Chapter XXX

FRANZESS

FIRST day of school at si Red pa mismo ang naghatid sa akin. Alam kong labag sa loob niyang iwan ako pero wala siyang magawa dahil siya rin naman mismo ang may gusto na mag-aral akong muli.

Iyong sinabi niya nang nagdaang gabi, hindi ko pa rin nakukumpirma sa kaniya. Natatakot ako. Ayaw kong alamin, ayaw kong magmarunong o magmagaling. Ako lang din ang talo at masasaktan sa huli kung ang isasagot niya ay hindi ang inaasahan ko.

"Call me if you don't feel comfortable," aniya nang bumuntonghininga muna ako bago hawakan ang pintuan ng sasakyan.

"Magiging okay lang din naman ako. Isa pa, na-miss ko rin naman ang mag-aral—"

"Minus the motherfucker. You'll be okay, and I'll be fucking okay too without that motherfucking kid," putol niya sa akin at paglingon ko ay nakita ko na ang unti-unting pagseryoso ng mukha niya.

Hindi pa namin maayos na napag-usapan ang tungkol kay Szack at ayaw ko rin naman na i-bring up ang bagay na iyon dahil nga alam ko na ikakainit iyon ng ulo niya.

Hindi ko alam anong klaseng lakas ng loob ang sumapi sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang hinaplos iyon. Hindi siya nagalit, hindi siya pumiksi.

"Pagkatiwalaan mo lang ako. Hinding-hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ikasisira nating dalawa. Hindi ko kahit kailan gusto na mahiwalay sa 'yo. Mahal kita, Red. Mahal na mahal kita," malakas ang loob na anas ko at ibababa ko na sana ang kamay kong nakadampi sa pisngi niya nang bigla na lamang niya iyong hulihin at ipinagsalikop niya iyon sa kamay niya.

Tinitigan niya ako nang mariin sa mga mata at hindi ko mahanap ang tamang salita sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi ko mawari kung dapat ba akong kabahan o hindi. "I want my territory, mine alone. You're not someone I could just share with anyone, and please forgive me for being this possessive towards you, I'm just . . . I'm just afraid that someone would take you away from me," aniya deretso sa mga mata ko at aminin ko man at hindi may mga salita akong hinihintay na nais ko sanang sabihin niya.

"Naiintindihan ko naman po—"

"Hindi ko kakayanin. The thought of you drifting away from me . . . makes me insane. I could never bear that feeling. You're the only reason why I wanted to change myself, why I chose to change for the better. This may sound so damn irritating, but I want you close every time, every fucking second of my life. I could no longer think of anything in my life unless it was you. I could no longer think clearly. Every time I close my eyes, all I fucking see is your smiling, innocent, and captivating eyes. I am falling for you over and over and over every fucking day."

Halos hindi ako humihinga habang nagsasalita siya. Hindi ko mahanap paanong ipoproseso ang mga naririnig ko. Para akong nae-engkanto na hindi ko maipaliwanag. Iba ang hatid nitong galak sa puso ko. Iba ang hatid nitong kilig sa akin. Parang ang hirap sabayan pero ang sarap naman pakiramdaman.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Napakagat pa ako sa labi ko nang hindi ako makaapuhap ng sasabihin ko sa kaniya.

"Talk, baby. Tell me what you are thinking right now," aniya sa akin nang saglit na pumailanlang ang katahimikan sa pagitan namin.

"A–ano . . . hindi ko alam—"

"You're blushing," putol na naman niyang muli sa akin. Ramdam ko rin naman na nag-iinit ang mga pisngi ko at hindi malayo na namumula na ako ngayon.

"R–Red naman!"

Bigla na lamang niya akong hinigit nang marahan at niyakap nang mahigpit bago ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa buhok ko. "That night when I told you I wanted to love you now, it wasn't the liquor who's talking, it was me, baby . . . it was me."

Lalo ko na yatang nakalimutan ang muli pang huminga dahil sa sinabi niya. Unti-unti ang naging pagpasok ng mga salitang iyon sa akin at alam kong ngayon, maaari ko nang pagkatiwalaan ang mga sinasabi niya dahil hindi na alak ang nagsasalita ngayon para sa kaniya.

"I love you, Red."

Mahal na mahal kita. Higit pa sa inaakala mo. Higit pa sa kaya kong ibigay sa 'yo. Higit pa sa pagmamahal na naibibigay ko sa sarili ko. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal.

KATATAPOS lamang ng klase namin sa unang subject at ngayon naman ay agad nang dumating ang professor namin sa ikalawang subject.

Maayos naman ang klase para sa akin. Napapangiti pa nga ako dahil malayong-malayo na ang istilo ng pag-aaral ngayon kumpara sa nasa imahinasyon ko. Wala nang mga bully, wala nang mga paganda lamang ang alam, wala nang nagtitilian kapag nakakakita ng guwapo sa corridor, wala nang mga nagtsi-tsismisan na mga babaeng pawang nagpupulahan ang mga labi. Siguro nga, malaki na ang ipinagbago ng mga kabataan ngayon kumpara noon.

May iilan man akong nakikita na astang maangas o hindi naman ay may mga pagkaharot, ngunit hindi na ito gaya noon na animo ay grupo-grupo. Siguro nga ay sa mga drama na lamang nakikita ang mga ganoon.

"Hi! Ako si Anne, ang ganda mo, sis!" anang babaeng lumapit sa akin at ang masasabi ko ay ang ganda ng pagkakalinya niya sa kilay niya.

Naiinggit kasi ako sa mga magagaling magkilay, dahil wala akong talent sa ganoon.

"Hello po. Franzess," pakilala ko pabalik sa kaniya, saka ako ngumiti. "Ang ganda mo rin," dagdag ko pa at lalo itong ngumiti nang malapad sa akin.

Inabot ni Anne ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman iyon.

"Familiar ka sa akin, sis," aniya nang bitiwan na niya ang kamay ko na lubos kong ikinakaba at ikinabigla.

Paano kung nakita niya ang presscon ni Red? Paano kung nakita niya ako sa tv? Dito na ba matatapos agad ang sinasabi kong simpleng pagkokolehiyo?

"N–ngayon lang naman kita nakita," utal na sagot ko sa kaniya.

Bigla itong bumunghalit ng tawa na ikinagulat ko pang lalo. "Parang . . ."

Bawat salitang bibigkasin niya ay parang inaalog ang mundo ko. Hindi ko kasi alam kung ano'ng puwede niyang isunod na sasabihin dahil ngayon ko lang naman siya nakita at nakilala.

"P–parang ano?" utal na tanong ko sa kaniya.

". . . parang ikaw yata ang destined future sister-in-law ko."

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Akala ko kung ano na at maaari kong ikapahamak.

Nagkunwari na lang akong natawa rin nang makita ko siyang tumawa nang malakas.

"Akala ko naman kung ano na," anas ko habang patuloy na tumatawa nang alanganin.

Hinawakan niya ang balikat ko at marahan tinapik iyon bago siya muling nagsalita. "Pasensya ka na. Hinahanapan ko kasi ng puwedeng jowain ang brother ko tapos mula sa malayo kanina, gandang-ganda ako sa 'yo," paliwanag nito na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi ka education student?" kunot-noong tanong ko rito at sunod-sunod naman itong umiling sa akin.

Ngumiti siya nang matamis bago ako kinindatan. "Szashanne Vizencio, fourth year student in BSIT."

May ibang hatak ang pangalan niya na ikinakaba ko ngunit hindi ko magawang maipaliwanag.

"Ms. Vizencio, nandito ka na naman sa klase ko," anang prof namin na kadarating lang at may ibang ngiti ito kay Anne.

"Aalis na po, Mr. Humiro huwag mo na po akong ngitian. Nakaka-in love ka lang lalo," sagot naman nito na ikinagulat ko pero parang wala lang sa mga kaklase ko dahil kilala nila siya at itong prof namin. Ang weird.

Muling bumaling sa akin si Anne saka na naman ako nginitian. "Oh siya, gogora na muna ako, future sister-in-law. See you later ventilator."

Nakaalis na si Anne at nagturo naman ng trigonometry ang prof ko. Honestly, sobrang na-enjoy ko ang klase. Sobrang saya talagang pag-aralan ng triangle lalo na ang sohcahtoa.

Natapos ang klase namin at tumayo na ako para lumipat sa third subject namin. Malayo-layo rin ang kabilang building dahil sa BS Psychology building ang next class.

Paakyat na ako ng fourth floor nang bigla na lamang may humarang sa akin sa hagdanan na ikinagulat ko.

"Excuse po," wika ko rito nang hindi ako nag-aangat ng tingin.

"Say please," anang baritonong tinig at doon na ako napaangat ng tingin.

Szack?

"Pakiparaanin mo na 'ko, baka ma-late ako sa klase ko," pakisuyo ko rito ngunit bigla lamang ako nitong nginisian na hindi ko naman maintindihan kung bakit.

"Should I let you pass?" aniya sa akin sa nakakalokong tono at sa isang iglap ay nakasandal na ako sa railings ng hagdanan habang nakakulong ako dahil nasa gilid ko ang magkabilang braso niya. "What's with you? How did you get my golden attention that easily?" patuloy nito at ayaw ko mang aminin ay sobrang kinakabahan ako sa mga oras na ito. May iba sa sinabi niya. Tanong iyon ngunit hindi naman tanong ang dating sa akin.

Hindi magugustuhan ni Red ang sitwasyon ko na ito at kapag nalaman niya ay tiyak na tiyak akong hindi lang paglalasing ang gagawin niya.

"K–kung ano man ang pinagtutuunan mo ng atensyon sa akin, please lang pakitigilan mo na. Hindi ako puwede at higit sa lahat—"

"So, you were saying na kung puwede ka, sa akin ka?"

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong iyon.

"H–huwag mo naman i-twist ang mga sinasabi ko. A–ang akin lang, may karelasyon ako. Hindi ako kahit kailan maghahangad ng kahit na sino bukod sa kaniya," sagot ko sa kaniya, saka ko siya marahas na itinulak papalayo na naging sanhi ng pagka-out-of-balance niya.

Sa isang iglap ay nakita ko na lang siya na namimilipit sa ibaba ng hagdan gawa ng naging pagkahulog niya.

"Jusko po, Szack!" sigaw ko, saka ako humahangos na tumungo sa kaniya.

Nakita ko ang pamamaga ng siko niya maging ang pag-inda niya sa paa niya. Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya't nanginginig akong kinuha ang telepono ko.

"R–Red," nanginginig na turan ko sa nasa kabilang linya nang sumagot na ito.

"What's wrong? What's with your voice?" tanong niya sa akin at ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya.

"M–may aksidente akng naitulak sa hagdanan. D–dalhin natin siya sa ospital. T–tulungan mo 'ko," utal na tugon ko rito.

Narinig kong pinatay na ni Red mula sa kabilang linya ang tawag at bumaling ako kay Szack na ngayon ay may tumutulo nang dugo sa ulo.

"S–Szack, please. Hang in there—"

"H–how could you call your boyfriend when someone who likes you just got hurt? Can you not think of me first? Bakit siya pa rin, Fae?"

Napatutop ako sa mga labi ko at muntik akong napaurong nang marinig ko ang paraan ng pagtawag niya sa akin.

"A–anong sabi mo? A–anong itinawag mo sa akin?"

"Fae. Franzess Iah "Fae" Millado—Vizencio. I was the one you promised to marry."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top