Chapter XVII


FRANZESS

GULAT ang bumalatay sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Ako rin naman, hindi ko inaasahan na masasabi ko sa kaniya ang mga salitang iyon.

Binitawan niya ang pulso ko at lumayo siya sa akin na may hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata.

"W–what did you just say?" tanong niya sa akin at dinig ko ang pagkautal niya na marahil ay ang kabiglaan mula sa mga salitang binitiwan ko ang may gawa.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa mga mata niya. "M–mahal kita. Mahal na kita, Red."

Humakbang siya patalikod nang ulitin ko ang mga salitang iyon.

"H–hindi mo naman ako kailangan na mahalin pabalik. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Alam ko kung ano lang ako sa 'yo. A–alam ko naman ang estado nating dalawa. S–sinabi ko na mahal kita para hindi mo ako pag-isipan nang hindi maganda lalo na kung tungkol kay Casspian," paliwanag ko sa kaniya at ang gulat niya ay unti-unting nawala.

Nameywang siya, saka tumingala at bumuntonghininga bago niya ibinaba muli ang ulo niya at tumingin sa mga mata ko. "You caught me off-guard," aniya sa akin at hindi ko alam kung ano bang nais niyang iparating sa mga salita niyang iyon. "How could you confess so easily?" tanong niya sa mababang tono at hindi ko napigilan ang mapayuko.

"P–pasensya ka na. I–ilang araw ko na rin naman na pinag-iisipan nang mabuti ang bagay na iyon. I–ilang beses ko rin na pinigilan ang sarili ko dahil alam ko naman na hindi puwede. A–Alam ko naman na bawal, alam kong ikagagalit mo iyon. P–pasensya na—"

"I never asked you not to fall for me, woman. I never asked you not to love me," biglaan niyang putol sa akin at bigla akong napaangat ng tingin sa narinig ko.

Kung kanina ay siya ang gulat na gulat, ngayon ay ako naman ang hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa narinig kong sinabi niya.

"H–ha?"

Ngumisi siya sa akin at naglakad siya palapit. Hindi ako makahakbang patalikod dahil nakadikit pa rin ang likod ko sa may poste.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay itinukod niya ang isang kamay niya sa gilid ko saka niya pinagtapat ang mga mukha namin.

Ramdam ko ang kakaibang kaba. Ramdam kong nagwawala na ang puso ko at gusto na lamang niyang tumakas mula sa akin. Ramdam ko at nanginginig ako na hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag.

"R–Red," tawag ko sa kaniya dahil wala akong maisip na puwedeng sabihin sa kaniya sa mga oras na ito.

Lumitaw ang mapuputi niyang ngipin nang bigla siyang ngumiti sa akin na tipong nakakaloko. "Keep falling for me, keep loving me. I want it that way. I want your attention, your love, your eyes, and your heart only for me. I want it that way, baby."

Nahigit ko yata ang hininga ko dahil sa narinig kong iyon. Para niya akong pinasabugan ng kung ano. Hindi ko maipaliwanag kung ano bang hatid niyon sa akin.

"A–anong—"

"Love me even more. Who knows, I might be with you while falling," putol niya sa akin, saka na siya lumayo at tuloy-tuloy na umakyat sa silid.

Hindi ko alam anong nangyari. Basta bigla na lamang akong napahawak sa dibdib ko dahil sobrang nag-uumapaw ang kasalukuyan kong nararamdaman. Nakakalunod.

Red, hinding-hindi na ako aahon. Hindi na.

NAG-AAYOS ako ngayon ng schedule niya. Marami na naman akong kailangan asikasuhin. Sumumpong na naman siya na panay cancel ng mga appointment.

Tumunog ang telepono ko kaya't agad kong kinuha iyon.

"Hello po—"

"Tell your goddamn boss that the sponsors are fucking waiting for his arrival!" sigaw sa akin ni Mr. Darius Aragon.

"Sir, he told me to cancel all his appointment for this day—"

"Huwag mo 'kong pikunin, Franz, at pikon na pikon na ako sa amo mo! Just do as I say!" putol na sigaw na naman niya sa akin, saka ako binabaan ng telepono.

Para akong pagod na pagod sa mga nangyayari. Kahapon nga ay humarap pa siya sa presscon para lang ipaliwanag ang nangyari sa interview nila. Sinabi nilang nagka-asaran sila ni Casspian kaya siya nag-walkout. Sinabi niya rin sa presscon na kaya niya ako hinatak ay para pagsabihan ako tungkol sa mga asaran nila ni Casspian.

Marami siyang napaniwala sa mga dahilan niya. Siguro ay dinaanan na lang talaga niya sa kaguwapuhan, dahil kung dahilan lang, hindi madaling paniwalaan ang dahilan niya.

Ibinaba ko ang laptop at tumungo ako sa likod ng bahay kung saan alam kong naroon siya. Kapag ganitong oras kasi ay madalas na nagba-basketball lang siya at nagpapapawis.

Nakarating ako sa likod bahay at hindi nga ako nagkamali. Narito nga siya. Nakaupo siya sa semento habang nakalapat patalikod ang mga kamay niya. Walang siyang pang-itaas at naka-jogger pants lang siya na tinernohan ng basketball shoes.

Hindi talaga maipagkakaila ang ganda ng katawan niya. Bagay na bagay rin ang tattoo niya na nasa kanang braso niya.

"Why?" tanong niya na pumukaw ng atensyon ko at doon ko lang napagtanto na na kung anu-ano na naman ang nasa isip ko. Napakarumi ko na talagang mag-isip.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumungo sa upuan. May kinuha siya mula roon, saka naglakad patungo sa harapan ko.

"Ano kasi—"

"Here," aniya at saka niya ako inabutan ng maliit na tuwalya. "Wipe my sweat, baby."

Hindi ko alam pero parang nilukob yata ako ng lahat ng kilig sa mundo dahil sa ginawa at sinabi niya. Masyado niya akong lalong pinahuhulog sa kaniya, jusko naman!

Kinuha ko iyon at dahan-dahang pinunasan ang mga butil ng pawis niya sa dibdib habang nakayuko.

Nahihiya at naiilang ako, pero iba ang kilig at sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Bigla na lamang niyang hinawakan ang baba ko, saka niya bahagyang inangat ang mukha ko para lang magtama ang mga mata namin. "Eyes on me."

"O–oo."

"Don't be shy. You've seen more than those abs," aniya sa akin at saka ako nginisian.

Hindi iyon ang point, Red! Ang point ko rito ay nahahawakan kita na ikaw mismo ang nag-utos!

Bawat hagod ko sa pawis niya ay ako naman yata ang pinapawisan. Kakaibang pakiramdam ang lumulunod at sumasalakay sa akin. Hindi ko mapaglabanan kahit pa anong gawin ko.

Iba rin ang amoy niya. Parang ang sarap-sarap magpakalunod sa katawan niya. Haaaaaay.

Gusto kong magbaba ng tingin pero para naman akong binabawalan ng mga mata niyang tila nangungusap na hindi ko maipaliwang. Nakakadarang talaga nang sobra.

"T–tumawag si Mr. Aragon. Hinihintay ka raw ng mga sponsor," anas ko sa kaniya ngunit tinapunan lamang niya ako ng nakakalokong ngisi.

"What do you want me to do? Do you want me to let you stop wiping my sweat and go to his office or let you continue?" tanong niya sa akin na alam kong punong-puno ng pang-aasar. "Answer me, baby."

"A–ano . . . ahmmm, h–hindi ko alam," sagot ko sa kaniya na lalong ikinalawak ng ngisi niya.

Kinuha niya bigla ang kamay ko na may hawak ng maliit na tuwalya at inangat niya iyon sa ere, saka niya ibinaba ang mga labi niya patungo sa tainga ko. "You missed the chance, woman. I was really thinking of taking you this moment, while I'm sweaty, while you are too captivated by my charm, and while you are too wet down there. You missed it, baby. If only you said yes, we're now under the shower . . . both naked."

Bigla yatang nanglambot ang mga tuhod ko sa narinig kong iyon mula sa kaniya.

Did I just miss the chance? Totoo ba?

"H–hindi ba puwedeng bawiin?" Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko at iyon ang tanong na lumabas mula sa mga labi ko. Gusto ko tuloy kaltukin ang ulo ko sa pagiging honest masyado ng bibig ko.

Lumayo siya sa akin at muli na naman akong tinitigan sa mga mata. "Do you want me to take you?" tanong niya at kababakasan na ng kaseryosohan ang tono niya na bahagya kong ikinakaba.

Sunod-sunod akong tumango habang nangingimi pa. Hindi ko alam kung tama ba ang mga pinagsasasabi ko, at kung tama ba itong mga desisyon ko sa buhay.

"G–gusto ko," sagot ko sa kaniya at sumilay na naman ang kakaibang ngisi sa mga labi niya.

Bigla niya akong hinatak papasok ng bahay kaya't lalong hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Ito na ba 'yon?

Pagpasok namin ng kuwarto ay bigla niya akong isinandal sa kasasara lang niyang pinto at tinitigan na naman sa mga mata.

Wala na ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya, bagkus ay mababanaag na sa awra niya ang kaseryosohan.

"Red—"

"Shhhhh," putol niya sa akin, saka pa niya inilagay ang hintuturo niya sa tapat ng mga labi ko.

Inabot ng isang kamay niya ang laylayan ng suot kong t-shirt at hindi na ako tumutol nang hubarin niya iyon.

Nakita ko ang kakat'wang ngisi niya nang masilayan niya ang hinaharap ko na tanging bra na lamang ang nakatakip.

Inangat niya ang kamay niya at pinagapang niya sa balikat ko ang daliri niya hanggang sa maabot niya ang strap ng bra na suot ko na inilislis niya rin.

Kagat-labi akong nakatingin sa kaniya. Iba na naman amg hatid ng mga ginagawa niyang ito. Hindi ko na naman maintindihan.

"Red. . . ." tawag ko sa kaniya nang haplusin niya ang leeg ko. Pakiramdam ko ay iginugupo ako ng bolta-boltaheng kuryente sa mga oras na ito.

"Turn around," utos niya sa akin na agad ko namang sinunod.

Inabot niya ang kaliwang kamay ko at bigla niya iyon inilapat sa doorknob.

"Red—"

"Hold tightly," utos niya at napapalunok na tumango ako.

Inalis niya nang mabilisan ang bra ko. Napansin ko lamang iyon nang malaglag na ito sa paanan ko.

Napahawak ako nang matindi sa doorknob nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa kaliwang balikat ko. "Mmmmm, R–Red. "

Nagwawala ang sistema ko sa ipinararamdam niya. Para na akong nawawala sa sarili.

Mas lalo pa akong nadarang nang tuluyang lumapat ang mga labi niya sa balikat ko at naramdaman ko ang basa niyang mga halik doon. Oh gosh!

"Don't be so excited, baby. You are chilling in excitement," bulong niya sa akin at hindi ko iyon masagot. Totoong iba ang nararamdaman kong tuwa sa mga oras na ito.

Biglang gumapang ang mga kamay niya patungo sa tiyan ko . . . pakaakyat sa dibdib ko.

Gusto kong kumapit sa kaniya ngunit itinuon ko na lamang ang kakaibang nararamdaman ko sa mahigpit na pagkapit sa doorknob.

Binabaliw na ba niya talaga ako? Sabay niyang pinaglalaruan ang dibdib ko ng mga kamay niya, at ang leeg ko naman gamit ang mga labi niya.

"Ohhh . . . R–Red . . .!"

"You're too excited, baby," bulong na naman niyang muli kasabay nang pagbibigay ligaya niya sa korona ng kaliwang dibdib ko.

Nanglalambot ang mga tuhod ko. Tanging sa doorknob na lang ako humuhugot ng lakas at tapang para hindi bumigay.

"R–Red . . . please," paghingi ko ng pabor at sa gulat ko ay hindi niya ako binigo.

Gumapang pababa ang kanan niyang kamay papasok sa loob ng maiksing short na suot ko.

"Oh my god . . .!" hiyaw ko nang maramdaman ko ang daliri niya sa pagkababae ko.

"Baby, you're too fucking wet," bulong na pang-aasar niya habang ang mga labi niya ay nasa leeg ko pa rin. Hindi ko alam saan ko ipapaling ang ulo ko. Hindi ko alam saan pa ako kukuha ng lakas maliban sa doorknob.

Gusto ko nang bumigay. Gusto ko nang sumabog.

"R–Red . . . Mmmmm."

"I like your moans, baby. Louder."

"Mmmm . . . I–I love you."

Ang mga labi niya ay patuloy na nagbibigay ng mga basang halik sa leeg ko. Ang kaliwa niyang kamay ay patuloy na pinaglalaruan ang dibdib ko at ang korona nito. At itong kanang kamay niya ay nilalasap ang pagkababae ko. Hindi ko na alam ano pa ang una kong iintindihin sa mga oras na 'to.

Malapit na ako sa rurok ng kaluwalhatian nang bigla na lamang may sumigaw mula sa kabilang pinto na kapwa nakapagpahinto sa amin.

"Mga anak, nariyan ba kayo? Nandito sina Rhian at Arthur. Hinahanap kayo."

Nana Mela . . . bakit?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top