Chapter XI
FRANZESS
AKALA ko ay agad niyang bibitiwan ang mga labi ko ngunit nagkamali ako. Naramdaman ko ang paghapit niya bigla sa baywang ko ng isang kamay niya at ang isa naman ay humawak sa likod ng ulo ko.
Halos mabaliw ang pakiramdam ko nang sinimulan niyang galawin ang mga labi niyang nasa mga labi ko.
"Hmmm. . . ." Hindi ko alam bakit bigla na lamang kumawala ang daing na iyon.
Nanglalambot ako. Hindi ko magawang ipalupot sa batok niya ang mga braso ko. Siguradong ikagagalit niya iyon.
Ang lambot ng mga labi niya. Nagkamali ako nang sabihin ko na nakakadala ang mga haplos niya dahil mas kakaibang sensasyon ang hatid ng mga labi niyang gumagalaw sa mga labi ko ngayon.
"HOYYYYY! TAMA NA 'YAN!" dinig kong sigaw ni Trayn at akmang lalayo na sana ako kay Red ngunit hindi niya ako hinayaan. Mas idiniin niya pang lalo ang mga labi niya sa mga labi ko.
Jusko, Red. Ano bang ginagawa mo? Bakit binabaliw mo 'ko?
Iniisip kong bibitiwan na niya ako dahil sa nakakakuha na ng atensyon ang ginagawa niya sa akin ngunit mali na naman ako. Marahan niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko na wari bang sarap na sarap siya sa ginagawa niya.
Nasa punto na ako ng pagtugon sa mga halik niya nang bigla na lamang may nagpahiwalay sa amin na literal na gumitna sa amin.
Si Jewel.
Nakita ko ang pagngisi ni Red sa akin nang makita niya kung gaano ako naging apektado sa ginawa niya. Deretso sa akin ang mga mata niya at tila wala siyang pakialam kay Jewel na nasa pagitan namin. Wala. Wala talaga. Nasa akin ang lahat ng atensyon niya.
"Stop it now! It's just a dare—ouch!" Hinawi niya bigla si Jewel paalis sa gitna namin at inabot niya ang pulso ko at hinatak ako palapit sa kaniya.
Tila siya isang mabangis na leon ngayon at ang ikinatatakot ko ay baka tuluyan siyang sumabog. Baka tuluyan niyang isiwalat sa lahat ng nandito kung anong relasyon naming pero sa kabilang banda, hindi naman niya siguro gagawin iyon dahil siya naman ang may gusto rin na itago sa lahat kung mag-ano kami.
Iniumang niya ang mga labi niya sa tainga ko, saka siya bumulong doon. "Make me jealous one more time, woman, you wouldn't want to know what will happen," aniya na nagbigay kilabot sa akin nang sobra.
Binitiwan niya ako, saka siya muling naupo sa kinauupuan niya kanina at ako naman ay natulala kaya't hinatak ako ni Casspian paupo.
"Iba ka talaga, Red! Kahit sa dare gusto mo ikaw pa rin ang ike-cater ni Franz. Iba ka, 'tol. Lodicakes ka talaga!" tumatawang wika ni Alas at nginisian naman siya ni Red bago ito bumaling kay Jewel.
Kinabahan ako dahil iba ang klase ng tingin na ibinigay niya rito. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Isang salita lang ang kaya kong sabihin . . . nakakatakot.
"You stay away from me, Miss. I don't like you," ani Red na ikinagulat ng lahat, saka niya pa pinasadahan ng tingin si Jewel na nakasalampak sa buhangin gawa nang pagkakahawi niya. "You call yourself a woman and yet you are crawling like an itchy bitchy spider? You better back off. I hate sluts," tahasan niyang wika rito at kitang-kita ko kung paano napamulagat ang mata ni Jewel, saka tumayo at nagtatakbo paalis ng kinaroroonan namin.
"RED! ANG HARD MO NAMAN SA BABAE—"
"They deserved it, Trayn. They obviously came here with that certain agenda in their minds. Right, Elisa?" putol ni Seiver kay Trayn at bumaling ito r'on kay Elisa. "Gusto n'yong irespeto kayo ng mga kalalakihan pero kayo itong kulang na lang ay itapon ang mga sarili ninyo sa amin. You heard that I have a girlfriend and you still tried to pursue me. What a trick, huh? Kung wala kang respeto sa kapwa mo babae, kahit man lang sarili mo sana ay respetuhin mo," patuloy ni Seiver, saka ito tumayo at naglakad na rin palayo.
Nagulat ang lahat lalo na ang mga kaibigan ni Bianca. Totoong straightforward si Seiver, pero siguro ay napikon na talaga ito kaya sumabog. As for Red, hindi ko alam. Baka sadyang iritado na talaga siya kay Jewel.
"Bumalik na lang muna tayo sa kaniya-kaniya nating mga kuwarto. Magpalamig muna tayo," ani Casspian.
"We're leaving. You can use our room, bitch. Bait-baitan ka, wild ka rin naman pala," biglang sabat ni Rachel habang nakatingin sa akin.
Hindi na lang ako kumibo. Walang mangyayari kung papatol pa ako sa sinabi niya. Isa pa, mas maigi iyon kaysa nasa iisa kaming kuwarto ni Red.
Tumayo na ang lahat at nagkaniya-kaniya na nang pag-alis.
"Are you okay, Franz—"
"Back off, Casspian," putol ni Red sa pagtatanong sa akin ni Casspian, saka niya hinawakan ang pupulsuhan ko. "You're coming with me, woman."
AKALA ko ay kung ano na ang gagawin sa akin ni Red ngunit mali ako. Pinag-ayos lamang niya ako ng mga gamit dahil kailangan naming pumunta ng ospital. Isinugod sa ospital ang Daddy niya.
"Kailan pa nag-text si Mama?" tanong ko sa kaniya nang may pag-aalala.
"While you were flirting with Casspian," sagot naman niya sa akin na puno ng kasarkastikuhan.
Napabuntonghininga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Ayaw ko naman sumagot dahil baka isipin pa niyang defensive lang ako. Isa pa, nahihiya rin ako sa kaniya sa nangyari. Unang halik namin iyon at hindi ko alam kung papano ba ang dapat kong iakto matapos ang halik na 'yon.
Napansin kong binitiwan niya ang inaayos niya, saka siya naglakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Look at me," utos niya at kagat-labing napasunod ako sa kaniya. Kabadong-kabado talaga ako sa tuwing mapapalapit siya sa akin.
"B–bakit?" tanong ko. Ito na naman ang mga mata niyang nanglalamon ng ulirat. Kung puwede lang sana akong pumikit na hindi niya ikagagalit, kanina ko pa ginawa.
"You are aware that you are married to me, right?" aniya at bigla kong naramdaman ang daliri niya na gumapang sa naka-expose kong hita. Malaking t-shirt lang kasi ang ipinatong ko sa two-piece na suot ko.
Kinakabahan na napatango ako nang sunod-sunod sa kaniya. "M–may problema ba—"
"And you are not fucking single nor available, right?" tanong na naman niya at muli ay tumango ako.
"A–alam ko naman po iyon—"
Bigla niyang pinisil ang hita ko nang marahan na tila nakapagpalambot ng mga tuhod ko kaya't napagigil ako sa pagsasalita.
Ibinaba niya bigla ang mga labi niya sa tainga ko at bumuga roon ng mainit na hangin kaya't hindi ko maiwasan ang mapaliyad.
Ito na naman siya. Binabaliw na naman niya ako sa mga pag-akto niya na hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ba dapat tugunin.
"Then you also aware that you are possession, right?" mahinang bulong niya pero parang bumibingi sa akin. Kakaiba ang dulot niyan.
"O–opo."
Biglang gumapang patungo sa pang-upo ko ang mga kamay niya at marahang humimas doon na lalong nakapagpaalis ng bait ko palayo sa kamalayan ko.
"R–Red. . . ." Hindi ko alam kung bakit ako napapaungol sa kakaibang haplos niya, basta ang alam ko lang ngayon ay napakainit ng pakiramdam ko dahil nakakapaso ang kamay niya.
"I should be the only person who would make you feel like this, woman. I don't want to see anyone else touching you . . ." bulong niya at tila sadyang binitin ang nais sabihin. ". . . I should be the only one making you feel like this; making you insane, and the one who enables the fire burning inside your system," pagpapatuloy niya at kasabay niyon ay ang pagbitiw at paglayo niya sa akin.
"Red," anas ko at parang gusto ko na namang magprotesta.
"I said what I said, woman. It has to be me and me alone."
Hindi na ako sumagot. Hindi ko alam pero sa tuwing sasabihin niyang pag-aari niya ako at siya lang ang may karapatan sa akin, pakiramdam ko ay gustong-gusto kong isuko ang sarili ko, kahit pa na alam kong inaari niya lamang ako dahil sa pagkakautang ko.
"Stop spacing out," aniya sa malamig na tono kaya't nagmadali akong ayusin ang mga gamit namin.
Natapos kaming mag-ayos at kapwa n kami nakalabas ng cottage nang bigla na lamang may pumaradang sasakyan sa harap namin.
"Good evening, Sir Red. Sorry po natagalan ako," paghingi ng paumanhin ng lalaki na ngayon ko lang nakita at inabot nito ang susi ng sasakyan kay Red.
"It is okay, David," sagot naman niya rito at kinuha sa akin ang mga gamit, saka inilagay sa compartment. "Get in," utos niya na agad kong ginawa.
Habang nasa daan kami ay hindi ko maiwasan na sulyap-sulyapan siya maging ang mapupulang labi niya na dumampi sa mga labi ko kanina.
Ang sarap sigurong magpakalunod sa mga halik mo sa buong magdamag, Red.
"Do you want to kiss me again, woman?" Awtomatiko akong napamulagat sa sinabi niyang iyon sa akin kaya't napaiwas ako ng tingin.
"H–hindi!" depensa ko ngunit nakita ko sa sulok ng mga mata ko ang pagngisi niya.
"Was your craving has been satisfied?" tanong niya at parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. "Answer me, woman."
Kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya dahil siguradong may masasabi siya sa kahit ano pang isagot ko. Isa pa, kahit gusto kong umamin na hinahanap-hanap ko na ngayong mga sandaling ito ang lambot ng mga labi niya, hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin nang hindi tinatamaan ng hiya at takot.
"H–hindi. Hindi naman kasi m–matagal kaya hindi ko sigurado," nasagot ko na hindi ko alam kung saan ba nanggaling. Gulat na gulat talaga ako madalas sa mga lumalabas sa bibig ko.
"So you want it longer?" aniya at napalingon ako sa kaniya. Seryoso ang tingin niya sa daan.
"H–hindi sa gan'on—"
"Shall I give you a lesson how to kiss? You clearly don't know how to kiss," putol niya sa akin at may sumilay na ngisi sa mga labi. "Was I . . . your first kiss?"
"HINDI AH!" Hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong sumigaw at mas lalong hindi ko alam bakit ko ginawa iyon.
Nawala ang ngisi sa mga labi niya at nakita kong unti-unting nagdilim ang awra niya na para bang hindi magandang pangitain iyon para sa akin.
"R–Red," tawag ko sa kaniya. Nagwawala na ang puso ko sa matinding kaba.
"You do know how to make me fucking jealous," aniya at nagulat ako r'on.
Mula kanina pa sa resort ay sinabi na niyang pinagseselos ko siya kahit wala naman akong ginagawa. Isa pa, hindi ko alam kung bakit tahasan niyang inaamin sa akin na nagseselos siya.
"T–totoo bang nagseselos ka?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.
Naramdaman ko na tila mas bumilis ang takbo ng sasakyan kaya't lalo yata akong nilamon ng kaba.
"Shall I make them fucking suffer?" Napalunok ako ng sunod-sunod sa sinabi niyang iyon. "I am not good with diplomacy, woman. If they can't stay the fuck away from you, I will make them do."
"Red—"
"I couldn't control myself whenever you are fucking around me, woman, and . . ."
"Huh?"
". . . don't lie to me. I know I am your first kiss. I am not dumb enough to believe you that I wasn't," aniya at muli na namang sumilay ang ngisi sa mga labi niya kaya't hindi ko maiwasang mapanguso.
Nagkakaroon na yata ako ng bipolar disorder dahil sa kaniya.
"Tapos hindi mo man lang tinagalan nang kaunti," bulong ko na alam kong sapat lang para ako lang ang makakarinig.
"Don't worry. The next time I will claim your lips, I will go all the way. Your whole body will feel my lips running through your every skin. Believe me, Mrs. Allen. My lips and kisses will make you insane."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top