Chapter XLVIII
FRANZESS
MARAHAN ang pagsuklay ni Mama Rhian sa buhok ko habang tumutugtog ang paboritong kanta ni Nisha.
I'M OKAY, I'M JUST A LITTLE DEPRESSED
by: FLØRE
I close my eyes
And it feels like
Three thousand years from home
It is what it seems
A bad, bad dream
I'm here and already gone
"She liked this song so much. Lagi niyang sinasabi sa akin na itong kanta na ito ang tila nagsasabi ng lahat ng nararamdaman niya. My Nisha, she held for too long," ani Mama Rhian, saka marahang hinaplos ang buhok ko.
Time for me to try again
Time for me to come home
I can't even hate you
I'm busy hating myself
Nothing kills you like your mind
Am I fine when I'm not scared to die?
I can never love you
If I can't love myself
I found a system in this mess
Don't you worry 'bout me
I'm okay, I'm just a little depressed
"Alam mo, anak, kung anong masakit bilang magulang ng isang batang dumaranas ng depresyon? Iyon ang katotohanan na wala kaming magawa bilang magulang. Wala kaming magawa dahil utak nila ang kalaban nila. All we could was support them in silent, and let them feel that they were never alone."
I'm never enough
And always too much
Tired of the skin I'm wearing
A bad moon lately
And a bad-news-baby
Everyone's busy dying
Is this life, being born to die? You see
I'm fine and you're a loser like me
I can't even hate you
I'm busy hating myself
Nothing kills you like your mind
Am I fine when I'm not scared to die?
I can never love you
If I can't love myself
I found a system in this mess
Don't you worry 'bout me
I'm okay, I'm just a little depressed
"I may be sad right now but I am more than proud to be her mother. That despite her death, she saved a life . . . a life that became her kuya's life. Kaya hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Kami pa nga ang totoong may pagkakautang sa iyo dahil itinago ni Red sa iyo ang totoo," aniya at doon na ako lumingon paharap sa kaniya.
"Mama, alam ko pong hindi n'yo rin alam na buhay si Nisha kaya po hindi n'yo po kailangan na akuin ang ginawa ni Red. At, Mama, hindi po ako nakakaramdam ng galit sa ginawa ni Red dahil alam ko pong ang ginawa niyang desisyon ay para rin naman sa ikabubuti ng lahat. Kung matagal na nating nalaman na buhay si Nisha, baka po naging mas magulo pa ang sitwasyon o baka hindi pa rin po natin naipapakulong si Clara hanggang ngayon," nakangiting wika ko sa kaniya.
Niyakap ako ni Mama Rhian at marahang hinagod ang likuran ko. "Nagpapasalamat ako na sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa anak ko, ikaw ang pinili niya. Despite the pain Nisha left in my heart, I am just glad that you're here. Thank you for loving my Red selflessly and unconditionally, anak. Thank you for putting up with his unpredictable behavior. Thank you for everything you have done for him. Kung hindi kasing intindihin mo ang napakasalan niya, hindi ko na alam kung nasaan na ang anak ko ngayon," mahaba nitong turan sa akin, saka humiwalay na.
"Rhian, kumain na kayo. Kanina pa ako nakaluto," tinig na pumukaw ng atensyon namin at kapwa namin nalingunan ni Mama Rhia si Nana Mela na nakasuot pa ng apron.
"Busog pa po ako, Nana. Si Red po, nakauwi na po ba?" tanong ko dahil umalis si Red kanina para asikasuhin ang death certificate ni Nisha.
Nailibing si Nisha isang buwan na rin ang nakakaraan at sa loob ng isang buwan ay dito ko muna piniling tumuloy sa bahay nina Mama Rhian at Papa Arthur. Gusto kong umantabay kay Mama Rhian dahil alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng anak lalo na kung nakasama mo pa ito nang matagal na panahon.
"Kanina pa nariyan ang asawa mo, anak, pero nasa study room yata. May kinakalkal doon," sagot naman ni Nana.
Nagpaalam lamang ako sa kanila at agad na akong tumuloy sa study room.
Kumatok na muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan at itinulak ang pinto. Bumungad sa akin ang madilim na study room. Kinapa ko ang switch ng ilaw at nang bumukas iyon ay nakita ko si Red na nakaupo lamang sa sofa at may hawak na maliit papel na hindi ko maaninag kung ano.
"N–nagtatawag na si Nana Mela para kumain, Red. Tara na sa ibaba—"
"Come here," aniya sa tonong hindi ko mawari kung blangko ba o may mensahe na nais iparating.
Naglakad ako papalapit sa kaniya at hindi ko alam kung bakit ang tindi ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito.
Nakarating ako sa harapan niya at nang huminto ako ay tumayo siya kaya't napatingala ako upang habulin ang mga mata niya dahil sa katangkaran niya.
"B–bakit? May problema ba?" kinakabahan kong anas.
Sa dami ng mga nangyari sa amin nitong mga nakaraan, tila ba ako kinakabahan sa tuwing tila magbabago ang timpla niya. Pakiramdam ko laging may mali kahit wala naman.
"I like your shirt, baby," aniya sa akin na sobrang ipinagtaka ko dahil may nakakaakit sa tinig niya sa paraan ng pagkakasabi niya niyon.
Nakasuot kasi ako ng off-shoulder na damit at denim pants. Pinasuot kasi ito ni Mama Rhian sa akin na siya raw mismo ang bumili.
"S–si Mama ang nagpasuot sa akin nito—"
Bigla niyang hinarap sa akin at isang maliit na ticket na ikinakunot ng noo ko.
"We'll be having our comeback concert. Here's your ticket, and this is the last one since the ticket got sold out," aniya sa akin at hindi ko na naiwasan ang unti-unting pagsilay ng isang ngiti sa mga labi ko.
"T–thank you, Red—HALA!"
Bigla na lamang niyang pinunit ang ticket sa harapan ko. Pinakapunit niya iyon sa pinakamaliliit na piraso.
Nginisihan niya ako at may mapaglarong emosyon ang kasalukuyang nakaukit sa mga mata niya.
"Oh . . . you lost your ticket again?" aniya sa nakakalokong tono at bigla ang naging pagkabog ng dibdib ko na hindi ko magawang pakalmahin.
"Red—Jusko . . .!"
Bigla na lamang siyang yumukod sa balikat ko at halos gapangan ako ng lahat ng boltahe ng kuryente sa katawan ko nang dumampi ang basang mga kabi niya sa balikat ko.
Tila biglang nanariwa sa alaala ko ang unang araw na nagkita kami sa mismong concert nila at kung paano niya ako binigyan ng special pass na kinailangan ko pang ipakita sa mga guwardiya at organizer para lamang papasukin ako.
Akala ko ay mabilisan na naman ang paglalagay niya ng kissmark ngunit nagkamali ako. Gumapang ang isang kamay niya paikot sa baywang ko, saka ako hinapit papalapit sa katawan niya at ang mga labi niyang kanina ay nasa balikat ko ay umakyat patungo sa leeg ko.
"I'll make your ticket even more special now, baby," bulong niya sa akin, saka marahang nagtanim ng maliliit na halik sa leeg ko habang marahan ang paghaplos niya sa pang-upo ko.
Nalililyo ako pero gustong-gusto ko ang kakaibang pakiramdam at sensasyon na nagmumula sa kaniya.
"R–Red. . . ."
Muling bumaba ang mga labi niya sa balikat ko at doon ko na tuluyang naramdaman ang marahan niyang pagsipsip doon na talagang nais niyang bigyan ng marka ang parteng iyon.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na padausdusin ko ang palad ko sa buhok niya, basta't ginawa ko na lamang dahil iyon ang isinisigaw ng katawan ko.
Nang tila nadadala na rin siya ay marahan siyang lumayo sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
Umumang siya sa tainga ko at marahang bumuga ng mainit na hangin. "There, I already gave you your special pass. Make sure to show it to everyone, baby," bulong niya sa akin. "I want to take you right now but I just can't. I'll wait until we can finally go home," dagdag pa niya, saka ako marahang hinalikan sa noo.
Matagal na siyang nakaalis sa harapan ko pero tila pa rin ako lutang sa pangyayari. Gusto kong hawakan at damhin pa niya ako ngunit marahil tama siya . . . hindi sa bahay na ito ang pagkakataon at hindi ko rin naman gugustuhin na muli pang mabitin.
Haaaaay, Red. Sana hindi mo na lang sinimulan.
KASALUKUYAN kaming nasa park ni Red dahil gusto ko lang sanang magpahangin. Ayaw ko namang lumayo kaya't dito ko na lang siya inaya. Bukas kasi ay uuwi na kaming dalawa sa bahay. Si Nana Mela naman ay maiiwan pa rin kina Mama Rhian para umantabay.
"Alam mo, gustong-gusto ko kapag walang gaanong nakakakilala sa 'yo. P–pakiramdam ko puwedeng-puwede kitang solohin at angkinin na sa akin lang," pukaw ko sa katahimikan sa pagitan namin habang idinuduyan niya ako nang marahan sa swing.
"I'm always yours, Franzess," sagot niya sa akin at hindi ko naiwasan ang mapangiti.
Hininto niya ang swing, saka tumungo sa harapan ko at iniluhod niya ang isang tuhod para magkatapat kami.
"Ang guwapo ng asawa ko," anas ko at nakita kong may sumilay na maliit na ngiti sa mga labi niya na wari bang kinikilig siya pero pinipigilan niya.
"That was the first time you called me that way. Repeat it," ungot niya sa akin at hindi ko maiwasan ang matawa nang bahagya. Para siyang bata na unang beses masabihan ng very good at gusto muling marinig.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko kahit pa alam kong kita naman ang ngiti sa mga mata ko. "Ang guwapo po ng . . . a–asawa ko," anas kong muli at bigla na lamang siyang ngumiti nang totoo. Ngiti na hindi na pigil at ngiti na animo gusto niyang iparating sa akin na gustong-gusto niya ang narinig niya.
"God, I love you much, Franzess. I love you, damn it!" aniya at nauunawaan ko na iyon lang talaga ang love language niya.
Bigla niya akong hinatak at niyakap nang mahigpit.
"Mahal na mahal din kita, lagi-lagi at sa araw-araw," sagot ko at sinagot ko ang higpit ng yakap niya nang parehong intesidad.
"R–Red? F–Franzess?"
Bumitiw ako kay Red at ganoon din siya sa akin. Hindi ko napigilan ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Alaina na halos hindi na pareho ng itsura niya dalawang taon na ang nakakaraan at malaki ang tiyan nito.
Biglang tumayo si Red mula sa pagkakaluhod at nakita ko kung paano niya naikuyom ang isang kamao niya. "What are you doing here? You have a restraining order, Alaina—"
"H–hindi ako manggugulo sa inyo. H–hindi ko alam na nandito kayo. W–wala akong balak na guluhin kayo," mabilis nitong putol kay Red.
Magulo ang buhok ni Alaina, bagsak din ang katawan niya na animo dumaan ng matinding pang-aabuso at maluwag ang suot nitong dami na hindi na magagawang humakab sa katawan na mayroon siya. Malayong-malayo na siya sa Alaina na kilala ko.
Nagulat ako nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko at pinagdikit niya ang mga palad niya at pinagkiskisan iyon.
"F–Franzess, patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Patawarin mo 'ko na nawala ang anak ninyo dahil sa akin. Patawarin mo na 'ko, Franzess. Parang awa mo na itigil mo na ang pagpapadala ng mga tao na tatakot sa akin dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ang anak ko. Alam kong buhay ng anak mo ang nawala sa 'yo kaya maiintindihan ko na gusto mong kuhanin din ang buhay ng anak ko pero, Franzess, parang awa mo na, anak ko lang ang mayroon ako ngayon—"
"Wala akong alam sa sinasabi mo dahil matagal ko nang kinalimutan lahat ng kahayupan mo sa akin. Matagal ko nang tinanggap na wala na ang anak ko at matagal ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko kailangan bahiran ng kasamaan ang sarili ko dahil hindi iyon magugustuhan ng anak ko. Kung sino man ang gumagawa sa 'yo niyan, tinitiyak ko sa 'yong hindi ako iyon dahil matagal ko nang kinalimutan na minsan kang dumaan sa buhay ko—namin ng asawa ko," matatas na wika ko, saka ko kinuha ang kamay ni Red at hinatak na siya palayo sa lugar iyon.
Naglalakad na kami pabalik ng sasakyan nang sandali akong pigilin ni Red.
"It wasn't me. I will never do such act to get even—" Ngumiti ako sa kaniya kaya't sandali siyang huminto sa pagsasalita.
"Alam ko, at alam kong alam mo na hindi magugustuhan ng anak mo kung may ina kang aagawan ng pagkakataon na maging ina," turan ko sa kaniya at nakita kong unti-unting kumalma at pumanatag ang ekspresyon sa mukha niya.
"I will never let anyone hurt you from now on, wife . . . not when you are currently delay."
Ako ang sobrang nagulat sa huli niyang itinuran.
"P–paano mo nalaman?"
"I already learned from my past mistake. I now have my own calendar for your menstruation. Are you . . . pregnant?"
Iba ka, Red. Ibang-iba ka.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**
Kung kilala n'yo 'ko, alam n'yong may nakaantabay pa na plot twist ito. HAHAHAHAH! CHAROT.
SURE NA, ILALABAS KO AS A PHYSICAL BOOK SINA RED AT FRANZESS THIS 2022. Sana po ay suportahan ninyo. 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top