Chapter XVIII

FRANZESS

KAHARAP namin sina Mama Rhian at Papa Arthur ngayon pero itong si Red ramdam ko ang mga mapanuksong ngisi sa akin.

Alam kong inaasar niya ako sa nangyaring pagkabitin na iyon sa amin—lalo na sa akin.

“May problema ba, Franz? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Mama Rhian sa akin.

“Okay lang po ako—”

“Belly cramps maybe?” putol sa akin ni Red at parang gusto ko na lamang lumubog sa kinauupuan ko sa sinabi niyang iyon.

“Huh? May dalaw ka ba, anak? Kaya ba masakit ang puson mo?” tanong muli sa akin ni Mama.

Nilingon ko si Red at nakita ko ang mapang-asar niyang mga ngiti na talaga namang nakakabagabag sa akin. Hindi ko talaga alam kung anong itinatakbo ng utak niya.

“W–wala po, Mama. Inaasar lang po kayo ni Red—”

“We were actually making your grandchild when you came. We had to stop when you guys suddenly showed up,” putol niyang muli sa akin at ngayon ay parang gusto ko na lang magpanggap na hinimatay dahil sa sinabi niya.

Biglang hinampas ni Mama si Papa dahil sa sinabing iyon ni Red. “Ikaw kasi, Arturo! Sinabi ko na sa ‘yong mag-text na muna tayo bago tayo pumunta! Naudlot pa tuloy ang apo natin!” ani Mama kay Papa habang hinahampas niya ito.

Ako naman ay parang bulate na naasinan dahil hindi mapakali. Paano naman akong makakali kung bigla na lang babanat-banat nang ganoon si Red tapos wala man lang akong kaalam-alam. Jusko! Nakakahiya naman kasi!

“It’s fine with me, I just don’t know if it is also fine with my wife. She’s too excited,” aniya na naman at parang buong katawan ko na ay kulay pula dahil sa kahihiyan.

“H–hindi po. N–nagbibiro lang po si Red, Mama. H–hindi po totoo ‘yon,” deny ko pa rin. Hindi ko alam ano bang sumapi ky Red at ginagawa niya sa akin ‘to. Bakit naman kasi?

“I don’t fool around, my wife. I am always honest,” aniya sa nakakalokong tono at parang gusto ko talaga siyang samaan ng tingin. Gusto ko nang ipakitang sobra na ang pang-aasar niya pero hindi ko magawa.

“G–gusto n’yo po ba ng maiinom at makakain, Mama?” pag-iiba ko ng usap dahil baka tuluyan na lang akong panawan ng ulirat dito.

“Ay hindi na, iha. Hindi n’yo kailangang mag-abala. Nandito kami para sabihin sa inyo na uuwi kami sa Bataan para magbakasyon, at kung maaari sana ay isasama namin ang Nanay Carmela para na rin makapagbakasyon siya,” ani Mama sa amin at hindi ko naiwasan na mapakunot ang noo ko.

“Bataan po? Kakagaling lang po namin ni Red doon—”

“Remember the car? It was from my aunt there—Dad’s sister,” putol sa akin ni Red.
Kaya pala ganoon lang kabilis sa kaniya na mahatiran ng sasakyan. Doon pala ang probinsya ni Papa Arthur sa Bataan.

“Totoo bang isasama ninyo ako? Makikita ko na ba ang alaga kong si Almira?” nakangiting wika ni Nana Mela na kadarating at may dalang tray ng mga juice.

Nakangiting tumango si Papa sa kaniya at nakita ko ang sayang bumakas sa mukha ni Nana Mela.

“Excited na rin po ang kapatid ko nang sabihin kong isasama ko po kayo. Sinabi niya rin na ipaghahanda niya kayo ng burong Bataan na paborito ninyong sawsawan ng inihaw na bangus,” ani Papa kay Nana Mela at lalong bumakas ang saya sa kaniya.

“Mahal na mahal ko talaga iyang si Almira.”
“I am your favorite, Nana. You even chose me over Auntie Almira,” seryosong wika ni Red na gusto kong ikangiti. Napakaseloso talaga.

“Oo naman, hijo. Alam mo naman na ikaw ang paborito ko sa lahat,” ani Nana at lumapit pa siya kay Red para yakapin ito mula sa likuran.

Napangiti na lamang ako sa kanila.
Pero totoo bang wala na kaming kasama sa bahay ngayon?
  

UMUUSOK yata talaga sa galit si Mr. Aragon nang makarating kami sa opisina niya. Masamang-masama ang tingin niya kay Red pero si Red ay tila chill lang at walang pakialam sa kaniya.

Pumasok ang sekretarya ni Mr. Aragon at naglapag sa harapan namin ng mga tsaa.
“Is there anything else, Sir?” tanong nito kay Mr. Aragon.

“Wala na. Makakaalis ka na,” sagot niya naman dito, saka ako bigla ang hinarap.
“Stop staring at her,” ani Red ngunit hindi inalis ni Mr. Aragon ang tingin niya aa akin.

Kinuha ni Mr. Aragon ang isang tsaa at inabot iyon sa akin. Kinuha ko naman iyon kahit pa hindi ko na rin gusto ang paraan nang pagtingin niya sa akin. “What took you so long dragging this man here, Franz? Alam mong paborito kita sa lahat ng mga babaeng malapit sa Paranoia. Ayaw kong magalit sa ‘yo, pero hindi ko nagustuhan na ngayon mo lang nadala si Red dito,” anito sa akin at ramdam ko ang panganib sa paraan nang pananalita nito.

“You either look at me or I’ll fucking mess everything you own, Darius,” banta ni Red dito. Marahil ay nakikita na niya kung gaano ako naiintimida sa ginagawa at sinasabi sa akin ni Mr. Aragon.

Mukhang natakot naman ito sa sinabi ni Red dahil mabilis itong pumaling paharap kay Red na kanina ay parang hindi niya nakikita.

“You missed the sponsors, Red. Hindi mo ba alam gaano kalaki ang nawala sa ‘yo? You missed the chance because of your attitude. Paano mong mababawi ang mga nawalang iyon, ha?”

Ramdam ko ang matinding tensyon sa pagitan nila. Parang hindi maganda na pinili ni Red na magpunta lalo na kung ganito sila kainit na dalawa.

“I missed the chance? I didn’t, Darius. I am here to cut ties with you together with Paranoia. Let’s end the contract, I and Paranoia doesn’t need you. I am more than fucking willing to pay for the damages,” ani Red at tumayo mula sa kinauupuan nito at nginisian si Mr. Aragon. “If you thought that you could fool me, you better think twice, Darius. I know your plans . . . every bit of it. You’re too fucking naive for a corrupt human being,” patuloy ni Red, saka lumapit sa akin at kinuha ang pulso ko. “Let’s go.”

Nakarating kami sa sasakyan niya nang hindi ako nagsasalita. Mainit ang ulo niya. Ayaw kong gumawa ng kahit na anong bagay para dagdagan iyon. Ako lang din naman ang mahihirapan sa huli.

“Where do you wanna eat?” tanong niya habang nagmamaneho.

“S–sa bahay na lang siguro. Magluluto na lang ako,” sagot ko sa kaniya at hindi na siya nagsalita pa. Binilisan na niya ang paandar ng sasakyan hanggang makarating kami sa isang grocery store.

“Buy everything you need,” utos niya sa akin, saka siya nagsuot ng cap at shades.
Hindi ko naiwasan mapanguso. Ito talaga ang hirap kapag may asawa kang kilala, hindi kayo puwedeng makita in public dahil tiyak na dudumugin kayo kahit na tahimik na paggo-grocery lang naman talaga ang pakay ninyo.

Siya ang kumuha ng cart at nagpunta kami sa vegetable section. Nakikita ko pa lang ang mga presyo at itsura ng mga ito ay napapangiwi na ‘ko. Hindi naman fresh pero napakamamahal.

“Red?” tawag ko sa atensyon niya dahil nakatingin siya sa isang parte ng store na hindi ko alam kung bakit.

“Why?”

“Huwag na tayo rito mamili. Doon na lang sa may alam ko. Doon hindi ka rin makikilala,” nakangiti kong wika sa kaniya, saka ko siya inaya na lumabas ng store.

Clueless man sa gusto ko ay sumunod naman siya sa akin. Maingat ako dahil alam kong wala pa rin siya sa wisyo.

Muli kaming sumakay sa sasakyan niya at nakarating kami sa likod ng palengke na kung tawagin ay bagsakan base na rin sa kakaturo ko sa kaniya ng daan. Nakita kong abala ang mga tao rito kaya’t hindi ko na siya inabisuhan na magsuot ng cap pero nagsuot pa rin siya ng shades. Maaraw kasi.

“Hi, Manang!” bati ko sa lola na nagtitinda ng mga gulay na makikita talagang fresh.

“Ay! Ikaw pala iyan, Franzess. Anong sa iyo?” tanong sa akin nito kaya’t agad akong napangiti. Natutuhan ko ang lugar na ito kay Nana Mela.

“Pahingi po ako ng dalawang kilo po ng broccoli, isang kilo po ng petchay-Baguio, kalahating kilo po ng sayote at kalahating kilo rin po ng carrots,” nakangiti kong wika rito at agad naman nitong inasikaso ang binibili ko.

Ang dami ng tao. Medyo nagkakagitgitan din pero hindi alintana ng mga tao ang isa’t isa.
Naghihintay lamang ako sa binibili ko nang may brasong pumalupot sa baywang ko at naramdaman ko na mas lumapit ang mainit na katawan ni Red sa katawan ko.

“R–Red?” tawag ko sa kaniya dahil naguguluhan ako sa inaakto niya.

“Too crowded. I just want to protect you from maniacs and lunatics,” bulong niya sa akin at napakagat-labi ako dahil sa kakaibang kilig na nararamdaman ko. Hindi ko kasi mapigilan.

Iba ang init ng katawan ko sa tuwing madadantay siya sa akin. Iba ang hatid. Parang ayaw ko na lang kumawala mula sa kaniya sa tuwinang mapapalapit ako sa kaniya.

“Ito na ang pinamili—sino iyang kasama mo, anak? Napakaguwapo naman,” ani Manang na mukhang namangha sa itsura ni Red.

“Amo—”

“I am her husband,” putol niya sa akin at pakilala niya sa sarili niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong batang nabigyan ng paboritong pagkain dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon.

“Bagay na bagay ho kayo,” ani Manang nang nakangiti, saka inabot sa akin ang plastic.
Nagbayad lang ako at umalis na rin kami.
  

KASALUKUYAN akong nagluluto ngayon ng beef broccoli habang papitik-pitik ng balakang dahil tumutugtog ang telepono ko at ang kasalukuyang nakasalang ay ang kantang Love Me Like You Do.

Si Red ay naliligo kaya’t malakas ang loob kong magsayaw-sayaw dahil alam kong hindi naman niya makikita.

Hinahalo ko ang niluluto ko habang bahagyang umiindayog nang bigla na lamang may pares ng kamay na pumalupot sa baywang ko. Naamoy ko rin ang halimuyak ng bath soap niya na customized base sa smell preference niya.

Napahinto ako sa mga ginagawa ko. Hindi ko alam paano ko pakikitunguhan ang ginagawa niyang ito. Unang beses niya itong ginawa at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong iakto.

“R–Red?”

“You’re good at dancing, baby. Can you show more of it to me later?” bulong niya sa tainga ko at ramdam ko ang init ng hininga niya roon.

Okay lang kayang himatayin ako sa kilig na nararamdaman ko ngayon? Kakaiba ang hatid nito sa akin. Gustong magwala ng katawan at puso ko.

Ipinihit niya ako paharap sa kaniya, saka niya ako inilayo sa kalanan para lamang isandal sa may mesa. Magkalapit pa rin kami at ngayon ay kitang-kita ko na ang basa niyang buhok na may kakaunti pang tubig na pumapatak mula roon. Wala siyang pang-itaas at tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa pang-ibaba niya.

Nag-angat ako ng tingin sa mga mata niya at sumalubong sa akin ang mga mata niyang tila nagbabaga sa kakaibang emosyon.

“I want you tonight, Mrs. Allen. Do you want me too?” nakakaakit na tanong niya sa akin at hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.

Kagat ang pang-ibabang labi na tumango ako. Nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa mga labi niya.

Ang guwapo mo, Red. Ang guwapo mo . . . sobra. Gusto kong angkinin ka habangbuhay. Sa akin ka lang . . . sana.

“S–sa araw-araw, gusto kong angkinin mo ‘ko. S–sa araw-araw, gusto kong maramdaman ang init ng katawan mo—”

Bigla na lamang niyang siniil ng halik ang mga labi ko kaya’t napahinto ako sa pagsasalita. Para akong naengkanto nang muli ko na namang malasap ang mga labi niya.

Sa pangatlong beses ay muli kong nalasap ang mga labi ng lalaking mahal ko. Sa pangatlong beses ay muli na naman akong nawala sa sarili dahil sa mga labi niya.

Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay iyon sa ibabaw ng tiyan niya na wari bang nais niyang damhin ko ang mga bukol ng muscle na naroon habang gumagalaw ang mga labi niya sa mga labi ko.

“Mmmmm. . . .” ungol ko nang maramdaman ko ang pagkatok ng dila niya sa pagitan ng mga labi ko.

Bahagya kong ibinuka ang mga labi ko at hinayaan siyang makapasok sa loob.

Halos mabaliw ako nang iparanas niya sa akin ang ganitong klase ng halik na hindi ko pa nararanasan sa tanang buhay ko!

Ang mga kamay niya ay bumaba sa pang-upo ko at marahang pumisil-pisil doon na nakapagpaigtad sa akin. Grabe ang sensasyon . . . nakababaliw.

Ramdam na ramdam ko ang pakikipaglaro ng mga labi at dila niya sa mga labi at dila ko na wari bang nakakapagparanas sa akin ng ibang dimensyon.

“‘TOL! PUMASOK NA ‘KO KASI BUKAS NAMAN ‘YONG GATE—PUTANG INA! SINO ‘YANG PINAPAPAK MO!?”

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, muli na naman mauudlot ito dahil sa ‘yo, Alas.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top