Chapter XXXV

FRANZESS

NAGISING ako na tila nanginginig ang mga kalamnan ko na hindi ko mawari.

Nang unti-unting bumalik sa hinuha ko ang lahat ay napabalikwas ako ng bangon at bumungad sa akin ang suwero na nasa kamay ko maging ang kulay puting paligid.

Luminga-linga ako pero wala akong nabungaran na kahit sino na nandito.

Masakit ang bawat parte ng katawan ko na para ba akong binugbog at may kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

Hindi ko napigilan na mabilis na kapain ang tiyan ko nang biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari. Para akong nanghihina na hindi ko maipaliwanag at gusto kong pumalahaw na lamang ng iyak.

Itinupi ko ang mga tuhod ko at dumukdok ako roon. Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko man tanggapin, pero nararamdaman ko. Alam ko, may ideya ako sa nangyayari.

Narinig kong bumukas-sara ang pinto ngunit hindi ako nag-angat ng tingin. Patuloy lamang ang naging pagluha ko at paghikbi. Nanlalambot ako at hindi ko magawang kumuha ng lakas sa kahit na sino.

"Franz?" anang pamilyar na tinig.

Dito na ako nag-angat ng tingin at nakita ko ang mukha ni Casspian na animo ay awang-awa sa nakikita niya sa akin.

"N–nasaan si Red?" hindi ko napigilang tanong ko habang may pumatak na luha mula sa mga mata ko.

"He settled the bill and your needs," sagot niya sa akin at lumapit siya para abutan ako ng panyo na nagmula sa bulsa niya.

Imbes na kunin ko ang inaabot niya ay tinitigan ko sa mga mata si Casspian at nakita kong naging mailap ang mga mata niya sa akin.

"C–Casspian, g–gusto kong marinig ang ang totoo, parang awa mo na. K–kumusta ang anak ko? K–kumusta siya?" nanginginig na tanong ko sa kaniya at nakita ko ang ginawa niyang paghakbang papatalikod upang makalayo siya sa akin.

"It would be better for Red to—"

"P–parang awa mo na sa akin, C–Casspian," putol ko sa pagtanggi niya.

Muli na sanang magsasalita si Casspian nang bigla na lamang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Red na gulat na gulat na makitang gising ako.

Hindi siya nagsalita pero mabilis niyang tinawid ang pagitan naming, saka ako niyakap nang napakahigpit.

Naramdaman ko ang simula ng panginginig ng katawan niya maging ang simula ng pagkabasa ng balikat ko.

"I'm sorry. I'm so sorry, wife. P–patawarin mo 'ko, p–patawarin n'yo 'ko," aniya at kasunod nito ay malalakas na paghikbi.

Hindi ko napigilan ang matulala habang may maiinit na luha ang naglalandas sa pisngi ko. Walang maririnig na hikbi mula sa akin pero walang tigil ang pagluha ko. Luha dulot ng sakit, pagkamuhi, panghihina, at hindi maipaliwanag na pagdadalamhati.

Marahan ko siyang itinulak palayo sa akin, saka ako tumitig sa asul niyang mga mata na ngayon ay punong-puno ng luha.

"S–sabihin mo sa akin na ayos lang ang anak ko. S–sabihin mo sa akin na n–narito pa rin siya sa sinapupunan ko. S–sabihin mo, R–Red, p–parang awa mo na."

Kung kinakailangan kong magmakaawa sa lahat para sabihin nilang ayos lang ang anak ko, gagawin ko. Kung kinakailangan kong ipagpalit ang buhay ko para sa anak ko, gagawin ko. Basta maging ayos lang siya, basta buhay lang siya.

Magkakasunod amg naging pag-iling sa akin ni Red. Magkakasunod ang naging pagtulo ng mga luha niya bago siya ngumiti nang mapait sa akin, ngiti na kahit kailan ay hindi ko na nanaisin na makita pa.

"W–we lost our child. W–we lost our angel, Franzess."

Ang mga salitang iyon ang tuluyang gumunaw ng mundo ko. Ang mga salitang iyon ang tuluyang pumutol ng lahat ng mga bagay na pinipilit kong panghawakan.

Gusto kong sumigaw.

Gusto kong magwala.

Gusto kong murahin ang buong mundo.

Gusto kong kwestiyonin ang tadhana. Bakit ako? Bakit hindi na lang ibang tao? Bakit sa akin nangyayari 'to? Bakit sa amin pa ng anak ko?

Masama ba 'kong tao? Kabayaran ko na ba 'to sa pagkawala ni Nisha dahil sa akin? Ito na ba ang pambawi? Pero bakit naman sobrang sakit?

"D–dapat ako lang iyong masasaktan kung nangyayari ito dahil sa kasalanan ko. D–dapat ako lang, hindi dapat madamay ang anak ko."

Akmang yayakapin akong muli ni Red nang umiwas ako sa kaniya.

"Wife—"

"Magpapahinga na muna ako."

Hindi ko na alam . . . paano na?

DALAWANG linggo ang matuling lumipas at halos hindi ako lumalabas ang guest room. Dinadalhan ako ni Nana Mela ng mga pagkain pero sa tuwing susubukan kong kumain ay parang inaayawan na mismo ng katawan ko ang pagkain at nauuwi iyon sa pagsusuka ko.

Nakatanaw lamang ako ngayon sa bintana habang tinitingnan ang mga ibon na naglalaro sa veranda nang may sunod-sunod na pagkatok ang pumukaw sa atensyon ko.

Hindi ako sumagot pero bumukas pa rin ang pintuan na iyon at nakita ko si Red na may dala-dalang tray ng pagkain.

Blangko ko lamang siyang tiningnan sandali at muli ko nang itinuon ang atensyon ko sa mga ibon.

Ang sarap siguro ng malaya at walang iniintindi kung hindi paano ka lang mabubuhay sa araw-araw. Ang sarap sigurong lumipad-lipad at magpakalayo-layo na lang hanggang sa kung saan ka aabutin ng matayog na paglipad mo.

"I'm begging you, please eat. It's been two weeks and you already loss a lot of weight," pukaw niya sa atensyon ko.

Hindi ko siya nilingon at pinanatili ko ang atensyon ko sa mga ibon na ngayon ay tila nag-aagawan sa manipis na piraso ng sanga.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"Franzess, p–please look at me," dinig kong anas niya sa may nagmamakaawang tono.

Nilingon ko siya at binigyan ko lamang siya ng isang blangkong tingin at walang namutawing salita sa mga labi ko.

"C–Can you please eat? K–Kahit na kaunti lang. Kahit na malamanan lang ang sikmura mo," aniya na may mukha na tila nagsusumamo.

Lumuhod siya sa harapan ko at ginagap ang mga kamay ko na nasa ibabang hita ko. Inilagay niya sa tapat ng labi niya ang mga kamay ko at pinaghahalikan ang mga iyon nang paulit-ulit, saka niya iniangat ang ulo niya upang muling pagtamain ang mga mata namin.

"I'm s–sorry. I'm sorry it was really my fault. It was my mistake. P–patawarin mo 'ko, patawarin n'yo 'ko. T–there's no enough reason for you to forgive me, but I am begging you, please, let's start all over again. Let us—"

Hinatak ko ang mga kamay ko mula sa kaniya na ikinagulat niya. "L–Lumabas ka na kang muna," utos ko sa kaniya ngunit hindi siya kumilos at nanatili lamang siyang nakaluhod sa harapan ko.

"C–Can't we start again? C–Can't we just go back to the way we used to be?" aniya at naroon na naman ang namumuong mga luha sa mga mata niya.

Ngumiti ako sa kaniya—ngiti na alam kong hindi niya inaasahan na masisilayan niya sa buong pagsasama namin. Ngiti na puno ng sakit, pait at pandidiri.

"Wife—"

"Simula? Paano, Red?" tanong ko sa kaniya, saka ako tumayo at tumungo sa may kama at naupo roon. Kinuha ko ang nag-iisang larawan na mayroon ako sa anak ko—ultrasound.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at nilapitan ako. Nakita kong gusto niya akong yakapin o hawakan kaya't sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

"Look at me in the eyes, baby," aniya at agad kong sinunod ang sinabi niya pero doon na tuluyang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Alam mo ba kung gaano kasakit na makita ka?" tanong ko sa kaniya at nakita ko kung gaano siya naapektuhan sa sinabi ko. "Alam mo ba kung gaano kasakit na makita ang mukha mo? Sa tuwing makikita kita, Red, parang sasabog ako, parang mawawala lahat ng katinuan na iniipon ko, parang tatakasan ako ng natitira kong bait."

Bigla niya akong marahas na hinatak patayo, saka niyakap nang napakahigpit. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi niya ako pinakawalan.

"! I'm sorry you have to feel this way, wife. Ayaw ko nang ganito ka, na nagkakaganito ka, pero putang ina wala man lang akong magawa! It's my fault! It was my goddamn fault that we lost our child—"

"Anak ko lang, akin lang 'yon . . . akin lang siya. Huwag mo siyang angkinin na sa 'yo, parang awa mo na, dahil nawala siya . . . nawala siya dahil sa 'yo, sa inyo," halos pabulong na lamang na putol ko sa kaniya. Nanghihina na 'ko.

Naramdaman ko ang biglang panginginig ng katawan niya dahil sa sinabi ko. Ramdam kong tumagos sa kaniya ang mga sinabi ko.

"S–sabi mo, tingnan kita? Paano ko m–magagawang tingnan ka, kung sa tuwing titingin ako sa 'yo, p–paulit-ulit na bumabalik sa akin ang pagkawala ng anak ko—ng batang nag-iisa ko lang na pinanghahawakan sa mundo na 'to na matatawag kong sa akin. Kasi ikaw, Red, m–mahirap kang panghawakan, dahil k–kahit pa sabihin mong mahal mo 'ko, hindi ko naman alam kung hanggang kailan ang pagmamahal na 'yon."

"I'm sorry, Franzess. I'm so fucking sorry! I'm begging you, please—"

"Alam kong nagsimula tayo sa mali, na malaki ang kasalanan ko sa 'yo, pero, Red, wala naman akong ginawa sa buhay ko na 'to mula nang magkasama tayo kung hindi mahalin ka. Binuhos ko naman lahat sa 'yo . . . lahat-lahat. Kahit minsan masakit na, pinilit kong kumapit, kahit minsan nahihirapan na 'ko, pinili ko pa rin na mahalin ka, kasi mahal talaga kita, pero bakit gan'on? Bakit dito tayo dinala ng sobrang kong pagmamahal sa 'yo? Bakit kailangan mawala ng nag-iisang tao na matatawag kong totoong sa akin?"

Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin at narinig ko na ang bini niyang mga paghikbi na kasabay ng sa akin.

"Hindi mo kasalanan, alam ko 'yon. Nadala ka lang sa sitwasyon na gawa ni Alaina. P–pinilit kong intindihin, pinipilit kong sabihin sa pesteng utak ko na wala kang kasalanan doon, pero bakit sa tuwing makikita kita, parang binibiyak ang puso ko? Sa tuwing makikita kita, paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko 'yong napakaraming dugo na umaagos sa akin," patuloy ko.

"Please, baby . . . stop. I don't want to hear—"

"Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang nangyari, Red. Paulit-ulit na halos gusto ko nang ikabaliw," anas ko at doon na niya ako tuluyang inilayo sa kaniya at tinitigan sa mga mata ko.

Kung dati, nalulusaw ako sa mga tingin niyang iyon, ngayon hindi na. Gusto ko na lang tumakbo paalis at takasan ang mga mata niya. Ayaw ko na . . . pagod na 'ko.

"Alam mo ba kung anong paulit-ulit na sinasabi ng utak ko sa akin, Red?" tanong ko sa kaniya at paulit-ulit ang naging pag-iling niya sa akin. "Sana hindi na lang kita inilaban. Sana hinayaan na lang kita. Kung sanang hindi kita inilaban, buhay ang anak ko, masaya ako, masaya kaming dalawa. Ang dami kong sana, Red, pero ang pinakasana ko sa mga oras na 'to, sana . . . hindi na lang kita minahal."

Deretso sa mga mata niya na binitiwan ko ang mga salitang iyon. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa kaniya. Nakita ko kung paanong biglang ginapangan ng takot na reaksyon ang mukha niya.

"N–no. D–don't say a word anymore, Franzess. I'm leaving now. I'll wait until you forgive me. Enough of this conversation. I'll leave. I'll let you think. J–just don't say a word anymore. I don't want to hear a word," tila natatarantang anas niya sa akin, saka ako tinalikuran.

Papalabas na siya ng pinto nang lumuhod ako. "Red. . . ." tawag ko sa kaniya at nakita ko ang kabiglaan niya nang makita akong nakaluhod.

"What the actual fuck are you doing, Franzess!?" galit na bulalas niya, saka dumalog sa akin at pinilit akong itinayo ngunit nagmatigas ako.

"T–tapusin na natin 'to rito. H–hindi ko na kayang makita ka pa dahil paulit-ulit lang akong mumultuhin ng sakit ng pagkawala ng anak ko. H–hindi ko kayang maghilom na nasa tabi kita at naaalala kong nawala siya habang wala kang kakayahan na sagipin siya. T–tapusin na natin kung anong mayroon tayo," pagsusumamo ko.

Nakita ko ang gulat at sakit na bumalatay sa mukha niya dahil sa narinig niya mula sa akin.

Lumuhod din siya sa harap ko, saka ako niyakap nang mahigpit ngunit wala na akong maramdaman. Tila namanhid na ako.

"F–Franzess, no, please, n–not like this. No, I'm begging you. No, please, wife. I'M BEGGING YOU! D–DON'T FUCKING LEAVE ME! N–NO . . . I CAN'T . . . PLEASE, NO."

"Red, palayain mo na 'ko."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top