Chapter XLVI
- READ CAREFULLY. LOOK AT THE BOTH SIDE OF THE COIN. I AM OPEN FOR JUDGEMENT AND CRITICISM. IT IS YOUR CHOICE TO JUDGE THE CHARACTERS AND THEIR DECISIONS SINCE YOU ARE THE READER. IT'S OKAY. 😊
FRANZESS
HIGIT pa sa salitang nayanig ang kasalukuyang kong nararamdaman. Para akong nilason ng sarili kong mga paniniwala.
"Franz, please hear Red first. Mas maigi na kayo ang mag-usap. You have to hear his own side and explanation—"
"Anong papakinggan niya? My gosh, Seiv! Malinaw pa sa sikaw ng araw na pinaikot siya nang pinaikot dito na alam mo!" sigaw ni Clara na lalo kong ikinagulat.
"A–alam mo lahat, Seiver?" tanong ko at hindi makatingin sa mga maga ko si Seiver. Doon ko napagtanto na totoo ang mga sinasabi ni Clara. "Alam n'yong buhay si Nisha at h–hindi n'yo man lang sinasabi s–sa akin? H–hinayaan n'yong pagbayaran ko ng buhay ko a–ang pagkakautang ko n–na wala naman pala talaga? A–anong klase kayong t–tao?"
Sunod–sunod na ang naging pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na mapigil ang pagbuhos ng emosyon ko.
Hindi pa pala sapat ang naging pagkadurog ko nang mawala ang anak ko dalawang taon na ang nakararaan. Mas may ititindi pa pala iyon, at iyon ang katotohanan na sa tagal naming magkasama ni Red, pinaiikot lang pala niya ako, na bulag pala ako sa katotohanan, na hindi ko pala nakikita kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. Bakit, Red? Bakit mo ginawa sa akin 'to?
"U–umalis na kayo, parang a–awa n'yo na. H–hayaan n'yo na 'ko," halos wala na sariling wika ko.
Pumasok ako ng gate at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kuwarto at nanlulumo akong napasalampak sa sahig at nag-iiyak. Gunaw na gunaw ang mundo ko. Hindi pa pala sapat ang sakit na inabot ko noon, mayroon pa palang mas dudurog sa akin ngayon at ang mas masakit . . . si Red pala mismo iyon.
Gusto kong umalis, gusto kong magpakalayo-layo, pero hindi ko kayang gawin iyon sa ngayon. Gusto kong marinig ang dahilan niya. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa sa akin ito. Gusto kong malaman bakit ginusto niyang kontrolin nang ganito ang buhay ko at pagmukhain akong tanga. Gusto kong malaman kung bakit niya akong patuloy na sinasaktan gayong mahal na mahal ko siya. Gusto kong ipaintindi niya sa akin, dahil kahit gaano pa man kasakit, kahit gaano pa man akong masaktan at magmukhang tanga, iintindihin ko pa rin ang lahat dahil nananaig ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Ang tanga mo, Franzess. Ang tanga–tanga mo. Ginawa ka nang tanga pero patuloy ka pa ring nagmamahal. Pinaikot ka na pero ito ka at balak pa rin siyang pakinggan at intindihin. Ang tanga mo, Franz. Napakatanga mo!
Napangiti ako nang may pait sa narinig kong idinidikta ng utak ko dahil alam kong iyon naman ang totoo. Ang tanga ko . . . ang tanga–tanga ko.
Malalakas na pagkatok sa pintuan ng kuwarto ang sandaling nakapagpahinto sa akin sa paghikbi.
"W–wife? Can you open the door?" tinig ni Red mula sa labas ng silid.
Pagkarinig ko pa lamang niyon ay parang lalong sinasakal ang puso ko sa sakit.
Pinilit kong tumayo at nanghihina akong tumungo sa pintuan saka binuksan iyon, ngunit pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng pinto ay sumalubong na agad sa akin ang mahigpit na yakap niya na tila ayaw akong pakawalan.
Hindi ako nakapanglaban dahil bukod sa wala na akong natitirang lakas, kahit na ano pang sakit ang ibigay sa akin ni Red, sa mga bisig lamang niya ko nahahanap ang totoong seguridad.
"I don't know what to say to you because I am a fucking liar, a fucking manipulator. I fucked up big time. I am insensitive. I am a fucking coward. I'm sorry, I am so damn sorry," aniya at naramdaman ko ang naging paghigpit lalo ng yakap niya sa akin.
"B–bakit mo 'ko ginaganito, Red? B–bakit ginawa mo sa akin 'to? B–bakit ako, R–Red? Mahal na mahal kita, pero bakit nakakalason 'tong p–pagmamahal na nakukuha ko sa 'yo?" nanghihinang wika ko. "D–dapat kapag mahal mo hindi mo sasaktan, hindi mo p–pagsisinungalingan, h–hindi mo paiikutin, pero bakit, R–Red . . . bakit ginagawa mo sa 'kin?"
Marahan niya akong inilayo sa kaniya, saka niya ako tinitigan sa mga mata. "If you'll decide to leave me again, I won't stop you; I won't hinder your plans anymore. I deserve to be left behind and alone. But I just want you to know that despite the lies you've learned, you will always stay as my only reason and my only truth, baby. Sa lahat ng kasinungalingan na mayroon sa buhay ko, ikaw lang ang totoo, itong pagmamahal ko lang sa 'yo ang totoo—"
"I–I won't. H–hindi ako aalis," putol ko sa kaniya at nakita ko ang kabiglaan sa reaksyon niya dahil sa sinabi ko.
"What are you saying?" hindi makapaniwalang wika niya.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na magkunyapit sa batok niya. Marahil ay talagang hinang-hina na nga ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang takbo ng utak ko o kung ano bang desisyon pa ang dapat kong isipin.
"H–hindi ako aalis. H–hindi kita iiwan. K–kailangan ko ang paliwanag mo, k–kailangan kong malinawan. H–hindi ito kagaya nang mawala ang a–anak natin na humingi ako ng panahon para maghilom, dahil ang p–problema natin ngayon ay kung paano k–kita maiintindihan sa mga dapat mong i–ipaliwanag, Red. K–kahit anong gawin mo, k–kahit gaano kasakit ang maririnig ko, p–pipiliin ko pa rin ang pagmamahal ko sa 'yo," anas ko at doon na ako sumubsob sa dibdib niya. Doon ko inilabas lahat ng mga luha at paghagulgol na mayroon ako.
Pagod na pagod na 'ko. Hinang–hina na rin ako sa mga problema na ito at idagdag pa ang malalakas na sampal na natamo ko kay Clara kanina.
"I'm sorry, wife. I'm sorry. I will make things right. I promise you. Thank you . . . thank you for not leaving me again."
Iyon ang mga bulong na narinig ko bago pa ako tuluyang panawan ng ulirat.
MATAAS na sikat ng araw ang sumalubong sa akin pagmulat ko ng mga mata ko. Luminga ako sa paligid at nakita ko si Red na nakadukdok sa kamay ko at mukhang natutulog pa.
Bahagya akong gumalaw na siyang gumising sa kaniya. Agad niyang idinantay ang likod ng palad niya sa noo ko.
"Oh, God, thank you," mahinang usal niya ngunit dinig na dinig ko.
"A–anong nnagyari?" anas ko at doon ko pang napagtanto na may suwero sa kanang kamay ko.
"You passed out and you've got a high fever," aniya sa akin. "Are you hungry? Do you need water—"
"Nasaan si Nisha?" anas ko na tila nakapagpatuod sa kaniya. Nabawi ko na ang lakas ko sa pamamagitan ng pagpapahinga kaya't may lakas na ako ngayon upang alamin ang katotohan na nais kong magmula sa mga labi niya mismo.
"She's in the States," sagot niya sa akin, saka naupong muli sa upuan na na sa gilid ng kama.
Itinukod niya ang mga siko niya sa magkabilang tuhod niya, saka niya hinilamos ng palad niya ang kaniyang mukha.
"B–bakit kailangan mong magsinungaling sa akin at paniwalain ako na patay na siya? Bakit, Red?"
"She's bedridden, Franz," maagap na sagot niya sa akin at sunod-sunod ang naging pagkalabog ng dibdib ko sa narinig ko. "She's in vegetative state," dagdag pa niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong iyon. Ngayon ko lalong napagtanto na tama ang desisyon ko na pakinggan siya, dahil habang nasasaktan ako ngayon, ay mas matagal na panahon na pala siyang nasasaktan.
"I couldn't let go of my sister. I just can't. I want to keep her close, but she's been in that state for almost four years now. I am selfish, and I knew that, pero matatawag mo bang makasarili ako kung ang gusto ko lang ay patuloy na makita ang kapatid ko? Can you blame me?" aniya at doon ko nakita ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niya. Damang–dama ko ang sakit na nararamdaman niya dahil kitang-kita iyon sa pait na nakaguhit ngayon sa mga mata niya.
"B–bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"How can I tell you about it, wife? Neither my parents knew about Nisha's existence not until the day you left me. I told them the truth and all the lies I fed them. They hated me and immediately flew out of the country to see Nisha. It was my entire fault, and I am sorry I had to make you believe my lies—"
"Para sa anong rason, Red? Gusto kong malaman para sa anong rason at bakit mo ako kinulong sa 'yo—"
"At first I only wanted you to replace the spot Nisha left in my life. I only wanted to see you everyday and let you taste hell for stealing the life that was meant for my sister, but as days passed by, I became more and more selfish. Ginusto ko nang protektahan ka, alagaan ka, sambahin ka, at . . . mahalin ka. I became selfish that I no longer knew how to make things right. I got too scared that I might lose you," sagot niya at may kirot sa dibdib akong naramdaman doon.
Mali ang paraan niya at kahit na kailan ay hindi iyon magiging tama kahit saang anggulo ko pa man tingnan, pero unti–unting bumabaon sa akin ang mga balido niyang rason.
"I never hurted you. Plano ko ang saktan ka sa una pero hindi ko nagawa dahil hindi ko magawa. I could've had stole your life from you, pero sa buong pagsasama natin, hindi kita sinaktan. I always give you the assurance that it will always be you whom I want, whom I love, whom I want to spend the rest of my life with. I have always been true to you, wife, and I no longer need to prove that, alam mo iyon sa sarili mo. This lie . . . Nisha's existence was the only lie that I would be forever sorry for. I would never ask sorry for the love I showed you, because that love I showed and gave you was truer than my other truths, Franzess. Above all my lies, my love for you will stay true," aniya habang patuloy na lumuluha.
Ginagap niya ang kamay ko saka iyon hinalikan nang hinalikan habang pumapatak ang mga luha niya. Awang-awa ako sa kaniya at sa aming dalawa. Awang-awa ako sa sitwasyon na kapwa namin kinasadlakan.
"If you wish to leave me now, wife, I'll accept it. I will give you your freedom. I will give you back your life and freedom that I stole from you."
Hindi kailangan, Red. Hindi kailangan, dahil mas kailangan kita kaysa sa kalayaan ko na ibabalik mo.
Hindi ko binabalido ang kasakiman na ginawa niya sa buhay namin ng kapatid niya, pero hindi ko rin puwedeng iimbalido ang katotohanan na mahal na mahal niya ang kapatid niya at hindi niya iyon magawang pakawalan kaya't ginawa niya ang mga bagay na ginawa niya.
"A–ang gusto kong malaman ay bakit si Clara ang hinayaan mong mag–alaga kay Nisha? B–bakit si Clara, Red?"
Bumuntonghininga siya at saglit na nagpunas ng mga luha niya. Ngumiti siya nang mapait sa akin, saka umumang sa noo ko at nag-iwan doon ng isang magaan na halik.
"I just want to keep my enemy close. I knew that she will never hurt Nisha because she's obsessed with me. She will always protect Nisha because she wants me to be indebted to her," sagot niya na gumulo sa akin nang tuluyan.
"Anong ibig mong sabihin? Kaaway?"
"All this time that I am keeping Nisha alive, I am waiting for her to wake up to finally jail Clara, because Seiver will never do it because of the love he has for her," sagot niya at lalo ko nang hindi masabayan ang narinig ko.
"A–anong nangyayari? A–ano pang hindi ko alam—"
"Clara owns the car that almost hit you and almost killed Nisha. I just need Nisha to wake up and verify it herself. She's the only solid evidence I have for now, wife . . . my sister was the only person who could jail Clara."
Tila sumabog ang utak ko sa narinig ko. Alam kong matalino si Red, pero hindi ko inakalang ganito kagulo ang mga nangyayari na pinipilit niyang bigyan ng solusyon.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**
Theory-theory pa kayo, babaliin ko rin naman 'yan. CHAROT! HAHAHAHA.
I-judge n'yo si Red, okay lang sa akin, choice n'yo 'yon, pero kung ako rin ang nasa sitwasyon niya, sorry pero ganoon din ang gagawin ko. Pusong panganay, I guess? I dunno.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top