Chapter XXXIV

FRANZESS

NAKAHIGA lamang ako ngayon dahil may hindi ako magandang nararamdaman. Sa tuwing tatayo ako ay para bang bumabaliktad ang sikmura ko na hindi ko maintindihan.

"R–Red," tawag ko sa kaniya dahil nakatulala lamang siya sa kawalan na animo iniisip kung ano bang kalagayan ko.

Nilingon niya ako at nakita ko ang pamumutla sa mukha niya. "Can't we really go to the hospital? You're making me worried, Franzess," aniya sa akin at kitang-kita talaga ang pag-aalala sa ekspresyon niya. Alam ko rin na nataranta siya kanina nang magsuka ako—o baka nga hanggang ngayon ay natataranta pa.

"Ayos lang ako, medyo tinatamaan lang siguro ako ng mga sintomas ng pagbubuntis pero ayos lang talaga ako. Hindi naman kailangan na magpunta pa ng ospital," pagbibigay assurance ko sa kaniya sa nararamdaman ko ngunit sinagot lamang niya ako ng pangungunot ng noo niya at seryosong tingin.

"How about our child? Do you think he's okay? Not because you're all good with it—"

"Red, kung anong nararamdaman ko, iyon din ang nararamdaman ng anak natin. Kapag masaya ako, masaya rin siya," putol ko sa kaniya, saka ako ngumiti nang tipid.

Nakita ko siyang nagbuntonghininga bago pa muling nagsalita. "How do I make you happy? I'll do everything, just tell me," aniya at tumayo mula sa kinauupuan niya, saka naupo sa gilid ng kinahihigaan ko.

Ginagap niya ang kamay ko, saka niya inilapit sa pisngi niya ang likod ng palad ko. Hindi ko alam kung bakit kahit sa simpleng gesture na ito, parang nalulunod na ang pagkatao ko. Napababa tuloy ako ng tingin dahil sa hiya.

"R–Red," kinakabahang anas ko. Sa tuwing mapapalapit ako kay Red nang ganito kalapit, para bang may parte ko ang bigla na lamang tumatalon sa excitment at hindi ko man gustuhin ay parang nakararamdam ako ng kakaibang init na hindi ko naman dapat na maramdaman sa oras na ito.

Jusko po, Franzess. Buntis ka na! Hindi maigi iyang mga pinag-iiisip at nararamdaman mo!

"What makes you happy, Mrs. Allen? Tell me," aniya at saka ibinaba ang likod ng palad ko patungo sa mga labi niya.

Para akong nakukuryente na hindi ko maipaliwanag. Ang simple lang ng ginagawa niya pero hindi ko mapigilan ang makaramdam ng bolta-boltaheng kuryente sa pagkatao ko.

"W–wala. Ayos l–lang ako," sagot ko at bigla akong nagtaas ng tingin. Hindi ko inaasahan na sasalubungin niya ang mga mata ko ng mga mata niyang may hindi ako maintindihang emosyon.

"Are you sure? I can give you anything, everything. Just say a word and it'll be yours," aniya habang tila hinihipnotismo ako ng mga mata niyang hindi ko malaman kung paano nitong nagagawa.

"W–wala talaga—"

"Are you . . . sure?"

AKO LANG BA O MAS PINA-SEXY NIYA PA AMG PAGTATANONG NIYA!? NAMAMALI LANG BA AKO NG DINIG? JUSKO PO.

"S–sure naman," sagot ko pa na alam ko naman na halatang may pagdadalawang-isip sa tono ko.

Bigla niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya habang titig na titig sa mga mata ko at para ba akong mababaliw sa kaguwapuhang taglay niya sa mga oras na ito.

Siguro kung hindi ako si Franzess o may iba pa akong katauhan na kayang sumabay sa mga ganito niya, baka kanina ko pa siya hinatak, saka ako umibabaw sa kaniya. Ganoong klase ng kasabikan ang kasalukuyan kong nararamdaman para sa kaniya. Nakababaliw!

"Do you want me now, Mrs. Allen?" bigla niyang banat sa akin at para akong mabibilaukan dahil hindi ko inaasahan iyon. "I could see it in your eyes. You want me and you are definitely craving for me," patuloy pa niya at naramdaman ko na ang unti-unting pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa hindi maipaliwanag na pinaghalong hiya at kasabikan.

Naging malikot ang mga mata ko dahil pinipilit kong mangapa ng sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko magawang umamin ngayon dahil talagang pinangungunahan ako ng hiya. Idagdag pa na, nahahalayan ako sa sarili ko lalo pa at buntis na ako pero ito ako at ano-ano pa ang mga gustong mangyari at gawin.

"H–hindi sa gan'on. Hindi k–ko alam—"

Bigla niyang hinuli ng kamay niya ang baba ko at pinilit na iharap sa kaniya ang mukha ko upang magkalapat ang mga mata namin. "You knew. You're just afraid of telling me. Kilala kita," buwelta niya na nakapagpatuod sa akin nang sandaling oras.

Ngumuso ako dahil para lang akong lalong nag-iinit sa kaseryosohan ng usapan namin. Gusto ko na rin umamin para mabawasan ang tensyon ko sa katawan. Baka hindi makabuti sa anak ko kapag pinipigil ko ang gusto ko—o baka rason ko lang iyan para may masabi lang akong dahilan ng ipinaggaganito ko.

"A–ano, ahmmmm, g–gusto kitang halikan at h–hawakan pero a–alam ko naman na baka ikagalit mo 'yon—"

"Kiss me," putol niya sa akin. "Touch me too. If giving you myself would sate your cravings then I would gladly offer my whole self to you," patuloy niya at para na naman akong na-engkanto.

Paano ko siya tatanggihan o paano ko sasabihin na gusto ko? Hindi ko alam paanong dapat akong maging vocal kay Red sa mga oras na ito lalo pa't napakataas ng tensyon at hindi ko alam paano ko masasabayan.

"G–gusto kong h–hawakan ka—"

"RED YVAN ALLEN! OH MY GOD! OPEN THIS DOOR! WHY DID YOU KEEP ME THE MOST AWAITED NEWS! OPEN THIS DOOR!" sigaw mula sa pintuan ng kuwarto namin kasabay ng mga pagkalabog at hindi ko alam kung bakit ako biglang nainis. Hindi naman ako dating ganito.

Noon, kahit pa mabitin ako sa mga bagay-bagay hindi ako naiinis o kung ano man. Ngayon ay talagang parang umiinit ang ulo ko sa pagkainis.

Narinig ko siyang tila napipikon na pumalatak bago ako biglang hinalikan sa noo at agad na tumungo sa pintuan ng kuwarto.

Pagbukas niya niyon ay sumalubong si Mama Rhian na malawak na malawak ang ngiting nakapaskil sa mga labi.

"AT LONG LAST! MY APO IS ON THE WAY!"

NAGAGALIT man si Red na pinili kong pumasok ngayon ay wala siyang nagawa. Kailangan ko kasing um-attend sa isa naming subject dahil may pa major quiz ang prof dito.

Bago pa ako mag-enroll, may kutob na akong buntis ako pero pinili ko pa rin ang mag-aral. Siguro, sa kabilang dako ng utak ko ay gusto ko pa rin na may maibigay ako sa sarili ko kahit pa magkaka-anak na ako. Gusto ko rin naman mabigyan ang sarili ko ng diploma na matatawag kong talagang sa akin.

Kung dadating man ang araw na iwan ako ni Red—na huwag naman sanang mangyari, gusto ko lang na kahit paano ay hindi ako maiiiwang talo. Na kahit na iwan niya ako, mayroon akong diploma na dala-dala ko. Sana lang talaga ay makatapos ako.

"May shoot ka ngayon, 'di ba? Ayos lang ako, Red. Puwede mo naman akong iwan na muna rito. Alam kong naiinitan ka na rin sa pagdi-disguise mo," anas ko sa kaniya ngunit blangkong ekspresyon lamang ang ibinigay niya sa akin.

"I'll cancel it—"

"Please, Red. Itigil mo iyang kaka-cancel mo sa mga appointment mo para lang sa akin. Maraming mga naaagrabyadong tao sa ginagawa mo na ang gusto lang ay gawin ang trabaho nila. Okay lang talaga ako. Agad kitang tatawagan kapag may—"

"Are you driving me away, woman?"

"Hindi—"

"I'll ask Casspian to look after you," aniya na hindi na pinatapos ang dapat na sasabihin ko, saka kinuha ang telepono niya sa bulsa.

Para akong nasermonan na bata habang nakikipag-usap siya kay Casspian sa telepono. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Kahit na ano'ng naging problema nila ni Casspian dahil sa akin ay naging maayos din naman agad ang lahat sa pagitan nila dahil alam ni Casspian kung hanggang saan lang siya. Ramdam ko rin kung gaano kataas ang respeto nila sa isa't isa.

"He agreed. Wait for him here. Aalis na ako," paalam niya at tumango ako, saka ngumiti. Alam ko naman na kanina pa siya late sa appointment niya. "Why do you look so happy? Do you really want me out of your sight that much?" aniya at bahagya niyang ibinaba ang shades niya. Nakita ko ang magkasalubong niyang mga kilay.

"Hindi po. Natutuwa lang ako na magiging maayos na ang trabaho mo—" Bigla na lamang niya akong hinalikan nang mabilis sa mga labi ko.

"Ang dami mong dahilan. Just say na pinaglilihian mo 'ko. Sometimes you want me and sometimes you despise me," aniya nang hindi pa ako nakakabaw mula sa pagkagulat, saka biglang yumukod at hinalikan ang tiyan ko na sobrang ikinagulat ko. "Magwo-work muna si Daddy for your future. Stay safe with your Nanay, buddy. I love you both," pagkausap niya rito na parang gusto kong ikaiyak na lang bigla. "I am really leaving now."

Tinalikuran na niya ako, saka sumakay ng sasakyan. Pinaandar na niya ito, ngunit bago pa siya tuluyang umalis ay ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at saka ibinuka ang mga labi niya na basang-basa ko naman ang mga binigkas ng mga ito.

"I love you so bad. Take care."

Nakaalis na ang sasakyan pero hindi ko alam kung bakit para pa rin akong nakalutang sa alapaap. Grabe ang epekto niya sa akin. Sobrang nakakalasing.

BUONG oras ng klase ko ay nakabantay lamang si Casspian sa labas ng room ko. Hindi ko nga maiwasan ang mata dahil naka-disguise siya ng uniporme ng security guard na talaga namang bumagay sa hakab ng katawan niya. Para pa nga siyang PSG ng isang politician dahil sa tindig niya.

"Punta tayo sa studio?" tanong niya sa akin nang kapwa na kami makasakay ng sasakyan niya.

"Okay lang kaya kay Red? Hindi ko naman sinabi sa kaniya na pupunta ako sa workplace niya. Ayaw ko pa naman nang ginugulat siya sa pagsulpot ko dahil ayaw niya—"

"It's okay. He'll understand. Besides, alam ko rin naman na gusto niyang laging nakikita ka. That fucker is so much into you, pero kung gusto mo naman na magpahinga na, ihahatid na kita. Rest is much better pa rin talaga," ani Casspian, saka ako nginitian bago na pinaandar ang sasakyan niya.

"No. Punta tayo," anas ko na ikinatango nito sa akin. Sa mga oras na ito, gustong-gusto ko na makita siya.

Tahimik lang ako buong biyahe. Nadaanan pa nga namin ang McDonalds at parang nag-crave ako bigla ng McFlurry pero pinili kong manahimik. Ayaw ko namang abalahin si Casspian. Isa pa, hindi pa alam ng Paranoia na buntis ako bukod kay Alas na laging updated pero nagugulantang.

Nakarating kami ng studio at bumungad agad sa akin ang mga nagse-sexy-han na mga kababaihan na tanging mga two-piece swim suit ang mga suot.

"C–Casspian, anong product ba ang ine-endorse ni Red? B–bakit mga nakaganito sila?" Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mautal habang nagtatanong ako kay Casspian.

"Hindi ba niya nasabi? Ang alam ko ay summer and beach wears," sagot naman ni Casspian saka ako inalalayan sa balikat dahil medyo mataas ang hagdanan. "Kalma, hindi ka niya ipagpapalit sa kahit na anong katawan," anito na sinundan pa ng payak na pagtawa.

Narating namin ang mismong platform kung saan nagaganap ang shoot ngunit maski anino ni Red. Hindi ko alam pero agad akong ginapangan ng kaba na hindi naman dapat. Malaki ang tiwala ko kay Red.

"Valerie, where's Red?" tanong ni Casspian doon sa babaeng may hawak ng camera na palagay ko ay ang photographer.

"Oh, you're here. Hi, Cass! Red? He's at the resting room. Bigla kasing sumakit ang ulo niya kanina after namin magmeryenda kaya sabi ko magpahinga na muna," anito, saka itinuro sa amin ang resting room.

Parang ang bagal ng bawat hakbang ko. Para akong nalililyo na hindi ko maintindihan. Dahil ba sa pagbubuntis ko o dahil sa kabang hindi ko maipaliwanag na nangingibabaw ngayon sa pagkatao ko.

Natapat kami sa isang pinto at agad naman binuksan iyon ni Casspian. Akmang papasok na ako nang muli itong isara ni Casspian na siyang ikinagulat ko.

"H–he's not here. Let's look at him—"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Casspian. Ako na ang nagbukas ng silid at parang nagunaw ang mundo ko sa nakita ko.

"R–Red. . . ."

Nginisian ako ng babaeng nasa ibabaw ngayon ng asawa ko habang walang suot na kahit na anong saplot.

"I told you, sa akin pa rin siya babalik."

"B–bumaba ka riyan, A–Alaina. P–parang awa mo na," nanglalambot na saad ko. Para akong tinatakasan ng bait at lakas sa nakikita ko.

"He's mine to begin with. He's mine up to this moment," anito at biglang hinarap ang lupaypay na ulo ni Red sa kaniya, saka niya ito siniil ng halik sa mga labi.

Hindi ko kaya ang nasasaksihan ko, pero hindi naman ito ang oras para pairalin ko ang pagiging mabait ko.

Agad kong inalis ang pagkakahawak sa akin ni Casspian. May nakita akong baso sa bedside table at mabilis ko iyong kinuha. Nagdidilim na ang paningin ko.

Kinabig ko si Alaina palayo sa mga labi ni Red, saka ko hinampas ng baso ang ulo niya na naging sanhi ng pagdurugo nito at ng pagkabasag ng baso. Nakita kong may naiwan na bubog sa kamay ko at nagdurugo na rin ito pero wala akong pakialam.

"HOW DARE YOU!? YOU'RE A FREAK! YOU'RE A FREAKING BITCH! BAIT-BAITAN KA LANG PERO DEMONYITA KA TALAGA!" galit na bulalas nito habang hawak ang parte ng ulo niyang nagdurugo.

Dumulog ako kay Red at pinilit kong gisingin ito. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya ngunit nang tutulungan ko na siyang makabangon ay may gumuhit ma napakasakit na bagay sa puson ko.

Nakakamatay ang sakit.

Yumuko ako at nakita kong may umaagos na dugo sa hita ko.

Bakit ganito? Ang anak ko, Diyos ko!

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top