lahat ng tao iyon? Hindi naman kasi ako nilalandi ni Philodemus kapag nakikita niyang nag-aaral o nagababasa ako, eh.
Nagulat ako nang biglang bumagsak ang kamay niya sa hita ko. I could feel the warmth of his hands on my bare skin. I started to relax against him as he squeezed my thighs. Then, he reached for his iPhone and then snapped a photo of his large hand gripping my thighs.
"Anong gagawin mo d'yan?" natatawa kong tanong sa kaniya.
I heard him smirk and then tapped something on his phone. After a few seconds, ibinalik niya rin ito sa coffee table. Tumutugtog na ito ng Disenchanted by My Chemical Romance.
"Here..."
"What's this?"
"Open it."
Nagtataka kong binuksan ang kapiraso ng papel. I frowned when I saw of what seemed like a list. Nakilala ko kaagad ang malinis niyang sulat kamay.
For the First Time- The Script
I'm Yours- The Script
Chasing Cars- Snow Patrol
Time Bomb- All Time Low
Say My Name- The Neighborhood Cover
Daddy Issues- The Neighborhood
Inside Out- The Chainsmokers
Your Body is a Wonderland- John Mayer
Nice Piece of Art- FM Static
"It's just a playlist I wrote for you..." he whispered huskily on my ears. "Sa susunod, album na..."
My heart clenched inside of my chest. Not of pain. But because of happiness. I've never been a fan of music but ever since I met Philodemus and saw how music is an integral part of him, natutunan ko na din iyong mahalin. I have never seen anyone who breathes music the same way that he does.
"Say my name is our making out song..." he said, and then chuckled a bit.
"Making out song? Why?" natatawa ko ding tanong.
"You don't remember? That's the song playing in my room when you kissed me on your birthday..."
Pumula ang buong mukha ko sa sinabi niya. Pinaalala niya pa talaga! Sobrang nakakahiya ng pangyayaring yun!
"And... well, I was singing John Mayer's Your Body is a Wonderland when I first saw you at the bar."
Napangisi ako. How come he remembered all these songs? Natutunaw ulit ako. Bumabalik ulit sa akin ang pakiramdam na sobrang saya ko at ngayo'y may kaakibat na takot. dahil baka sa isang iglap lang ay mawala ang lahat ng sayang ito at mapalitan ng matinding sakit.
Gigil niya akong niyakap ulit at dinikit ang kaniyang mukha sa aking pisngi. Ang tangos ng ilong nito'y bumubundol sa malambot na parte ng aking pisngi bago ko maramdaman ang mainit niyang dilli sa gilid ng aking mga labi. He's teasing me.
I giggled and then pulled away.
Tumunog bigla ang phone niya. Pareho kaming napatingin doon.
"Check the message, Stormie."
"A-Ako?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Yeah. Why not?"
Nag-aalangan kong inabot ang kaniyang iPhone at nakita ang text message na hindi man lang nakasave sa kaniyang contact list.
Bahagya ko siyang nilingon at ipinakita ang mensahe. "May nagtatanong kung nasa iyo ba daw ang susi sa art room?"
"Must be Rigor. Tell him na isinauli ko na sa faculty."
I swiped his phone. Surprisingly, it does not have a password. I typed what he said and showed it to him before sending the message. Ngayong ibinigay na niya sa akin ang kaniyang phone ay bahagya akong kinakabahn. I expected him to read the message in private, or not let me touch his phone.
Ibabalik ko na sana ito nang may magpop-up na notification sa itaas.
Instagram:
sorchaxx commented: "omg sino 'to?!"
Kumunot ang noo ko at ipinakita ulit kay Philodemus ang kaniyang phone. Tamad siyang nag-angat ng tingin.
"Check it." Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi.
I frowned and then pouted, before checking the notification. Pinindot ko iyon at dinala ako sa Instagram account niya. Muntik na akong atakihin sa puso nang makitang ipinost nya pala ang picture kanina na nakahawak siya sa hita ko!
The photo had already gathered thousands of likes. Sumasabot ang notifications niya sa dami ng mga nagc-comment sa kaniyang pangalawang image sa IG feed niya.
pearl_xx: shantel?
lisaaaaaaaa: @pearl_xx nope. hindi niya nga fina-follow si shantel eh! haha. isa lang following niya.
harley143: omg! nagtataksil na ang asawa ko sa 'kin!
Itsjohann: ha. the chick from the party!
helenathesecond: nakaprivate account si girl. hindi ko makita ang mukha! lol
Halos maubos ang oras ko kakabasa sa mga comments na nakita ko sa bagong upload niyang litrato. Kinakabahan nga ako. Some are already tagging Shantel in the photo. Mukhang wala naman iyon kay Philodemus. If anything, he looks rather amused by what is happening. Sinimangutan ko siya.
Muntik ko nang mabitawan ang phone niya nang may mag-pop up ulit na notification.
Instagram:
shantel_roman commented: "<3"
Abot-abot ang tahip ng puso ko sa nakita. I clicked on it. Pinagmasdan ko ang simbolo. Isang less than sign tsaka number three. But it is commonly recognized as a heart sign.
Heart sign? Bakit heart sign?
Hindi na tuloy ako mapakali. Napansin ata yun ni Philodemus. He stretched his legs and then gripped my thighs again, demanding for attention. Nilingon ko siya.
"Don't let it bother you," he said gruffly.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Oo nga naman, Stormie. Kung magpapadala ka dito, ito lang ang iisipin mo buong araw. Masisira pa ang araw na inilaan mo para lang sana kay Philodemus.
I sighed. I went to his inbox and my eyes widened when I saw that he is being flooded with messages from other girls. Isa-isa ko itong chineck. Wala man lang siyang nireplayan. May iba pa nga na nag-dm ulit dahil tuwang-tuwa na sa wakas ay na-seen na ang message nila.
Napailing nalang ako. He let me browse his account. I soon got tired of reading DM's from other girls. I locked his phone and then place it back on the coffee table. We stayed in our position for a long time. Nakatulog na ata si Philodemus. With the song playing in the background and the peaceful surroundings, I soon drifted to sleep as well.
Sa hindi malamang dahilan ay medyo namamalat ang aking lalamunan nang magising ako. I sat up groggily and noticed that I could no longer feel the warmth of his back. Nang igala ko ang paningin ay napagtanto kong nasa kwarto niya na pala ako.
I smiled. My third time being in his room.
Awtomatikong lumipad ang paningin ko sa transparent glass sa kaniyang kwarto, kung saan namamahay si Genos. My brows shot up when I noticed another transparent glass. Iwinakli ko ang kumot na bumabalot sa aking katawan at naglakad patungo sa alaga niyang ahas.
My lips parted in awe when I saw a silver wraith ball python hissing and crawling inside of her cage. It is far by the most beautiful snake I have ever seen. Her silver scales produce pastel ghosted colors that changes every time the sun hits her body. The snake's movements are slow and precise. She hissed at me and even yawned, allowing me to have a glimpse of her white fangs and sharp tongue.
"Like what you're seeing?"
Napalingon ako sa biglang nagsalita. Philodemus emerged from the bathroom, wearing nothing but his black boardwalk shorts. Pinapatuyo niya ang basang buhok gamit ang isang puting tuwalya. Agad na akong nag-iwas ng tingin bago ko pa maisipang sambahin ang katawan niya. Mahirap na.
"Y-Yeah... she's really pretty."
"You bet I am. Want to touch her?" mas lalo pang lumapit sa akin si Philodemus at nataranta ako nang buksan niya ang transparent glass!
"No! It's okay! I'm good... I'm good..." ninenerbyos kong wika.
He chuckled. Buti nalang at hindi niya nilabas ang ahas. Mahihimatay siguro ako. I still couldn't forget my epic encounter with Genos. Akala ko yun na talaga ang katapusan ko. I glanced at the matte black snake on the other glass and saw him curled up, sleeping peacefully in his den.
"You have a strange taste for... pets." ani ko nang hinila na niya ako palabas sa kaniyang kwarto.
"Well, yeah. I've always liked them. It was until I was 18 and finally moved out of the house that my parents allowed me to have one."
Parents.
Inipit ko ang pang-ibabang labi ng ngipin at pilit na nilunok ang tanong na gusto kong ipahayag sa kaniya. Where are his parents? If they have really been slayed, then he must be referring to his foster parents, right?
Gusto kong itanong iyon pero natatakot ako. Maybe it's too personal and he doesn't want to talk about it? Noong sinabi niya iyon sa akin, nakainom pa kaming dalawa. And Philodemus is a very private person. Baka mairita lang siya kung tanong ako nang tanong.
Papalubog na ang araw nang lumabas kami. Philodemus has already marinated the meat while I was sleeping. Itinusok niya sa barbeque stick ang maliliit na hiwa ng mga karne at tumulong naman ako. I guess it's too much for the two of us. Hinayaan ko nalang siyang magluto ng marami. When I checked his fridge earlier, wala iyong ibang laman kundi mga inumin. I guess it would be good for him so he'll have something to eat later on.
Gandang-ganda pa rin ako sa kulay kahel na kalangitan habang magara namang naglalaho ang araw sa ilalim ng dagat. The fresh salty air made the scene more romantic. Seryoso ang mukha ni Philodemus habang nagsusugba ng mga barbeque. I went inside the house and grabbed the drinks. Nang makalabas ako ay may iilang luto na sa pinggan.
"Bakit nga pala hindi mo sinasagutan ang mga DM ng mga tao sa iyo sa Instagram account mo?" tanong ko sa kaniya.
He glanced at me for a bit before returning his gaze to the barbeques in front of him. The corners of his lips twitched. "Why would I answer them?"
"Because... it's rude." Ngumuso ako. "It's rude to keep them waiting. Yung iba, sineseen mo pa!"
He chuckled. "Huwag na. Baka may isang magselos diyan..." makahulugan niyang sinabi.
Pumula ang pisngi ko sa sinabi niya. I bit my lower lips and turned away. Para maabala ang sarili ko'y kinuha ko nalang ang cellphone at nagulat sa dami ng mga follow requests sa aking account. I checked their profiles and found out that they are Philodemus' followers.
So, they're really curious, huh?
I ignored all the requests. Philodemus and I peacefully ate our barbeque near the shore as the last streaks of sun disappeared in the horizon. Hindi ako uminom nang marami dahil natatakot akong malasing ulit at baka kung ano pang magawa ko.
After spending some time in the beach, I got weary and we went inside. Philodemus helped me with my homework until I received a text from Shantel na hinahanap na daw ako sa bahay.
"I should go," I told him. Mag-aalas syete na ng gabi.
He nodded his head. Tatayo na sana ako nang hinila niya ako pabalik sa kaniya.
"What-"
"Leaving without giving me a kiss, huh?" he whispered in my ears. Napangisi ako. I pressed my lips against his, making him smile.
He tasted of mint and meat and beer. I sighed.
"Let's go..." he whispered, helping me to my feet.
Gaya nang nakasanayan ay inihatid ako ni Philodemus sa amin pero sa gate nalang ako bumaba. I waved at him and thanked him for the wonderful day. Nang makarating ako sa mansion namin ay kaagad akong umakyat sa taas at ini-open ang aking Macbook.
I created a playlist using the songs he picked for me in my Spotify. Napangisi ako. Nakahiga lang ako sa kama habang isa-isang pinakikinggan ang mga kanta. Minsan ay sini-search ko pa ang lyrics.
Hindi matanggal ang ngisi ko sa mukha nang may kumatok na kasambahay sa aking kwarto at sinabihan akong maghahapunan na daw. I nodded my head and hopped out of the bed.
I froze on my way out, when I caught a glimpse of myself in the mirror. I stared at my neck, my heart racing.
No... it's not the hickey I just noticed until now.
It's my necklace. It's gone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top