Chapter XXII

FRANZESS

NANGINGINIG ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong unahin sa mga oras na ito. Ang nararamdaman ko bang sakit, ang takot ko, o ang lumaban. Pakiramdam ko ay iginugupo ako ng halos lahat ng pait sa mga oras na ito.

"What now, Red? Aren't you gonna kiss me?" ani Alaina at parang pinipiga ang dibdib ko sa naririnig ko. "You used to be addicted to my lips. You used to pleasure my whole body with yours. What's there to be ashamed of?" dagdag pa nito at hindi ko naiwasan ang mapatalikod sa nararamdaman kong sakit.

Hindi ako masokista, mahal ko lang talaga si Red, pero iba pala talaga kapag harap-harapan mo nang nakikita.

"A–aalis na 'ko. Pasensya sa abala—"

"And why the fuck are you leaving? Will you let me be alone with this slut?"

Nagulat ako sa narinig kong iyon at awtomatiko akong napalingon kay Red. Nakatingin na rin siya sa akin habang hindi pa rin niya binibitiwan si Alaina.

"R–Red, anong ibig mong sabihin?"

"JUST FREAKING LEAVE, BITCH! LEAVE ME AND RED ALONE! HE'S MINE! HE'S MINE TO BEGIN WITH!" galit na wika ni Alaina sa akin ngunit ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa mga mata ni Red na ngayon ay mariin din na nakatitig sa akin.

Hindi ko maintindihan ang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag pero miminsan ko nang nakita ang mga matang iyon at iyon ay nang kantahan niya ako noong anibersaryo ng kasal namin.

"Red. . . ." bulong ko.

"UMALIS KA NA! HINDI KA BA MAKAINTINDI!?"

Muli akong pumihit at nagsimula akong humakbang papalapit sa asawa ko na hanggang ngayon ay hindi pinuputol ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ni Alaina. Hindi ko alam saan ko hinugot ang tapang ko na gawin iyon.

Tuluyan niyang binitiwan si Alaina at pinagsalikop ko naman ang mga kamay naming, saka kami lumayo sa babae.

"K–kasal na kami, Alaina. Puwedeng ikaw ang nauna, puwedeng ikaw ang naunang minahal, puwedeng ikaw ang pinangakuan noon, puwedeng ikaw ang kasiyahan niya noon, puwedeng ikaw ang dahilan ng bawat kantang nalilikha niya noon, pero ako ang pinili, ako ang pinakasalan. Kahit saang korte tayo umabot, ako ang may karapatan dahil ako ang asawa. Lahat ng meron sa inyo noon ni Red, lahat iyon alaala na lang, hindi na mangyayaring muli dahil ako na ang narito. Ikaw lang ang nakaraan, pero ako ang kasalukuyan at hiniharap niya, Alaina. Nalulungkot ako sa nangyari sa inyo, pero mahal ko ang asawa ko. Sa akin siya, Alaina . . . sa akin lang," mahabang turan ko sa kaniya, saka ko hinatak si Red palabas ng silid na iyon.

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tibay ng loob para hawakan si Red. At hindi ko alam bakit ko siya dinala rito sa may tabing dagat.

Huminto kaming maglakad at nang tila nilukuban na ako ng hiya ay nagdesisyon na akong bitiwan ang kamay niya ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa akin.

Nilingon ko ang mukha niya at nakatitig na siya sa akin—seryosong titig.

"I–iyong kamay ko, Red—"

"You were the one who held my hand, woman," seryosong wika niya. "Be responsible for your action."

"G–ginawa ko lang naman iyon para mailayo kita kay Alaina," sagot ko sa kaniya, saka pa ako napakagat-labi. "H–Hindi ko lang talaga inaasahan ang nakita ko."

Inangat niya nang bahagya ang magkasalikop naming kamay, saka niya iyon tinitigan. "Your fingers are well-fitted with mine. Don't you think that we're too much destined?" aniya sa akin at abot-abot ang kabang naramdaman ko. Paano niya nagagawang iparamdam sa akin ang samot-saring emosyon sa ilang minutong pagitan.

"R–Red. . . ."

Bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya at sa gulat ko ay niyakap niya ako nang mahigpit. Parang huminto ang mundo ko. Tanging tunog lamang ng alon at ang mga panggabing kulisap ang naririnig ko sa paligid at oo, maging ang malakas na kalabog ng dibdib ko.

"I have never thought that this day would ever come. I have never expected that you'll be strong enough to fight for your rights as my wife. Well-done, Mrs. Allen, well-done. I'll be looking forward for your further evolution, for now, let's go to bed. I'm dead tired," aniya at naramdaman ko pang isinandal niya ang baba niya sa balikat ko.

Alam kong nahihirapan siya sa layo ng taas namin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lamang pinalibot sa baywang niya ang mga braso ko. "M–Mahal kita. K–Kahit hindi mo ipaliwanag ang nakita ko, pipiliin kong maniwala at magtiwala sa 'yo. M–Mahal kita, Red. M–Mahal na mahal kita," bulong ko sa kaniya.

Wala akong inaasahan na reaksyon mula sa kaniya sa sinabi kong iyon ngunit nagulat na lamang ako nang makaramdam ako ng mainit na hininga sa tainga ko.

"I want you closer to me, baby . . . anytime, anywhere. Please be at a spot where I could always easily find you," bulong niya na animo pagod na pagod na. Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa narinig ko.

Oo, Red. Hindi ako aalis. Lagi lang akong nasa tabi mo.

NATAPOS ang concert nila at ngayon ay maraming nakapila para magpapirma ng mga album nila sa kanila.

Nasa paligid lang si Alaina dahil siya pala ang coordinator na sinasahi ni Miss Mikaela. Sinadyang itago ni Miss Mikaela ang bagay na iyon dahil baka umurong si Red at maapektuhan ang charity concert na ito—iyon ang sabi sa 'kin ni Jolina. Hindi ko kasi nagawang tanungin si Red at ayaw ko rin na pangunahan siya sa pagsasabi sa akin.

"Franz, puwede bang ikaw na muna ang kumuha ng mga bottled water na nasa tent? Naiwan ko kasi. Nagmamadali kasi si Nadia," nakangusong pakisuyo sa akin ni Jolina. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

Busy naman si Red sa pagpirma kaya kahit siguro sandali akong mawala sa paningin niya ay hindi niya mapapansin. Paminsan-minsan lang naman ang sulyap niya sa kinatatayuan ko.

Naglakad na ako patungo sa tent at nakita ko naman ang bag ng mga bottled water. Agad kong kinuha iyon. Bumalik na ako sa venue at puro tilian ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naalarma ako.

Nagmamadali akong tumungo sa kung nasaan si Red at bigla kong nabitawan ang bag na dala ko sa nakita ko.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Red at nakita ko ang kalituhan at panlalaki ng mga iyon nang makita ako. Marahas niyang itinulak si Alaina na kanina ay nakahalik sa mga labi niya.

Para akong dinudurog. Para akong napaulanan ng lahat ng sakit sa mundo.

Agad akong tumalikod at tumakbo palayo. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit kong makalayo. Nasasakatan ako. Bakit ba dinudurog ako nang ganito? Wala naman akong ibang gusto sa buhay ko. Wala naman akong ibang hiling. Gusto ko lang ng payapa at tahimik.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, basta't tila paakyat ako sa masukal na bundok dahil sa mga puno at damo na nararaanan ko. Wala rin tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Nanlalabo ang paningin ko, pero pinipilit ko pa rin na maayos na tahakin ang daan.

Ang hirap nang nakatago ang relasyon. Puwede kang masaktan . . . pero dapat palihim lang.

Nakarating na yata ako sa mataas na bahagi nang mapagod ako. Nakakita ako ng malaking bato at doon ko napiling umakyat at maupo sa tuktok.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang payapang dagat kahit pa nanlalabo na ang mga mata ko sa luha.

Pakiramdam ko ngayon ay napakatalunan ko. Pakiramdam ko, ang hina-hina ko.

"Franzess," anang isang tinig at paglingon ko ay nagulat pa ako na makita si Casspian na hihingal-hingal. "Bakit ba ang bilis mong tumakbo?" aniya at hinawi pa niya ang may kahabaan niyang buhok.

"C–Casspian. Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko, saka ko mabilis na pinunasan ang mga luha ko.

Imbes na sumagot at umakyat din siya sa kinauupuan ko. Tumabi siya nang upo sa akin at tumanaw rin sa malawak na karagatan.

"Red didn't like that kiss. Hindi ko alam bakit nandito ako at ipinapaliwanag ang side ng karibal ko, but believe me, Franz, Red didn't like that kiss. He was just caught off-guard," aniya sa akin habang patuloy na nakatitig sa dagat.

"H–hindi mo naman kailangan magpaliwanag sa akin—"

"Alam ko naman na mahal mo siya. Your actions are too obvious, Franz," putol niya sa akin, saka ako nilingon at nginitian. "Hindi mo kailangan magpanggap sa harap ko. Cry if you want to, Franzess. Curse. Fuck the whole universe for making you feel this way, I won't mind. Sabi ko sa 'yo, hindi kita kahit na kailan pipilitin na mahalin ako. I will never steal you away from Red. Hindi ako ganoon magmahal. When I love, I love alone. It doesn't have to be mutual dahil ako naman ang pumili sa sitwasyon ko, pero gusto kong kahit paano ako ang maging hingahan mo. If you are tired and hurt, I can always be your shoulder to cry on, Franz. Hindi mo 'ko kailangan mahalin, pero puwede mo 'kong maging pahinga sa nakakapagod na mundo," mahabang turan niya na lalong ikinangilid ng mga luha ko.

Inabot niya ang ulo ko at marahan niyang ipinatong iyon sa balikat niya.

"M–mahal ko si Red, Casspian. S–sobrang mahal na mahal ko siya. Pasensya ka na kung kailangan mong marinig sa akin ito, pero . . ." Inangat ko ang ulo ko mula sa balikat niya at tinitigan ko siya sa mga mata. ". . . kasal kami ni Red, Casspian."

Nakita ko ang gulat na bumalatay sa mga mata niya. Nakita kong gumulantang sa kaniya ang sinabi ko.

Inilabas ko ang suot kong kwintas kung saan naroon ang singsing ko ng kasal namin ni Red.

"Matagal na kaming kasal ni Red, kaya patawarin mo 'ko, hinding-hindi ko magagawang lokohin ang asawa ko. Kung mayroon man akong magiging hingahan, siya lang iyon at wala ng iba. Kahit gaano nakakapagod ang mundo, sa kaniya pa rin ako paulit-ulit na babalik para mawala ang pagod ko. Kahit na gaano pa kasakit ang mangyari sa pagitan namin, sa kaniya ko pa rin pipiliin na umuwi. Siya pa rin . . . sa kaniya pa rin," nakayuko kong turan sa kaniya habang nakatitig ako sa singsing.

Bigla na lamang may humatak nang marahan sa braso ko at paglingon ko ay nakita ko si Red na nasa gilid ko na.

"Red—"

"I'm came here to pick my wife," aniya at walang sabi-sabing binuhat ako na tila bagong kasal at nilisan ang lugar na iyon.

Nakakunyapit ako sa batok niya nang ibaba niya ako sa kalagitnaan ng masukal na daan at hinarap ang mukha ko sa kaniya.

"R–Red. . . ."

"Your lips are the only lips I would want to kiss and no one else but yours," aniya sa seryosong tono.

Nagulat man ako sa narinig ko mula sa kaniya ay pinilit kong ngumiti. "H–hindi mo kailangan magpaliwanag. N–nasaktan lang ako sa nakita ko, pero gaya nga nang sinabi ko sa 'yo, sa 'yo lang ako maniniwala at patuloy na magtitiwala."

Umangat bigla ang kamay niya at lumapat iyon sa pisngi ko. May pinahid siyang luha mula roon. Umiiyak na pala ako, hindi ko pa namamalayan.

"How could you love me this way? How could you be this selfless?" tanong niya sa akin at muli ay napangiti ako sa kaniya.

"Kapag naman nagmamahal, hindi naman kailangan na dapat laging palaban, hindi ba? Para sa akin ay sapat na ang pagkatiwalaan kita. Sa araw-araw, pipiliin kong paniwalaan ka. Sa araw-araw, pipiliin kong manatili sa tabi mo. P–pasensya ka na kung ganito ang paraan ng pagmamahal ko sa 'yo. P–pasensya na kung ito lang ang magagawa ko. Alam ko, mas nakakahigit sa akin sa lahat ng bagay si Alain, pero handa ko naman gawin lahat ng bagay na alam kong ikakasaya mo at lahat ng bagay na alam kong—"

"I like you, Mrs. Franzess Iah Allen. I like you and if this like means I will be owned by you, I would gladly offer myself to you."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top