Chapter XXI

FRANZESS

NAGISING ako na may malaking kumot na nakatakip sa katawan ko. Lumingon ako sa tabi ko ngunit wala akong Red na nakita.

Tapis ang kumot na bumangon ako ngunit hindi pa ako tuluyang nakakababa ng kama ay nakita ko si Red na dumarating at may dala na tray ng pagkain.

Wala siyang pang-itaas at nakaitim na joggerpants lang siya.

"Where are you going?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"Hindi pa ba lumilipad ang eroplano? Sabi ni Miss Mikaela, forty-five minutes lang ang biyahe—"

"I just took you for more than forty-five minutes and you fell asleep. I told the pilot to launch the flight at 1pm. It's only 11am now. You slept for one and a half hour. Were you tired?" putol niya sa akin at hindi ko alam bakit ikinapula ko ang huling tanong niya samantalang totoo naman na napagod ako.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiling ako sa kaniya. "H–hindi naman."

Nakita ko siyang tumango-tango. "Hmm. I see. Don't worry, after you eat, I will surely make you tired that you'll forget getting out of bed. You'll be lying the whole flight . . . naked." Sinundan pa niya nang nakakalokong ngisi ang sinabi niyang iyon na lalo pa yatang ikinainit ng pisngi ko.

"H–hindi naman iyon kasi ang ibig kong sabihin," utal na wika ko, saka ako ngumuso.

"So you don't want it? I thought you love it whenever I take you to the seventh heaven? Am I wrong? Did I just assume?" aniya sa akin pero ramdam ko naman na inaasar niya lang ako.

Tatayo sana ako para pulutin ang mga damit ko na nasa sahig ng eroplano nang bigla niyang sipain ang mga iyon palayo sa kung saan.

"R–Red naman—"

"No. Eat naked. I want to see you naked. I want to watch you eating something I cooked while naked. It looks fun and sexy," aniya sa akin sa nakakaakit na tono at inilapag niya ang tray sa harapan ko.

Akala ko ay aalis na siya ngunit inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, saka ako kinindatan.

"B–bakit?"

"Eat now, baby, before I change my mind and I end up eating you instead," pilyong wika niya sa akin, saka niya bahagyang inilayo ang sarili niya sa akin.

Hindi ko alam bakit ganito siya ngayon. Ramdam ko namang naroon pa rin ang misteryosong atmospera na isinisigaw ng pagkatao niya, ngunit parang iginugupo iyon ngayon ng kasayahan na makikita sa mga mata niya.

Ayaw kong mag-assume. Ayaw kong mag-isip ng mga bagay na alam kong ikapapahamak at ikasasakit ko sa huli. Mas maigi pa na alam ko kung ano lang ang dapat, kung hanggang saan lang ako, at kung ano lang ba ang limitasyon ng mga dapat na asahan ko.

Inipit ko na muna sa mga kili-kili ko ang kumot at hinawakan mo na ang kutsara at tinidor. Mayroong bacon, sunny side up egg, longganisa at kanin sa harapan ko. Alam kong marunong magluto si Red, pero napakadalang niya akong paglutuan kaya't parang gusto kong ipa-laminate ang mga nasa harapan ko ngayon.

"Quit staring at the food, woman. Don't look at them as if they are the yummiest things you've ever seen," pukaw niya sa atensyon ko kaya't naibalik ko sa kaniya ang paningin ko. Nakita kong naging seryoso na naman ang mga asul niyang mata. "It should be me, woman. It should only be me."

Tumalikod na siya at naglakad papalabas ng silid.

Nagselos ba siya sa pagkain?

PASADO alas dos nang makarating kami ng Siargao City. Agad may sumundo sa amin na van at dinala kami sa isang private hotel na napakagara sa paningin ko.

Kung tatanungin ako sa nangyari sa eroplano? Wala nang nangyari. At ang dahilan? Si Red ang nagmaneho ng eroplano. Licensed pilot siya at kanina ko lang nalaman.

Nakasunod lang ako sa kaniya nang pumasok kami ng hotel at maraming mga mata ang napapalingon sa kaniya. Hindi ko naman iyon maiiwasan kaya't yumuyuko na lang ako. Model, singer at public figure ang asawa ko. Kailangan kong masanay sa ayaw at sa gusto ko.

Bigla siyang huminto sa paglalakad at biglang umumang sa punong tainga ko, saka bumulong na ikinagulat ko. "Instead of walking behind me, walk next to me. I want you to walk beside me, Mrs. Allen. I want you by my side."

Para akong nanigas sa sinabi niyang iyon pero hindi ko dapat ipahalata sa lahat ng mga narito ngayon. Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Red ang mga salitang iyon.

"Keep walking. Don't let these maggots intimidate you. They are unworthy of intimidation," aniya nang sumabay na ako sa paglalakad niya. Mukhang binagalan talaga niya ang bawat paghakbang niya upang makasunod ako.

Papasok na sana kami sa isang pinto nang may humatak bigla ng braso niya na kapwa namin ikinagulat.

"Hi, Red! Puwede bang payakap at pa-autograph?" anang babae na hanggang ngayon ay nakahawak sa braso niya.

Sinamaan niya ito ng tingin kaya't agad akong umeksena dahil baka may masabi siyang hindi maganda. Ayaw na ayaw niya talaga nang hinihawakan at ayaw niya sa mga fan na nawawalan ng respeto sa mga iniidolo nila.

"H–hi, Miss! Puwede po bang mamaya na lang? Okay lang ba? Pagod kasi si Sir Red. Pasensya na," singit ko at sapilitan kong inalis ang pagkakahawak ng babae sa braso niya.

Pagpasok namin sa parang bulwagan ay sumalubong sa amin ang kunot na noo ni Miss Mikaela at ng iba niyang kabanda.

"What took you so long?" tanong ni Seiver kay Red.

"Delayed flight," tipid na sagot ni Red dito at nakita ko si Alas na parang nangingiti na tila gustong mang-trip.

"Why do you have to bring Franzess with you?" sabat naman ni Casspian na hindi maganda ang timpla. Wala ang maaliwalas niyang mukha ngayon.

Nakita kong ngumisi si Red sa kaniya at bigla akong inakbayan sa may balikat. "Because she's mine, Casspian. What belongs to me, stays with me," sagot niya rito na ikinakabog ng dibdib ko.

"HEP! ENOUGH OF THIS DRAMA," pigil ni Miss Mikaela sa kanila. "Nakausap ko na iyong coordinator na si Miss A—basta! Open for rehearsal mamaya ang pagdarausan ng concert. Around 5pm. Meet me at the sea side by then," paliwanang nito at nagkaniya-kaniyang pulasan na ang iba.

Sa tabi ng dagat kasi idadaos ang concert bukas ng 6pm. Sold out ang ticket at inaayos na ang pagbibigyan na charity. Ang balita ko pa nga ay nagbigay ang bawat band member ng tig-kakalahating milyon pangdagdag sa nalikom na pera.

"Red, saan ang kuwarto ko?" bulong na tanong ko sa kaniya dahil narito pa rin si Seiver at kausap yata si Clara sa telepono.

"Why do you have to ask?" sagot niya sa akin na ikinabigla ko. "You are coming with me, Mrs. Allen," dagdag niya at biglang hinatak ang kamay ko pati ang mga maleta.

Alam kong nagulat si Seiver sa nakita at narinig niya pero mukhang ipinagkibit-balikat na lamang niya ito.

Mapapahamak na kami, malapit na. Nararamdaman ko talaga dahil sa mga inaakto ni Red. Haaaaaay.

GABI na at nakabalik na silang lima pagkatapos ng rehearsal. Ngayon ay nakaupo kaming lahat sa harap ng mahabang lamesa para sa dinner. May mga iilan ding talent ang narito dahil special guest sila para bukas.

Narito si Lyn Saturday—kilalang actress, pero kontrobersyal dahil ang alam ko base sa balita sa showbiz na kumabit siya hindi umano sa isang gobernador.

Narito rin si Katt Tambunting—kilalang singer-composer na madalas ay naglalabas ng mental health card kapag napapasabak sa mga issue.

"Let's eat," ani Miss Mikaela kaya't nagkaniya-kaniyang sandok na rin ng pagkain ang mga narito.

Saktong sasandok na ako ng pagkain ko nang tumayo si Red mula sa kinauupuan niya at tumungo sa gawi ko. Magkalayo kami dahil puro PA ang mga katabi ko at siya naman ay nasa kabilang dako kasama ang mga band member.

Lalong tumindi ang kalabog ng dibdib ko nang pagpalitin niya ang plato kong walang laman at ang platong dala niya na may mga nakasandok na pagkain. Lahat ng tingin ay nasa amin pero wala siyang pakialam. Bumalik siya sa puwesto niya na parang wala siyang ginawa at parang walang nangyari.

"Omg!" impit na tili ni Jolina na nasa tabi ko saka pa ako hinampas sa braso. "Bakit ang unfair!"

Nawala ang atensyon sa akin ng lahat nang biglang maglagay ng pagkain si Lyn sa plato ni Seiver na ikinasama nito ng tingin sa babae. "I can manage. I have a girlfriend. Don't make a move on me. Stay away," tahasang wika ni Seiver na ikinangisi ni Lyn.

"Asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya?" anito saka kumindat pa kay Seiver. "Joke!"

"Not funny. Shame on you. Keep your jokes to yourself. Isa pa, huwag mo 'kong kinakausap. Ayaw kong kumakausap ng malandi," ani Seiver dito na mukhang ikina-offend nito. Bigla kasi nitong binitawan ang kutsara at tinidor nang padabog.

"Lyn, enough!" pigil ni Katt dito at hinikayat niya na itong kumain.

Tahimik ang naging hapunan na iyon kahit pa matindi ang tensyon.

Patungo ako sa bar counter ng hotel ngayon para uninom sana ng juice nang mamataan ko na naroon si Seiver at umiinom ng alak na madalang kong nakikitang ginagawa niya. Tumungo ako roon at tumabi sa kaniya. Si Red kasi ay nagsabi na maliligo raw muna.

"Hi," bati ni Seiver sa akin nang makita niya akong naupo.

"May problema ka ba, Seiver? Hindi ka naman palainom ng alak, hindi ba?" nag-aalalang tanong ko rito.

"Clara broke up with me," sagot niya sa akin at lumagok sa basong hawak niya. "She got fed up with my clinginess. She got so fed up with me love. Kasalanan ko rin naman," mahinahon na dagdag pa niya at muling lumagok sa basong may alak.

"Hindi mo naman kasalanan iyon. Kasalanan iyon ng tumatanggap. Hindi nila alam i-handle," sagot ko sa kaniya at napalingon siya sa akin. Tinitigan niya ako nang mariin. "B–bakit?"

"Alam kong kasal kayo ni Red," aniya nang walang gatol na sobrang ikinagulat ko. "I was there at your wedding. I didn't show myself dahil ayaw kong maging awkward ka sa akin kapag nakilala mo na ako bilang isa sa Paranoia," paliwanag niya at para akong nabuhusan ng tubig na malamig sa narinig ko.

"B–bakit ngayon mo lang sinabi—"

"Hindi ko naman alam na mahilig pala ang Paranoia sa pasahan ng mga babae. Nagtitikiman kayo kung kailan n'yo gusto?"

Kapwa kami napalingon ni Seiver sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin si Lyn na nakahalukipkip at nakangisi sa amin.

"What the fuck is your problem?" tanong ni Seiver sa kaniya.

"Have fun with me tonight. Hindi ko ilalabas sa media na nagpapasa-pasahan kayo ng babae," aniya na animo naghahamon, saka pa siya lumapit kay Seiver at hinaplos niya ito sa dibdib.

Nagulat ako nang bigla na lamang kuhanin ni Seiver ang kamay niya at ipinilipit iyon. Narinig kong tumili at umiyak si Lyn sa sakit.

"I told you to stay away from me, slut!" galit na wika ni Seiver.

"BITAWAN MO 'KO! OUCH—FUCK YOU!" patuloy na sigaw ni Lyn. "FUCK YOU!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong awatin si Seiver pero kitang-kita na galit siya at marahil may tama na rin ng alak. Idagdag pa na masama talaga ang timpla niya dahil kay Clara.

Tumakbo ako patungo sa silid namin ni Red dahil siya lang ang unang tumakbo sa isip ko na maaaring makapigil kay Seiver.

Pagbukas ko ng pinto ng silid namin ay parang ako pa ang nagulat sa nadatnan ko.

Anong ginagawa niya rito!? Bakit siya nandito? Paano siyang nakarating dito!?

Nakasandal sa pader si Alaina habang hawak ni Red ang dalawang kamay niya na nakasandig sa magkabilang gilid ng ulo niya.

Lumingon sa akin si Alaina ngunit hindi si Red.

Nagsimula akong humakbang papalapit sa kanila ngunit ngumisi sa akin si Alaina at saka nagsalita.

"You will end up with me again, Red. Now kiss me. Kiss me the way you used to kiss me."

Gulat na gulat ako at parang napako na ako para makahakbang pang muli.

Please, Red . . . huwag. Akin ka lang, 'di ba? Huwag, please.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top