Chapter XLIII
FRANZESS
PAKIRAMDAM ko ang laki-laki ng kasalanan ko kay Red. Pakiramdam ko sobrang laki ng espasyo sa pagitan namin ngayon.
Wala akong kaalam-alam na habang sinusubukan kong maghilom, lalo ko naman siyang winawasak. Habang okupado ako ng mga gawain para makatulong sa akin na makapagpatuloy, siya naman ay iniwan ko na naroon pa rin sa lugar kung saan ko siya huling nasaktan.
"Can we talk? Can I atleast ask a minute or two of your time?" aniya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "But if you're uncomfortable, I can now vanish from your sight," dagdag niya nang hindi ako sumagot.
Hindi ko mahanap ang tamang mga salita na dapat kong sabihin sa kaniya. Nauumid ang dila ko at pakiramdam ko ay kailangan kong piliin ang mga salitang bibitiwan ko dahil maaaring maging sanhi iyon ng pagkabasag ko, o ng mas matindi pang pagkabasag niya.
Matagal ko siyang tinitigan bago ako kumuha ng lakas at tumayo. Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong tahimik at nilisan ang lugar na iyon na alam kong nakasunod siya sa akin.
Nakarating ako sa may parking space ng hotel. Pinilit kong hinanap ang sasakyan niya na pamilyar sa akin ngunit bigo ako.
"N–nagpalit ka ba ng sasakyan mo?" utal na tanong ko matapos ko siyang lingunin.
"I rode my motorbike all the way here," sagot niya sa akin. Halos pabulong pa rin iyon na tila may itinatago siya sa akin.
"N–nasaan ang sasakyan mo—"
"I sell it," maagap niyang putol sa akin at bahagya akong nagulat sa narinig ko.
Imposibleng ibenta niya ang sasakyan niya dahil mahal na mahal niya iyon. Iyon ang una niyang naipundar sa pagbabanda base sa impormasyon na sinabi sa akin ni Nana Mela noon.
"B–bakit mo ibinenta—"
"I could no longer drive that car in your absence. I could feel the loneliness, and . . ." sandali siyang huminto sa sinasabi niya at yumuko na animo ba hindi niya gustong ituloy iyon.
"A–and?"
"And we made love in that car. I couldn't bear being alone inside it. The more I do, the more I feel that I lost you . . . that you left me . . . that something is definitely missing in my life. I just couldn't stand the pain and misery so I sell it," sagot niya sa akin at parang may sakit na kumudlit sa dibdib ko sa narinig ko.
Nasasaktan ko siya, o baka higit pa sa salitang iyon. All those years ang alam ko, nasasaktan ako, na sobrang miserable ko, na nawala ang anak ko dahil sa kapabayaan ko at sa pagiging padalos-dalos namin, na gunaw na ang mundo ko dahil nawala sa akin ang mumunting anghel ko, pero mali pala ako . . . hindi lang pala ako ang nasasaktan, hindi lang ako ang miserable, hindi lang ako ang nawalan, hindi lang ako ang sobrang apektado.
Humakbang ako ng tatlong beses papalapit sa kaniya. Nang nasa tapat na niya ako ay huminto ako saka ko siya tinitigan nang sandaling segundo bago ako nagsalita.
"H–hindi ko ipagkakaila sa 'yo na nasasaktan pa rin ako, na t–tuwing makikita kita ay sakit pa rin ng nakaraan ang naaalala ko at kung paanong nawala ang anak ko. H–hindi ko ipagkakaila sa 'yo na hindi pa pala ako tuluyang naghihilom, p–pero gusto kong humingi ng tawad sa 'yo—"
"Please, no! You don't have to say sorry. You don't have to apologize to me. It's all my fault and I really have to suffer the consequences of my actions. Don't blame yourself, no, baby, please . . . no," putol niya sa akin.
Mapait ko siyang nginitian. Nararamdaman ko na may trauma na siya sa pag-uusap namin nang ganito. Nararamdaman ko rin na natatakot na siyang marinig ang mga maaari ko pang sabihin.
"I–ihihingi ko ng tawad ay ang sakit na ibinigay at patuloy na naibibigay ko sa 'yo," anas ko at nakita kong rumehistro ang gulat sa kaniya. "H–habang iniisip ko na gumuho na ang mundo, winawasak na pala kita. H–habang kinakawaan ko ang sarili ko, lumalaban ka pa pala para sa ating dalawa. I–I'm sorry kasi ang selfish ko. S–sorry kasi inuna ko 'yong sakit na nararamdaman ko kaysa sa pagiging totoo ng pagmamahal mo—"
Hindi ko nakuhang natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niya akong kinabig at niyapos nang mahigpit na mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
Nagbitaw ako ng malalim na buntonghininga bago ko siya marahang tinulak papalayo nang kaunti sa akin.
Tinitigan ko siya at doon ko muling nakita ang mga luhang nagbabadya sa mga mata niya maging ang takot sa mga salitang maaari pa niyang marinig mula sa akin.
"R–Red . . . gusto ko mang magpatuloy kasama ka pero—"
Gulantang ang buo kong pagkatao nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko. Pagluhod na punong-puno ng pagmamakaawa at pagsusumamo. Pagluhod na animo walang-wala na siyang maaari pang kapitan at ubos na ubos na ang lahat sa kaniya. Ang sakit-sakit na makita sa akin na ganitong klaseng sakit pala ang idinulot ko sa kaniya.
"P–please, don't leave me . . . not again. H–hindi ko na kaya . . . hindi ko na kakayanin. Those two years that I had to live my life without you were my darkest days. Franz, please . . . choose me now. Kahit hindi mo ako patawarin, kahit araw-araw mo 'kong saktan, kahit pa araw-araw mong ipamukha sa akin ang kasalan ko, just don't . . . don't leave me again. Save me now, I am begging you. Choose to heal by my side. Choose the 'us' that we failed to protect before. C–can you?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa kaniya. Hindi ko alam ang dapat kong iakto. Sa mga oras na ito, ang nais ko lang ay makahingi ng tawad sa kaniya sa sakit na naidulot ko at sa hindi ko pag-iisip na nawalan din siya at patuloy rin na nasasaktan.
"R–Red, a–aalis na muna ako para makapag-isip—"
Bigla na lamang niyang niyakap ang mga tuhod ko, saka siya marahan na dumukdok doon. Doon ko rin nakita ang paggalaw ng mga balikat niya na senyales na umiiyak na siya.
"H–hindi pa ba sapat ang dalawang taon? Hindi mo pa rin ba ako m–magagawang piliin? P–please choose me now. P–please choose my pain now. Ako naman . . . ako naman, Franzess. I–I love you so much that this love has pierced all the way down to my soul, that the moment you leave me again . . . baka hindi ko na kayanin."
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na yumukod at haplusin ang buhok niya saka marahan iyong hinalikan.
"H–hintayin mo lang ako. B–babalik ako sa 'yo. Sa ngayon, h–hayaan mo lang muna ako. Aayusin ko lang ang lahat ng gulo na tumatakbo sa isip ko," anas ko.
Napangiti ako nang kusa siyang kumalas sa akin. Hindi ko siya tiningnan o nilingon pa, basta't nilisan ko ang lugar na iyon na alam kong . . . nasaktan ko na naman siya at iniwan na umaasa.
Iaayos ko lang ang takbo ng isip ko. Gusto kong bumalik sa 'yo kapag kaya ko nang tumingin sa mga mata mo, at hindi na ang sakit ang nararamdaman ko kundi ang pagmamahal ko para sa 'yo. Mahal kita, Red. Mahal na mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal na inaakala mo.
MALAWAK na ngiti ni Szack, Bim, at Anne ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng stage.
"Congratulations, Madam! Deserve na deserve! Oh, graduation gift ko for you," ani Anne at saka inabot sa akin ang isang maliit na kahon. "Kapatid ko sana ang ireregalo ko sa 'yo, kaso alam ko naman na ire-reject mo kaya hindi na lang," aniya na sinundan pa ng tawa.
Nilingon ko si Szack at nakabuka ang mga braso niya na animo naghihintay siya na mayakap ko kaya't agad ko iyong ginawa.
"Congratulations, Fae," aniya sa akin at naramdaman ko pang hinalikan niya ang buhok ko.
Kumalas ako sa kaniya at ngumiti nang totoo. "Congratulations din sa 'yo. Maraming-maraming salamat sa lahat ng tulong mo. Sa paghatid-sundo sa tuwing kapos ang pamasahe ko, sa pag-excuse sa akin sa klase sa tuwing may ka-meet up akong customer, sa pagiging mabuting kaibigan at kapatid sa akin, at sa hindi mo pagpilit ng sarili mo sa 'kin dahil alam mong nasasaktan lang ako pero mahal ko pa rin ang asawa ko. Thank you for everything you've done for me, Szack. Sa lahat-lahat, maraming-maraming salamat," mahabang wika ko at isang matamis na ngiti ang isinagot niya sa akin.
"I will never be a hindrance towards your happiness. You deserve everything that this world could offer and if you found your happiness in him, I will always support you. Mahal kita, hindi naman iyon magbabago. Mahal kita and I will always choose your happiness more than mine . . . you are my happiness, Fae. Just be happy . . . always."
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nasabi ko nang lahat kina Anne, Bim at Szack ang mga bagay na napagdesisyonan ko sa loob ng dalawang buwan at sa ngayon ay kailangan ko nang makita siya upang malaman ko kung kaya ko na.
Natapos ang ceremony at nag-aaya pang kumain sa labas ang tatlo pero tumanggi na 'ko.
Ngayon ay lulan ako ng sasakyan ni Szack at suot ko pa rin ang itim na toga ko na may kulay asul na kapa at bitbit ko ang diploma ko. Gusto kong makita niya ako sa ganitong itsura. Gusto kong maipakita sa kaniya na dalawang taon man ang nawala sa akin—sa amin, mayroon akong bagay na naabot na maaari kong maipagmalaki, na maaari niyang maipagmalaki.
Nakarating kami sa harap ng bahay at matindi ang kabog ng puso ko. Para na nga itong lalabas sa dibdib ko nang wala sa oras.
Bumaba ako ng sasakyan at sinabihan ko si Szack na maaari na siyang umalis. Hindi naman ako nagdalawang-salita pa dahil naiintindihan naman niya ang desisyon ko.
Binuksan ko ang gate gamit ang lumang code at napangiti ako nang bumukas iyon. Hindi pa rin siya nagpapalit. Birthday ko pa rin ang code.
Nang makapasok na ako sa loob ay bumungad sa akin ang madilim na madilim na kabahayan. Walang kahit na anong ilaw. Gabi na rin at tanging ang liwanag lang ng buwan na tumatagos sa bintana ang nagsisilbi kong liwanag.
"N–Nana Mela?" tawag ko dahil kinakabahan ako.
Ang sabi sa akin ni Bim, hindi naman daw lumipat ng bahay si Red base sa sinabi ni Miss Mikaela kay Sir Karl.
Nilakad ko ang pasilyo at tumungo ako sa kusina ngunit wala akong makitang tao. Walang kahit na anong kaluskos kaya't doon na ako nagdesisyon na umakyat patungo sa silid namin.
Mabilis kong nabuksan ang pinto at halos mahigit ko ang hininga ko nang may makita akong bulto na nakaupo sa sahig, nakasandal ang likod sa kama, nakatupi ang ang isang tuhod at nakapatong doon ang isang kamay na may hawak ng bote.
"Who are you?"
Tinig niya iyon . . . tinig na animo ay basag ma basag.
"I am asking who the fuck are you!? Are you a thief!? Steal everything, I don't fucking care! I already lose the reason to continue having these wealth!" sigaw niya nang hindi ako sumagot at nakita kong tinungga niya ang boteng hawak niya.
Napabuntonghininga ako at doon ko na pinindot ang ilaw at bumukas iyon. Nakita kong tinakpan niya ng braso niya ang mga mata niya marahil ay dahil nasilaw siya sa biglaang pasok ng liwanag.
"Red. . . ." pagtawag ko sa kaniya at nakita ko kung paano siya biglaang nanigas na animo sobrang nabigla.
Inalis niya ang braso niya sa mga mata niya at agad nagtama ang mga mata namin.
Sa sulok ng mga mata ko ay pansin ko ang napakagulong kuwarto na may mga basag-basag na bote at gamit.
"Wife," utal na tawag niya sa akin, saka siya mabilis na tumayo at mabilis na lumapit sa akin bago ako biglaang hinagkan nang mariin.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit sinagot ko ang halik niya nang kasing lalim ng paraan niya. Kapwa namin nilasap ang labi ng isa't isa at lasang-lasa ko ang pait ng alak sa mga labi niya.
Ngayon ko lalong napagtanto kung gaano ko siya kamahal . . . at kung gaano na ako handang kalimutan ang sakit para bumuo ng panibagong bukas na siya pa rin ang kasama.
Pareho kaming naghahabol ng hininga nang magbitiw ang mga labi namin.
Akala ko ay muli niya akong hahagkan nang ibaba niyang muli ang mukha niya patungo sa akin ngunit mali ako. Pinagdikit lamang niya ang mga noo namin.
"If I'm dreaming, please, Lord, I am begging You, don't wake me up. Let me live inside this dream for the rest of my life. I want to be with her . . . kahit dito lang, hayaan Mo 'kong mahalin at makasama siya. I am begging You—"
Itinulak ko siya nang malakas at nakita ko kung gaanong nanlaki na lamang ang mga mata niya sa ginawa ko.
"A–ang tagal kong binuo ang desisyon ko, tapos iisipin mo lang na p–panaginip mo 'ko?" anas ko at nakita ko ang gulat at pagkalito na bumalatay sa reaksyon niya.
"Are you . . . for real!? Am I not just hallucinating—"
"Kaya ko nang piliin ka. Nandito na 'ko para piliin 'yong tayong dalawa. Puwede bang magsimula tayong muli? Puwede bang wala nang sakit? Puwede bang . . . sa akin ka na ulit, Red?"
Nang mukhang napagtanto niyang totoo ako ay bigla na lamang niyang sinakop ng mga palad niya ang magkabilang pisngi ko, saka hinalikan ang noo ko.
"Since I gave you my kiss mark years ago at my concert, you were already mine . . . and I am all yours, Mrs. Allen. My entirety is yours, and no one else but yours. Sa 'yo lang ako mababaliw nang ganito. Sa 'yo lang, Franzess Iah Allen, sa 'yo lang."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**SPECIAL ANNOUNCEMEMT**
Ang plano ko po ay ma-self publish ang libro na ito by July para po makapag-ipon pa po. HINDI ko rin po balak na i-premium ang book para po hindi mataas ang presyo dahil gusto ko pong maging AFFORDABLE ang book para ma-afford kahit paano ng mga estudyante/working mommy/breadwinner na ate. Hehe.
(Premium self publish books normally cost 1000-1,500 po.)
Sa totoo niyan po, natatakot akong i-self publish ito sa kadahilanan na baka walang bumili. Kaya rin po ako nagse-survey rito kung may bibili if incase i-self publish ko nga tapos kakaunti lang ang nag-comment. 🥲
Anyways, hindi naman po ito sapilitan. Special chapter lang naman po na POV ni Red ang madadagdag sa book version kaya't okay lang po sa akin kahit na anong mapagdesisyonan po ninyo. SALAMAT PO NANG MARAMI SA SUPORTA! ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top