Chapter XLVII


FRANZESS

HINDI ko alam kung paano ko ba dapat iproseso lahat ng mga narinig ko.

Tinitigan ko si Red at kitang-kita ko kung gaano siya kadeterminado na mahuli si Clara.

"W–wala bang CCTV sa lugar na pinangyarihan ng aksidente? W–wala bang dashcam? M–maraming paraan, Red, pero b–bakit pinili mo ang mahirap na solusyon? H–hindi ko makuha, Red. Ang g–gulo," anas ko sa kaniya. Gusto kong maging totoo at totoong ito ang nasa isip ko ngayon.

Marami pa rin akong pagtataka at ang gusto ko sana ay masagot ang mga iyon.

Yumuko sandali si Red at nakita ko siyang nagbuntonghininga bago niya ginagagap ang isang kamay ko at inilapit iyon sa mga labi niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang mga mata niya na animo nagmamakaawa.

"I didn't want to lose Seiver," mahinang usal niya na animo ba ay kung may makakarinig sa kaniya ay may mangyayaring hindi maganda.

"A–anong ibig mong sabihin?" utal na tanong ko.

"Seiver was there. Seiver was forcing Clara to stop the car so his hands were on the steering wheel," sagot niya na ikinagulat ko nang sobra. "I could never give the footages to the police because Seiver could be jailed. Kung titingnan at panonoorin mo ang footage, you'll conclude that Seiver was the one who forced the steering wheel to take the path all the way to you but it wasn't the case," dagdag pa niya saka siya bumaling sa drawer sa gilid at may inilabas na lumang telepono roon.

Binuksan niya ang telepono at may hinanap siya roon bago iniharap sa akin.

"That was the dashcam footage. Seiver intentionally faced the camera to them."

Tiningnan ko ang video at halos nagulantang ako sa mga pangyayari.

"Let me be one to kill her, Clara! Ako ang papatay sa kaniya para sa 'yo! I'm begging you. Stop this!"

"No! I'll kill her with my own hands! She's a fucking slut! Napakalandi!"

"Clara, please. Let me kill her for you. There are more careful ways to kill her than doing this! Maraming paraan na hindi makakapagturo na tayo ang pumatay!"

Dinig ko kung gaano gumagaralgal ang tinig ni Seiver na para bang hindi niya ginagamit ang mga salitang sinasabi niya dahil gusto niyang pumatay, bagkus ay ginagamit niya iyon para mailayo ako sa tiyak na kapahamakan sa mga kamay ni Clara.

"LET GO OF THE STEERING WHEEL, SEIVER! LET GO!" sigaw ni Clara sa video na animo ay tinatakasan na ito ng bait.

Nakita kong nagpatuloy si Seiver sa paghawak sa manibela at doon na tila gumewang-gewang ang sasakyan.

"STOP IT, CLARA! I AM BEGGING YOU!"

"FUCKING NO! IF YOU DON'T WANT TO LET GO, THEN WE'LL KILL HER BOTH!" sigaw muli ni Clara at nakita ko kung paano niya inapakan nang mas mariin ang gas ng sasakyan.

Malakas na ingit ng gulong ang tumapos sa video na pinanood ko at parang muling bumalik sa alaala ko kung paanong duguan kong nakita si Nisha nang araw na iyon.

Nilingon ko si Red at hindi ko naiwasan ang pagragasa ng mga luha sa mga mata ko.

"I want to protect Seiver, and these footages could never save him. You heard how they talked. They both had the intent to kill and I couldn't do anything about it. Nisha has to wake up—"

"P–puwede akong mag-witness. K–kailangan ko lang naman m–magsinungaling na nakita ko na si C–Clara ang bumangga sa amin, hindi ba?" putol ko sa kaniya ngunit mapait na ngiti at pag-iling ang isinagot sa akin ni Red.

"The lawyer won't let go of you so easily, baby. The lawyer won't let you utter a word that he could never refute," aniya at saka ako mabilis na hinagkan sa noo. "You're just too innocent for this cruel world. I'm really sorry," patuloy niya saka ako muling niyakap.

TATLONG araw ang lumipas at inaayos ni Red ang mga gamit namin sa ngayon. Gusto niyang lumipad kami patungo sa kinaroroonan ni Nisha, Mama Rhian at Papa Arthur.

"I'm sorry for dragging you—"

"Paano kung galit sa akin si Nisha?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa akin na tila ba sinasabi ko ang mga iyon sa hangin.

Bumaling siya sa akin at saka hinawakan ang baba ko bago inangat ang mukha ko upang magtama ang mga mata namin. "She will never hate the person she saved, and she will never hate the person I love. She's my sister and I know how she thinks," nakangiti niyang turan sa akin.

Hindi magawang makampante ng puso ko sa sinabi ni Red. Narito pa rin sa akin ang mga agam-agam na hindi ko magawang pigilan.

Paano kung kamuhian niya ako?

Paano kung sabihin niyang gusto niyang bawiin ang buhay niya na inagaw ko sa kaniya?

Paano kung hilingin niya kay Red na iwan ako?

Paano kung hindi niya ako gustuhin para kay Red dahil ako ang naging dahilan ng lahat ng sakit na naranasan niya?

Ang daming mga agam-agam na mabibigyan lamang ng kasagutan sa oras na magkaharap kami ni Nisha . . . nang gising na siya.

Natapos ang pag-aayos niya at agaran siyang tumawag ng taxi.

Paalis na kami ng bahay nang madatnan namin si Seiver sa may gate.

"S–Seiver," utal na wika ko. Gusto ko siyang yakapin at pasalamatan ngunit alam kong hindi ngayon ang tamang pagkakataon.

"Red, let me go to jail—"

"You fucking wake up, Seiv. Clara won't ever love you back kahit pa isuko mo ang sarili mo sa kasalanan na siya naman ang gumawa!" galit na bulalas sa kaniya ni Red.

"I know," tipid na sagot ni Seiver sa kaniya saka ito ngumiti nang mapait. "It's you whom she loves, it's you whom she keeps on choosing, and it will always be you, but, Red . . ." Sandaling huminto si Seiver saka bumuntonghininga, ". . . for me it will always be Clara."

Parang ako ang nadudurog para kay Seiver. Parang ako ang nasasaktan para sa kaniya. Parang ako ang nakakaramdam ng bigat at sakit na nararamdaman niya. Nagmahal siya ng maling tao, at ang masakit ay handa niyang isuko lahat ng mayroon siya para sa taong iyon na hindi kailanman makikita ang mga sakripisyo niya.

"That's for you, Seiver. It's too different from mine. For me, she has to pay, and she has to be jailed. No one knows what more evil things she could do if we let her slipped away, and sadly, Seiv, if you surrender yourself now, you'll no longer be there to stop her," sagot ni Red sa kaniya. "You can never force a person who's not open for change and clouded by envy and hatred. You can never change Clara, Seiv. Kahit gaano mo pa ibigay ang gusto niya o kahit isuko mo pa ang buhay mo, she's beyond evil. Your efforts will always be in vain, because for her . . . you never matter," dagdag pa ni Red at gusto ko siyang pigilan.

Nakikita ko nang nasasaktan si Seiver at ang pagpapamukhang ginawa ni Red ngayon ang mas lalong nagpalala ng sakit na nakabalatay sa mukha niya ngayon.

Narinig kong tumawa si Seiver na animo puno ng pait. "That's too painful, dude."

"But it's the truth, brother. You have to hear the truth for you to finally wake up in the nightmare Clara created for you," buwelta ni Red, saka siya tinapik sa balikat. "We'll go now, Seiv. We have a flight to chase."

Hindi ko alam kung bakit may nagtulak sa akin na biglang yakapin si Seiver dahil lang sa nararamdaman kong kailangan niya nito ngayon.

"Franzess!" dinig kong sigaw ni Red na marahil ay nagulat sa inakto ko.

Hinagod ko nang marahan ang likod ni Seiver na hindi sumagot sa yakap ko. "Balang araw, mahahanap mo ang babaeng hindi mo kailangan limusan ng pagmamahal. Iyong babaeng hindi mo kailangan na pilitin na maging sa 'yo. Iyong babae na kahit walang pagpipilian, araw-araw ka pa ring pipiliin. Iyong babae na hindi ka sasaktan, paaasahin, o gagamitin lang. Balang araw, Seiv, may babaeng darating na ipararamdam sa 'yo ang totoong pagmamahal . . . pagmamahal na hindi mo kailangan ipagmakaawa, pagmamahal na totoo, at pagmamahal na kusa niyang ipararamdam at ibibigay sa 'yo," bulong ko sa kaniya, saka na ako tuluyang kumalas.

Tinitigan ko si Seiver sa mga mata nang humiwalay ako at tumaas bigla ang kamay niya para guluhin ang buhok ko.

"Thank you, Franz. I just wish that when that time comes, I am finally fully healed," bulong niya pabalik sa akin.

"Let's go," matigas na anas ni Red at hindi ko maiwasan ang bahagyang mapangiti. Nasa ganito na kaming sitwasyon ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang maging seloso.

NAKARATING kami sa isang bahay na napakalaki at malayo sa kabihasnan. Naglalakihang hindi ko kilalang puno ang sumalubong sa akin bago ako makapasok ng bahay.

Nasa pinto pa lamang kami ng bahay nang bigla na lamang kaming makarinig ni Red ng malakas na sigawan mula sa itaas.

"OH MY GOD! OH MY GOD!" Tinig iyon ni Mama Rhian na animo ay nagpa-panic.

Agad binitiwan ni Red ang mga maletang dala niya at agad tumakbo paitaas na agad kong sinundan.

Nakarating kami sa isang malaking kuwarto at halos matuod ako nang makita ko si Nisha na nakahimlay sa isang malaking kama habang may napakaraming aparato ang nakalagay sa kaniya.

"What's happening!?" natatarantang anas ni Red sa mga magulang niya ngunit hindi makasagot ang mga ito. "MOM! DAD!? WHAT THE HELL IS HAPPENING—"

"She's going to wake up soon, Mr. Allen. Her brain PET-CT showed that her brainwaves changed," anang isang tinig at nakita ko sa gilid ang isang doctor na may hindi magandang ekspresyon sa mga mata. "But you already know what will happen next," dagdag pa nito at nakita ko kung paanong nanlumo si Red sa narinig niya. "Nisha is in a Persistent Vegetative State and the moment she wakes up . . . it will only last for ten minutes. I personally think that she's just waiting for someone and it could be you," muling anas ng doctor at maging ako ay nabigla sa narinig ko.

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko kasabay ng pag-alis ng doctor sa iba't ibang aparato na nakalagay kay Nisha.

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad kong ginagap ang kamay niya at sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko.

"P–patawarin mo 'ko. P–patawarin mo 'ko, Nisha. P–patawad. H–habambuhay akong hihingi ng kapatawaran sa 'yo. P–patawarin mo 'ko."

Nabigla kaming lahat nang magmulat ng mata si Nisha at nakangiting mukha niya na tila hinang-hina ang sumalubong sa amin.

"Nisha. . . ." ani Red, saka paulit-ulit na hinalikan ang noo ni Nisha habang wala rin tigil sa pagpatak ang mga luha niya. "I missed you. I missed you so much. Come back to kuya now, sweetie. Let's . . . let's go home," patuloy ni Red sa kapatid ngunit ngiti lamang ang iginanti ni Nisha sa kaniya.

"Anak? A–anak ko? Iuuwi ka na ni Mommy."

Ngumiti si Nisha at nangilid sa luha ang mga mata niya. Lahat kami ay nakatunghay lamang sa kaniya. Bigla niyang ibinaba ang mga mata niya patungo sa dibdib niya kung saan naroon ang kuwintas na hugis puso.

Agad na kinuha ni Red ang kuwintas na iyon at binuksan. May nakita siyang maliit na chip sa loob. "I–is this what you want to show me, sweetie?" ani Red sa garalgal na tinig at tiningnan lang ni Nisha ang kuya niya sa paraan na animo sumasang-ayon siya sa sinabi ni Red.

Agad inabutan ng doctor ng laptop si Red para mai-play ang chip at lahat kami ay nagulat sa nasaksihan naming lahat. Si Nisha ang nasa video. Sa kuha ni Nisha sa video, tila naroon siya sa may convenient store na katabi ng university na pinapasukan namin noon at ito mismo ang araw kung kailan naganap ang aksidente base na rin sa suot niyang damit.

"Hello, everyone. This is Nisha Izel Allen. I don't know what will happen after I film this or when will you see this, but Mom, I love you so much. You will always be the best mother for me. Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon na mabuhay muli, ikaw at ikaw lang ang gusto kong maging Mommy ko. To Dad, I love you, Daddy. Thank you for always spoiling me. Thank you for always bringing out the best in me. You and Mom are my ultimate treasure. Sinabi ko noon na may depression ako and instead of judging me, you two were always there for me to support me and cherish me. I love you both for that, always. To my Kuya who always look after me kahit hindi naman na ako bata, I love you, Kuya. I really hope na makaamin ka na doon sa girl na kinukuwento mo sa akin na binigyan mo ng special ticket sa concert n'yo para naman magkaroon na ako ng pamangkin. Kidding aside, I am really hoping that once I'm gone, you'll never blame yourself because you did everything to save me from misery, but sadly, Kuya, mahirap talagang kalaban ang utak. It will never be your fault. You gave more than you can give, and I am really sorry that those efforts weren't enough to save me. I badly need a peaceful rest."

Biglang lumingon si Nisha sa likuran niya sa video at nagkubli siya sa isang sasakyan na naroon, saka kinuhanan ang taong nakapagpamulagat sa akin—si Clara. Sinipa ni Clara ang basurahan sa gilid ng convenient store at nagsisigaw.

"That fucking slut! I will fucking kill her! How dare her follow Red here!?Hindi na siya nakuntento na hinalikan siya ni Red noong concert, she even followed him here! Ang kapal ng mukha mo, Franzess! Papatayin kita! Papatayin kita!"

Biglang dumating si Seiver sa senaryo at kitang-kita roon kung paano niya pinigilan si Clara sa binabalak nito, bago muling ibinalik Nisha ang camera sa kaniya.

"I am scared right now, Kuya. Is Franzess the woman you've been telling me? Is she the same woman I saw you staring at before left me in my classroom this morning? If something bad happens to me or to Franzess, just know that the perpetrator is no other than Clara Fortal. I will now cut this video because I might be too late to save her, but I promise you, Kuya, I will protect your happiness . . . ako naman ang poprotekta sa kaligayahan mo. After putting up with me for so long, it's time for me to return the favor. There I can die just how much I want to die, and I can save your happiness."

Natapos ang video at lahat kami ay lumningon kay Nisha. Unti-unti siyang pumikit at para akong dinudurog. Para akong nawawalan ng lakas.

Huling patak ng luha mula sa mga mata niya ang nasilayan ko bago namin narinig ang nakakabinging tunog ng flat line. Doon na ako tuluyang nanlumo.

"NISHA!"

"ANAK!"

"P–prinsesa ko. . . ."

Ang sakit mawalan. Ang sakit-sakit mawalan lalo na ng taong pinagkakautangan ko ng buhay ko.

Paalam, Nisha. Hanggang sa muli.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top