Chapter 12

Chapter 12


"Roman, pangatlong absent mo na 'to sa graduation practices natin," hinarang ako ni Allen at medyo pinaningkitan ng mga mata. "Anong balak mo?"

I shrugged. "I know the drill, Allen."

"Know the drill?" nagtaas siya ng kilay sa akin. "Eh hindi mo pa nga ata memorize ang graduation song natin eh!"

Sinimangutan ko siya. I heard someone from the back murmured.

"Ang yabang. Palibhasa salutatorian siya."

Numipis ang labi ko. Lumingon ako sa likod pero hindi ko na matukoy kung sino ang nagsalita.

When the list of honor students were announced, bahagya pa akong nagulat nang malamang ako ang salutatorian. I thought it would be Allen. Or someone better in our class. Masyadong mababa ang mga extra-curricular ko kasi hindi ako sumasali sa kung anu-ano. Jack, of course, is our batch's valedictorian.

"Aattend nalang ako mamaya," ani ko at nilagpasan na si Allen. Zechariah is sick today. Hindi siya nakapasok. I could only pray that her mother bothered to take care of her sick daughter right now. Madalas pa naman kapag nagkakasakit si Zechariah, siya lang mag-isa ang nag-aalaga sa sarili niya.

"May nakakita sa inyo sa likod ng gym."

Tumigil ako sa paglalakad nang muling magsalita si Allen. Nilingon ko siya, bahagyang nangungunot ang noo.

He adjusted his black-rimmed glasses on the bridge of his nose. Seryoso niya akong tinitigan.

"Naghahalikan kayo nung si Treveron sa likod ng gym."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lumingon-lingon pa ako dahil baka may nakarinig sa kaniya.

"Anong nangyayari, Stormie? Pumapatol ka pala sa mas nakakatanda sa iyo?"

"Why is it suddenly your business?" I said cattily, though I am very nervous right now that someone might hear it and spread the word.

Natahimik si Allen. Mukhang napahiya.

"I-I'm just concerned, Stormie. Elton Treveron is known as a notorious fuckboy. You could be his next victim."

"Even so..." I said in a low voice. "What do you care?"

Allen sighed. Napailing siya sa sinabi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya ng ilang segundo bago napagdesisyunang tapos na ang usapang ito.

"Mark me as absent. Gusto ko na palang umuwi." Mahina pa rin ang boses kong wika. Diretso na kaagad ang lakad ko palabas ng classroom at hindi na lumingon pa. Good thing he didn't try to stop me. Hinayaan niya nalang akong umalis.

Masamang balita ang bumungad sa akin nang makauwi kaming dalawa ni Shantel sa mansion. Isinugod daw si Abuela kanina sa hospital dahil inatake ito ng highblood. Sobrang nag-aalala ako para sa kaniya.

"We will visit your Abuela tomorrow evening." Ani Dad sa hapag. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Si mommy naman ay tahimik lang na kumakain. "Don't worry, girls. She'll be fine."

I was about to open my mouth and speak but Shantel beat me to it.

"Dad, sa March 25 ang graduation day namin, ah?"

"March 25?" kumunot ang noo ni Dad. "Akala ko bas a 26 ang sa inyo?"

"Na-move po eh." Sagot naman ng kakambal ko.

"Paano yan? Sabay pala kayo ng graduation day ni Stormie."

Nagkatinginan kaming dalawa. Sinapo ni Dad ang kaniyang sentido.

"I'll have your mother attend to your graduation. Ako naman kay Stormie."

"Joachim!" mom quickly protested. "Alam mo namang may media doon sa graduation ni Shantel. You have to be there for publicity! Just send one of the housemaids to attend Stormie's graduation day..."

Hindi ako nakaimik. Maging si Dad ay natahimik ng ilang segundo.

"Tsaka, salutatorian lang naman yang si Stormie. Shantel here is the valedictorian of their batch. We should be both seen at her graduation!"

Napatingin si Dad sa akin, nangungusap ang mga mata. I smiled tightly at him, kahit pa nagsisimula na namang humapdi ang dibdib ko.

"Ayos lang po, Daddy. Kay Shantel nalang po kayo um-attend," pagak ang boses kong wika sa kaniya.

Nang matapos kumain ay pagod akong umakyat sa kwarto ko. I eyed the box of Macbook that I haven't even bothered to open. Ilang linggo na itong nakatambay sa aking desk. Sighing to myself, I dragged and pulled a chair in front of it.

Ini-on ko ang device. I set up my new Macbook and was glad to find out that MS office had already been installed. Pero nang i-open ko iyon ay nakaramdam ako ng matinding pamimigat ng dibdib.

I stared at the blank space, not knowing what to write. Before, I was really eager to write. It's all I look forward every time I came home from school. But now, I can't even think of a word to write.

Ilang minuto rin akong nag-iisip ng dapat na isulat pero wala talang pumapasok sa isipan ko. inatake ng kaba ang dibdib ko at bahagya akong nagpanic. I haven't experienced writer's block before and I don't know what to do about it.

I tried to write a sentence but it seems so dull. In-erase ko din ito. I stood up and went out of my room, prepared myself a glass of milk and then went inside, hoping that it would help me get back on track.

But still, nothing happened.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Why can't I write? Damn it! I don't know where to start anymore. I am beginning to question myself if I had really been a writer in the first place.

Sa huli ay bigo akong natulog na wala man lang naisusulat. When everything fails in my life like just right now, I resort myself to sleep. Ni hindi ko nga sinagot ang tawag ni Philodemus. Natulog ako sa gabing iyon na mabigat ang dibdib.

Ganun na nga ang nangyari. The following weeks were spent with our graduation practices. Palaging pina-practice ni Shantel ang kaniyang graduation speech sa bahay. Mommy and her amigas praised her for her wit. Abuela was discharged a week later from the hospital, but she still seemed so ill. Binawalan siya ng doktor na ma-stress kaya halos buong araw ay nananatili lang siya sa loob ng kaniyang kwarto.

"Don't worry, Stormie... as soon as we're done in my graduation, didiretso kaagad kami sa school mo..." ani Shantel. Nginitian niya ako pero hindi ko magawang ngumiti sa kaniya. Both of our ceremonies would take place on the same time! Impossibleng maabutan pa nila ako.

Busy din si Philodemus sa pag-aasikaso niya sa kaniyang finals. He calls and texts me every now and then. Pero hindi na ganun kadalas. Nawalan na din siya ng oras para tumambay sa likod ng gym lalo pa ngayong sinisimulan na ang pagpapataas ng barikada.

Wala akong gana habang inaayusan pagsapit ng graduation day namin. Parang gusto ko nalang matulog ngayong araw na ito. Mabigat pa rin ang loob ko.

Tahimik lang ang hinire ni mommy na stylist sa pag-aayos sa akin. May handaan mamaya sa bahay para icelebrate ang graduation naming dalawa ni Shantel kaya medyo busy na rin. When the stylist was done with my hair and make-up, I wore my school uniform. This is going to be the last time that I'm going to wear it.

Bumaba ako at nakitang sa grand parlor namin ay kinukunan ng litrato sina mommy, dad, at si Shantel naman sa gitna. Natigilan ako. They looked like a perfect family. Kahit pa burahin ako sa litrato ay hindi iyon maaapektuhan. Para sa mga tao ay sila ang mukha ng mga Roman. Walang Stormie Iona Roman sa picture.

Hindi ako gumalaw sa hagdanan at hinayaan silang matapos bago ako tuluyang bumaba. Mom dressed one of our housemaids, si Ate Yna. Dalagang ina siya at ang pamilya namin ang nagpapa-aral sa anak niyang kakatungtong pa lamang ng kindergarten ngayon. She smiled at me when she saw me.

"Ang ganda-ganda mo, Stormie..." she stroked my hair when I neared her. Tipid lang na ngiti ang isinagot ko sa kaniya at nauna na ako sa sasakyan.

Lulan si Shantel at ang mga magulang ko ng isa pa naming sasakyan. Kaya naman nang makasakay na ako at si Ate Yna ay tumulak na ang driver namin. Tahimik lang ako sa backseat at nakatitig sa blangkong screen ng aking cellphone.

When we arrived, Zechariah greeted me with a hug. She looks great in her makeup today and her hair in a high ponytail. Nagpalinga-linga siya sa likod at bahagyang kumunot ang noo.

"Bakit wala yung ermat at erpat mo?" tanong niya sa akin.

I shrugged. Mula sa di kalayuan ay nakita ko ang nanay niyang nakapayong at naglalakad patungo sa amin. Nakabusangot ang mukha nito at mukhang naiinitan na. Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko.

Even Zechariah had her own mom to attend her graduation. Samantalang ako ay pinadalhan lang ng isa sa mga kasambahay namin.

Bago pa mapansin ni Zec ang namumuong luha sa mga mata ko ay nagtungo na ako sa designated seat namin. Katabi ko si Jack at ang kaniyang lola. He smiled at me and then directed his gaze to the stage. Nagsimula ang ceremony. Jack gave his graduation speech. Tinawag ang mga honor students pagkatapos ay isa-isa nang tinanggap ng mga estyudante ang kanilang diploma.

After receiving the diplomas, we sang our graduation song. Tama nga si Allen at hindi ko iyon memorize. Nakikinig lang ako habang kumakanta sila. Allen threw me a gaze. First honorable mention siya kaya nasa likod namin siya ni Jack nakaupo.

Nag-iwas lang ako ng tingin. Pagkatapos ng ceremony ay kaagad kong hinanap si Zec.

"Woo! At last! Makakaalis na din tayo sa eskwelahang ito!" pagbubunyi ni Zechariah nang mamataan ko siya. "Teka lang, picture tayo, Stormie!"

Nagrereklamo pa ang nanay niya nang kunan kaming dalawa ng litrato pero nakangisi lang si Zec at mahigpit ang hawak sa amin.

"Tara na doon sa nagtitinda ng halo-halo at sobrang init dito, Zechariah!" her mother scolded her.

Zec grinned as she examined the pictures with a satisfied look on her face. Then she tugged my arms. "Tara. Sama ka sa amin?"

I nodded my head. Bago ako sumama sa kanila ay nagpaalam muna ako kay Ate Yna.

"Mauna nalang po kayo sa mansion. Magc-commute nalang po ako pauwi. Samahan ko lang po si Zechariah..."

Nag-aalangan pa si Ate Yna pero sa huli'y um-oo din ito. I waved goodbye and went to find Zechariah and her mom again. Kahit pa nagbabangayan silang dalawa ay nakikita ko namang mahal talaga ng mama niya si Zec, bagay na labis kong kinaiinggitan.

"Ako na po ang magbabayad sa akin..." nahihiya kong sabi nang um-order ng tatlo ang mama niya nang makaupo na kami.

"Ay naku! Ayos lang, no. Paminsan-minsan lang din naman 'to. Asan nga pala yung mga magualng mo?"

Bahagyang siniko ni Zechariah ang kaniyang ina at pinandilatan ng mga mata. "Mama! Alam mo namang..."

She studied me before her eyes widened in realization. "Anak ka nga pala ng gobernador! Naku, hija... pasensiya na, nakalimutan ko."

Napailing nalang si Zechariah. Tipid akong ngumiti.

"Ayos lang po, Tita."

"Naku! Gusto ko yang Tita-Tita mo, ha! Nagtutunog mayaman!" humalakhak ulit ang kaniyang ina. Natawa ako.

"Mama! Nakakahiya ka..." Zechariah said but she is grinning.

Dapat ay maging masaya ako dahil kahit papaano, dinamayan naman ako ni Zechariah at ng mama niya. Pero imbes na matuwa ay mas lalong nanuot ang sakit sa dibdib ko. if I could trade my life for a life that is as simple as theirs, I would've been glad. Siguro ay hindi ko na mararanasan ang ganitong sakit. I may not be able to have the newest designer bags, shoes, and expensive gadgets, but at least I am in a loving family.

Some would say that I am lucky to be the governor's daughter. But I beg to disagree. I am not.

Habang kinakain namin ang halo-halo na in-order ng mama ni Zec ay tumunog ang phone ko. I pulled it out from the pocket of my uniform and saw a text from Philodemus.

Philodemus:

Where are you?

Napalingon tuloy ako sa gate ng college. Marami ring tao sa kanila dahil ang alam ko'y nags-submit na sila ng mga requirements at ang iba nama'y inaayos ang kanilang mga grado upang makapasa sa major subjects. Sumubo muna ako ng isa pang kutsara ng panghimagas at nagtipa ng sagot sa kaniya.

Stormie:

Sa halo-halo store sa tapat ng school.

Habang nagkukuwentuhan ay nakarinig ako ng busina sa tapat. Napalingon kaming tatlo. His red Toyota pulled out in front of the store. Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan sa driver's seat. Philodemus gracefully climbed out of his car, looking really good in his black leather jacket and denim jeans.

Ngumisi kaagad si Zechariah pagkakita sa kaniya, saka ibinaling ang tingin sa akin.

"Kaya naman pala hindi dinala ang mga magulang..." she teased me. "Magd-date kayo, 'no?"

Namula ang mga pisngi ko sa hiya, lalo pa nang inasar-asar din ako ng mama ni Zechariah.

"Hindi po, Tita. Friends lang po kami." Giit ko.

Philodemus walked inside the store. Tapos prente nitong inokupa ang space sa tabi ko. Mas lalo pa akong pinamulahan sa hiya.

"Pogi, sabi nitong si Stormie eh magkaibigan lang daw kayo..." sabay hagikhik ng mama ni Zec.

"Friends?" nag-angat ng kilay sa akin si Philodemus. Halos hindi na ako makatingin sa kaniya. Muntik pa akong mahulog sa kahoy na upuan nang inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko at bumulong. "But friends don't kiss like that, Shortie..." his voice came husky and sensual.

Kinilabutan ako at kinabahan dahil mukhang narinig ata yun nina Zechariah. Nasa harapan lang namin sila!

Tumawa ang mama ni Zechariah sa naging reaksiyon ko. Tapos binalingan ang anak at hinampas ito sa balikat.

"Kailan ka ba magb-boyfriend, ha? Yung dapat kasinggwapo nitong si Pogi kundi itatakwil talaga kita!"

"Mama naman..." umirap si Zechariah pero natatawa na rin ito. Tapos ay binalingan niya si Philodemus na pinaglalaruan ang susi ng kaniyang sasakyan gamit ang mga daliri. "May pupuntahan kayo, Elton?"

"Yes."

"May pupuntahan tayo?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Meron nga." He smirked at me. "Take your time. Dala ko rin naman ang kotse ko."

Nagtataka ako kung saan na naman niya ako balak dalhin. Nevertheless, I continued eating my halo-halo as Zechariah and her mom bickered with each other. Maging si Philodemus ay nakikisali na rin sa biruan. Ako lang ata ang tahimik sa lamesa namin. I wonder if that's the reason why I easily bore someone? Because I'm just too shy to create a sensible conversation or it's just that, I cannot impress them with my words?

Lumilipad ang utak ko hanggang sa matapos kaming kumain. Zec and her mother agreed to go home already. Wala naman daw silang pera para mamasyal. Nahihiya din naman akong abutan ng pera si Zec at alam kong hindi niya iyon tatanggapin.

Philodemus pulled himself up. He even offered them a ride pero tumanggi na silang dalawa.

"Diyan lang naman ang bahay namin, ayos lang, Pogi. Pakasaya kayo ni Stormie, ah?" makahulugang wika ng nanay ni Zec.

My cheeks burned again. Tawa lang ang isinagot ni Philodemus sa kanila. Then he opened the car door for me. As soon as I got inside, hinubad ko ang toga na suot. Tiniklop ko ito at inilapag sa aking hita saka ko inayos ang sariling seatbelt.

"Saan tayo?"

"There's a party at my house. For the finals." He said as he started the engine.

"Party ulit?"

He grinned. "Once you reach college, you will realize that parties and alcohol are integral part of your survival. Loosen up a bit, Shortie. It's your graduation day."

Mas lalo pa ata akong nalungkot nang mapaalalahanan niya ako sa nangyari ngayong araw. Isang tipid lang na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at isinandal ang likod sa backrest. Nakatunghay lang ako sa bintana at tahimik na nanunuod sa dinaraanan namin hanggang sa makarating kami sa kaniyang bahay.

May mga tao na doon. I spotted two guys carrying an outdoor griddle station inside the house. Ipinarada ni Philodemus ang kaniyang sasakyan at lumabas. Sumunod na din ako, dala-dala pa rin ang aking toga.

Binati siya ng ilang mga kasama. Ang iba sa kanila'y nagsisimula nang mag-inuman sa kusina. Tahimik lang akong nakasunod at nagulat nang biglang huminto si Philodemus. Pinasadahan niya ng suot ko.

"Don't you have extra shirts? Or dress?"

Umiling ako at napatingin din sa uniporme ko. Nagkamot si Philodemus sa likod ng kaniyang batok bago niya ako iginiya sa loob ng kaniyang kwarto.

"D'yan ka muna. Maghahanap ako ng pwedeng ipahiram sa iyo," aniya.

Tumango ako at naupo sa kama niya. Nang maalala ko ang huling nakita ko dito ay tumayo din naman kaagad ako nang namumula ang pisngi. Unconsciously, my eyes drifted to the transparent glass cage where his pet snake, Genos, is situated.

Mukha itong natutulog. He's wrapped silently and remained unmoving at the bottom of the cage. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako kung gaano na ito kalaki. Dumako ang tingin ko kay Philodemus na nakaharap sa kaniyang closet. He pulled out a drawer and then pulled something. Saglit niya akong nilingon bago niya ibinalik ang tingin sa ginagawa.

After a while, nilapitan niya ako dala-dala ang isang jersey shorts at puting t-shirt. Ibinigay niya ito sa akin.

"Magbihis ka muna. I'll be outside."

Tumango ako at hinintay muna na makalabas siya bago gumalaw. The door clicked. Inilapag ko ang toga sa kama niya at isa-isang tinanggal ang butones ng uniporme ko. Hinubad ko din ang suot na palda bago kinuha ang ibinigay niyang damit sa akin.

The shirt is twice bigger than my actual size. So is the shorts. Itinali ko nalang ito upang magkasya sa akin. Ganun din ang t-shirt. Awkward itong tingnan sa maliit kong katawan. I shrugged. It's not as if I am dressing for someone tonight.

Nang lumabas ako ay nakita ko si Philodemus na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya, may hawak na maliit na bote ng beer sa isang kamay. He glanced at my direction and then smirked, before taking a swig of his beer.

"Tara sa taas?"

I nodded and then followed him upstairs. Kakaunti pa lang ang tao dahil papalubog pa lang naman ang araw. May nagsusugba ulit ng karne. I turned to him.

"Pwede akong tumulong? Hindi ko susunugin ang karne, promise."

Philodemus chuckled and then shook his head. He tugged my right arm. "No, Shortie. Hayaan mo na sila diyan. Are you really going to spend the night grilling and flipping meat?"

Bahagya akong ngumuso. Dumako ang tingin ko sa succulent plant na ibinigay ko sa kaniya at napangiti. It seems to me that he's really taking care of it. It is the only plant that he has in his house. Sobrang liit pa. Napangiti ako.

Dumako ang tingin ko sa infinity pool sa di kalayuan. Kumunot ang noo nang mapansin ito sa unang pagkakataon. Mukhang doon ata kami patungo.

"Philodemus?"

"Hmm?" nilingon niya ako. Seryoso na ang mukha niya. Umiling kaagad ako.

"Nothing..."

Inilapag niya ang bote ng kaniyang beer at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko nang maupo siya. The view of La Union's sunset here is amazing. Naupo din ako sa tabi niya. Mayamaya pa ay narinig kong may nagpatugtog ng Yellow by Coldplay.

"Sinasaktan ka ng mommy mo?" he asked out of the blue.

Nagulat ako sa tanong niya at napatingin sa kaniya. I opened my mouth to speak but I couldn't. He glanced at me before he grabbed his bottle of beer and emptied its content in just one gulp.

"Shortie...?"

Umiling ako.

"Bullshit."

Marahas niyang ibinagsak ang bote sa semento, dahilan upang mapaigtad ako sa gulat. Umigting ang panga niyang nakatingin sa akin.

"H-Hindi naman talaga niya ako sinasaktan..." maliit ang boses kong wika, napipiyok pa.

"Well, she better not. She will never like it when I'm mad." He said in controlled anger.

Nanuot ulit ang hapdi sa dibdib ko at uminit ang sulok ng mga mata. So this is the feeling of being taken care of, huh? Ang sarap pala sa pakiramdam. If I grow up feeling this kind of love, do you think I'll end up into the darkest parts of my mind where I just want to kill myself?

"And by the way, Shortie..."

"Huh?"

Medyo napaatras ako nang ilapit niya ang katawan sa akin at itinukod ang kamay sa bandang likuran ko. Sobrang lapit ng mukha niya na nakarinig pa ako ng hiyawan mula sa mga kaibigan niya sa loob.

"We're not friends..." he whispered huskily, his beer-scented breath mixing with mine. Sobrang bilis na ng pintig ng puso ko at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. "I don't kiss my friends, Shortie. I don't do this to my friends..."

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Itutulak ko sana siya palayo pero hinawakan niya kaagad ang kamay ko. His light and feathery kisses is making me dizzy. I shivered when I felt his hot tongue running across the delicate part of my neck.

He did it several times that I almost couldn't catch my breath. Ni wala na akong pakialam sa nakakakita sa amin. When he pulled away, he stared at me darkly.

"I've already licked it... so it's mine." Came his rough voice, tingling my ears. Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya nang hawakan niya ang beywang ko.

Inihulog ni Philodemus ang mga katawan namin sa tubig. I panicked when our bodies hit the water but his grip on my waist remained. His image underwater is hazy but I felt his hands cupping my face and then pressing his lips against mine.

I gasped and opened my mouth. Philodemus and I shared oxygen underwater, letting me breathe. Nanatili kami sa ilalim, walang gumagalaw at nagpapalitan lamang ng init ng hininga sa kabila ng malamig na tubig.

Instinctively, I wrapped my legs on his hips and pulled him closer. I felt him pulling the two of us to the surface. When our heads are now above the water, he grinned wickedly at me.

I could get used to the view of his wet hair sticking to his forehead in a sensual way as the sun sank beyond the horizon. Gumalaw si Philodemus at inilapat ang likod ko sa malamig na marmol. He kissed my lips again.

"See?" came another kiss. Gigil niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko. "We're not friends..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top