Chapter XL
FRANZESS
NAGISING ako na tila ang sakit-sakit ng katawan ko. Inilinga ko ang mga mata ko sa paligid at natiyak kong nasa ospital ako.
"Where is she?" anang isang tinig sa labas ng pinto ng kinaroroonan ko.
Biglang bumalagbag ang pinto na ikinakirot ko sa gulat at bumungad sa akin ay ang nagbabagang mga mata ni Red na dala ng galit.
Lumapit siya sa akin, saka hinaklit ang braso ko na walang suwero at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya't lalo kong halos malunok ang dila ko.
Natatakot ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay kayang-kaya niya akong patayin sa mga oras na ito dahil sa galit na kasalukuyang nangingibabaw sa kaniya.
"What the fuck did you do to my sister for her to save you?" mga salitang binitiwan niya na kalmado ngunit alam kong mapanganib.
"H–hindi ko alam. W–wala akong alam," sagot ko at dama ko ang takot ko sa kaniya maging ang mga luha kong nais nang pumatak.
Mas diniinan pa niya ang pagkakahawak niya sa braso ko at doon ko natitigan ang asul niyang mga mata na tila sobrang lungkot ngunit punong-puno naman ng galit.
Magsasalita sana akong muli nang bigla na lamang niyang binitiwan ang braso ko at bigla siyang sumandal sa pader at napaupo.
Nakita kong sinuntok niya ang sahig na ikinagulat ko, saka siya napasabunot sa buhok niya.
"Why does my sister have to die instead of you? Why did she choose your life over hers? That child . . . until the end she's so fucking careless!" pabulong na wika niya ngunit tila iyon ang tuluyang yumanig ng buong mundo ko.
"P–patay na si N–Nisha?" Halos ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa bibig ko. Tila hindi ko kayang sabihin dahil alam ko . . . alam na alam kong ako ang dahilan ng pangyayaring iyon.
Nag-angat sa akin ng tingin si Red, saka siya ngumisi sa akin . . . isang mapait na ngisi.
"Yes and it was all because of you. I lost my only sibling that was keeping me sane because of you!" sagot niya sa akin, saka tumayo mula sa kinauupuan niya. "Thank your God that He made you a woman. If not for that fact, I would've crashed every bit of you," pahabol nito at saka lumabas ng silid na kinaroroonan ko.
Naiwan akong tigalgal sa mga pangyayari at tila hindi ko alam kung anong hakbang ang dapat kong gawin.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, basta't bigla ko na lamang hinila paalis ang suwero sa kamay ko at tumakbo ako palabas kahit pa wala akong sapin sa paa.
"Miss! Saan ka pupunta!? Miss!?" sigaw ng lalaking nurse na nadaanan ko ngunit hindi ko iyon pinansin.
Luminga-linga ako sa paligid at pilit kong hinahanap ang silid ng babaeng namatay dahil sa kapabayaan ko.
Walang habas kong binubuksan ang bawat silid na madadaanan ko para tingnan kung naroon siya ngunit bigo ako. Nanlulumo ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Inuusig ako ng konsiyensiya ko at hindi ko alam kung anong magagawa ko.
Pabalik na sana ako ng silid ko nang bigla ko na lamang maalala si Inang Gorya. Lalo akong tila tatakasan na ng bait at hindi ko alam kung saan magsisimula.
Muli akong tumakbo papaalis kahit pa pinagtitinginan na ako ng mga tao. Siguro ang kasalukuyan nilang tingin sa akin ay nababaliw na . . . dahil maging ako ay iyon na ang tingin ko sa sarili ko.
Lakad at takbo ang ginawa ko. Hinayaan komg dalhin ako ng mga paa ko sa lugar na alam kong dapat ay naroon ako. Nanghihina ako. Malalaki ang patak ng ulan na sumasabay sa sakit na nararamdaman ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang aksidente kahit na pilitin kong iwaksi iyon sa isipan ko. Paulit-ulit sa utak ko ang maliliit na patak ng ulan kasabay ng malakas na preno ng sasakyan at ang malakas na pagtulak ni Nisha sa akin. Nakakabinging maalala, pero hindi ko magawang makalimutan. Para akong inuulan ng mga pasakit.
Napaupo ako sa kalsada at doon ko ibinuhos lahat ng luha ko.
"Pagod na pagod na 'ko, pero patuloy Mo akong pinahihirapan nang ganito. Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko sa Iyo at ipinararanas Mo sa 'kin lahat ng sakit," halos bulong na sumbat ko sa Nasa Itaas. Nawawalan na ako ng lakas. Para akong nauupos na kandila.
Unti-unting lumabo ang kalsada sa paningin ko. Unti-unti na rin akong nawawalan ng lakas para makatayo pa.
Pabagsak na ako at pawala na ang malay-tao nang may maramdaman ako na bumuhat sa akin. Nanaisin ko sana itong tingnan, ngunit tuluyan nang inagaw ng karimlan ang diwa ko.
MATAAS na sikat ng araw ang gumising sa akin. Halos hindi ko maidilat ang mata ko dahil sa pagtama ng sinag nito.
"Oh my gosh! You're finally awake after three days," anang isang tinig at nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin ang isang may katandaan nang ginang. May pag-aalala sa mukha na lumapit ito sa akin. "How are you, iha? May masakit pa ba sa 'yo? Are you hungry? Are you in pain? Tell me and I'll bring you to the hospital," anito sa akin at sinagot ko ito ng sunod-sunod na pag-iling.
"A–ayos lang po ako. P–puwede ko po bang malaman k–kung nasaan po ako, a–at sino po kayo?" anas ko rito at bigla naman itong marahan na ngumiti sa akin.
"My son brought you home. You're the woman my Nisha saved, right?" sagot nito sa akin at kulang na lamang ay maalog ang utak ko sa narinig ko.
"K–kayo po ang ina nina Red at Nisha?" utal na tanong ko at tumango ito sa akin.
Bigla akong binalutan ng takot nang malungkot itong ngumiti sa akin. "I'm not mad at you, iha. Huwag mong isipin iyon. Hindi ko kailangang magalit sa iyo dahil anak ko ang pumili na salbahin ka. Maybe . . . just maybe at the back of her mind, she thought that your life is worth it. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Hindi mo kailangan na matakot sa akin o sa pamilya ko. Hindi kami galit sa iyo."
Gulong-gulo ako sa naririnig ko. Gulong-gulo ako at halos hindi matanggap ng utak ko ang mga ito.
Paano niya ako nagagawang ngitian gayong ako ang dahilan ng pagkamatay ni Nisha? Paano niya nagagawang mag-aalala sa akin kung nawalan siya ng anak dahil sa kagagawan ko mismo?
"H–hindi ko po makuha. H–hindi ko po masundan. N–nawalan po kayo ng anak dahil sa akin—"
"My daughter has been dead for few years now," putol nito sa akin na lalong ikinagulo ng takbo ng utak ko. "She may be alive when she saved you, but she's already dead inside. Nisha had been experiencing depression since she was a kid. She experienced bullying when she was a little kid for always being at the top of her class. She had several severe attempts. If only not for his Kuya Red, she had been dead for few years now. Siguro nga . . . siguro kaya't nanatiling buhay ang anak ko hanggang sa araw na magkasalamuha ang landas n'yo ay para sagipin ka. Maybe she had been alive until that day just so she could save you," patuloy ng ginang, saka ako biglang marahan na kinabig. "Maybe God doesn't want to permit her to die by her own hands and just simply have a worthless death. Maybe in the end, God wants her death to be worthy and that was when you came. Hindi ako galit sa 'yo. Hindi ako magagalit sa 'yo. My daughter had her best rest now all because of you and I am more than glad that it wasn't because of suicide. Her death saved a life and that's more than enough for me. I saw her struggles and pains, and now I feel at ease that she finally found her way home."
Halos madurog ang puso ko sa lahat ng narinig ko. Halos humagulgol ako sa yapos ng ginang sa akin. Hindi ko alam kung bakit napakabuti niyang tao. Hindi ko alam kung bakit ang ganitong kabait na ina pa ang nawalan ng anak dahil sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakatagpo ako ng ganito kaintindihing tao na tumitingin sa lahat ng aspeto.
Inilayo niya ako sa kaniya, saka inipit sa likod ng tainga ko ang iilang hibla ng buhok na nasa harapan ng mukha ko.
"Just stay safe, healthy and happy, iha. Iyon lang ang maisusukli mo sa akin sa pag-aalay ng anak ko ng buhay niya sa 'yo," nakangiting wika nito sa akin.
Ilang minuto akong tahimik at hindi malaman ang isasagot sa kaniya. Ilang minuto akong tahimik at hindi ko mawari kung ano bang dapat kong ikilos. Hindi ko masundan ang sitwasyon. Napakabilis.
"By the way, call me Mama Rhian," patuloy nito, saka inabot ang kamay ko at marahang hinaplos. "I don't want to tell this to you dahil gusto ko muna sanang makabawi ka, but you need to know this. Your . . . your Inang Gorya is dead. She was dead on arrival. Pinapasabi lang ito sa akin ni Red since he had you investigated. He tried to know why you tried crossing the street on that day and he learned about your Inang. I'm sorry for you loss, iha."
Doon na yata tuluyang gumunaw ang mundo ko. Halos wala akong masabi, walang gustong tumakbo sa isip ko kung hindi sakit.
Iniwan na naman ako. Naiwan na naman ako.
NARITO ako sa bahay ng mga Allen ngayon dahil pinapunta ako ni Mama Rhian. Limang araw na rin ang nakakalipas mula nang mailibing si Inang Gorya at halos lahat ng pamilya niya ay galit sa akin. Nakuha pa nilang sunugin ang mga gamit ko na nasa bahay ni Inang. Awang-awa ako sa sarili ko pero wala akong magawa.
"Iha, nailipat na namin iyong abo ni Nisha sa sementeryo. You can come with me after we eat if you like," nakangiting wika ni Mama Rhian sa akin habang naghahain ng pagkain sa mesa.
"S–sige po."
"Nasabi nga pala sa akin ni Arthur na parang naiilang ka sa kaniya? Don't be, iha. Mas mabait ang asawa ko sa akin. He was the one who made me realize that I may have lost my daughter, but she's still a hero," anito sa akin.
Bumuntonghininga muna ako bago ako nagsalita. Ito ang mga salitang nais ko talagang bitiwan noon pa ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob lalo na't kaming dalawa lang ni Mama Rhian ngayon.
"Ma'am, g–gusto ko pong magbayad ng pagkakautang sa inyo. S–sa kahit na ano pong paraan ay gusto kong mabayaran sa inyo ang pagkamatay ni Nisha dahil sa akin. G–gusto ko pong tumanaw ng malaking utang na loob sa inyo dahil hindi ko na po iyon magagawa kay Nisha—"
"Hindi mo kailangang gawin iyan, iha. Hindi namin kailangan na magbayad ka. As what I've told you, we were more than glad that she chose to save you. Hindi mo kailangang pagbayaran ang bagay na pinili namang gawin ng anak ko para sa iyo," putol nito sa akin at nanlumo ako. Sobrang bait nila. Sobra pa sa sobra at ayaw kong may mag-isip na tina-take advantage ko ang bagay na iyon. Gusto kong bumawi. Nawalan sila ng anak, kahit pa balido ang rason nila nang paraan ng pagtanggap sa pagkawala ni Nisha, patuloy pa rin akong inuusig ng konsiyensiya ko dahil may inang nawalan ng anak dahil sa akin.
"Ma'am—"
"Call me Mama Rhian, iha. Kahit iyon na lang ang ipambawi mo sa akin. Treat me like your own mother. Through you, I could feel that I still have a daughter to enjoy my life with," putol nitong muli sa akin.
"M–Mama Rhian," pag-ulit ko at ngumiti ito nang matamis sa akin. "H–humiling lang po kayo sa akin. K–kahit na ano po ay gagawin ko, makabawi man lang kahit paano—"
"And you think your life is worthy enough to trade it with my sister's?" anang isang tinig at paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko si Red na may malamig na tingin na ipinupukol sa akin.
"Red Yvan Allen! We already talked about this!"
"Answer me, woman. Is your life worthy enough?" anito nang hindi pinapansin ang ina at patuloy na nakatitig sa akin.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at sunod-sunod na umiling sa kaniya.
"H–hindi. H–hindi kahit na kailan magiging mas mahalaga ang buhay ko sa buhay ni Nisha kaya't g–gusto kong makabawi—"
"Then marry me. Marry me and pay your debt for the rest of your life."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E ZE
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top