Kabanata 20
I sashayed towards Daddy's office. Si Hoax ay bahagyang nahuhuli sa aking paglalakad.
I immediately saw Dad's secretary on his post. His eyes darted at our direction. He rose up as he greeted us. Bumati naman ako pabalik at agad siyang nginitian. Hoax greeted back too, I just don't know if he smile, I bet he didn't. Though I saw him from the side of my eyes, nodded.
"Sir Alejandro and Madame Hestia's waiting for the both of you, Ma'am, Sir," Magalang na sambit nito na agad ko namang tinanguan.
Hoax opened the office's door for me. Nauna akong pumasok at na kasunod naman siya sa akin. Matapos isara ni Hoax ang pinto ay agad akong bumaling sa table ni Daddy.
Si Mommy ang nakita kong nakaupo sa swivel chair ni Dad na siyang unang nakakita sa amin. Daddy's standing at the back of the chair while facing the glass wall of his office.
Akmang tatayo si Mommy ngunit naunahan siya ng pagharap ni Daddy. My heart pounded when I saw his dark eyes immediately darted at Hoax. Diretso ang lakad niya sa aming direksyon.
"Dad," I called as my eyes widened when he ignored me.
Napatayo na rin si Mommy at agad na sumunod kay Daddy. Akmang hahawakan ko siya nang tumapat siya sa akin ngunit agad niya akong nalagpasan at dumiretso kay Hoax.
"Dad!" I shrieked when he punched Hoax. He may be in his early fifties but I know Dad's punch is still as hard as rock. Hindi pa nakakabawi si Hoax nang agad siyang kinuwelyuhan ni Dad. Ngayon ko lang napansin na magkasing tangkad sila ni Hoax, or maybe he's an inch taller than Dad.
"Alejandro," Mommy warned but it seems like Dad didn't hear anything. She's now beside Daddy while holding his arm, trying to calm him.
Si Hoax naman ay hinahayaan lang si Dad sa ginagawa. Lumapit na ako sa kanila at sinubukan ding pigilan si Daddy.
"Dad-"
"Are you two divorced?" Dad drew a deep, harsh breath. His eyes darkened at Hoax.
"Dad, no-"
"Alejand-"
"Why?" He spat, cutting our words. "Because you cheated on my daughter? Ginago mo ang anak ko?"
"Sir-" Naputol ang sasabihin ni Hoax nang muli siyang suntukin ni Daddy. Agad namang kinuha ni Mommy ang pagkakataon para pigilan si Dad at mailayo kay Hoax.
"Alejandro, will you calm down?"
"Dad!" Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi magtaas ng boses. His chest's heaving. "Dad, we'll fix this."
"I won't cheat on Astrid, Sir. I respect you and Madame, as well as my wife," Marahang sambit ni Hoax. I remember something after Hoax said the word 'wife'."
"We're still married, Dad." I bit my lower lip.
Kumunot ang noo ni Dad, hindi pinansin ang sinabi ni Hoax. "You mean Clyde's fucking with me again?"
Napamaang ako sa sinabi niya. "A-anong sabi ni Kuya?"
"Don't call him Kuya, he's not your brother!"
"Alejandro!" Mommy shouted.
Napailing na lamang ako kay Daddy. Here we go again with Dad and Clyde's issue.
"Anong sinabi ni Kuya?" Paguulit ko.
"Clyde told us you filed a divorce because Hoax cheated." It was Mom who answered.
"I-" Tumikhim ako bago nagpatuloy. "There was a misunderstanding. Iyon ang alam ni Kuya, kaya 'yon ang nasabi sa inyo," I even looked into Mommy's eyes.
"You mean, this man," Inilahad ni Dad ang palad sa gawi ni Hoax at nagpatuloy. "Didn't cheat? And you two were okay?"
"We have-"
"We're okay, Mom, Dad," I cutted Hoax's words.
Seems like they believed my words. Matapos ang nangyari ay agad kaming nagpaalam para puntahan ang lamay ni Dasher. I frowned when I saw we're driving towards a different way.
"The funeral house is near our penthouse," Sambit ko.
I saw him glanced at me. Nahuli ko ang multong ngiti sa kanyang mga labi. I raised my brow up on him. He licked his lower lip as I realized what I've said. "I-I mean," I cleared my throat when I stammered. "Your penthouse, I mean."
Bahagya siyang tumango, naroon pa rin ang multo ng ngiti sa kanyang mga labi. "Hmm," Tumikhim siya bago tuluyang sumeryoso. "Someone bombed the funeral house. Nagkapalitan din ng putok ng baril."
I blinked as my lips parted. What the hell? Kunot noo ko ko siyang binalingan at pinanliitan ng mga mata.
"We didn't do it. Hindi Devaughne ang may gawa noon," Sambit niya na para bang nabasa ang aking iniisip.
I shifted on my seat. "Who?"
"Rozelli."
I muttered a soft curse. Naiyukom ko ang aking mga palad at napabuntong hininga. I gritted my teeth as I tried to calm myself.
"May ginawa ba si Creed? or Archer?" I attentively asked, hoping for him to answer yes. Hindi pwedeng wala!
"I don't know but Senator Rozelli's mansion blew up. Even the headquarters of Rozelli, ganoon din ang nangyari. His illegal businesses were exposed on media. No one knew who did that, malinis ang pagkakagawa," Napangisi ako at napatango dahil sa mahabang lintanya niya. Hindi man nakumpirma ay may hinala ako na ang Cosmos nga and may gawa noon. Hindi hahayaan ni Archer at Creed na palampasin ang nangyari.
"They did it, I'm sure of that." May bahid ng pagmamalaking sambit ko habang nakangisi.
Hoax nodded as I saw him glancing at the rear mirror. Matapos ay mabilis na lumipat ang kanyang tingin sa side mirror.
Natanto ko ang nangyayari nang makitang kinabig ni Hoax ang kanyang sasakyan palabas ng highway. Walang masyadong sasakyan sa binalingan namin ay bahagyang liblib ang lugar.
Nakasunod sa amin isang gray na SUV. Sa tingin ko ay iyon ang tinitingnan ni Hoax. Ilang sandali lang ay nakita kong sumungaw ang isang ArmaLite AR-15 mula sa passenger's side window ng SUV at nagsimulang paputukan ang aming sasakyan.
"Fuck!" Napapitlag ako ngunit agad na nakabawi. Wala kahit isang bala ang pumapasok sa kotse ni Hoax. I smirked. Para bang normal na sa amin ang bulletproof na kotse.
The people beside the road started panicking. Kanya-kanyang tago at takbo ang mga ito dahil sa takot.
I looked at Hoax and I can't see signs of frighten etched in his face. Kalmado ngunit igting ang panga. Madilim ang mga mata at alam kong hindi siya magdadalawang isip na pumatay.
Hindi ko alam kung sino na naman ang nagpadala sa mga ito o kung ano ang pakay nila. One thing is for sure, whoever sent them is surely an idiot.
I opened his glove compartment. Natigilan ako nang makita ang nasa loob noon.
An opened velvet box welcomed my eyes. Agad kong nakilala kung ano ang nasa loob moon. It was an engagement ring. It has a splint shank and negative space giving off a dainty look. The cushion-cut center diamond seem to be mounted on a cross micropave double band.
Agad iyong nawala sa aking isip nang makita ang baril. Matapos ay inabot ko ang baril kay Hoax at agad naman niyang tinanggap habang ang isa ay mariin ang hawak sa manibela.
"I'll stop the car, just stay inside." I rolled my eyes when I heard him. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paghahalungkat sa kanyang glove compartment.
The side of my lips rose up when I saw a swiss knife in it. Agad ko iyong nilabas at pinaglaruan gamit ang aking kamay.
They're still firing bullets at Hoax's car. Mayroon na ring bumabaril galing sa backseat ngunit wala pa rin kahit isa ang nakakapasok sa loob ng kotse. Unti-unting bumagal ang takbo namin hanggang sa tuluyan ng huminto ang sasakyan ni Hoax.
I glanced at the gray SUV at our back. Nakahinto na rin ito ilang metro lang ang layo sa aming likuran.
The people at the side of the road entered their house. Ang iba naman ay nagkubli na lamang.
"Stay here, Astrid." Nginisihan ko lang ang sinabing niyang iyon. As if.
Lapat ang mga labi at mariin niya akong tinitigan. "Don't be stubborn."
"Yeah," I nonchalantly muttered, nilalaro pa rin sa kamay ang swiss knife.
Sandali pa niya akong tinitigan bago tuluyang lumabas ng sasakyan dala ang baril.
I glanced at the back. I saw three man and a woman went outside the SUV. Ang mga lalaki ay pawang may ng matataas na kalibre ng baril. Napako ang aking tingin sa babae. She's wearing a black ensemble with nothing on her hands. Napataas ang kilay ko roon. I heaved a sarcastic, audible breath.
Napangisi ako nang makilala ang babae. Callista Maureen Rozelli, Ysmael's oldest.
Hoax went between his car and the SUV. Maging ang anak ni Rozelli ay walang takot na lumapit kay Hoax.
Kapwa nakatagilid sa akin ang dalawa kaya naman kitang kita ko ang kanilang reaksyon. I saw her mouth sexily opened, tila may sinasabi. Habang si Hoax ay igting ang panga.
Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi lumabas ng kotse ni Hoax.
Callista didn't even glanced at me or maybe she didn't saw me. I frowned when she held Hoax's cheek and a seductive smile crept in her face. Bahagyang iniwas ni Hoax ang kanyang pisngi ngunit agad iyong hinabol ni Callista.
I smirked as I aimed for Callista's cheek. Sa bilis ng aking galaw ay hindi niya nagawang makaiwas at nagulat na lamang nang tumarak ang kutsilyo sa kanyang pisngi.
Kasabay noon ang pagpapaputok ng baril ng isa sa tauhan ni Rozelli sa aking direksyon. Ngunit dumaplis iyon dahil sa pagbaril ni Hoax at tumama ang bala noon sa puso ng lalaki. I saw him pulled Callista who's busy minding her bleeding cheek. Ipinulupot ni Hoax ang braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril sa sentido. Kaya naman hindi nakakilos ang kanyang mga tauhan.
"Bull's-eye," I smirked as I walked near them. The knife's still on Callista's cheek. Itinutok ng isang tauhan ni Callista ang baril sa aking gawi ngunit hindi nito nagawang hilahin ang gatilyo noon dahil hawak ni Hoax si Rozelli.
"Put your all your guns down," Nakakapanlamig na sambit ni Hoax.
"Gosh! Ibaba niyo ang baril niyo!" I rolled my eyes at her. Dahil sa utos niyang iyon ay agad na sumunod ang kanyang mga tauhan.
Tumapat ako kay Callista at ngumisi.
"Bitch!" She spat.
Lalo akong napangisi. I slowly caressed her cheek. Wala siyang magawa dahil sa baril na nakatutok sa kanyang sentido. Nang makarating ang kamay sa kutsilyong nakatarak sa kanyang pisngi ay marahas ko iyong hinila at ibinato sa direksyon ng kanyang tauhan. Kasabay noon ang pagbaril ni Hoax sa isa pa. Tuluyan akong lumingon at napangisi nang makitang nasa leeg na ng isa sa mga tauhan ng Rozelli ang swiss knife. Blood's gushing down his neck, hanggang sa unti-unti itong nawala ng buhay. Ganoon din ang isang tauhan na ilang ulit na binaril ni Hoax.
I heard Callista's scream in pain. Marahan niyang kinapa ang pisngi at namilog ang mga mata nang makita ang dugo sa kanyang kamay.
Nakangisi akong umiling at nilapitan ang tauhan niyang walang malay. Hinugot ko ang kutsilyong nakatarak sa leeg nito. I even wiped its blood to the man's clothes. Nang makitang wala ng bahid ng dugo sa swiss knife ay tinigilan ko na ang pagpunas.
Hoax remove his arm around Callista's neck. She went frantic as she looked at me. "What the hell! You bitch!"
I just gave her a smirk that makes her face contorted in a grimace of annoyance.
"Clean the mess, Sweetie," Marahan at may bahid ng pangaasar na sambit ko.
I wink at her before walking back at Hoax's car. Bago pa ako tuluyang makapasok sa kotse ay narinig ko ang huling malalamig na salita ni Hoax. "Fuck off, Rozelli."
Matapos ay iniwan namin si Callista sa lugar na iyon na hindi alam ang gagawin sa kanyang mga tauhan. We arrived at Dasher's new funeral house.
Nauna akong bumaba ng sasakyan nang matantong naiwan ko sa loob ang aking phone.
I immediately went back at the car and frowned when I saw Hoax holding my phone while talking to someone through it.
"She's-"
"Who's that?" I asked, cutting Hoax's words. "Give me the phone," I continued. Inilahad ko ang aking kamay at itinaas ang isang kilay.
I almost rolled my eyes when Hoax put the phone in a loudspeaker before he handed it to me.
"You're on loudspeaker. What is it?" I asked, not knowing who's in the other line.
"We have to go to States. You need to come." Nakilala ko ang kausap nang marinig siya.
"Kelan ba?" I asked.
"The day after next," Mirae muttered.
"I'll come with her," Hoax declared.
"What?"
Napahilot ako sa aking sentido. "Hindi siya sasama kung hindi ako kasama-" Sambit ni Hoax na agad na ko namang pinutol. "Hoax!" Namilog ang aking mga mata ngunit nagkibit balikat lang siya.
"Fine!" Napamaang ako sa pagpayag ni Mirae. Why are we even going to States? At pumayag pa si Mirae na kasama si Hoax?
"Mirae, hindi na kaylangan, hindi sasama si Hoax," Sambit ko. Nakakahiya kay Mirae, lalo na at hindi ko naman alam kung ano ang pakay namin doon.
"Hon," Hoax whined. It made my eyes widened. "I'll come with you," He gently said.
"It's okay. Kasama rin naman si Vynz." Lalong namilog ang aking mga mata at napasinghap sa tinuran ni Mirae.
Hindi pa ako nakakabawi ay may sinasabi na naman siya. "I need you here in the penthouse tomorrow, umuwi ka kahit mga hapon." Sandaling huminto si Mirae bago tuluyang nagpatuloy.
"Huwag mong pigilan, Hoax," Banta ni Mirae na nakapagpangisi sa akin.
"Yeah." I chuckled at Hoax's answer.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top