Chapter XXVI
FRANZESS
NAKATITIG ako sa mga mata ni Red sa ngayon habang nag-eensayo sila ng bagong kanta na isinulat niya.
Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula nang magtungo kami sa puntod ni Nisha at aminin ko man o hindi, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Siguro, nang makita ko ang puntod niya, gusto ko na rin tanggapin sa sarili ko na wala na nga talaga siya.
Nalingunan ko si Jolina na nangingilid ang mga luha sa mga mata habang nagtitipa sa telepono niya kaya't agad akong napalapit sa kaniya.
"May problema ba?" tanong ko sa kaniya, saka ko marahan na hinagod ang likod niya.
Nilingon niya ako, saka ako nginitian kahit pa may luha na sa mga mata niya na nagbabadyang pumatak. "A–ayos lang ako, Franz," aniya sa akin.
"Hindi kita tatanungin kung hindi ka handang magsabi dahil mayroon naman talagang mga sakit na gusto nating sarilinin minsan dahil wala naman mangyayari kung ipagsasabi natin sa iba," anas ko at patuloy kong hinagod ang likod niya.
Ibinaba niya ang telepono niya, saka siya biglang napahilamos sa mukha niya. "Bakit parang retirement plan tayo ng mga magulang natin? Parang ginawa nila tayo para sila ang mapaunlad natin? Gets ko naman na utang natin sa kanila ang mga buhay natin, pero can't it not be the other way around? Can't they do something for themselves and give us our own lives to live? Gusto kong mabuhay sa paraan na gusto ko, Franz, pero bakit ganoon? Bakit kailangan kong sumunod sa buhay na inilalatag nila para sa akin?" aniya sa akin at doon ko na siya narinig na mahinang humagulgol.
Marahan ko siyang hinatak at niyakap. Hindi ko lubusang kilala si Jolina pero magaan ang loob ko sa kaniya, kaya ngayon na tila may pinagdadaanan siya, pakiramdam ko ay apektado ako kahit paano.
"Magiging ayos din ang lahat, Jolina. Hindi man ngayon, pero dadating naman ang tamang oras at magiging maayos ang lahat," bulong ko habang nakayakap sa kaniya.
"Salamat, Franz. Salamat," sagot niya saka na marahan na kumalas sa akin. "Sige na, bumalik ka na kay Sir Red at baka mamaya pati ako ay pagselosan. Straight ako. Lalaki ang type ko," aniya nang nakangiti kahit pa may mga luha siya sa mga mata. "Malakas ako, Franz. Huwag mo 'kong alalahanin. Kaya ko 'to. Baka Jolina Hillanas 'to," dagdag pa niya at tila sira na ipinakita sa akin ang muscle niya sa braso.
Nangingiti ako na napatayo at tumungo sa kinapupuwestuhan ko kanina.
May mga tao talaga na kahit anong bigat ng problema, kayang-kaya nilang dalhin. Mas maigi na iyon kaysa sa mga tao na laging pagsuko na lang ang pinipili—pero siguro din ay wala na kasi silang ibang pagpipilian kung hindi ang sumuko na lang.
Mukhang pahinga na muna nila Red dahil nagbabaan ng intrumento ang ibang Paranoia at ito si Red, naglalakad ngayon patungo sa akin.
Alam ko naman na mahal na mahal ko na si Red, pero totoo at posible pala talaga na paulit-ulit tayong mahulog sa iisang tao. Sa kahit na anong gawin ni Red—kahit pa simpleng paglalakad patungo sa akin, pagkanta nang nakatingin sa mga mata ko, pagdampi ng labi niya sa mga labi ko, paghaplos ng kamay niya sa buhok ko, o kahit pa tunog ng paghinga niya, paulit-ulit akong nahuhulog sa kaniya. Sa marami at hindi mabilang na dahilan, paulit-ulit ko siyang minamahal at hindi ko na alam kung paano ko pa bang dapat na pigilan ang sarili ko.
"Eyes on me," istriktong wika niya nang makarating na siya sa harapan ko.
"O–o," utal na tugon ko. Sa maraming beses, iba pa rin ang kaba at kabog ng dibdib ko sa tuwing nasa paligid siya. Para pa rin akong dalaga na biglang napapansin ng crush. Ibang-iba ang hatak ng isang Red Yvan Allen.
"What's wrong?" tanong niya agad sa akin. Siguro ay napansin niya na may mali sa enerhiya ko.
"W–wala naman," tipid na sagot ko sa kaniya at tangkang kukuhanin ko ang bote ng tubig nang bigla na lamang niyang kinuha ang braso ko at muli akong hinarap sa kaniya, saka ako hinapit sa baywang.
Awtomatikong rumehistro ang kaseryosohan sa mukha niya na lalo pang nakakapagpadagdag sa karismang taglay niya.
Matatas niyang tinitigan ang mga mata ko na wari bang hinahalukay niya roon ang tamang sagot sa katanungan niya sa akin. "I am asking you, woman. What's wrong?" pag-uulit niya sa tanong niya sa mas pinaseryosong tono.
"W–wala naman problema," sagot ko kahit pa kinakabahan ako dahil nakikita ko mula sa gilid ng mata ko na pinagtitinginan na kami ng mga narito at may mga mapanukso na silang ngiti sa mga labi.
Bigla niyang ibinaba ang mga labi niya patungo sa tainga ko, saka marahang bumulong doon. "Baby, you wouldn't want to make me mad in front of the guys, because I don't care about their presence. I'll punish you in any way I want for hiding something from me. Don't test me, woman. I could've told you I like you, but my patience for you will never change," mapang-akit na bulong niya at kahit pa pagbabanta iyon ay hindi maiwasan ng dibdib ko na mas lalo pang kumabog at tila na-excite sa narinig mula sa kaniya.
"R–Red," bulong ko at marahan ko sana siyang itutulak palayo pero mas hinapit niya pa ako palapit at kulang na lamang ay magsanib na ang mga katawan namin.
"MAMAYA NA ANG HAROT, 'TOL! 'TANG INA NAMAN, MAMAYA PA IYONG GRAND BALL PERO HUMAHAROT KA NA! MAGSILAYAS NA TAYO AT MAGSIPAGBIHIS NA!" dinig kong hiyaw ni Alas pero tila hindi iyon ininda ni Red dahil marahan niyang binugahan ng mainit na hininga ang punong tainga ko.
"We're going to a grand ball for bands later, and now we'll be looking for a perfect dress for you, baby. Gown picking part two? What do you think?" muli niyang bulong sa akin at awtomatiko ang panglalaki ng mga mata ko nang mapagtanto ko ang sinasabi niya.
Hindi ko yata kayang kalimutan ang senaryo na iyon nang una kaming maghanap ng gown. Dressing room, gown, zipper. Iyon ba ang tinutukoy niyang part two?
NAGKIKISLAPAN na makukulay na ilaw ang sumalubong sa amin nang nakarating kami sa isang malaking hall kung saan dinaraos ang grand ball para mga sikat na banda.
Masasabi ko na pinaghandaan nang husto ang event na ito dahil sa mga mamamahalin na chandelier at mga magagara na mga disensyo na nakasabit sa iba't ibang bahagi ng hall.
"Ikaw lang na naman ang may date, 'tol. 'Tang ina mo, napaka-unfair mo talaga!" ani Alas na kapanabay namin sa paglalakad.
Kasama namin ni Red ngayon ang lahat ng miyembro ng banda at ang masasabi ko ay totoo na iba ang dala nilang karisma sa mga suot nilang suits. Lalo na si Casspian na nakaputing suit, ngunit iba pa rin talaga ang hatak ng navy blue suit na suot ni Red. Hindi ko alam pero tila ba ang lakas ng hatak ng kaangasang taglay niya sa suot niyang damit kumpara sa maamong mukha ni Casspian.
"It's because you love me and you are attracted to a bad boy like me," mahinang bulong niya sa akin na tila ba nabasa niya ang iniisip ko.
Napatingala ako sa kaniya at kahit hindi siya nakatingin sa akin ay nakangisi siya na wari bang alam niyang lalo akong nahuhumaling sa taglay niyang kaguwapuhan at karisma.
Nakarating kami sa pangsampuan na upuan na may malaking pabilog na mesa at naupo kami roon. As usual, katabi ko si Red dahil hindi naman siya papayag na malayo ako sa kaniya. Dapat ang katabi ko sa kabila ay si Casspian ngunit tila nakaramdam agad si Alas kaya't inunahan niya ito na maupo sa tabi ko.
Ang suot ko ngayon ay kulay silver na fitted gown na puno ng makukulay na diyamante na si Red mismo ang namili sa botique. Walang nangyaring kababalaghan sa amin dahil kasama namin si Trayn na naghanap naman ng isusuot niyang suit.
"You're lucky today, woman. You're so fucking lucky." Iyan ang mga katagang binitawan sa akin ni Red sa botique kanina.
"Why are you smiling?" bulong ni Red sa akin habang kunot ang noo niya.
Napapangiti na pala ako dahil sa pag-alala ko sa sinabi niya, hindi ko pa napansin.
"I love you," anas ko nang nakangiti sa kaniya na mukhang gumulat sa kaniya. Kung ako rin naman, out of nowhere naman kasi ang pagkakasabi ko niyon.
Mabilis siyang napaiwas ng tingin sa akin na tila ba nahihiya na nahuli ko siyang nagulat. Nangingiti ako dahil nakita ko ang pamumula ng tainga niya. Alam ko naman na kahit paano ay kinikilig siya sa akin, pero ayaw niya lang talagang ipakita.
"Good evening, everyone!" bati ng isang lalaki na mukhang siyang organizer ng event. "Alam ninyo na kapag ako ang organizer, bawal ang kj! So lahat ng babae na kasama ng bawat banda, come here in front!" anito at saka tila may ch-in-eck na kung ano sa hawak nitong maliit na notebook. "Okay, mayroon lang palang pitong rehistradong mga date ngayon, so please come here beside me. We'll play to make this grand ball livelier and exciting!"
Agad akong napalingon kay Red na mukhang aalma na sa balak ng host, mabuti at napigilan ko ito. "A–ayos lang, Red. W–wala naman siguro siyang gagawin na hindi maganda," utal na wika ko sa kaniya at kinakabahan akong ngumiti.
"He better not do anything to you, or I'll kill him in front of these people," mahina ngunit nakakatakot na banta niya.
Marahan akong tumayo at tumayo rin si Seiver para alalayan ako patungo sa harap dahil hindi tumayo si Red na tila kaya nang pumatay ng tao sa talim ng asul niyang mga mata aa ngayon.
"Salamat, Seiv," bulong ko sa kaniya nang maihatid na niya ako sa harap.
"No worries, Franz. Basta huwag ka lang gagawa ng bagay na ikakawala sa sarili ng kaibigan ko," nakangisi niyang wika sa akin at agad naman akong tumango.
Pito na nga kaming nasa harapan at lahat silang anim ay naggagandahan at nagse-sexy-han lalo na sa mga suot nilang gown.
Nilingon ko si Red at titig na titig lang siya sa akin. Kung nakakasugat lang ang bawat tingin ay baka puro na ako dugo ngayon.
"Unahin natin ang representative ng bandang Paranoia," anang host, saka lumapit sa akin. "Actually, the proceeds of this game will go to the homeless people kaya sure na wala namang masasaktan o maagrabyado," anito at sinundan pa iyon ng nakakalokong tawa.
Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko gusto ang pagtawa niya. Hindi ko gusto ang paraan nang pagtingin niya sa akin. Masyadong malagkit at hindi maganda ang dating.
"These girls just need to strip off anything na suot nila. Shoes, earing, necklace, footsocks, hairpins, we don't care, but not the dresses. Sa tuwing may magbi-bid ng mataas na halaga, may aalisin ang babae rito sa harap mula sa mga suot niya. The highest bidder kapag wala nang mahuhubad will grant a one night date with the lady," paliwanag nito at maraming umalma pero marami ring pumayag.
Muli kong nilingon si Red at hindi ko na maipaliwanag ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay aatakihin niya na lang bigla ang organizer ng suntok.
"P–puwede bang umatras?" kabadong bulong ko sa organizer at tumatawang umiling ito sa akin.
"Ready? Ten thousand for her left earring!" anang organizer.
"FIFTY FOR BOTH!" sigaw ng isang lalaki at nginisian ako nito.
Inalis ko ang mga hikaw ko kahit pa naiilang na ako.
"Okay, next is—"
"TWO HUNDRED FOR HER SHOES!" anang isang lalaki na ngumisi rin sa akin. Hindi na nito nagawang patapusin ang sinasabi ng organizer.
Iba ang bawat kabog ng dibdib ko lalo pa't kulang na lang ay itaob na ni Red amg mesa sa harap niya sa nakikita kong galit sa mga mata niya.
Huhubarin ko na sana ang mga puting sapatos na suot ko, ngunit bago pa ako makayuko ay mabilis na lumipad ang mesa na nasa harap ni Red at wala siyang pakialam na tumungo sa akin habang dama ko ang galit na galit niyang awra.
"R–Red," bulong ko kahit pa alam kong hindi naman niya iyon maririnig.
Nang makarating siya sa harap ay bigla niyang inagaw ang mic sa organizer at itinapat iyon sa mga labi niya.
"One hundred fucking million for your charity and my woman is now out of this fucking game," puno nang diin na wika niya, saka ako biglaang binuhat na animo bagong kasal at binagtas namin ang daan sa gitna ng mga tao.
"R–Red, a–aalis na ba tayo—"
"Shut up, Franzess! You are mine tonight and mine alone!"
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top