Chapter XIV
FRANZESS
KASALUKUYAN akong nasa garden ngayon at nagdidilig ng halaman nila Mama. Wala pa rin naman ang mga kasambahay kaya't ako na lamang ang gumawa nito.
Bumaba ako matapos umalis ni Alaina. Mas gusto kong libangin ang sarili ko sa mga ganitong bagay kaysa paulit-ulit kong isipin ang narinig kong pinag-usapan nila ni Red.
Nasasaktan ako para kay Alaina, lalo pa nang marinig ko na handa siyang magpakababa para lang maibalik si Red sa kaniya. Hindi ko naman siya masisi. Alam kong mahal na mahal lang niya si Red kaya niya nagawa ang bagay na iyon at lahat naman ng mga nagmamahal ay handang maging bulag at maging tanga para lang sa taong mahal nila.
"Iha, hindi mo naman kailangang gawin iyan," anang isang tinig at nalingunan ko si Papa Arthur na nakaupo sa wheelchair na mukhang siya rin mismo ang nagsikap magtulak para pumarito sa kinaroroonan ko.
"Ayos lang po, Papa. Hindi naman po mahirap na gawain ito," nakangiti kong sagot sa kaniya.
Ngumiti naman siya pabalik sa akin at sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya kaya't ginawa ko.
Inabot niya ang kamay ko at hinaplos iyon na tila isang ama na nais pagaanin ang loob ng anak. "Alam mo, iha, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi kita magawang ayawan. Kahit na ano pa ang marinig ko mula sa ibang tao ukol sa 'yo, alam ko na ikaw lang ang para sa anak ko," aniya at hindi ko mapigilan ang bahagyang maluha sa narinig ko. "Kahit sabihin nilang magalit kaming mag-asawa sa 'yo, hindi namin magawa. Hindi mo deserve iyon. You're pure and kind. Deserve mong mahalin at naniniwala akong anak ko ang makapagbibigay niyon sa iyo," patuloy niya at doon na yata tumulo ang ilang butil ng luha ko.
Sinubukan niyang abutin at punasan ang mga luha ko kaya't lumuhod ako para bahagya niya akong maabot.
"Salamat po, Papa. Salamat po sa pagmamahal ninyo sa akin at sa hindi n'yo panghuhusga. Salamat po, maraming-maraming salamat po," lumuluhang wika ko na siya namang pagdating ni Mama Rhian.
"Naku! Kumuha lang naman ako ng maiinom at pagbalik ko nag-iiyakan na kayo," nakangiting anito, saka inabot sa akin ang baso ng juice na agad ko naman tinanggap.
"Nagpapasalamat lang ako sa pagdating ni Franz sa buhay ng anak natin, Rhian. Sa tagal na magkasintahan nina Alaina at Red, kahit kailan hindi ko nakitang masaya si Red sa kaniya. Tila lang siya isang robot na masabi lang na may girlfriend. Ganoon ang nakikita ko sa kaniya noon, pero dito kay Franz, iba. Ibang Red ang nakikita at nasasaksihan ng dalawa kong mga mata," ani Papa Arthur na ikinangiti ko.
"Sesegundahan ko naman iyang sinabi mo, Art, dahil totoo naman. Iyan din ang napansin ko, at bilang ina ni Red, nagpapasalamat ako sa 'yo, anak," ani Mama Rhian na ngumiti pa sa akin. "Pero mabuti pa ay umakyat ka na at maglinis na muna ng katawan. Magluluto na rin ako ng hapunan," utos nito kaya't agad naman akong sumunod.
Pumasok ako at umakyat sa silid ni Red. Nadatnan ko siyang tahimik na nakaupo sa kama habang ang katawan ay nakasandal sa may headboard at nagbabasa lang ng libro.
Hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko ay nilalamon ako ng iba't ibang inhibisyon sa mga oras na ito dala na rin ng kaseryosohan niya.
"What is it?" aniya bigla sa akin na bahagya ko pang ikinagulat. Ibinaba niya ang librong hawak niya at nilingon niya ako.
"A–ayos ka lang ba? A–ayos lang ba ang pakiramdam mo?" utal na mga tanong ko sa kaniya.
"I'm alright," tipid na sagot niya ngunit hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatingin sa akin.
Gaya noon ay hindi ko na naman magawang umiwas sa mga titig niya. Hindi ko magawa dahil ang sarap na lang magpaalipin sa mga matang iyon.
Lumunok ako nang makailang ulit bago ako bumuga ng hangin at binuo ang loob ko sa mga tanong na kanina pa nasa utak ko. Pakiramdam ko ay kailangan kong sabihin ang mga salitang ito dahil hindi matatahimik ang kalooban ko kung ibabaon ko lamang sa sistema ko ang mga tanong na 'to.
"R–Red, nagsisisi ka bang pinili mo 'ko? N–nagsisisi ka bang pinakasalan mo 'ko? G–galit ka pa rin ba sa akin? P–patuloy mo pa rin ba akong kinasusuklaman? Si . . . si Alaina pa rin ba?" sunod-sunod na tanong ko ngunit blangkong tingin lamang ang isinagot niya sa akin na wari bang wala siyang interes sa lahat ng mga sinabi ko.
Inipon ko na lang ang lahat ng lakas ko, at tinalikuran ko na siya.
Hindi ko na lang dapat itinanong. Hindi na lang ako dapat nag-asam ng sagot.
NAKAHARAP kami sa hapag-kainan ngayon at si Mama Rhian ang naghahapag ng mga pagkain sa mesa. Sinabi ko naman na tutulong ako, pero pinagalitan lang ako.
"Kumakain ka ba ng puchero, anak?" tanong sa akin ni Papa Arthur at agad naman akong tumango at saka ngumiti.
"Opo, Papa. Noong bata pa po ako, paboritong lutuin iyan ng Nanay ko sa Tatay ko lalo kapag kagagaling pong maglambat," sagot ko at nangiti naman ito sa akin.
"At ikaw, Arturo, hindi ka puwede diyan. Itong ampalaya ang sa 'yo," ani Mama na bahagya kong kinatawa.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung pinepeke ko lang ba ang pagiging masaya ko o ano. Siguro dala na rin ng mabigat na atmospera dahil hindi nagsasalita si Red na nasa tabi ko.
"Why did Alaina leave?" takang tanong ni Papa na nakapagpatigil sa pagtawa ko. Agaran naman siyang hinampas ni Mama sa balikat at itinuro si Red na tahimik lang.
"She doesn't belong here," maagap na sagot ni Red, saka na ito nagsimulang magsandok ng pagkain . . . ko!? Ipinaglagay niya ako ng ulam at kanin sa plato.
"S–salamat," nahihiyang wika ko nang iabot niya sa akin iyon.
Nakita kong napangiti si Mama at Papa sa ginawa ni Red sa akin. Tinapunan din ako ng tingin ni Mama na akala mo ay nanunudyo sa nakita niya.
Nagsimula at natapos kaming kumain ay tahimik lamang si Red na animo may malalim na iniisip.
"Ma, ako na pong maghuhugas ng plato—"
"Anak, puntahan mo na lang ang asawa mo sa study room. Mas gugustohin ko 'yon," ani Mama nang nakangiti sa akin kaya't tumango na lamang ako.
Naglakad ako patungo sa study room. Gabi na rin at wala na halos mga nakabukas na ilaw—ayaw kasi iyon ni Papa Arthur.
Narating ko ang study room at kumatok ako ng tatlong beses bago ko iyon binuksan.
Bumungad sa akin si Red na nakatanaw lang sa buwan sa malaking sliding window na konektado sa garden habang hawak niya ang gitara niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang abalahin sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay gusto niyang mapag-isa sa mga sandali na ito.
Tumalikod ako at akmang lalabas na nang bigla na lamang siyang magsalita.
"Stay . . . please," aniya sa mababang tono ngunit kahihimigan mo ng lungkot. Unang beses kong narinig na sinabi niya ang mga salitang iyon.
Muli akong pumihit at naupo sa katapat na sofa na inuupuan niya.
Tiningnan niya ako sa mga mata at kahit pa mahina lamang ang liwanag na tumatanglaw sa mukha niya ay kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya.
"A–ayos ka lang ba—"
"Thank you . . . Franzess," aniya sa akin deretso sa mga mata ko at hindi ko alam kung bakit tila lumundag ang puso ko nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko.
Sinimulan niyang magtipa sa gitara at para akong nilalamon patungo sa paraiso ng paraan ng pagtugtog niya.
Through the years iyon ni Kenny Rogers. Sigurado ako. Simula pa lang ay alam ko na. Paborito iyon ni Tatay.
"I can't remember when you weren't there, when I didn't care for anyone but you. I swear we've been through everything there is. Can't imagine anything we've missed. Can't imagine anything the two of us can't do . . ." Tila ako idinuduyan ng ganda ng boses niya lalo pa at titig na titig siya sa mga mata ko.
". . . through the years, you've never let me down. You turned my life around. The sweetest days I've found. I've found with you. Through the years, I've never been afraid. I've loved the life we've made . . . and I'm so glad I've stayed. Right here with you . . . through the years," patuloy niyang pag-awit.
Hindi ko maipaliwanag pero tila niya ipinararating sa akin ang liriko ng kanta. Hindi ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang galak na nararamdaman ng puso ko.
Hindi ko mapigilan ang pagkahulog ko sa 'yo, Red. Pakiramdam ko habang tumatagal ay mas lalo akong nalulunod sa 'yo. Hindi ko mapigilan . . . hindi ko kaya.
"I can't remember what I used to do, who I trusted, whom I listened to before. I swear you've taught me everything I know, can't imagine needing someone so. But through the years it seems to me. I need you more and more . . ."
Hindi ko alam bakit may nagbabadyang mga luha sa mga mga mata ko. Pakiramdam ko ay ang pagkanta niya mismo ang nakikipag-usap sa puso ko.
". . . through the years, through all the good and bad. I know how much we had. I've always been so glad, to be with you. Through the years . . . it's better everyday, you've kissed my tears away, As long as it's okay . . . I'll stay with you, through the years. Through the years, when everything went wrong . . . together we were strong. I know that I belonged, right here with you, through the years, I've never had a doubt. We'd always work things out. I've learned what life's about . . . by loving you through the years," patuloy niya ng pagkanta habang patuloy pa rin siyang nakatitig sa akin.
Ayaw ko na sanang matapos ang mga sandaling ito. Ayaw ko na sanang hindi marinig ang umaawit niyang tinig. Ang sarap malunod sa kaniya. Ang sarap patuloy na mahulog . . . habambuhay.
Biglang tumunog ang malaking relo dito sa study room na hudyat na alas dose na nang hating-gabi kaya't napahinto rin siya sa pagtugtog.
Akala ko ay aalisin na niya ang pagkakatitig niya sa akin ngunit mali ako. Ibinaba niya ang gitara habang patuloy na nakatingin sa akin, saka siya tumayo at marahan na naglakad patungo sa kinauupuan ko.
Yumukod siya at inihawak ang magkabilang kamay niya sa magkabilang arm rest ng sofa na inuupuan ko, saka niya itinapat ang mukha niya sa mukha ko.
"R–Red, bakit? A–anong ginagawa mo?" kabadong tanong ko ngunit tinitigan lamang niya ako na tila kinakabisado niya ang bawat parte ng mukha ko.
"My answer to all your questions is no, Franzess. It's all a . . . no," aniya sa akin gamit ang malamyos at mahinang tinig at tila bumalik sa akin ang mga tinanong ko kanina sa kuwarto niya.
". . . R–Red, nagsisisi ka bang pinili mo 'ko? N–nagsisisi ka bang pinakasalan mo 'ko? G–galit ka pa rin ba sa akin? P–patuloy mo pa rin ba akong kinasusuklaman? Si . . . si Alaina pa rin ba?"
"Mrs. Franzess Iah Millado–Allen . . . happy first wedding anniversary," mahinang wika niya sa akin at kasunod niyon ay naramdaman ko na lamang na dumampi na ang mga labi niya sa mga labi ko.
Mahal na kita, Red. Mahal na mahal na kita.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top