Chapter XXIX

FRANZESS

MABILIS ko lamang narating ang bahay at agad hinanap ng mga mata ko si Red kahit pa alam ko naman na wala siya rito dahil hindi ko nakita ang sasakyan niya sa garahe.

"Nana?" paghahanap ko kay Nana Mela at narinig kong sumagot siya mula sa itaas ng bahay kaya't agad akong umakyat.

Nadatnan ko siyang dinidiligan ang mga halaman sa may veranda. "Bakit, anak? Nakabalik na pala kayo? Nasaan ang asawa mo? Kumusta ang enrolment mo—"

"Nana, pasensya na po sa kabastusan ko, pero umuwi na po ba rito si Red?" tanong ko kay Nana at nangunot ang kilay nito sa akin.

"Hindi ba't kayo ang magkasama? Hindi ko naman narinig na dumating ang sasakyan mula kaninang umalis kayo. Nag-away ba kayo?" tanong nito at hindi ko alam ang dapat kong isagot kay Nana. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya ang nangyari dahil problema namin iyong mag-asawa.

"Nagtampo lang po siya, Nana. Sige po, hahanapin ko na muna po siya," paalam ko rito at bakas ang pag-aalala sa mukha na tumango siya sa akin.

Namanaog ako at sinubukan ko siyang kontakin sa telepono ngunit nakapatay na iyon. Kanina pa man din na nasa taxi ako ay hindi ko na siya makontak.

Ang totoo niyan, hindi ko kahit na kailan gustong galitin o pagselosin si Red. Kahit pa nakikita ko kung gaano ako kahalaga sa kaniya sa mga reaksyon niya tuwing magseselos siya, ayaw kong magkaroon ng lamat ang pagsasama namin dahil lang sa selos-selos na iyan—lalo pa ngayon, na hindi na kami katulad ng dati.

Sinubukan kong tawagan si Alas dahil baka sa isa sa kanila nagpunta si Red. Wala na kasi akong ibang maisip na maaari niyang puntahan.

"Oh napatawag ka, Mrs. Allen?" tanong nito mula sa kabilang linya at hindi ko na alam ano bang dapat kong sabihin sa kaniya dahil sigurado na mang-aasar ito kapag nalaman niya ang kuwento.

"Alas, kasama mo ba si Red?" nangingiming tanong ko at tawa na malakas ang sinagot nito sa akin sa kabilang linya.

"Nagmaasim na naman ba ang tropa ko at lumaklak ng ampalaya? Maganda na naman yata ang nabiling bitter medicine ni gago. Alam ko style niyan, hindi ka lalayasan niyan kung hindi nagselos 'yan!" anito at muling nagtatawa sa kabilang linya.

Napanguso na lang ako saka ko pinatay ang tawag. Sunod na nahagip ng mata ko ay ang contact number ni Casspian. Wala akong ibang choice kung hindi tawagan siya. Isa pa, sila talaga ni Red ang malapit sa isa't isa kumpara sa iba pang miyembro.

"Franz? Is it really you?" aniya sa kabilang linya at nagdalawang-isip pa ako kung sasagot ba ako o hindi.

"C–Casspian, kasama mo ba si Red ngayon?" utal na tanong ko rito.

"I'm not with him. Nasaan ka ba? Bakit mo siya hinahanap?"

"Sige pala. Salamat—"

"No, don't hang up. Nasaan ka? Pupuntahan kita. Let's look for him together. Kabisado ko ang mga priavte bar na madalas niyang puntahan," anito at napabuntonghininga na lang ako.

Wala na akong karapatan na mag-inarte dahil baka hindi ko mahanap ang asawa ko kung pananaigin ko pa ang iniisip ko.

"N–nasa bahay ni Red. Aabangan na lang kita gate," sagot ko at pinatay ko na ang tawag.

Mabilis akong tumungo sa gate namin at hinintay si Casspian. Wala pa man din mga kalahating oras ay narito na siya. Ilang araw ko siyang hindi nakita at bahagya na ring tumubo ang bigote at balbas niya.

"Get in," utos niya sa akin at agad naman akong sumunod.

Pagpasok ko ng sasakyan ay nakita kong nakapambahay lang siyang damit at naka-havaianas lang na slippers. Mukhang nagmadali lang talaga siyang makarating agad dito.

"P–pasensya ka na, Casspian. Hindi ko gustong abalahin ka, pero wala na kasi akong maisip na puwedeng pagtanungan—"

"You don't have to explain, Franz. I understand," anito at sandaling lumingon sa akin at nginitian ako bago muling ibinaling ang atensyon niya sa kalsada.

Nanatili na lamang akong tahimik sa buong biyahe namin dahil nabibigatan ako sa atmospera sa paligid naming dalawa.

"Franz," basag niyang bigla sa katahimikan. "You don't have to feel so awkward, I know my place. Gusto kita, oo, pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sa 'yo lalo pa't may iba kang gusto. Tinutulungan kita dahil ayaw kong nag-iisip ka at nahihirapan. I told you, I only want what's the best for you, Franz. Hindi mo kailangan ma-awkward," aniya at muli akong nilingon para ngitian.

"Salamat, Casspian."

Madilim na nang marating namin ang isang bar. Pagpasok pa lang namin ay hindi na kami hinarang ng mga bouncer na tila ba kilalang-kilala rito si Casspian.

"Don't ever look at any man's eyes or they might think you are hitting on them," bulong niya sa akin nang makapasok na kami nang tuluyan sa loob.

Sumalubong sa akin ang nakakahilong ilaw, samot-saring amoy, usok, at nakakabinging ingay ng sigawan at tugtog.

Inakbayan ako sa balikat ni Casspian, saka namin binagtas ang isang tagong daan. Nang wala na kaming nakakasalubong na tao ay binitiwan niya ako, saka siya mayroong kinausap na babae. Base sa postura nito, mukhang mayroon itong katungkulan dito sa bar.

"Let's go," aya sa akin ni Casspian at napansin kong may dala na siyang card.

Naglakad lang kami at nakarating kami sa isang tila panibagong palapag at may sumalubong sa aming pulang pintuan.

Ginamit ni Casspian ang hawak niyang card at binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod ako.

Pagkapasok ko ay nagulat ako ng masamang tingin ni Red ang sumalubong sa akin.

"So, you're not contented messing with me at your school. You looked for me and brought your suitor with you. What a fucking nice decision, my dearest wife," aniya at bakas na bakas sa tinig niya na may tama na siya ng alak at hindi rin maipagkakaila ang kasarkastikuhan.

"N–nagpasama lang ako kay Casspian na hanapin ka dahil hindi ko alam kung saan kita hahanapin. W–wala akong ideya kung saan ka matutunton," paliwanag ko ngunit mapait niya lamang akong nginisian saka niya tinungga ang baso ng alak.

Muli sana siyang tutungga ng baso ng alak ngunit lumapit si Casspian sa kaniya at inagaw ang baso ng alak, saka siya ang tumungga niyon.

"Back the fuck off, Casspian," ani Red ngunit imbes na sumunod si Casspian ay padabog nitong binitiwan ang baso na ikinapiksi ko.

"You don't have the slightest idea how the fuck it pains me seeing you treating Franzess this way. I want to punch you for real, Red. How could you trash someone I always dream of having? Paano mo nagagawa na tratuhin siya nang ganito? You're a one lucky jerk!" ani Casspian.

Gulat na gulat ako sa narinig ko pero napangisi lang si Red sa narinig niya.

"Do you want her?" tanong ni Red at hindi ko alam pero iba ang naging kabog ng dibdib ko sa binitiwan niyang mga salita na iyon.

"R–Red. . . ."

"I am fucking asking you, Casspian. Do you want her?" muli niyang tanong at sa bawat pananalita niya ay para akong niyayanig.

"I do. I do, Red—"

"But she's mine, Casspian," aniya at biglang tumayo mula sa kinauupuan niya.

Naglakad siya patungo sa akin, at aaminin ko, sa bawat paghakbang niya ay gusto ko na lamang siyang sugurin ng yakap. Ito ang nang beses na nakita ko siyang naging ganito. Ito ang unang beses na naglasing siya nang ganito dahil lamang sa selos na nararamdaman niya at gusto kong alisin iyon sa pamamagitan ng yakap ko at paulit-ulit kong ipaparamdam sa kaniya na siya lang ang mahal ko.

Nang makalapit na siya sa akin ay bigla niya akong hinapit papalapit. "R–Red?"

"I own every bit of her, Casspian. She's mine alone. She's not yours, not Hyuan's and definitely not of that mother fucking kid's property. She's all mine. My wife is mine alone. I can give you guys whatever you want, but not my wife. I can't. I just can't," aniya na lubos kong ikinagulat dahil bigla na lamang niya akong niyapos nang mahigpit na mahigpit halos hindi na ako makahinga.

"R–Red, nahihirapan akong—"

"Baby, you're mine. Akin ka lang. Buong ikaw, sa akin lang. If you no longer want me, just say so. I am always willing to sacrifice for your happiness and freedom," bulong niya at unti-unting lumuwag ang yakap niya sa akin ngunit bumigat naman ang pagkakasandal ng katawan niya sa katawan ko.

Nang makita ni Casspian na nawalan na siya ng malay dala ng kalasingan ay tinulungan ako nito na alalayan siya.

"I'll drive you two home," ani Casspian sa blangkong tono. "I'm really a fucking masochist," bulong niya ngunit sapat na para marinig ko.

KASALUKUYAN ko siya ngayong pinupunasan ng tuwalya dahil amoy na amoy ang alak sa katawan niya. Nagpapasalamat ako na tinulungan ako ni Casspian na maiakyat siya hanggang sa silid namin dahil kung hindi ay baka hindi ko kinaya dahil sa sobrang laki niya.

Bumubulong-bulong siya ng mga salita na hindi malinaw sa akin. Para siyang nag-oorasyon kung pakikinggan mo pero alam ko naman na hindi.

"Hindi mo naman kailangan magselos at iwan ako roon. Puwede naman tayong mag-usap at pag-usapan ang problema. Hindi naman kailangan na umabot pa sa ganito," anas ko sa kaniya. Malakas ang loob ko dahil alam kong lasing na lasing siya at hindi niya na ito maaalala bukas.

"I'm going to kill that fucker," dinig kong bulong niya at bahagya niyang ibinukas ang mga mata niya kaya't nakatagpo nito ang mga mata ko.

"Red, mahal na mahal kita, hindi mo kailangan magselos sa kahit na sino. Mahal na mahal kita at hindi ko nakikita ang sarili ko na may makakasamang iba sa pagtanda ko kung hindi ikaw," anas ko at pinunasan ang mga pisngi niya ng maliit na tuwalya.

Nakita kong umangat ang isang kamay niya at marahang humaplos iyon sa pisngi ko. Ngumiti siya sa akin, ngunit isang mapait na ngiti ang nasilayan ko.

"I don't want to share you with anyone, baby. The day I saw you, I knew you were for me," aniya at hindi ko alam pero mayroon akong ibang nahihimigan sa tinig niya.

"Red, nakita mo na ba ako dati pa?"

"That fucking kid who stole a kiss from you, I want to rip his lips off his fucking face. How could he touch my wife?" dagdag pa niya at bigla siyang bumangon at naupo sa kama katapat ko.

Bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya at ibinaon niya ang mukha niya sa kaliwang bahagi ng leeg ko.

Balak ko sana siyang itulak nang bahagya palayo para mas mapunasan pa pero naramdaman ko bigla ang mumunti niyang mga halik sa leeg ko. "R–Red. . . ." hindi ko napigilang pag-ungol lalo pa nang kagatin niya iyon nang marahan.

"Baby, you belong to me, and to me alone. Tell me na sa akin ka lang. Tell me . . . please," bulong niya na kulang na lamang ay magtanggal ng natitira kong bait sa katawan.

Nakakaakit ang paraan ng pananalita niya, maging ang pagtatagalog niya na bibihira ko lamang marinig, idagdag pa ang pakikiusap niya na bibihira ko lamang talagang marinig.

"Sa 'yo lang ako, Red. B–buong ako, iyong-iyo lang. H–hindi ako maaagaw ng kahit na sino," sagot ko at naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa likod ko at marahang humagod doon.

Napaigtad ako nang muli niyang lapatan ng maliit na kagat ang leeg ko na muling nagdulot sa akin ng ibang sensasyon.

"Never let me get jealous again, Mrs. Allen. I couldn't bear the pain. It fucks the hell in me. I've never been this jealous before, and I don't know how to deal with this kind of fucked up feeling. I'm scared . . . I'm so scared of how he looked at you, and how you looked at him too," muli niyang bulong ngunit mayroong mga diin.

"O–oo, hindi na mauulit. Lalayuan ko ang mga tao na gusto mong layuan ko, huwag lang tayong magkakaproblema ulit nang ganito. Ayaw kong makararamdam ka ulit nang ganiyan, ayaw kong makita na magkakaganiyan ka—oh my god, Red!"

Bigla na lamang niyang ipinasok ang isang kamay niya sa loob ng suot kong t-shirt na ikinagulat ko nang husto.

"Mrs. Franzess Iah Millado—Allen, I want to love you now. Would you let me?"

Red, lasing ka lang ba?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top