Kapitulo Deisiocho

Almost there...

Lia's

"Hmmm... Lemuel... ahmmm."

Pigil na pigil ang mga sounds na lumalabas sa bibig ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko dahil parang hindi ko mapipigilan sa Lemuel sa gusto niyang gawin sa umagang ito. Ayos lang naman kung kaming dalawa lang at kung nasa bahay kami, but we're now staying at R3's condo unit and he's just outside the room, in the sofa. Siya na nga ang nagparaya kagabi. We arrived so late last night and Lemuel was so tired. Sabi niya, magpapahinga lang daw kami sa bahay ni R3. R3, on the other hand, accepted us with warm smile and tight hugs, pero hindi nagtagal ang pag – hug niya sa akin kasi literal na itinulak siya ni Lemuel para lumayo sa akin. Kunot na kunot pa ang noo niya.

"UHMMM..." Ayoko man ay kusang pumalupot ang mga braso ko sa katawan niya. He's so... "Wait, Lemuel, nasa labas si R3." Bulong ko sa kanya. Lemuel stopped kissing my neck and looked at me. He was pouting. Parang batang hindi nabigyan ng candy.

"Ano naman kung nasa labas si R3?"

"Mahiya naman tayo sa kanya."

Sakto namang nakarinig kaming dalawa ng katok sa pinto. Si R3 na talaga iyon. Natatawang hinampas ko ang likod ni Lemuel, siya naman ay napapailing.

"Please tell me you two are just sleeping and that I don't need to buy a new bed." He sounded so desperate. Nauwi na lang kaming dalawa ni Lemuel sa pagtawa. He kissed my forehead again and then he finally stood up. Tumingin muna siya sa akin para masigurong ready na ako at maayos na ang hitsura ko bago niya binuksan ang pinto. Doon nakita namin si R3 na nakatakip ang mga mata habang nakasandal sa may pader na malapit sa pinto ng silid niya.

"Napaka – oa mo, R3." Sabi ni Lemuel sa kanya.

"Are you decent?"

"As if naman." Inis na wika ni Lemuel. Tawa naman ako nang tawa sa kanilang dalawa. I was shaking my head. I must thank R3 for letting us stay here last night. Sobrang pagod lang kasi talaga ni Lemuel kagabi kaya noong makita kong papikit – pikit na siya ay sinabihan ko munang magpahinga siya. Halos isang oras pa kasi ang ida-drive niya kung nagpatuloy pa kami. Ang akala ko talaga ay makakauwi kami but he fell asleep on the sofa and R3 – maybe wala lang siyang choice, sinabi niyang dito na lang kami magpahinga.

"Are you two hungry?" I asked. Hindi ko na hinintay na sumagot silang dalawa. "Of course you are. Magluluto ako. Mag-bonding muna kayong dalawa." Nauna na akong lumabas ng silid, pero naririnig ko pa rin silang dalawa.

"Ang libog mo rin ano, R3? Naka-display pa sa sala iyang mga vibrator mo."

"Gago! Anong vibrator?! Light stick iyan! Sira ulo ka ba?! H'wag mo akong itutulad sa'yo putang ina mo!"

Napahagikgik ako habang naririnig ko silang dalawa. Sanay naman akong nag-aasaran sila at alam ko namang hindi sila basta mapipikon sa isa't isa kaya hinayaan ko na lang. I got busy cooking our breakfast. I saw some pancake mix inside the cupboards, may bacon din sa ref ni Lemuel, lahat iyon ay niluto ko. I made some coffee and then I called the two of them, pero mukhang hundi naman nila ako naririnig kaya pinuntahan ko sila sa living area.

I found them standing in front of R3's light stick shelf. Si Lemuel ay nakasimangot tapos si R3 ay nakatitig sa asawa ko – ay boyfriend lang pala. Lemuel looked so cute standing there with such serious face. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na kaming dalawa, na hindi na namin kailangan magtago ng feelings sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala na malaya na akong ipakita sa lahat na siya ang mahal ko at lahat ng ito ay totoo. Mahal na mahal ko si Lemuel at ganoon din siya sa akin.

Kahapon nang dumating kami sa Nueva Ecija ay ganoon na lang ang kaba ko. Ang akala ko talaga ay hindi magkakasundo si Mama at si Mama Daisy lalo at nakapagsabi ako kay Mama ng agam – agam ko, but after greeting each other, naramdaman kong namatay na ang tension o kung anuman ang nasa pagitan ng lahat. Our families talked about what had transpired between us. Nagpalitan ang mga magulang namin ng kanya – kanyang opinyon, nakinig naman kaming dalawa. Wala naman kaming ibang magagawa kundi ang pakinggan silang lahat, they all want the best for us and I am thankful because no matter what we did, they have accepted the us.

All is well now. Ibinigay rin nila sa amin ang desisyon kung itutuloy namin ang annulment or we'll stay like this. Wala naman kaso sa akin kahit na ano, ang mahalaga sa akin ay magkasama kaming dalawa.

"Kakain na, ano bang ginagawa ninyong dalawa riyan?" They both looked at me. Si Lemuel ay agad na pumunta sa akin. He kissed my forehead and hugged me.

"I love you." Ang sarap naman noon. Gone were the days that I am holding myself back. Pwedeng – pwede ko nang sabihin kay Lemuel ang lahat ng nararamdaman ko. I looked dreamily in his eyes and gave him a peck on his cheek. Narinig naming nagbuntong – hininga si R3. He was shaking his head.

"Jusko naman, pasintabi sa mga tulad kong walang jowa."

"Walang jowa?" Tanong ni Lemuel. "Sabi mo nakabalik na si Cata?"

"Bumalik siya, pero hindi naman sa akin."

"Sino si Cata?" I looked at Lemuel. Naglalakad na kami papunta sa dining area. Lemuel pulled a chair for me. The whole time we're eating breakfast, inaasikaso ako ni Lemuel. Ngiting – ngiti naman ako pero si R3, talagang hindi maipinta ang mukha niya.

"Lia, dito ka muna kay R3. Pupunta muna ako sa office. I'll pick you up after I'm done, okay?"

"Bakit hindi ako pwede sa bahay?"

"I want to make sure that things are safe there. Ayokong may madatnan tayong reporters doon." He smiled at me again. Naintindihan ko naman siya. Ayoko rin ng reporters sa ngayon. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Kung noong mga nakaraang linggo mainit na mainit kami sa press, iyong tipong kahit anong gawin naming dalawa ay nagte-trend, ngayon, wala na sa amin ang atensyon ng mga tao. Someone else is in the news now – the wedding of the century; isang Consunji ang ikakasal and when this surname crosses the attention of the press, talagang sila lang ang laman ng social media at ng society news. Thankful na rin ako at hindi na kami ang hot topic ngayon – although may mga bashers pa rin. Sabi ng manager ko, halos lahat ng fans ko ay disappointed sa akin, masakit iyon, pero si Lemuel pa rin ang pipiliin ko no matter what happens.

Nang matapos kumain ay nag-ayos lang si Lemuel. He borrowed clothes from R3. Siyempre, inasikaso ko muna siya. Ang hirap magpaalam sa kanya kasi gusto ko pa siyang makasama, feeling ko kulang pa ang oras naming dalawa.

But he really needed to be at the office. Hinatid pa nga siya ni R3 sa may parking lot kaya naiwan ako sa unit. Naglipit muna ako habang ngingiti – ngiti. Kinikilig ako kay Lemuel. He's really so sweet.

Naisip kong gamitin ang araw na ito para puntahan si Atlanta at makipag – usap sa kanya. I want to apologize for every pain we have caused her, kakausapin ko na rin si Diego para naman magkaayos na silang dalawa. Lemuel and Diego were so close, at hindi ako papayag na masira lang silang dalawa dahil dito.

I was about to go to the room again to rest but I suddenly heard the doorbell rang. Naisip kong baka si R3 iyon, baka nakalimutan niya ang susi niya. I opened the door and I was greeted by a sight of a beautiful lady. She was looking at me with her eyes wide. Kahit na mukhang gulat na gulat siya ay maganda pa rin siya.

"Hi, hinahanap mo ba si R3?" She just nodded at me. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. "Bumaba lang siya sandali. Let's go, come in." I smiled at her. Mukhang ayaw niya pang pumasok pero sumunod rin siya sa akin. I told her to sit down. Hindi ko naman alam kung tutungo baa ko sa kwarto o tatabihan ko siya habang naghihintay, it's a good thing R3 came back. It wa evident that he was shocked upon seeing her. Iniwanan ko na silang dalawa. I went inside the room and decided to text Atlanta. I told her that I'll come to her. Hindi niya na-seen ang message ko pero decided na akong pumunta sa kanya kaya nagbihis na rin ako. Paglabas ko ay wala si R3 sa sala, maybe they went out, so I just texted him and Lemuel and told them both that I'll be at Atlanta's office.

I booked a grab driver. May kaba sa dibdib ko habang nagbabyahe papunta sa office ni Lanta. What if she doesn't want to talk to me? What if she hates me now? Masasagot lang ang mga tanong ko kapag kaharap ko na siya.

After fifteen minutes, I arrived in thee building. Lalong lumakas ang kaba ko dahil baka may reporters na nag-aabang doon. Madalas kasing magpunta sa agency ang mga artist ni Lanta, madalas ang ambush interview, mabuti na lang at nang bumaba ako ay walang ganoon. I bit my lower lip while walking on the hallway to enter the elevator. Maraming tao sa loob niyon at pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako. Mabuti na lamang at nasa second floor lang ang office ni Atlanta. Nakarating agad ako.

Her EA smiled at me, she stood up to escort me to her office. I found Atlanta sitting on her throne, as if already waiting for me. Napuno ng guilt ang puso ko.

"Hi..." Mahinang wika ko. Lanta smiled. She signaled me to sit down. May couch doon. I parked my butt there and waited for her. She stood up and sat beside me, agad kong kinuha ang kamay niya.

"Lanta, I'm so sorry." Buong sinserong wika ko sa kanya.

"Well... I'm so sorry too." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"What happened?" Hindi ko natiis na itanong. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Lia, the noon time show, they want you out..." Malumanay at malungkot na wika niya. Sumikdo naman ang puso ko. "Hindi nagustuhan ng management ng network ang eskandalo ninyo ni Lemuel at tumindi iyon nang magsalita siya sa press. I did everything, nagpaliwanag ako... pero, they have terminated the contract."

"Just tell me everything." Malungkot ang boses ko. Nalulungkot talaga ako, pero wala akong magagawa. Inihanda ko naman na ang sarili ko sa lahat ng posibleng mangyayari at isa na ito roon, kaya kahit masakit, hindi naman ako nagulat.

"The endorsements, they all pulled out. Walang natira kahit isa... ayaw raw nila ng negativity. I tried, Lia, God knows how hard I ---"

"I believe you, Lanta." I hushed her. "Noong nangyari sa amin ito ni Lemuel, inihanda ko na ang sarili ko sa mga bagay na maaaring mawala sa akin. Wala naman akong magagawa kung iyan ang desisyon ng lahat. Nagkamali kami ni Lemuel, we have to face the consequences of our actions. It's okay..."

"Hindi okay iyon! Pinaghirapan mo ang career mo!"

"We all know that! Ano ka ba? We need to move on. I am okay. I have my family, friends and Lemuel with me. Kayo lang ang nagma-matter sa buhay ko."

Atlanta looked so disappointed. She even hugged me. Pigil na pigil ang pag-iyak ako. Handa naman ako sa lahat ng ito, pero hindi ko lang talaga inasahan na masakit pa rin. I let my tears fall. I needed a good cry. I want to let it all out, and Atlanta was there to calm me down.

"Should I call him?" Tanong niya sa akin. I shook my head. "Okay, the just cry, girl. You need a good one." And that's exactly what I did. I cried for the things that I have lost. I cried because there are a lot of people who judged us without even hearing our side. We were wrong, we deceived people, but we truly love one another...

We love one another...

That sentence is enough to calm me down. Slowly, I calmed myself. Nang hindi na ako umiiyak ay lumayo ako kay Atlanta. She gave me tissue to wipe my tears and I did. I took a deep breath and smiled at her.

"We love each other. Lemuel and I, we love each other. What we have is real and I'd rather have that than all these things."

Tinapik – tapik ni Atlanta ang balikat ko.

"We're going to build your career again, Lia. I promise you that. Sa ngayon, magpahinga ka muna."

"Thank you..."

xxxx

"HI, baby."

Lemuel greeted me right after I entered his car. Wala pa rin siyang kasamang bodyguards, pero nagtagal siya sa office. I wanted to know what happened, kung talaga bang magre-resign na siya at bibitiwan na niya ang mayoral seat niya. I also wanted to tell him about my day, about my termination, but Lemuel looked so happy, and I didn't want to ruin the mood.

I gave him a smile.

"What happened?" Agad na kumunot ang noo niya. I realized na wala akong maitatago kay Lemuel. But I don't want to do this here.

"Can we just go home? Sa bahay natin, please."

"Okay..." The whole drive to our home, Lemuel was just holding my hand as if trying to reassure me all the time that it is gonna be okay. Sobrang laki ng pasasalamat ko nang makauwi kami sa bahay nang walang reporters sa labas. Inalalayan ako ni Lemuel pababa, magkahawak pa rin kaming dalawa ng kamay. Dumiretso kami agad sa silid kung saan kaming dalawa natutulog – not his room, not mine but the guest room.

We laid beside each other, I buried my face on his chest and let myself cry. He was only listening to my whimpers and sobs. I felt his hand caressing my shoulder, it does help, but still the pain is there.

"I lost my job..." Mahinang wika ko nang kalmado na ako. "I was ready for it. Ready naman ako sa lahat ng mangyayari, pero ang sakit din pala..."

"I'm so sorry, Love." He said to me.

"Please don't be." I told him. "We're in this right? Hindi moa ko iiwanan kahit hindi na ako sikat diba?" I sobbed like a little girl. Lemuel wiped my tears and then he chuckled a bit.

"Hinding – hindi kita iiwanan, Lia, kahit na anong mangyari. You're stuck with me. I will stick to you like glue. You'll never get rid of me."

I nodded at him. He gave me a peck on the lips. "What about you? Are you gonna resign?"

"No..." He answered me. Ramdam kong masaya siya, at masaya rin naman ako para sa kanya. "And now that you are unemployed, I need to work harder to take care of you." I could feel the tone of amusement in his voice. "You see, ako na ang bread winner."

"We'll I'm gonna pay for it." I played along.

"How?" He mused again.

"My vagina will pay for it." Nakangusong sagot ko. Ang lakas ng tawa ni Lemuel.

"Oh! Baby! We're supposed to be sad because of what happened to your job!"

"I'm just fifty per cent sad. I cried because I want to feel better. Kahit naman wala ang trabaho ko basta nandyan ka, masaya ako. Plus, I can still work. I have other skills, or maybe, I can use this time to finally get my degree. I'll study again."

"So, you'll study? Again? You'll wear a uniform?" Tumingin ako kay Lemuel.

"Oh you have a uniform kink?" He shrugged.

"Don't know, one thing is for sure, I have a Lia kink. You just breathe baby and I am all for it." Kinurot ko siya sa tagiliran kasi napakalandi niya. Tawa nang tawa si Lemuel kaya tumawa na rin ako.

Naniniwala akong magiging maaayos ang lahat.

After a while, we both fell silent, we are now facing each other, and Lemuel smiled. I feel like he wants to say something.

"Lia..."

"Hmm?"

"You know that I love you, right?" I smiled.

"I love you too."

He took my hand – the left one kung nasaan ang mga singsing ko.

"So, what do you say?"

"Hmm?"

"Let's get annulled?"

I could see the worriedness in his eyes, pero wala naman siyang dapat ikatakot. I cupped Lemuel's face and kissed the tip of his nose, pagkatapos ay inilagay ko sa kamay niya ang dalawang singsing na nakasuot sa daliri ko.

"Yes, Lemuel. Let's get annulled." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top