Chapter XXXI
FRANZESS
KAPWA kami nakaupo sa upuan sa harap ng emergency room na pinagdalhan namin kay Szack. Alam kong marami siyang gustong itanong sa akin pero nananatili lamang siyang tahimik.
"Red, ayos lang naman na ako na lang ang magbantay sa kaniya. Alam kong naabala ko ang trabaho mo—"
"I'm good. I'll stay here," putol niya sa akin at ramdam ko sa tono niya na ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap namin.
Umayos ako ng upo ko at nanatili lamang akong nakatitig sa pintuan ng emergency room.
Matagal na namayapa ang katahimikan sa pagitan namin nang bigla na lamang niya itong basagin. "Let's talk," anas niya sa akin, saka nagpatiuna nang lumakad kaya't agad kong kinuha ang bag ko at sinundan siya.
Nakarating kami sa parang mini garden ng ospital kung saan mga batang naka-wheelchair lamang halos ang narito.
Huminto siya sa tapat ng isang malaking puno ng mahogany at humalukipkip. Nakamasid lamang ako sa matipuno niyang likod at hindi nagsasalita.
"Why are you with him?" tanong niya at agad naalarma ang puso ko.
Hindi naman siguro niya ako pag-iisipan nang hindi maganda, hindi ba? Hindi naman niya siguro iisipin na pinagtataksilan ko siya o kung ano pa man. Ayaw kong maging ganoon ang isipin niya sa akin. Hindi ko siya kailan man magagawang lokohin.
"P–paakyat ako n'on sa klase ko, tapos bigla niya akong hinarang—"
"I'm sure you didn't give him any motive. I trust you. I trust your words, your actions, and I trust your love towards me," aniya sa halos pabulong na boses, saka ako biglang hinarap at bumuntonghininga. "I trust you, but my jealousy is greater now. I couldn't contain my anger."
"H–hindi ko alam paano ko siya iiwasan. Wala akong planong makipaglapit sa kaniya. Gusto ko lang mag-aral at gusto ko lang din nang malapit sa 'yo. Wala nang ibang university na malapit sa iyo bukod sa pinapasukan ko ngayon, pero kung hihilingin mo sa akin na lumipat para lang makalayo sa kaniya, gagawin ko," mahabang turan ko deretso sa mga mata niya.
Nakita ko ang unti-unting paglamlam ng mga mata niya na kanina lamang ay halos magbaga na sa galit kay Szack.
"You don't have to do that. Honestly, I want to think maturely. I want to give off this mature vibes but this jealousy is slowly eating me. I am way far greater and better than him, but my instinct keeps telling me that he's a fucking threat and I shouldn't treat him lightly like how I did to Casspian and Hyuan. Casspian easily backed off for the reason that he respects me. Hyuan fucked his way off because he was just a debt collector of your aunt. But this kid? I don't know how the hell I could brush him off your life. He's like a fucking parasite," mahaba niyang paliwanag at masama man pakinggan, pero iba ang galak na nararamdaman ko sa ipinararamdam niyang selos sa ngayon.
Inalis niya ang pagkakahalukipkip niya at saka ako tinitigan nang mariin sa mga mata.
"I am not really the investigator type but I had him investigated," aniya sa akin at nawala ang galak na nararamdaman ko. Napalitan iyon ng gulat sa narinig ko.
"P–pinaimbestigahan mo siya?"
"He was your father's godchild and you were childhood best friends," sagot niya sa akin at muli siyang nagbuntonghininga. "My instinct never fails me."
"T–totoo nga. Totoo nga palang siya si Acky," anas ko na pabulong at parang mga salitang iyon ay sinasabi ko sa sarili ko at hindi kay Red.
***
"Tatay! Sina Ninang Josie po at Ninong Agi po nandito kasama po si Acky!" masayang wika ko sa matinis na boses at excited na makalaro na naman si Acky.
"Sige, anak. Pakisabi mong isasampay ko lamang itong lambat," sagot ni Tatay.
Patalon-talon pa akong tumungo sa kinaroroonan ng mga bisita namin. Ang sabi sa akin ni Tatay at Nanay, sina Ninang Josie at Ninong Agi raw ang may ari ng mga palaisdaan na pinaghahanguan ni Tatay ng isda, pero dahil mabait ang pakikitungo nila kay Tatay kaya't kinuha silang Ninong at Ninang ko, ganoon din si Tatay kay Acky.
Nakita ko sila na nakaupo sa silong namin habang si Acky naman ay natutuwa sa mga isda na nasa banyera.
"Acky!" sigaw ko at agad namang lumingon ito sa akin at ngumiti. Nakita ko ang bungi niya na ikinabungisngis ko.
"Fae!" sigaw niya pabalik. Hindi niya kasi ako matawag na Franzess o kaya naman ay Iah kaya ang sabi niya, Fae na lang daw ang itatawag niya sa akin.
Nilapitan niya ako at hinatak malapit sa banyera ng mga isda. Gusto niyang tulsik-tulsikin na naman namin ang mga isda tapos tatawa siya kapag nagpapapasag ang mga ito at tumalon palabas ng banyera.
"Fae, sabi Mommy ko hindi na raw kami—"
"Kakain na mga bata. Pumanhik na kayo rito!" sigaw ni Nanay at agad naman kaming nataranta na dalawa. Nagpaunahan pa kami kung sinong mauunang makaakyat sa aming dalawa.
"Pasensya ka na, Aguilando, pero hindi ko yata matatanggap ang ganoong responsibilidad. Sa anak ko pa lamang at kay Amelita, hindi ko na mapagkasya ang oras ko. Sapat na ako sa trabahong ibinibigay mo, nabubuhay ko sila at may oras pa ako na makasama sila," dinig kong wika ni Tatay kay Ninong Agi.
"Brando, hindi ko na rin alam ang gagawin namin kay Szasha kaya nagdesisyon na kami ni Josie na dalhin na lang siya sa ibang bansan. Doon ay magagamot siya higit pa sa paraan dito sa Pilipinas. Kung hindi mo matatanggap na mamalakad ng mga palaisdaan, siguro ay ipapabahala ko na lang ito kay Anghela," sagot ni Ninong kay Tatay.
Bumaling ako kay Acky at nakita ko ang malungkot niyang mukha kaya't agad kong kinurot ang mga pisngi niya at tinawanan siya.
"Hihintayin mo naman ako, 'di ba? Sa akin ka lang magpapakasal paglaki mo, 'di ba, Fae?" ani Acky sa akin na ikinagulat ko. May mga luha pa kasi sa mga mata niya na parang papatak na.
"Acky—"
"Promise ka, Fae. Promise mo na ako lang 'yong papakasalan mo," putol na naman ni Acky sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at sunod-sunod na tumango. "Promise, Acky."
***
Sandali akong nawala sa sarili ko nang alalahanin ko ang natitirang alaala ko kay Acky. Iyon lamang ang natatandaan ko dahil sa mga sumunod na araw hanggang sa mamatay na ang mga magulang ko sa aksidente ay hindi na kami muli pang nagkita.
"Do you love him?" pukaw ni Red sa atensyon ko at naumid yata ang dila ko sa tanong na iyon. Alam ko ang sagot pero hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako nang ganoon.
Naialis ko ang tingin ko sa mga mata niya at naidako ko iyon sa nililipad na dahon ng mahogany.
Narinig ko ang muli niyang buntonghininga at nang lingonin ko siya ay naglalakad na siya palayo sa akin.
Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya.
Mabilis ko siyang hinabol at hindi ko alam bakit bigla ko na lamang siyang niyakap mula sa likuran, saka ko idinukdok ang ulo ko sa likod niya.
"Hindi. Alam mo naman na ikaw lang, hindi ba?" pabulong na saad ko. "Walang kahit na sinong makakapagpabago ng nararamdaman ko para sa 'yo—"
"He's a man from your past—"
"But you're the man in my present and definitely in my future. I love you, Red. Kahit pa paulit-ulit kong sabihin ang mga salitang iyan na walang kasagutan, paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo na mahal kita. Mahal na mahal kita. Higit kanino, kahit pa sa sarili ko," putol ko sa kaniya at naramdaman ko at paghawak niya sa mga kamay kong nakapalupot sa baywang niya.
Unti-unti siyang humarap sa akin saka ako tinitigan sa mga mata. "I didn't know that this day would eventually come. The day that the high and mighty Red Yvan Allen would surrender to his jealousy. I could never compete with your memories with him, but I'll surely give you memories only I could give. I'm begging you, be mine alone. Please, tell me something that would ease my jealousy," aniya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko sa huling sinabi niya.
"Kapag uwi natin sa bahay," sagot ko sa kaniya, saka ko na siya hinatak papasok muli ng ospital.
NAGISING na sa wakas si Acky—si Szack at may cast siya sa braso at binti. Kapwa nakasemento ang mga ito. Nakokonsiyensiya ako na makita siyang ganito lalo pa't ako naman talaga ang tumulak sa kaniya kaya siya nagkaganyan.
"Can you give me a glass of water?" aniya habang nakaupo kami ni Red sa gilid ng kama niya.
Tumayo ako para sundin siya. Kumuha ako sa water dispenser ng tubig at saka ko siya nilapitan. Iniabot ko sa kaniya ang baso ngunit hindi niya iyon kinuha, bagkus ay ipinakita pa niya sa akin ang cast niya na wari bang sinasabi niya na hindi niya kayang hawakan iyon kahit pa ng kabilang kamay niya.
Kinakabahan man ay inikot ko na lamang ang makakapagpataas ng kama niya hanggang sa makaupo na siya at ako na mismo ang nagpainom sa kaniya ng tubig.
"Thank you, love. Can you peel me an apple too?" aniya at nakita kong blangko akong pinukulan ng titig ni Red. Halos hindi ako humihinga sa paraan ng titig niya.
Sunod-sunod ang paglunok na inabot ko ang mansanas sa tabi at binalatan ko iyon. "O–okay ka naman na. Kapag tapos ko rito, uuwi na muna ako—"
"How could you be so beautiful by merely peeling an apple?" putol niya sa sinasabi ko na lalo kong ikinataranta. Nakita ko kasing umiba ng pagkakaupo si Red. Ngayon ay nakatukod na ang mga siko niya sa mga tuhod niya at magkasalikop ang mga palad niya na wari bang nagpipigil siyang sumabog sa galit.
"S–Szack, t–tumigil ka na, hindi na nakakatuwa!" singhal ko rito ngunit nginisihan lamang niya ako.
"What, love? Can I not compliment you? You deserve my compliment for being such a good nurse. Sit here beside me," aniya sa nagmamayabang na tono, saka pa tinapik-tapik nang marahan ang gilid ng kinahihigaan niya.
Biglang tumayo si Red ngunit ikinatumba naman ng kaninang inuupuan niya. "She's mine, kid. You're going overboard," ani Red sa nagbabantang tono na lalo kong ikinataranta.
Binitiwan ko ang ginagawa ko at agad na lumapit kay Red. "T–tara na, uwi na tayo," aya ko rito saka ko pa siya sinubukang hatakin palabas ng pinto.
"You'll leave me, love? You were the one who made me like this," muling sabat ni Szack at hindi ko alam pero iba talaga ang nararamdaman ko sa mga salita niya. Parang may ibang nais na ipahiwatig.
Sasagot na sana ako nang bigla na lamang may pumasok sa pintuan at nag-aalalang mukha ni Anne ang sumalubong sa akin.
"GAGO KA! ANONG GINAGAWA MO BAKIT KA NAGKAGANIYAN!? SIRA TALAGA ANG ULO MONG HAYOP KA, E! NAPAKAHIRAP MONG ALAGAAN, HINAYUPAK KA!" sigaw ni Anne kay Szack ngunit bigla na lamang itong bumaling sa kabilang bahagi ng kama kung saan nakatalikod na siya sa amin.
Hindi na ako nagpaalam pa kay Anne dahil halatang galit na galit siya. Basta't hinatak ko na lamang paalis si Red sa lugar na iyon.
Mabilis lamang naming narating ang bahay dahil tahimik lamang kami buong biyahe. Alam kong iniisip niya pa rin ang mga nangyari kanina. Alam ko rin na pinananaigan siya ng selos at naiintindihan ko iyon. Minsan ko na iyong naramdaman kay Alaina. Alam mo ang pakiramdam ba gusto mong masaktan pero hindi mo naman maaaring ipakita.
"R–Red," tawag ko sa kaniya nang akmang aakyat na siya ng hagdanan para magtuloy sa silid namin. "Mag-usap na muna tayo—"
"I'm tired," aniya nang hindi man lamang ako nililingon.
"P–pero sabi mo, kailangan may sabihin ako para mawala ang selos na nararamdaman mo—JUSKO PO!"
Sobrang nagulat ako nang bigla na lamang niyang sinuntok nang malakas ang poste sa gilid ng hagdanan. Nakita ko pang nagdugo ang kamao niya at hindi ko malaman ang dapat kong igawi.
"R–Red, s–sorry. Hindi ko alam na gagawin ni Szack iyon. Hindi ko alam na aakto siya nang ganoon—"
"How could I take this jealousy off me? Tell me, woman. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. This is the only time I have been this scared. I am fucking afraid of losing you, not now, please," mahina niyang anas pero alam ko na nilulukob siya ng emosyon niya sa mga oras na ito dahil kitang-kita iyon sa mga mata niya.
"Red—"
"I love you, Franzess! I am so fucking in love with you now! Mahal na kita! Mahal na mahal na kita, 'tang ina!" sigaw niya na lubos kong ikinabigla. Halos hindi ko na malaman kung tama ba ang narinig ko.
Hindi ko alam bakit at kung anong nagbigay sa akin ng lakas ng loob na lumakad papalapit sa kaniya. Kinuha ko ang kamao niya na ngayon ay nagdurugo at inilapit iyon sa mga labi ko.
"Red, hindi mo kailangan magselos kahit na kanino dahil alam kong alam mo na ikaw lang. At isa pa, delay ako, magtu-two months na."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top