Chapter XXXVI
FRANZESS
TUMAYO ako mula sa pagkakaluhod at nagpilit na kumalas sa kaniya bago lumabas ng guest room. Pinilit pa niya hawakan nang mahigpit ang kamay ko pero pinilit kong kumawala at iwan siya.
Nagtuloy ako sa silid namin at mula sa ilalim ng kama ay inilabas ko ang maleta, saka ko kinuha ang mga damit ko sa cabinet. Lumuluhang inilagay ko ang mga iyon sa loob ng maleta. Hindi ko mapigil ang nararamdaman ko. Para bang muhing-muhi ako sa sarili ko at sa lahat. Ang bigat, ang sakit.
Gusto kong mapatanong kung deserve ko ba 'to? Deserve ko bang masaktan, mahirapan at karmahin nang ganito?
Matapos ko sa mga damit ko ay isinunod ko ang mga gamit ko pa sa ibabaw ng mesa at inilagay ang mga iyon sa isang bag.
Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Gusto ko na lang lumayo. Gusto ko na lang mawala.
Bitbit ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng silid. Nahihirapan man akong ibaba ng hagdan ang mga dala ko ay nagawa ko, ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng bahay ay nag-aalalang hangos ni Nana Mela ang pumigil sa akin.
"A–anak? Diyos ko. Saan ka baga pupunta at ganiyan—"
Nilingon ko siya at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at muli na naman dumagsa ang mga luha mula sa mga mata ko. "N–Nana . . ." Sunod-sunod akong umiling sa kaniya. ". . . ayaw ko na po rito. A–ayaw ko na, Nana. Gusto ko na pong umalis. H–hayaan n'yo na po ako. Gusto ko na pong makawala," anas ko at dumulog bigla si Nana sa akin, saka ako niyakap nang sobrang higpit.
"Anak ko, bakit naman hindi n'yo pag-usapang mabuti ito ng asawa mo. Naiintindihan kong nasasaktan ka, anak, pero huwag mo naman sanang hayaan na kainin ng sakit ang mga desisyon mo," anito at saka hinagod ang likod ko, pero halos hindi ko magawang maintindihan ang pangaral niya.
Hindi ko kayang umintindi ng iba sa mga oras na ito. Mas nananaig sa akin ang sakit ng pagluluksa.
Kumalas ako kay Nana, saka ko siya ginawaran ng halik sa noo. "Nana, maraming-maraming salamat po sa lahat. Maraming salamat sa pagmamahal ninyo sa akin, sa pag-aalala, at laging pagpatnubay. Mag-iingat po kayo lagi," anas ko at saka ko na binagtas ang daan palabas ng bahay.
Mabigat ang dibdib ko. Mabigat ang nararamdaman ko. Gusto kong umintindi ng iba pero gusto ko na ring unahin ang sarili ko.
Palabas na ako ng gate nang bigla na lamang may humatak sa pulso ko at paglingon ko ay nakita ko si Red na bakas na bakas sa mukha ang pagiging miserable.
"Don't leave me."
Matigas ang pagkakabanggit niya ng mga salitang iyon pero ramdam na ramdam ko ang sakit.
Ngumiti ako sa kaniya nang mapait at sunod-sunod na umiling. "K–kahit ngayon lang . . . ako naman ang sundin mo. Kahit ngayon lang, Red. P–palayain mo na 'ko."
Hindi siya nagsalita at sumagot. Nakakatitig lamang siya sa mga mata ko ngunit may mga butil na ng luha sa ilalim ng mga mata niya na nagbabadyang pumatak.
Akmang aalisin ko na ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harap ko kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
"Don't leave me, Franz. D–don't do this. Don't leave me here, my love. I–I don't fucking know how to live without you. I'm begging you . . . don't leave me. G–give me another chance, j–just don't leave me."
Parang pinipiga ang puso ko sa ginagawang pagmamakaawa ni Red. Para akong kinakapos ng hininga na makita siyang nakaluhod sa harap ko at nagmamakaawa na huwag ko siyang iwan.
Mahal kita, Red, mahal na mahal kita pero itong pagmamahal na 'to ang lumason sa akin, sa atin. Kung hindi dahil sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo, buhay sana ang anak ko.
Nanginginig ang mga labi na muli akong ngumiti sa kaniya, saka ko na tuluyang binawi ang kamay ko. "Sinabi ko na sa 'yo, hindi ako makakalimot kung mananatili ako sa tabi mo. Hindi ako makakaahon sa pagkakalunod ko sa pagkawala ng anak ko kung mananatili ako. Sa tuwing titingin ako sa 'yo, pagkawala ng anak ko ang agad na pumapasok sa utak ko. A–alam mo ba, Red, ni ayaw kitang makita, ni ayaw kitang mahawakan, matingnan, dahil sa tuwing nariyan ka, paulit-ulit ko lang naaalala na wala na . . . wala na ang anak ko. Oo, nawalan ka rin, anak mo rin siya, pero hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Ito lang ang tanging pagkakataon na may pamilya ako na mabubuo na matatawag kong sa akin talaga, pero inalisan n'yo ako ng karapatan na maging ina sa anak ko," mahabang turan ko, saka ako napasinghap dahil sa pag-agos ng luha mula sa akin maging ang biglaang pagragasa ng alaala sa nangyari sa akin nang malaman kong wala na sa sinapupunan ko ang anak ko.
"Alam mo ba, sa nagdaang na dalawang lingo, pinipilit kong hanapin ang pintig niya sa sinapupunan ko, pero sa tuwing gugustuhin kong damhin . . . bigo ako, KASI, RED, WALA NA! WALA NA ANG ANAK KO! WALA NA ANG ANAK KO NA BUBUO SANA SA 'TIN! WALA NA ANG ANAK KO NA MATATAWAG NATIN NA SA ATIN. Namatayan ka rin, nawalan ka rin, pero sa ating dalawa . . . ako ang pinakanatalo. Nawalan ka lang ng anak, samantalang ako, nawalan ng rason para mabuhay. Kung pipilitin mo 'kong manirahan dito, natatakot akong mawala ang pagmamahal ko sa 'yo at pagkamuhi ang mangibabaw sa emosyon ko."
Tumalikod ako sa kaniya at tuluyan nang lumabas ng gate. Wala na akong narinig mula sa kaniya.
Makasarili na nga siguro akong matatawag ngayon, pero makasarili bang maituturing kung pipiliin mong unahin na maghilom?
DALAWANG buwan ang matuling lumipas, at malaki ang pasasalamat ko dahil napakiusapan ko ang mga prof ko na modular learning muna ako. Pinili ko kasing hindi hintuan ang pag-aaral ko. Malaki ang pasalamat ko kay Ms. Jaramillo dahil siya ang tumulong sa akin na makipag-usap para sa modular learning.
"Dumating ba ang mga ukay today, vakla?" tanong sa akin ni Bim. Siya ang bakla na ka-share ko rito sa apartment.
"Oo, nandoon na sa may terrace, Bim. Ngayon mo ba ila-live selling ang mga 'yon?" tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango sa akin, saka naglapag ng kape sa harap ko.
"Magkape ka na, vakla. Push na push ka sa mga pa-order natin tapos ikaw naman magko-collapse na. Gaga ka, kapag namatay ka, mas mahal ang kabaong!" sermon niya na ikinatawa ko.
"Nakalimutan ko lang kasing kumain kagabi, makasermon ka naman agad."
"Kagabi lang, sure ka? Kyompalin kitang merlat ka, e!" anito at saka ako kunwaring inambaan ng sampal.
Hindi ko na pinansin si Bim. Umalis na rin naman siya at mukhang tiningnan ang mga ukay sa terrace.
Itinuon na ang atensyon ko sa sinasagutan kong module. Ngayon ko kasi ipapasa ito ng alas tres ng hapon at dapat sana'y natapos ko na kagabi, ang kaso ay nag-aya si Bim na magtungo sa night market para lang mamili siya tela na gagawin niyang gown ng kapatid niyang magde-debut.
"Vakla! Nandito ang pogito!" sigaw niya mula sa labas ng bahay at ibinaba ko naman ang ballpen ko para tumungo sa pinto.
Nadatnan ko si Szack na nakangiti sa akin. May dala siyang mukhang supot ng pandesal. "Good morning, Fae."
"Sabi ko sa 'yo ay hapon ka na pumunta," anas ko at imbes na sumagot agad ay nginusuan ako nito.
"Gusto ko lang naman munang makitambay at makasama ka pa nang mas matagal kaya maaga akong pumunta. Don't worry, I brought you something para hindi naman palamunin ang labas ko," aniya sa akin at ginulo pa ang buhok ko bago ibinigay ang supot.
Mula nang lisanin ko ang poder ni Red ay halos si Anne at Szack ang tumulong sa akin. Hindi ko alam kung bakit, basta't matapos kong magpatulong kay Ms. Jaramillo tungkol sa modular learning ay tila ba naging knights in shining armor ko na silang magkapatid.
Never akong nagkuwento sa kanila. Never akong nagsabi ng sitwasyon ko. Ang tanging nasabi ko lang sa kanila ay ang paghahanap ko ng apartment dahil pinili ko nang bumukod na muna at tapusin ang pag-aaral ko.
Panay lang naman ang pang-aasar ni Szack sa akin kahit pa dati siyang tahimik na halos nakasanayan ko na rin pati ang panghahaltak sa akin ni Anne sa kung saan-saan.
"Nasaan na nga pala ang ate mo?" tanong ko sa kaniya matapos siyang maupo sa harap ng mga module na tinatrabaho ko.
"She's with Mr. Humiro. Baka nagmimilagro," sagot niya sa akin at kinuha ang ballpen at biglang sinagutan ang isa kong module.
Napapailing na lamang ako sa iginawi niya. Feel at home na talaga silang magkapatid dito dahil halos dalawa o tatlong beses sila kung maglagi rito sa apartment namin ni Bim. Nakakatulong ko rin kasi sila sa online selling ng ukay maging sa deliveries.
Tumungo ako ng kusina para lagyan ng palaman na keso ang mga pandesal na bitbit niya. Saktang bubuksan ko na ang kitchen cabinet nang bigla ko na lamang narinig na tumunog ang telepono ko na nasa lamesa kung saan naroon si Szack.
Agad akong tumungo roon at nakita kong sagot-sagot na ni Szack ang telopono habang seryosong-seryoso ang mukha niya.
"She's with me . . . Yeah? So? Move on, dude," aniya at bigla nang pinatay ang tawag.
"Szack," pukaw ko sa atensyon niya at para siyang nagulat nang makita ako. "Sino 'yon?"
Ibinigay niya ang telepono ko sa akin bago siya nagsalita. "Your husband," tipid niyang sagot bago muling dinampot ang ballpen at nagsagot sa module.
"Szack, nag-usap na tayong huwag na huwag mong sasagutin ang telepono ko lalo pa kung si Red ang tumatawag—"
Pabalang niyang pagbitiw sa ballpen ang nakapagpahinto sa akin sa pagsasalita. "I don't know what happened between you two and I don't care. It's just that . . . sinagot ko ang tawag dahil sa tuwinang makikita ko kung paano ka masaktan habang tinititigan mong nagri-ring lang ang telepono mo, mas nasasaktan ako. You don't deserve the pain, Fae. You don't deserve to be tortured like this. Kung sa palagay niya ang pangungulit niya ay pangungulit lang then to you, it wasn't. He's unconsciously torturing you emotionally," mahaba niyang paliwanag at napabuntonghininga ako sa narinig ko.
Balido ang punto ni Szack at hindi ko alam ang isasagot ko. Ayaw kong magsalita pa dahil baka kung ano pa ang masabi ko at malaman niya ang totoong nangyari sa pagitan namin maging ang sitwasyon ko.
NARITO na kami sa eskuwelahan at kapwa lang kami tahimik ni Szack habang naghihintay sa dean. Ipapapirma ko kasi ang modular clearance ko para makakuha ako ng panibagong set.
"Two days na nga lang at school fest na. Sana buhay ang mga booth," anang estudyante na narito rin at naghihintay.
"Sis, ang hiling ko riyan, sana talaga iyong mga iimbitahan na banda ay kagaya ng Paranoia. Alam ko naman na hindi afford ng school ang Paranoia, kaya sana kahit mga kagaya na lang nila," sagot naman ng kasama nito at bigla ang bundol ng kaba sa akin kaya't napadiin ang hawak ko sa papel na nasa kamay ko.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Dean kaya't agad kaming tumayo ni Szack para magbigay galang. Ipinalupot pa ni Szack ang braso niya sa baywang ko na ugali niya talaga dahil madalas kaming asarin ni Dean. Nakikisakay siya.
"Good afternoon po, Dean—"
Napatid ang sinasabi ko nang bigla na lamang kasunod na iniluwa ng pinto si Red na mukhang hindi nagulat na naroon ako.
Blangko lamang ang mga mata niya na tumitig sa akin.
"Maupo muna kayo. Kakausapin ko lang si Mr. Allen para sa darating na school festival," dinig kong wika ni Dean na sinundan pa ng tilian ng dalawang estudyante na narito.
Hindi ko magawang maupo muli dahil hindi ako makagalaw. Para akong natuod. Para akong nawalan na ng hinihingang hangin. Para akong kinakapos. Dalawang buwan ang nakalipas at ito siya . . . nasa harapan ko at walang ipinagbago maliban sa nakita kong bahagyang pagkabawas ng timbang niya.
"It's fine with me, Dean. Prioritize their concern," aniya ngunit hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin. Hindi rin naman inaalis ni Szack ang pagkakapulupot ng kamay niya sa baywang ko.
"Okay, sure. So you two students, what's your concern?" tanong ni Dean sa dalawang estudyante at tumayo naman ang dalawa para lumapit.
Ilang saglit lang ay lumabas na ang mga ito at muling nagsalita si Dean.
"How about you, Ms. Millado? What can I do for you? Kasama mo talaga itong si Mr. Vizencio na hindi mahiwalay sa 'yo, ha? Mahal na mahal ka talaga," tanong ni Dean na may halong pang-aasar sa akin at doon lang yata ako tila natauhan na may kasamang kaba. Hindi ko inaasahan na ngayon ako nito aasarin sa harap pa ni Red mismo.
Pinilit kong alisin ang mga mata ko sa mga mata ni Red, saka ko inalis ang kamay ni Szack sa baywang ko at lumingon kay Dean. "P–papirma ko lang po sana itong—"
"So you are MS. MILLADO now? I am not aware. Have you been annulled?" ani Red at nanginig ako sa narinig ko. Nakita kong napakunot ang noo ni Dean.
"Huh? What were you saying, Mr. Allen? Kasal ba sila ni Mr. Vizencio?" tanong ni Dean at naging sunod-sunod ang paglunok ko.
"Shut the hell up, Allen—"
"Ms. Millado here is my wife, Dean," putol ni Red sa pagpigil sa kaniyang magsalita ni Szack.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Dean sa narinig niyang sinabi ni Red.
Hindi ko na alam kung humihinga pa ba ako. Hindi ko na alam kung nasa tama pa ba ang takbo ng paligid ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Narinig ko ang yabag ng mga paa niya na papalapit sa akin at halos mahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga sa likuran ng kaliwang tainga ko.
"I never said I am letting go of you. I am letting you get healed. I am letting you forgive and forget but I never told you nor anyone that I am giving up on you. You are mine alone, Mrs. Allen, and believe me, I am fucking hurting right now seeing you with someone else. Do you hate me that much to torture me this way?"
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top